[1902] Hacienda De Pecado

ANG MGA SUSUNOD NA SALAYSAY AY MAY NILALAMAN NA HINDI ANGKOP SA NAKARARAMING MAMBABASA. ITO AY MAY TEMANG GRAPIKONG SEKSWAL, IMAHE, AT LABIS NA KARAHASAN. MATINDING IMINUMUNGKAHI ANG GABAY SA PAGPAPASYA BAGO BASAHIN ANG MGA NILALAMAN NG AKDA

Prologo:

Malapot na tubig ang bumabalot sahig ng pasilyo. Ang mga pader na gawa sa lidradilyo ay nababalot na din ng agiw at patse ng lumot. Tanging bugso ng mga kulog at kidlat ang nagbibigay liwanag sa loob ng isang piitan.

*huff hafff huhhh* hingal ng isang babae habang pinipilit na tumakbo pero parang sariling paa niya na ang tumatraydor sa kanya. Sa ilaw ng kidlat ay aninag sa mukha nya ang pagiging hapung-hapo. Ang mga mata niya ay lubog at medjo maitim na ang ilalim. Ang mukha niya ay parang natuyoan na sa dugo sa sobrang putla. Pero kahit ganun ay aninag na siya ay may dugong banyaga dahil sa tangos ng ilong at ang hulma ng kanyang itsura.

Halos napapasubsub na siya habang naglakad pero pinipilit niyang tumayo at ituloy ang lakad. Ang suot niya lamang ay isang manipis na puting daster. Sa nipis nito ay habang kumikidlat ay kita ang magandang hubog ng kanyang katawan.

“Kailangan ko lang makalabas sa pinto, sa bintana, sa kahit na ano. Ayoko….ayokong mamatay dito.” Sabit niya sa sarili habang inaalalayan ang sarili at nakawak sa pader. Sa di kalayuan ay kita niya ang isang hagdanan pataas ng piitan. Kahit nawawala na siya sa kanyang kamalayan ay nakatitig parin siya sa hagdanan. Na para bang yun nalang ang nagbibigay sa kanya ng pag-asa na tumayo, maglakad o kahit pa gumapang.

*uggghhhh* ang pag-igik niya habang ginagapang yung hagdan pataas. Ang mga kamay niya ay marumi na at ang mga kuko niya ay puno ng lupa na para bang naghukay siya gamit ang sariling kamay. Habang inaahon niya ang sarili sa bawat hakbang ng hagdan ay di niya maiwasang lumingon.

Sa likod niya ay natatanaw niya ang dilim ng piitan. Sa mukha niya ay nakapinta ang matinding takot sa dilim. O sa kung ano man ang umahon mula sa dilim sa di kalayuan niya. Habang iniisip niya yun ay nabigyan siya ng lakas para ituloy ang pag-gapang paitaas.

Nung maabot niya ang tuktok ng hagdan ay nasa isang koridor uli siya. Pero it ay malinis na. Ang paligid ay naliliwanagan hindi lang ng kidlat kundi ng mga nakasabit na lampara. Ang sahig ay may makapal na alpombra. Nanghihina parin siya pero pinipilit niyang igapang ang sarili. Napakapit siya sa alpombra at lumingon sa likod. Napanatag ang loob niya ng nakitang walang kahit na sino o ano ang naglalakad patungo sa hagdan at kinaroroonan niya.

“Ten cuidado. acabas de despertar a mi esposa(Mang-ingat ka naman. Kakagising mo lang mahal kong asawa” isang malalim na boses ang nagmula sa harap niya. Dahil dito napatigil ang panglingon niya sa likod.

“Ngayon, hindi na ako magpipigil sa mga gagawin ko sayo.” Ngiti ng isang lalaki habang yumuyuko sa babae. Sa kamay niya ay isang gintong kopita. Uminom siya mula sa baso habang nakangiting nakatitig sa babae.

“Patayin mo nalang akooooo. Parang awa mo na” biglang hagulgol ng babae habang nakahiga sa sahig.

“hasta que la muerte nos separe. Kamatayan lang ang makakapaghiwalay saating dalawa. At ngayon…..pareho nating alam na hindi na yun mangyayari” sagot ng lalaki. Habang nakayuko siya ay biglang napatingin sa kanya ang babae. Nakita ng babae ang baso na hawak ng lalaki. Kita sa leeg ng babae ang paglunok niya ng laway.

“Uhaw kaba aking mahal?” nakangiting tanong ng lalaki.

