Sagad Sa Hayok

“Tarantado ka! Bakit mo pinabayaan ang bahay?! Tingnan mo, sobrang dumi doon sa labas!” sigaw ng mabangis kong amo na si Mr. Santos sabay suntok at tadyak sa iba’t ibang parte ng aking katawan. Ganito ang sinapit ko araw-araw. Nag-almusal ng gulpi mula almusal hanggang hapunan. Nabusog ang aking katawan ng mga pasa.

Hindi ko naman magawang lumaban sa kanya sa takot ko na tuluyan niya akong patayin.

Hindi ko alam kung bakit ganu’n kung magmaltrato si Mr. Santos sa akin.

Kahit wala akong kasalanan, lagi niya akong pinagbintangan.

Minsan, binalak ko nang tumakas pero ewan, bakit nasa kanila pa rin ako. Kapit sa patalim kas ako. Kailangan ko kasi ng pera para ipadala sa probinsya.

Binata ako at kailangan kong tulungan ang aking mga magulang.

Baguhan lang ako kina Mr. Santos.

Noong una, maganda naman ang pakikitungo niya sa akin.

Katunayan, siya pa nga ang nagsundo sa akin nung dumating ‘yung barko galing probinsya kung saan ako nakasakay.

Hindi ko pa nga malilimutan na kasama niya nun ang maganda at seksi niyang misis na si Ma’am Leah.

Nung una, kung magpunta si Mr. Santos ay naroon din ako. Lagi niya akong kasama.

Kung ano ang kinakain niya ay ‘yun din ang kinakain ko.

Subalit makalipas ang anim na buwang pagseserbisyo ko sa kanila ay naramdaman kong hindi na siya si Mr. Santos na nakilala ko noon.

Kaunting pagkakamali ko lang ay gulpi agad ang inabot ko sa kanya.

Si Mr. Santos ay 31-anyos pa lang, anak siya ng pamilyang mayaman dahil sa malalaking negosyo niya.

Isa siya sa mga nag-aasikaso sa mga kalakal ng kanyang mga magulang.

Si Ma’am Leah ay halos magka-edad lamang kami. Siya ay 27-anyos pa lang.

Mas matanda lang ako ng dalawang buwan sa kanya.

May anak na sila ni Mr. Santos. Babae ito at kasalukuyang nag-aaral sa isang sikat na pribadong paaralan sa Makati City.

Nakatira sila sa isang kilalang village sa nasabing lungsod.

Anim ang kanilang katulong at tatlo kaming boy nila.

Maganda naman ang pakikitungo ng mga amo ko sa mga kasamahan ko maliban lamang sa akin.

Kung noong una ay mabait din sa akin si Ma’am Leah, kung ano ang pakikitungo sa akin ngayon ni Mr. Santos ay ganu’n na rin siya sa akin.

Nakatikim na rin ako ng kaliwa’t kanang sampal mula kay Ma’am Leah.

Hindi ko mawari sa aking sarili kung ano ba talaga ang pagkakamali ko.

Kung tutuusin, maaga naman akong naglilinis sa labas ng kanilang bahay at kung minsan pa nga ay nakalimutan ko nang kumain dahil sa pagsisikap kong matapos ang aking ginagampanang trabaho.

Pero, ewan, bakit ganu’n?

Habang patuloy na gumugulong ang araw, natuklasan ko na tuwing mainit pala ang ulo ni Mr. Santos ay ako ang kanyang nabalingan lalo na kung may problema siya sa negosyo nila.

Si Ma’am Leah naman ay kapag galit siya sa mga kasamahan kong katulong at boy, ako rin ang kanyang napagbuntungan.

Pakiramdam ko ginawa na nila akong punching bag.

Isang gabi, mahimbing akong natutulog sa aking kuwarto.

Sarap na sarap ako sa pagtulog ko dahil napanaginipan ko noon si Ara Mina na magkasama raw kami.

Bagama’t panaginip lamang iyon ay masaya na rin ako dahil nakapiling ko ang iniidolo kong artista.

Bigla akong naalimpungatan nang may biglang humawak sa aking buhok at hinatak ako palabas ng aking kuwarto at pinaggugulpi ako ni Mr. Santos.

Ang sabi ni Mr. Santos, hindi ko raw pinakain ang alaga nilang aso na kung tutuusin ay pinakain ko naman.

Namaga ang nguso ko maging ang aking mga mata.

Wala akong magawa.

Gusto ko mang magreklamo sa pulisya subali’t alam kong mananaig pa rin si Mr. Santos dahil gagamitan nila ng pera para lamang makalusot sila.

Naawa na nga sa akin ang mga kasamahan ko dahil sa sinapit ko sa mga kamay ng aking mga amo.

Makalipas ang isang linggo, pinatawag ako ni Ma’am Leah.

May importante raw siyang sasabihin, ayon sa aking kasamang boy.

Pero bago ako sinabihan ng kasama kong boy ay binulungan na niya ako na galit na galit daw si Ma’am Leah.

Nangangatog ang mga tuhod ko nang magtungo ako sa kuwarto ni Ma’am Leah.

Napansin kong siya lang mag-isa sa kuwartong iyon.

“Nabalitaan kong ninakaw mo raw ang alahas dito sa drawer ko!” sa tuno pa lang ng pananalita ni Ma’am Leah ay galit na galit na.

Para nang aso na gusto nang mangagat.

“M-ma’am Leah, hindi po totoo ‘yan. Hindi po ako marunong magnakaw,” pangangatuwiran ko.

Pak! Pak! Pak! Pak!

Biglang nagdilim ang paligid at nakakita ako ng mga bituin nang dumapo ang mga palad ni Ma’am Leah sa aking mukha.

“Sinungaling! Magnanakaw ka! Magnanakaw ka! Um! Um! Um!” galit na galit na sabi ni Ma’am Leah sa akin habang pinagsasampal ako.

Pakiramdam ko ay parang nilagyan ng sili ang buong mukha ko dahil sa sobrang hapdi.

Pages: 1 2

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *