Valentines Day

ni Francis

Valentine ’s Day, syempre pa, araw ng mga nagmamahal…eh pano ang mga
singles, just like me? Simple lang naman ang solution jan eh,
maglasing ka…hahaha…well, that’s what I did…

Feb. 13, Friday nun, napagkasunduan namin ng mga ka officemates ko na
gaya ko ring mga single na group date na lang kami pra naman kahit
papano may date ka sa araw ng mga puso…(ako nga pala ang pinakabatang
manggagawa sa opisina namin…usually mga matatanda na ang mga kasamahan
ko, yong iba pa nga, mga magulang ng mga kaklase ko nung high school
at yong isa naman ay ina ng kabarkada ko…, pero meron din naming mga
nasa late 20’s at early 30’s, 4 kaming mga single sa opisina, so
basically 4 kaming magde date…isang babae at 3 kaming lalaki…) we
planned it well na hindi kami magmukhang kawawa…hahaha…so
napagdesisyonan namin na sa bahay na lng isang kaofficemate namin,dun
sa babae kasi baka malasing kami, well safe na ang babae, bahala na
lng kaming mga lalaking uuwi…hehehe…

Feb.14, the day that most lovers looked forward…pagkagising ko pa lng
nun, around 9am, (kasi wlang work, so natulog talaga ako) medyo balisa
ako kasi na isip ko ang ex-girlfriend ko kasi, it was Feb.14, 2004
nung sinagot nya ako infront sa parents nya… hahaha… naisip ko tuloy,
had I not been so stupid and kung hindi lang nakarating sa kanya ang
balita (ikukwento ko ito next time), at kung naging faithful lang ako
sa kanya at hindi pina iral ang libug ko, siguro kami pa rin ngayon or
like kinasal na kami at bumuo na n gaming pamilya… but I have to
accept na lang na we will never be together again at past na kami,
kailangan kong libangin ang sarili ko,sabi ko sa sarili ko… so naligo
na ako, uminum ng juice (hindi ako umiinum ng coffee) at umalis ng
bahay, bumili ng white roses at dinalaw ko ang puntod ni papa sa
cemetery… kahit papano, it naibsan ang pagiging balisa ko while
talking to my father… medyo mainit na sa memorial park kayat umalis na
rin ako at tumungo sa bahay ng mama ko…pagdating ko dun, buti na lang
nakaligo na si mama at nakabihis na rin, parang may lakad sya..” ma,
san ba date nyo ngayon bat parang bihis na bihis ka ah?” tanong ko kay
mama… “pupuntahan ko si papa mo, ikaw ba hindi sasama sa akin sa
memorial?”balik na tanong ni mama sa akin…”galing na po ako dun ma,
mainit ngayon mamayang hapon na lang po kayo pumunta dun pra hindi
masyado mainit” sagot k okay mama…at pumayag naman sya…naisip ko na
saying naman ang binihis ni mama kung wala syang lakad kayat I invited
her to have a lunch date with me…at pumayag naman sya…dun ko sya
dinala sa buffet, kasi alam ko dati usually pag nagde date si mama at
papa sa buffet talaga sila pumupunta… after the lunch, nagpasalamat si
mama sa akin at kinatuwa ko naman ito dahil napasaya ko si mama kahit
wala na si papa…umalis kami sa resto around 2pm na cguro…at hinatid ko
na si mama sa bahay nila, nagpaalam naman ako na may DATE ako at
kelangan ko ng umalis…bago ako nakalabas sa bahay, narinig ko pa si
mama na nagbibiro ng baka raw mabuntis ko ang date ko, ok lng daw sa
kanya,gusto na rind aw nyang Makita apo nya sa akin…tinawanan ko lng
sya at umalis na ng tuluyan sa bahay nila mama…

Deretso na agad ako sa bahay ng babae kong ka officemate…pagdating ko
dun, yong papa nya ang sumalubong sa akin at pinapasok nya ako sa
bahay nila (close kami ng babae kong ka officemate, usually tumatambay
rin ako sa bahay nila pag walang magawa kayat kilala na ako dun sa
bahay nila,para na rin part ako ng pamilya nila at hindi na bisita)…
nakita ko si ate beng, lets call her that, na nagluluto ng patutim (o
patutin, ewan anong tawag dun basta alam ko pato yon, usually sa mga
ilonggo ito eh, ilonggo sila, ilonggo papa ko pero first time ko
makakain nun) tinulungan ko sya kasi parang di nahihirapan sya sa
kanyang ginagawang pagluluto kasi may niluto/ ginawang kinilaw…ako na
ang nagtimpla sa kinilaw…well, after nun na naprepare na yong foods
namin, ilang saglit lng ng dumating na rin yong 2 lalaking ka
officemate ko, si kuya mel, at kuya bong (well, obvious na hindi nila
totoong pangalan dba, baka matrace pa ako,hehehe, I call them kuya at
ate sa office kasi nga ako yong bunso sa office, respeto sa mga
nakakatanda..hahaha) dala na nila yong drinks namin, san mig.light, e
ayaw ko pa naman nun kasi parang kakabusog at mabigat sa tyan…pero
since sila naman ang taya, hindi na ako umangal (libre na nga ako,
aangal pa ba ako…hahaha…close kaming 4 kasi nga kami lng yong medyo
malalapit ang edad at single rin kami) kumain na muna kami, early yon,
cguro 430pm pa yon…

After na medyo nakarest na nagsimula na kaming mag inuman, inuna namin
yong binigay ng papa ni ate beng na emperador, pang “washing”na lng
yong san mig light…yong mga naiwan na ulam yon na ang ginawa naming
pulutan…nagvideoke kami, kahit papano maganda naman din po boses ko…
habang nagkakasarapan na kantahan at inuman, may nagtext sa akin, pero
hindi ko pinansin, hanggang sunud sunod na ang text, nainis ako kayat
tinignan ko ang cellphone ko, si peter lng pala, sinabing kasama daw
nya sina john at leo-isa pa naming kabarkada…pupunta daw sila sa bahay
kasi mag iinuman daw…tpos mga next pa na nandun na daw sila sa gate…
may text pa na wla naman daw akong date ngayon bakit ko daw sila hindi
pinagbuksan ng gate, wag daw akong magmokmok…tpos marami pang mga text
na para bang ang point nila is tinataguan ko sila…nainis ako so
tinawagan ko si peter, “gago ka, andito ako sa bahay ng ka officemate
ko, nag iinuman kami, hindi naman kayo nagpasabi sa akin na gusto nyo
palang makipag inuman sa akin eh, hoy gago ka talaga, bakit hindi mo
kasama misis mo, at ang mga sira ulo ang kasama mo?”naiinis kong
tanong kay peter..”tapos na po kaming magdate ni misis,mas gago ka,
dito kami sa harap ng jollibee ngayon, nag iinuman na din, alis na
jan, hintayin ka namin dito ha, tpos sa bahay mo na lang tayo
magpapakalasing…”sagot naman ni peter..” cge inum muna kayo jan, dito
muna ako, basta text lng ako sa inyo kung nasa bahay na ako, para dun
na lng tayo inuman ulit…cge na”sagot ko ulit sabay baba ng tawag ko sa
kanya…mga 1 at kalahating oras pa cguro after nun, bago kami nagpaalam
sa papa at mama ni ate beng at umuwi na rin kami…maaga pa
yon,actually, cguro past 9pm pa lng yon…

Pages: 1 2 3 4 5