Yare Ka Na

Matapos ang aming kasal ni Kristine, minabuti muna naming makituloy sa bahay ng aking mga magulang upang makatipid sa gastusin Total ako naman ang bunso sa aming tatlong magkakapatid at may sarili nang buhay ang mga nakakatanda sa akin kaya hindi naman siguro pabigat kaming dalawa ng asawa ko sa mga magulang ko.

Bagama’t kasal na kami ni Kristine, napag-usapan namin na huwag muna magka-anak, pangarap ko kasing maging CPA (Certified Public Accountant) kya minabuti muna naming pag-ipunan at unahin ang aking pagrereview bago ang magkaanak . Hindi naman sa pagmamayabang matalino kasi ako at sayang ang lahat ng aking nalalaman kung hindi ko maipag papatuloy ang aking sinimulan. Kaya kasaba’y ng aking pag-rereview ay ang aking pagtratrabaho upang maging responsableng kabiyak sa aking asawa. Hindi naman ako nabigo matapos ang halos isang taong hirap, naipasa ko ang board exam at isa na ako ngayong ganap na CPA.

Nakahanap kaagad ako ng ibang trabaho sa isang sikat na kompanya sa Makati at nagsimula na akong kumita ng malaki. Akala ko nung una sapat na sa akin ang makamit ang aking pangarap na maging CPA pero habang tumatagal parang nauuhaw ang aking isipan sa paghahanap pa ng ibang karunungan. Marami sa mga CPA na nakilala ko sa Makati ay Lawyer din kaya napagpasyahan kong kumuha na rin ng kursong Law upang mapabilang sa mga tanyag at sikat na executives sa sentro ng komersyalismo sa bansa.

Sunud-sunuran lang kasi ang aking asawa sa mga plano ko sa buhay. Si Kristine kasi minabuti nalang nyang maging plain housewife bagamat tapos kami ng kursong BSA (Bachelor of Science in Accountancy). Maganda si Kristine, seksi, makinis, maputi at higit sa lahat napakabait at konserbatibo. Ang tanging puna ko lang sa kanya ay ang kanyang pagiging “low IQ” sa madaling salita hindi sya matalino. Hindi naman talaga sya makakapasa sa kurso namin kung hindi dahil sa “tulong” ko nuong kami ay nag-aaral pa. May naging advantage din naman ang pagiging magka-klase namin dahil “natulungan” ko siya ng husto na naging dahilan upang makatapos kami.

Malaki ang bilib ni Kristine sa akin kaya siguro nagustuhan nya ako. Hindi naman kasi ako gwapo pero hindi rin naman pangit. Kung tutuusin wala akong sinabi sa mga karibal ko kay Kristine nuong kami’y college pa kya lang dinaan ko na lang sa “talino” kaya nakuha ko siya. Alam ko na may pressure sya noon na kuhanin ang kurso namin dahil kapwa CPA ang mga magulang nya at gusto nilang matulad si Kristine sa kanila. Sinamantala ko ang pagkakataon upang mapalapit sa kanya sa pamamagitan ng “pagtulong” upang ganap nyang matapos ang kursong accounting. Hindi naman ako nabigo dahil nahulog ang loob ni Kristine sa akin bago pa man kami makatapos ng college. Kaya agad ko siyang pinakasalan pagkatapos na pagkatapos palang naming grumadweyt. Mahirap na baka “mauntog o matauhan pa sya”!. Pumayag naman si Kristine na magpakasal sa akin (siguro?) para magkaroon ng “excuse” sa mga magulang dahil alam nya na pipilitin sya ng mga ito na mag-review at ipasa ang CPA board na alam na alam nya na hindi nya magagawa (kasi hindi ko na sya mapapakopya sa exams).

Dahil kahit papaano ay mayroon na akong “stable job” at kahit na nag-aaral pa ako ng Law ay kaya ko ng tustusan ang lahat ng gastusin naming mag-asawa kaya minabuti na naming bumukod ng tirahan upang maging ganap na ang pagsasabuhay ng pagiging pamilya namin ni Kristine.

Simpleng bahay lang ang aming nilipatan, pero kahit papaano ay pwede nang simula. Apartment sya, up and down, salas at kusina sa ibaba at dalawang kwarto sa itaas. Iksakto naman dahil napag-usapan na namin ni Kristine na panahon na para kami magkaanak kaya ang isang kwartong bakante ay pwede ng “reserve” para sa magiging anak namin. Napansin ko na hindi maganda ang pagkakagawa ng kabilang kwarto kumpara sa magiging silid namin ni Kristine, kasi plywood lang ang dingding nito at may pagitan pang espasyo sa kisame. May naiwan pang lumang papag ang dating may-ari pero hindi ko na inalis kasi mga 9 months to one year pa malamang ang hihintayin bago kami magka-beybi ni Kristine (kung susuwertehin na makabuo agad kami).

Sa pagdaan ng mga araw, nakilala rin namin ang aming mga kapitbahay, wala namang problema sa kanila kasi halos lahat sila ay mga titulado at may mga pinag-aralan, may kanya kanya na ring pamilya at matahimik na namumuhay sa aming lugar. Kaya hindi na ako nag-aalala kung naiiwan kong mag-isa si Kristine sa bahay. Tiwala na rin ako na ligtas sya kahit madalas ay gabing-gabi na ako umuuwi galing sa school at trabaho. Pero kahit gabi na ko umuuwi ay nagagawa pa rin naming mag-seks kasi nga gusto na naming magkaanak. Sa malas naman apat na buwan na ang lumipas mula ng itinigil namin ang kontrasepsyon para makabuo kami, eh hindi pa kami makatyempo.

Pages: 1 2 3

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *