Ikaw Ang Kakainin Ko

Tinawag ko ang secretary ko at sinabi kong lalabas ako ng maaga mamaya dahil me pupuntahan akong meeting “yes sir, ipaalam ko sa buong staff ng banko” sabi nito at agad na lumabas ng opisina ko. Kumpare ko si teddy inaanak ko ang isa sa mga anak nito, classmate ko siya nung college laking bacolod din pero dito na nakapag-asawa at me dalawang anak na nasa elementarya pa ito. “ano kaya ang kailangan ni teddy?” tanong ko sa sarili ko at nung tingnan ko ang oras mag-aalas tres na pala kaya niligpit ko ang mga gamit ko at lumabas ng opisina at nagpaalam sa buong staff na lalabas na ako at nagbilin pa ako ng instructions sa assistant manager bago ako lumabas ng banko.

“ted baka ma late ako ng konte hintayin mo lang ako dyan” text ko sa kanya habang binabaybay ko ang daan patungong jollibee “ok lang pre hintayin kita” reply nito sa akin. Alas tres y media na ako nakarating at nakita kong umiiom ng kape si ted sa me bintana ng store “pare! musta kana?” tanong ko sa kanya sabay upo sa harap nito “ok lang pare” sagot nito na tingin ko me problema talaga ito “teka lang ted, pare walong taon na tayong magkakaibigan kilala na kita” sabi ko sa kanya “haayy… meron nga pare, na huli na ako ni missis” sabi nito sa akin habang nakatingin sa bintana. “ha?! anong nangyari?” gulat na tanong ko sa kanya “tsk! di ko alam pare basta nalang nalaman niya yung tungkol sa amin ni amy” “shit! teka, (tiningnan ko siya ng maayos) parang wala ka atang pasa?” tanong ko sa kanya “hahaha ulol! di naman ganun ka bayolente ang missis ko” sagot nito sa akin “kako nabogbog ka or pinabogbog ka sa mga kapatid nito” “di naman pare” sagot nito.

“so ano? saan niya nalaman?” tanong ko sa kanya “well, kilala mo yung kapatid niyang si ada?” tanong niya sa akin “oo, bakit?” “nakasalubong ko kasi sa mall noong isang linggo, ang pagkakaalam ni missis nasa bacolod ako noon kasi sinabi ko me sakit ang tiyo ko pero alibi ko lang yun kasi si amy nanlalambing at wala na daw akong oras sa kanya” kwento nito. “kinakabahan na nga ako dahil nung nakita kami ni ada magkayakap kami ni amy noon at kitang-kita ko na nanlaki ang mata niya at biglang tumalikod ito at nung sinundan ko nakita kong kinuha nito ang phone at parang me tinawagan kaya yun, hinatid ko si amy sa kanila at umuwi ako ng bahay na nakapatay ang lahat ng ilaw at walang tao” sabi nito sa akin. “tsk tsk tsk, tapos?” “yun wala na si missis sa bahay at dalawang anak ko nung dumating ako at mga bandang gabi noon narinig ko na me kotsing pumarada sa harap ng bahay si missis umuwing mag-isa wala ang mga bata” patuloy nito.

“inaway ka?” tanong ko sa kanya “yun nga pinagtataka ko pare eh, walang sigaw or ano mang iyak na usually ginagawa niya tuwing mag-aaway kami o me problema kaming dalawa. kalmado lang siya at parang walang masamang balita na natanggap noong araw na yun” sabi nito na pati ako nagtaka dahil sa inasal ng asawa nito “pare, di kaya, me ibang? alam muna” sabi ko sa kanya “wala pare eh, walang ibang lalake si missis kilala ko yun” sabi nito sa akin na napakamot sa batok nito. “at ang pinagtataka ko pa lalo ay niyaya akong makipagsex” “ha?!” “oo, niyaya akong magsex ng gabing yun at pinagbigyan ko nga siya at nung matapos na kami hinihintay ko lang na banggitin or pag-usapan namin ang pagkakaroon ko ng kabit” sabi nito sa akin. “teka lang, parang unusual nga yan pare at ang weird” sabi ko sa kanya “ito pa, siya pa mismo ang gumawa lahat na di na niya ginawa simula nung ipinanganak yung panganay namin” dagdag nito.

“pare parang hehehe pinapakita ni mare na magaling pa siya kesa kay amy” pabirong sabi ko sa kanya na tumingin lang ito sa akin at huminga ng malalim sabay sabing “di yun eh, matapos naming mag sex me sinabi siya sa akin na kinagulat ko at di makapaniwala hanggang ngayon” sabi nito sa akin sabay yoko ng ulo niya “ano? maghihiwalay na kayo?” sabi ko sa kanya habang nakatingin lang ako sa kanya “di pare, hindi yun” sagot niya “ano pala?” “ano pare, gusto din niyang ano.. yung haayyy…since meron daw akong ibang kinakama gusto din niya para patas kami.. maikama siya ng iba” sabi nito sa akin na kinagulat ko nalang “ha?! nababaliw na ba siya?!” gulat na sagot ko na napansin kong nakatingin na sa amin yung ibang mga tao. “sorry…” sabi ko sa kanila “teka lang pare paano yan?” bulong ko sa kanya “di ako pumayag” sabi nito.

Pages: 1 2 3 4 5 6 7