Libog Na Lang Ang Kulang

Masaya sa CCP complex tuwing sabado o linggo. Central ang location kaya’t madaling puntahan: nilalakad lang ng mga taga Malate at Pasay, mayroon din mga nagbibisekleta, may naka-jeep at yung mga sosing, may dalang auto.

Masaya dahil meron apat na grupo ng aerobics. Sari-saring tao and sumasali: bata, matanda, babae, lalaki, mga mag-asawa, magsyota, magbabarkada, magkaka-opisina. Pero karamihan ay mga babaeng middle age na at tipong napabayaan ang katawan.

Ganun din sa mga lalake, karamihan ay malalaki ang tiyan. Ngunit meron din mga nasa kasagsagan ng kabataan at talaga namang sexy pa. Biente pesos lang ang bayad sa isang session. Yung ibang sumasali ay pasulpot-sulpot lang. Meron din namang mga regular ang punta.

Masaya ang mga regular na sumasali sa aerobics dahil sa kalaunan ay nagiging magkakakilala. Masarap and kwenuhan habang hinihintay ang instructor; at paminsan-minsan, pagkatapos ng session, masaya rin mag-almusal ng sabay-sabay sa mga fastfood doon – kkb nga lang.

Masaya magpapawis sa aerobics dahil nakakaindak ang mga tugtog; at higit sa lahat, nakakaenganyo sumabay doon sa mga bigay-todo at high energy kung mag-exercise. Tulad nila Jake at Sheila.
Si Jake ay mestisohin, malinis tignan at palangiti.

Matangkad: six-footer, matipuno at maskulado ang katawan ngunit hindi bato; mabilis ngunit swabe kung kumilos. Parang lumulutang sa aere. Sya ay 31 years old, mechanical engineer at may sikat na talyer ng mamahaling auto sa isang high end subdivision sa Las Pinas. May asawa pero walang anak – buti nalang dahil hiwalay na sila ng mises nyang nurse na piniling magtrabaho at tumira sa New Jersey, USA.

Minabuti ni Jake na di nang mag-asawa muli para walang kumplekasyon sa buhay; tutal meron na mang syang girls na friends with benefits. Extreme outdoor sports and libangan nya sunod sa mga sasakyan. Kaya tuwing sabado naka bike syang pumunta sa CCP para mag aerobics. Pangcondition at preparasyon kung sya ay may extreme game knabukasan ng linggo.

Si Sheila naman ay 28 years old; mahusay na investment consultant ng isang multinational company sa makati. 5’8” ang height kaya makatawag pansin. Hugis puso ang kanyang mukha, malamyo ang mata, mapanukso ang labi, at mahaba ang buhok. Seksi at parang ramp model kung lumakad. Dati ay ka-live-in nya ang boyfriend na si Arman. Kababata nya ito sa Zambales. Pareho silang anak mayaman at magkaeswela mula pa ng elementary. Naging magkasintahan noong sila ay 3rd year high school.

Isang taon matapos grumaduate sa college at parehong nagkatrabaho ay nagsama na. Maligaya sa sumila ngunit nitong taon ay malaki ang pinagbago ng nobyo. Nagsimula nang ito ng dinaipasa ni Arman ang kanyang CPA licensure board exam – eh take two na. Tyempo naman na-promote sa trabaho at mas malaki na ang kinikita ni Sheila. Napraning; naging masungit at siloso si Arman lalo na pag-ginagabi ng uwi si Sheila galing sa mga social functions ng office.

Naipon ng husto ang sama ng loob ni Sheila laban sa boyfriend. Ok lang sa kanya na ang nobyo ay tumaba na parang botete. Pero ang mas mabigat na naging frustration nya ay ang kanilang sex life. Laging bitin si Sheila dahil mabilis labasan si Arman, at pagkatapos ay natutulog na. Bihira maka orgasm si Sheila – at kundi pa sya magsasariling sikap. Pinagtapat nya ito sa kasintahan sa akalang ito ay mauunawaan at maayos ang kanilang problema.

Pero lalu lang nasira dahil pinagmumura lang at muntik pang saktan si Sheila ni Arman. Kaya ayun, nagpasyang bumili ng sarileng condo apartment si Sheila at tuluyan ng hiwalayan ang kababatang kasintahan. Sa CCP Aerobics nagkakilala si Jake at Shiela. Mahigit isang taon na bago pa magsarile si Sheila. Sa unang pagkikita pa lang ay may namuo nang paghanga sa isa’t-isa. Pero pareho silang dinagpapahalata at nagtitimpe kahit na sila’y tinutukso ng mga kasama at pilit na nirereto.

Si Jake ang mabilis na umiiwas lalo na pagkasama ni Sheila si Arman na dimaitago ang pagseselos. So walang nangyaring development sa relasyon ni Sheila at Jake. Liban lang ng minsan lang nagkataong at nagkasabay na nag-almusal na silang dalawa lang sa Jollibee. Nag enjoy sa kwentohan, minsan ay di sinasadyang nagbabangga ang tuhod o hita sa ilalim ng mesa.

Parang may bulkang sumasabog pag nagtatagpo ang balat at laman. Todo tawa at game na game na nagpapalitan ng green jokes. Nagtititigan o kaya’y bumubulong para disimuladong malanghap ang bango ng isa’t-isa. Nakababaliw ang pagtitimpi, lalu lamang tumitindi ang pagnanasa. Wala, hanggang doon lang. Hanggang lumipas ang mga araw na naging mga buwan.

Pauwi na si Jake gamit ang bago nyang assemble na mountain bike. Hihintayin at sasabayan nya sana si Shiela sa pag-uwi dahil napansin nyang naka-bisekleta din ng dumating. Ngunit nang di na nya ito nakita pagkatapos ng session, nakipagchikahan muna sya sandali sa mga kagrupo. Pagliko nya sa may gilid ng PICC, may namataang pamilyar na babae sa unahan at di kalayuan. Si Sheila, nakatabi ang bisekleta sa sidewalk at tipong galit na galit nang sya ay disinakay ng pinarang taxi. “Ayos, tiempo!” napangiting naisip ni Jake, at sabay karipas ng pajak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *