Tagalog Sex Stories Lorraine Part 2

Dahil sa nangyaring iyon ay naging mas makulit na si Alvin. Gusto na talaga nya ng sex. Na palagi namang tinatanggihan ni Lorraine dahil sa di pa daw sya handa.

Naulit muli ang pagblow job nya dito. Pero yun na ang huli. Dahil pinilit sya ng binatang magsex. At umabot pa sa puntong pinuwersa siya ni Alvin at muntik pa syang gahasain nito. Dala na rin siguro ng pananabik at sobrang libog.
Sa pagkabigla naman Lorraine ay nasampal nya ang binata na nagpabalik naman agad sa katinuan nito.
Agad syang nagbihis at lumabas ng apartment ng binata.

Biyernes muli nang mangyari yon. Dumaan ang Sabado at Linggo na walang paramdam ang binata.

Lunes. Di alam ni Lorraine kung pano haharapin si Alvin. Di nya alam kung sino ba sa kanila ang may maling nagawa.
Natapos nya ang unang mga klase nang di sila nagkita ng binata.
Dumating ang tanghalian. Nagpunta sya sa canteen para kumain. Pagpasok pa lang nya ay nakita agad nya si Alvin. Nakaupo kasama ang ibang teachers. Nakikipagkwentuhan.

Napalingon sa kanya ang grupo nito. Nagbiro pa nga ang isa.

“O, ayan na pala yung kapares ng love bird.”

Napangiti si Lorraine at napatingin kay Alvin.
Nakatingin din ito sa kanya pero agad na nagbawi. Nakaramdam ng hiya si Lorraine.

Dumiretso na lang sya sa loob at bumili ng makakain. Tapos ay bumalik sa class room nya at doon na nananghalian.

Lumipas pa ang ilang araw na walang pansinan ang dalawa. Nakahalata na rin ang ibang guro pero di ba sila nagtanong pa.
Hanggang isang araw na lang ay nadatnan nya sa canteen si Alvin. Kasama ang isa pang dalagang guro at masayang nag uusap.

Nang tumagal pa ay halata na ang pagkakalapit ng dalawa. Parang sila nung una.
Ilang beses rin nyang nakita ang dalawa na sabay lumabas ng eskwelahan.

Galit na galit si Lorraine nun. Pero wala naman syang magagawa. Di naman talaga naging sila. Nagamit sya at hinayaan nya.

Naging mahirap sa kanya ang pagpasok araw araw dahil araw araw nya rin nakikita ang dalawa. Di na talaga sila nagpansinan ni Alvin. Ni hindi na nga sya tinitingnan nito.
Ang masaklap pa ay alam nya na pinag uusapan sya ng ibang mga guro. Hiyang hiya sya sa sitwasyon nya.

Wala syang mapagkwentuhan at mapaglabasan ng hinanakit dahil nahihiya sya sa nangyari. Kaya isang gabi ay naisipan nyang maghanap ng isang chat site. Sa paghahanap ay napadpad sya sa isang site kung saan ang mga miyembro ay nagbabahagi ng mga sex stories.
Nagregister sya at sumali sa chatroom ng site.
Mababait naman pala ang mga tao dun. Inaasahan nya kasi na puro kabastusan lang ang sasalubong sa kanya. Pero di naman pala.
Very welcoming at friendly ang mga chatters dun. Habang nagkukwentuhan sila ay di nya naiwasang mabanggit ang nangyari sa kanila ni Alvin.
Natuwa sya at nabawasan ang bigat ng damdamin lalo na nang makisimpatya sa kanya ang mga bagong kaibigan. May mga payo syang natanggap at mga salitang nakakagaan ng pakiramdam.

Sa mga bagong nakilala sa site na yun, may isang namumukod tangi para sa kanya. Ang pinakamakulit at pinakafriendly. Si Kenneth.
Binisita nya ang profile nito at mas naging interesado pa sya dito.
Sinubukan nyang i-PM ang lalaki at doon na nga nagsimula ang magandang pagkakaibigan ng dalawa.

Nagkabigayan sila ng numbers at madalas din silang magkachat sa YM. At sa tuwing nasa YM sila ay madalas hilingin ni Kenneth na kantahan sya ni Lorraine.

Lumipas ang mga araw, linggo at buwan. Nagkamabutihan ang dalawa. Naging sila na kahit di pa man sila nagkikita sa personal.
Nalimutan nya ang masamang alaala nya kay Alvin. Balewala na rin sa kanya pag nakakasalubong nya ito. Di na sya apektado.
In love na nga sya sa taong di nya pa nakakasama.

Hanggang isang araw ay may isang dating kaklase na nagmessage sa kanya sa facebook. Sa pag uusap nila ay naikwento nito na sa isang unibersidad na ito nagtuturo. At nangangailangan daw sila ng english instructor. Sinigurado nito na qualified sya at matatanggap dahil kailangang kailangan nila.

Kinabukasan din ay nagfile si Lorraine ng resignation sa pinagtuturuang paaralan. Lumuwas agad sya sa Maynila at nag apply sa unibersidad ng dating kaklase. Makalipas ang ilang araw ay nakatanggap sya ng tawag mula rito at sinabing tanggap na sya.

Agad syang umuwi sa kanila para kunin ang mga gamit nya pagkatapos ay muling bumalik sa Maynila. Nasa Maynila rin ang kapatid nya at asawa nito kaya wala syang proproblemahin sa titirahan.

Habang nasa bus paluwas ng Maynila ay di nya maiwasang maexcite. Maituturing na bagong buhay ang tatahakin nya ngayon. Buhay na mas malaya at wala sa poder ng mga magulang.
Nasa ganito syang pag-iisip nang huminto ang bus. Nasa terminal na sila.

Pagbaba nya ay bumigay at napigtal ang hawakan ng bag nya dahil sa bigat ng laman nito. Sumabog sa semento ang mga damit nya at iba pang mga gamit.
Tinginan ang ibang pasahero at iba pang tao. Pero walang tumulong.
Isa-isa nyang dinadampot ang mga gamit. Nangangalahati na sya nang may isang lalakeng yumuko at nakidampot ng gamit nya. Tumingala sya. Napatingin din ito sa kanya at napangiti. Napangiti rin sya.

Tuloy-tuloy sila sa pagdampot at pagbabalik ng gamit nya sa nasirang bag nang di nagbabawian ng tingin.
Nang muli syang yumuko ay nagulat sya at namula. Nakita nyang isa sa mga panty nya ang hawak ng lalake.
Napayuko din ang lalake at nakita kung anong hawak nya.
Agad na hinablot ni Lorraine ang panty nya at isinilid sa bag. Pulang pula ang mukha nya.

Pages: 1 2 3