2nd Chance : Chapter 3

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincident

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Ang nakaraan

Sa loob ng aking kwarto at kasalukuyan kong nililinis ang aking sugat ng biglang bumukas ang aking pintuan.

” Sinasabi ko na eh, di sabit sa yero yan” ang sabi ni Nanay Lyka sa akin ng makita niya akong pinupunasan ng bulak ang sugat na gawa ng tama ng baril.

” Nanay Lyka, huwag na lang ikaw maingay” ang sabi ko dito habang nakatingin pa din ito sa aking sugat.

” Magsabi ka ng totoo ihp, napano yan ” ang pakiusap nito sa akin habang nakatitig pa din ito sa balikat.

” napaenkwentro ulit kami ni Janelle kanina habang papunta kami sa bahay nung may ari ng mga alahas ” ang sabi ko dito Tumango naman ito sa akin sinabi.

” akin na at para malinis ng maayos” ang sabi nito at sabay kuha sa bulak.

” Nanay Lyka,pwede ba ako magtanong?” ang sabi ko dito habang patuloy niyang nililinis ang aking sugat.

” Ano yun iho?” ang tanong nito sa akin habang kumuha ulit ito ng bagong bulak para ipang linis sa balikta ko..

” Asan ang asawa ni Janelle?” ang tanong ko sa kanya. Napatigil naman ito sa paglinis sa akin balikat at tumingin ito sa akin.

” Iho, bakit mo naitanong?” ang seryosong tanong ni Nanay Lyka sa akin at binaba niya ang bulak sa may maliit batsa na plastic.

” May sinabi ung mga police kanina tungkol sa kaso ng asawa ni Janelle” ang sabi ko dito.

” Iho, ayaw ko na kasi balikan pa yan, sana maintindihan mo” ang sabi ni Nanay sa akin.

” Salamat po talaga Nanay, wag niyo na lang sasabihin kay Janelle na alam niyo na ang nangyari” ang pakiusap ko kay Nanay.

” Makakaasa ka iho” ang sabi nito sa akin.

Tumayo na ito at lumabas ng tuluyan sa aking kwarto.

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Mabuti na lamang at walang naging madalas na lakad si Janelle ng mga sumunod na araw. Kaya naman mabilis na naghilom din ang aking sugat sa balikat. Nakatulong din ang palihim na pag-aalaga sa akin ni Janelle.

Gusto daw nito ako alagaan bilang kapalit sa pagligtas ko sa kanyang buhay. Sinabi ko naman na wag na at nakakahiya sa kanya pero mapilit ito. Kaya naman Kapag umaalis si Nanay Lyka ay todo asikaso ito sa akin.

Ganoon din naman si Nanay Lyka, todo asikaso ito sa akin bilang kapalit sa pagligtas ko kay Janelle.

Si Janelle muna din ang naghatid sa anak nito sa eskwela ng mga panahon na iyon. Kahit nagpapagaling ako ay tumutulong din ako sa mga gawain bahay. Nirepair ko ang mga sirang gamit nila sa unit.

Nagpalit din ako ng mga bombilya. Kinabitan ko din ng double lock pintuan ng condo. Ayaw kong manigurado at baka malusutan pa kami ng kung sino sino. Tiwala ako na kaya ko sila proteksyonan kapag kasama nila ako.

Pero paano kapag nasa labas kami ni Janelle, paano ang mag lola.Kaya ito ako ngayon, fully recovered na ang tahi ko sa akin balikat.

Pero hindi parin maalis sa isipan ko kung ano ang hiwaga na mayroon sa asawa ni Janelle.naisipan ko na puntahan ang dati kong mga kasamahan. Kasamahan sa kalokohan at kadamay sa lahat ng bagay

Kaya heto ako ngayon sa isang maliit na barong barong sa may tondo.Kausap ko ang kumpare kong si Berto. Siya berto busero, sikat ito sa amin lugar noon dahil sa pagiging notorios na busero nito sa mga babae.

Pero ang pinaka asset niya ay ang galing nito sa pag espiya, lalo na sa mga mahihirap na lugar na pasukin. Ikaw ba naman, silong ng bahay kaya niya gapangin, ano pa kaya ung mga patibong ng mga kalaban.

” Juan, musta na? Bigtime na ah” ang sabi nito sa akin habang nasa labas kami ng kanyang barong barong. Nakaparada sa amin harapan ang sasakyan ko.

” Sa amo ko yan Pre” ang sabi ko dito habang pinupunansan ko ang hood ng fortuner..

” Pre, ako na lang ang natira sa grupo mula ng makulong ka” ang sabi nito sa akin. Bakas boses nito ang lungkot at pagdadalamhati.

” Bakit, asan na sila?” ang tanong ko dito habang patuloy ako sa paglilinis ng hood.

” Si totoy Icepick, ayun nagripuhan dyan sa kabila” sabay mwestra na parang sinasaksak ka sa tagiliran niya

” Si Mandong Mandurugas, sinalvage diyan sa ilog pasig” sabay nguso sa ilog na nasa di kalayuan

” At si Tatay Delpin, ayun pinagtataga ng mga bagong usbong diyan” ang sabi nito sa akin. Dito ako mas nalungkot dahil si tatay delpin ang nagsilbing gabay naman na magkakaibigan. Maloko lang kami kaya ganyan ang mga bansag sa amin Pero hindi kami gumagawa ng krimen.

” Kaya tama yan pare, nagbago ka na” ang sabi nito sa akin habang tinapik nito ang aking balikat. Napangiti naman kami sa isa’t isa.

” ayaw ko na balikan pa ang kahapon, sobra sobra ng hirap ang inabot ko sa loob pre” ang sabi ko sa akin kaibigan habang may malakas buntong hininga.

” Pare, may pakiusap ako sa iyo ” ang sabi ko dito at binaba ko na ang basahan na hawak ko.

” Basta ikaw pare, alam mo naman na malaki utang na loob ko sa inyo ni Tatay Delpin” ang sabi ni Juan sa akin. Napatingin naman ako dito at tsaka ako nagsalita.

” Pare, may gamit ka ba diyan?” ang tanong ko dito. Tumingin ako dito ng seryoso at nagets niya agad ang gusto ko sabihin.

” Kala ko ba nagbago ka na?” ang tanong nito sa akin. May Halong gulat ang kanyang mga mata dahil sa akin mga sinabi..

” Pare, para ito sa pamilya na sinasamahan ko” ang sabi ko dito.at nagpwestra ako na pang proteksyon ito.

” Mukhang importante sila sa iyo pare ah” ang sabi nito sa akin habang pinagmamasdan ako nito. Hindi kasi ako yung tao na proprotekta sa basta bastang tao lang.

” Oo, pare. Tinanggap nila ako kahit ganito ako” ang sabi ko dito. Ngumiti naman ito sa akin tsaka muli siyang nagsalita.

” Teka pare, mayroon ako diyan” ang sabi nito sa akin at pumasok ito sa kanyang kwarto. Sumandal naman ako sa pintuan ng sasakyan.Biglang tumunog ang telepono ko. Si Janelle.

” Hello Janelle” ang bati ko dito

” Saan ka na?” ang tanong nito sa akin dahil ang paalam ko dito ay papatune up ko lang sasakyan.

” Patapos na sa tune up, sunduin ko na si Nanay at Kobe katapos” ang sagot ko dito dahil nasa grocery ang dalawa at may binibili.

” Osige, ingat ka” ang sabi nito sa akin at binaba ko na ang telepono ko. Sakto naman na lumabas si Pareng berto na may dalang paper bag. Napangiti ako sa dala nito

Inabut nito sa akin ang paper bag at sinilip ko ang laman. Isang Micro uzi at ilang magazine. Sakto na ito at pwede na ako tumabla kung magkaipitan.

” Pare salamat” ang sabi ko dito at sumakay na ako sa sasakyan.Sinuksok ko ang uzi sa ilalim ng driver seat.

At tsaka na ako pumunta sa grocery para sunduin ang dalawa.

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Pumarada lamang ako sa tapat ng Isetann dahil sa mahirap parking dito. Nakita ko si Nanay at Kobe na nakatayo sa malapit sa entrance. Sumenyas ako kay Nanay na bilisan nila at baka mahuli ako.

Bumaba na ako ng sasakyan at Mabilis ko naman sinalubong si Nanay at Kobe na palapit sa akin hinituan.

” Broooooooommmmm” isang mahabang rebolusyon ng makina at nakita ko na lamang sa akin mata ang isang itim na kotse na mabilis ang takbo at mukhang lasing pa ata ang driver.

Kaya dali dali ko tinakbo ang dalawa dahil sa may kalsada sila naglalakad. Andami kasi nakaharang sa sidewalk.

Mabilis kong hinablot si Kobe at si Nanay naman ay nakaiwas ng isang malakas na hangin ang humampas sa aming gilid at humarurot na palayo ang kotse.

” Gago” sabay bato sa kanya ng karton sa gilid

” Tarantado”

” Mabanga ka sana animal ka” ang sunod sunod na sigaw ng mga tao sa paligid namin na muntikan din maaksidente ng kotse.Kaagad ko naman sinuri ang dalawang kasama ko. Lalo na ang anak ni Janelle na si Kobe.

” Ayos ka lang Kobe?” ang tanong ko dito. Habang tinitignan ko ang bawat sulok ng katawan ng bata. Yari ako kay Janelle kapag may nangyari dito sa bata.

” Ayos lang po ako kuya Juan” ang sabi nito sa akin habang nakangiti. Sinagot ko naman ito ng malaking ngiti. Habang si Nanay lyka naman ay nakahawak lamang sa kanyang dibdib at mabilis ang paghinga.

” Nanay, kayo po?” ang tanong ko sa matanda. Habang tinutulungan ko din si Nanay sa pagtsek sa kanyang katawan

” Ayos lang ako iho” ang sabi nito sa akin habang nakahawak pa din ito sa kanyang dibdib.

” Tara na po” ang aya ko at sumukay na kami sa sasakyan.

+++++++++++++++++++++++++++

Sa loob ng Condo.

Kasalukyan kami na kumakain ng hapunan. Nagluto ng special na spaghetti at fried chicken si Nanay lyka. Paborito daw ito ni Kobe kaya naman sarap na sarap habang mag-isa itong kumakain. Ako naman ay tahimik lamang na kinakain ang aking dinner.

” Mommy, alam mo. Niligtas ako ni kuya Juan.” ang sabi ni Kobe sa kanyang mommy habang kumakain kami ng hapunan.

” Ano? Nanay ano po sinasabi ni Kobe?” ang tanong ni Janelle kay Nanay habang napatinigin din ito sa akin. Pinupunasan nito ngayon ang paligid ng bibig ni Kobe na punong puno ng spaghetti sauce

” Iha, may kotse kasi na humaharurot” ang sabi ni Nanay habang iniikot nito ang kanyang tinidor sa noodles

” Tapos muntikan masagi ang mga tao sa daan”

” Buti at andyan si Juan” ang sabi ni Nanay kay Janelle habang paikot ikot pa din ang tinidor nito sa noodles Tinignan ko naman ang reaksyon ni Janelle. Kala ko ay magagalit ito o kung ano pero ngumiti sa akin ngayon tila isa akong anghel.

” Salamat Juan, I guess. Niligtas mo na naman kami” ang sabi nito sa akin at sabay hawak sa akin kamay. Nakaramdam naman ako ng kuryente sa paghawak nito. Kakaibang kuryente na tila bumuhay sa akin natutulog na puso.

” Walang ano man Janelle, kahit buhay ko. Handa ko itaya para sa inyo” ang sabi ko dito at hinawakan ko din ang kamay nito gamit ang aking kabilang kamay.

” Salamat talaga” ang sabi nito sa akin ng may kaunti din at inalis na niya ang kamay niya. Ako naman ay mabilis ko din na binalik ito sa dati niyang pwesto.

” Siya nga pala, May l…