“Uminom ka. Itoooo” alok ng lalaki habang nilalapit ang baso sa mga tuyong labi ng babae. Pinipilit hawakan ng babae yung baso at dahil dun ay aninag yung kalagayan ng kamay niya. Yung mga kuko niya ay bitak na, at ang iba nga ay nalalaglag na. Sa sobra ng uhaw niya ay para bang amoy niya na ang laman ng baso. Na para bang inaabangan na ng dila niya at mga labi niya ang tamis ng likido.

*Ugh ughhhh ugh* rinig ang malakas na paglagok ng babae. Sa sobrang uhaw ay para bang inaagaw niya na ang baso sa lalaki. Nakangisi lang ang lalaki habang nakatingin pababa sa babae.

“Sabihin mo nga sakin. Kumusta ang lasa ng ate mo?”

____________________________________________

[KABANATA I]

Takipsilim na sa isang liblib na baryo sa bulobunduking parte ng Batangas. Sa sentro ng baryo ay madalang nalang ang dumadaang karwahe sa kalsada. Ang mga bahay sa baryo ay naaaninag lang ng mga konting kislap ng lampara. At ang tunog ng mga kuliglig ang tanging musika sa dahan dahang paglubog ng araw.

Kung mula sa baryo ay titingala ng tingin, sa direksyon ng tuktok ng bundok ay makikita ang itim na silweta ng isang mansyon. Ang mga pader neto ay natatakpan na ng malalaking lumot at ang mga bintana ay natatabunan ng makakapal na sanga.

Sakto sa direksyon ng araw yung mansyon. Kaya habang lumulubog ang araw ay para bang kinakain ito ng bahay mismo. At habang saktong nasa gitna ng bahay yung araw ay kita ang pulang liwanag na parang maihahantulad sa manipis na kulay ng dugo. Matapos tuloyang lumubog ang araw ay para bang yung anino mismo ng mansyon ang pinagmulan ng kadiliman. Na parang mula sa anino nito ay gumagapang yung dilim palibot sa lugar.

*ZZZZZZZ…PANG!* alingawngaw ng kulog at ang pagkislap ng kalangitan dahil sa kidlat. Medjo nagpulasan na ang ibang taong nasa labas ng kanikanilang tahanan. Mula sa baryo ay may isang lalaking nakatingin pataas ng mansyon. Napapahanga siya sa itchura ng mansyon.

*AHHHHHHHHH!!!!* isang malaking alingawngaw ang narinig niya kahit pa siya ay nasa baryo. Ang tinig ng sigaw ay mula sa mansyon sa taas ng bundok. Pero ang boses ay sobrang linaw na alam niya mismong galing yun sa isang babae.

===ERNESTO LA-ISTOSCIO POV===

Ernesto: “Rinig niyo ba yun inay?” kunot noo kong tanong.

Constancia: “Ang alin ba Ernesto! Tawagin mo na ang kambal ng magsipasok na. Ahora mijo!”

Ernesto: “Opo inay. Tawagin ko na sina Ina(Czarina) at Denden(Dienisita).”

Binalewala ko nalang ang narinig ko at inisip na itoy guni-guni lang at likha lang ng malikhain kong isip. Habang naglalakad ako sa kalsada ay nagsisimula ng magpalitan ng tunog ang mga kuliglig at palaka. Habang naglalakad ay tanaw ko na sa malayo na naglalakad ang aking dalawang kapatid na babae.

Ernesto: “Ate tawag na kayo ni nanay. Bakit ang tagal niyo mag-igib sa batis?”

Czarina: “Ay kung ganun edi ikaw nalaang ang mag-igib.”

Ernesto: “Eh pag ako kasi ayaw niyo ako samahan. Nakakatakot kaya mag-isa”

Dienisita: “Eres maricon? Ikaw ba ay bakla?”

Ernesto: “Samahan niyo nalang kasi ako ate”

Dienisita: “Sayang nakita pa naman naming si Enajia”

Ernesto: “Eh ano naman kung nakita nyo?”

Czarina: “te gusta ella verdad? Abay ikaw ang may gusto sa kanya diba? Ikaw nga etong nagsasabi. –Ate nakita ko ang ganda ng suot ni Enajia sa pagpasok ng academia— Ate ang ganda ng mga libro niya. Ate ang-“

Ernesto: “Pag-hanga lang yun. Wala naman akong balak ituloy o paruruonan”

Hindi ko napansin na nasa tapat na kami ng bahay. Habang pumapasok sina ate sa loob ay tinignan ko sa huling beses yung mansyon sa taas ng bundok. Iniisip ko kung guni guni nga lang ba yung narinig ko kanina.

Constancia: “O! Buti umuwi pa kayo. Den umakyat kana sa taas at magsindi na ng lampara. Isara mo na din yung mga bintana habang dun ka. Ikaw jan Nesto! Pumasok kana. Wag mo tignan yang bahay sa taas at baka mapanaginipan mo n