Apat Na Taon

.Apat na taon nang nagtratrabaho ang aking asawa sa kasalukuyan niyang kumpanya. Masipag at matiyaga ang aking mister kaya’t madali niyang naabot ang pwestong manedyer ng kanilang departamento. Alam ko na naghahangad pa siya ng mas mataas na posiyon kaya’t tudo ang suporta ko sa pinakikita niyang sigasig sa trabaho. Hindi nga nagtagal at ay masaya niyang ibinalita na isa siya sa pinagpipilian na e-promote ng kanilang kumpanya.

Merong tatlong buwang evaluation period upang malaman kung sino ang dapat italaga bilang kapalit ng isang mag reretirong Branch Manager. Sa tatlong buwang palugit dapat ipakita ng mga kandidato ang kanilang kakayanan at abilidad upang masungkit ang posisyon. Lalong naging subsob sa trabaho ang aking mister. Bilang tulong alaga ko siya sa suportang moral, gusto kong ipakita na nasa likod lamang niya ako sa lahat ng kanyang pakikibaka.

Isang Lunes binalita ng aking mister na meron daw imbitasyon ang kanyang boss sa isang hapunan na gaganapin sa araw ng Biernes. Hindi naman pormal ang pagtitipon kaya’t walang problema sa damit na susuotin, gusto lamang daw ng big boss na makadaupang palad ang mga kawani at ang kanilang mga misis syempre kasama na rin ako doon. Ewan ko ba pero excited ako sa gaganaping dinner party na gaganapin sa mismong bahay ng big boss na siyang may ari ng kompanya. Balak kong suotin ang pinaka maganda at pinaka seksi kong kasuotan. Syempre gusto kong talbugan ang lahat ng mga misis na dadalo sa pagtitipon.

Araw ng Biernes, nalula ako sa rangya at laki ng bahay ni Mr. Yap sa isang marangyang subdivision sa may Ortigas. May karamihan ang tao pero bale wala ito sa malawak na bakuran ng Mansion. Sa unang pagkakataon nakita ko ng personal si Mr. Yap, sa idad niyang 46, hindi mo aakalaing siya ang pinaka big boss ng ilan sa naglalakihanng kompanya sa Metro Manila. Kaswal na kaswal ang kanyang kasuotan, isang rugged jeans na tinirnuhan lang ng isang mamahaling polo shirt. Sa tayo at tindig ni Mr. Yap kitang kita ang pagka simpatiko nito. Maganda ang pangangatawan na halatang alaga sa gym. Pino ngumiti at parang laging nangungusap ang mga mata kung tumingin. Sa buong gabi ng pagtitipon, makailang ulit ko rin nahuhuling sinusulyapan ako ni Mr. Yap. Sino ba naman ang hindi mabibighani sa taglay kong ganda at kaseksihan, sa idad na 27 mukha pa rin akong dalaga, hindi halata na meron na akong dalawang anak.

Lumipas ang ilang araw matapos ang pagtitipon, naaalala ko pa kung ano ang sinabi sa akin ni Mr. Yap habang kinakamayan ako “So you are Mrs. Manalo, nice to meet you, you’re so pretty hah, swerte si Gary sa iyo” sabay tawa at tapik na balikat kay Gary na asawa ko. Kaswal na kaswal ang pagkasabi ng kanyang papuri pero may dating sa akin. “pilyo!” sa isip isip ko, napapangiti nalang ako sa t’wing maaalala ko.

Lumipas ang dalawang buwan, kritikal daw ang labanan sabi ng asawa ko, dahil ang dalawang pinakamahigpit niyang kalaban ay nakakapuntos sa bilang ng taon sa kumpanya, bagama’t bata pa sa edad na 35 ang aking mister di hamak namang mas magaling ito at matalino kaya nga lang ay halos mahigit apat na taon palang ito sa kumpanya at medyo kapos pa sa pagdikit o pagsipsip kay Mr. Yap.

Pumasok ang huling buwan ng evaluation, nahalata ko na hindi mapakali ang aking mister. Parang lagi itong nenerbyos o nababalisa. Naaawa ako sa kanya kung may maitutulong nga lang ba ako para masigurado ang kanyang promosyon bakit ang hindi. Doon ko naisip si Mr. Yap, ano kaya’t makiusap ako sa kanya baka sakaling makatulong. Pero dapat ay hindi alam ng mister ko dahil kilala ko ang aking asawa, ma prinsipyo at ma dignidad, hindi niya matatanggap na na promote siya dahil lamang sa aking pakiusap sa kanyang big boss.

Nagawan ko ng paraan na makipagkita at makausap si Mr. Yap, subalit isang bagay lang ang aking dapat gawin upang masigurado ang promosyon ng aking asawa, isang gabi sa piling ng kanyang big boss!

Hindi ko alam na ganon ka prangka at ka agresibo si Mr. Yap. Sa kunting minuto ng aming pag uusap nagawa kaagad niyang ilahad ang kanyang nais sa akin, ang matikman ang aking alindog na bumighani sa kanya nang minsan niya akong makita sa pagtitipon.

Hindi ako pumayag sa kanyang kagustuhan, hindi ko kayang pagtaksilan ang mahal kong asawa. Lumipas ang mga araw huling linggo na ng evaluation, napansin ko na halos hindi na natutulog ang aking asawa dahil sa tensyon. Naaawa ako sa kanya dahil alam ko na ang promosyon ang pinakamimithi niyang pangarap- abot kamay na, sayang kung mawawala pa.

Dahil sa labis na pagmamahal ko sa aking asawa, pikit mata na akong nag desisyon, pumayag na akong makipag one night stand kay Mr. Yap! Upang maisakatuparan ang lahat, pina attend ng conference ni Mr. Yap si Gary sa Cebu at presto meron nang oras na nakalaan para sa aming dalawa ni Mr. Yap. Unang gabi na wala si Gary, hinabilin ko muna ang aking mga anak sa kanilang yaya at nagsinungaling na pupunta ako sa isang midnight sale sa Uniwide.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *