Nangati Ng Hawakan

Dahil sa galit ni Tess kay Pol makaraang malaman niya ang tungkol sa kinalolokohan nito na GRO, hindi na niya pinayagan pa na makauwi sa kanilang bahay ang asawa. Napilitan tuloy si Pol na doon na lamang pansamantalang mag-stay in sa construction site. Sa tulong ng mga baryang ipinahihiram sa kanya ng mga kaibigan niya, doon na siya nagluluto at kumakain. Lagi siyang malungkot at walang kibo. Lalo pang lumala ang kondisyon ni Pol at parang unti-unti na siyang tinatakasan ng bait nang malaman nito na niloko lang pala siya ni Neri. Ayon sa isa niyang kaibigan na syota naman ng kaibigang GRO ni Neri,hindi daw toto na may sakit ang ama ni Neri. Ginamit umano nito ang pera para ipampiyansa sa ka-live in nito na nakaaksidente ng bata. Taxi driver daw ang boyfriend nito at patay ang nabangga nito kaya nangailangan ng malaking halaga.

Dahil doon, isang maitim na balak ang pinlano ni Pol. Inalam niya ang tirahan ng magka live in at pagkatapos ay itinaon niya sa araw ng Linggo ang ginawa niyang pagpatay sa dalawa sa loob mismo ng bahay nila. Isinakay niya ang mga bangkay nina Neri at ng ka live in niyang driver sa taxi at pagkatapos ay dinala niya iyon sa construction site na kanyang binabantayan. Inihulog niya sa mixer ang mga bangkay at pagakatapos ay nilagyan niya iyon ng anim na supot na semento, buhangin, graba at tubig. Habang umiikot ang mixer ay umupo naman siya sa nakatambak na graba sa harap ng makina.

Para siyang baliw na lumuluha pero nakangisi naman. Pinahinto niya ang mixer nang matiyak nang maayos na ang pagkakahalo ng semento. Umaga na nang matagpuan ang mga bangkay na nakasemento sa loob ng mixer. Si Pol ay inabutan nila nakaupo pa rin doon at nagsasalita na mag-isa. Ang puso, kapag inalagaan mo sa pag-ibig,ito ay magiging sinalambot ng bulak…subalit kapag iyong sinaktan…ito’y kahalintulad ng bato…matigas…malamig…at walang pakiramdam!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *