2nd Chance : Chapter 5 ” Juan And Janelle “

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincident

+++++++++++++++++++++++++++++

Ang nakaraan.

Janelle’s Pov.

” beeeppppppppp beepppppppppppppp!!!!!!” ang busina ng aking sasakyan dahil sa naipit ako ngayon sa trapik sa may tapat ng terminal ng florida. May lumalabas kasing bus ngayon.

” Shiitttttt, bilisan niyo!!!!!!!!!!!” ang sigaw ko habang pinupukpok ko ang manibela sa sobrang inis ko.Para naman na nananadya pa ang tadhana, di lang pala isang bus ang lalabas. Kung hindi dalawa pa. Napatiyempo na napakarami kotse sa daan kaya hirap itong mag maniobra

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Juan’s Pov

Dala dala ko ang duffel bag ko habang pinagmamasdan ko ang sala. Ang mga alaala namin ni Kobe habang naglalaro kami ng Construction at kabayo kabayohan doon.

Ang mga masasarap na putahe ni Nanay Lyka sa kusina at mga tulong na binigay ni Janelle sa akin.

Ganito pala kasarap ang magkapamilya pero hindi ko dapat ito inenjoy dahil panandalian lamang pala ito.

Tuluyan na akong lumabas ng condo unit ni Janelle.

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

” Juan!!!!!!!!!!!!!!” ang sigaw ni Janelle na humahangos ito habang tumatakbo papunta sa akin.Napatigil naman ako at parang nakasemento ang aking mga paa.

Sa bilis ng mga pangyayari ay naramdaman ko na lang na nakaakap na sa akin si Janelle. Ang babae na kanina lamang ay halos lamunin ako sa galit niya. Pero heto siya ngayon at akap akap nito ng mahigpit.

Kung kanina ay ramdam na ramdam ko ang sama ng loob nito, ngayon ay sobrang gaan ng pakiramdam ko. Ilang minuto na din kaming magkayakap at hindi ko naman alam kung ano sasabihin ko dito. Pero naglakas loob na ako.

” Janelle” ang mahinang usal ko dito habang pinagmamasdan ko ang mukha nito na halos nasa baba ko na. Mas maliit sa akin si Janelle dahil nasa 5’5 lamang ang height nito.

” Juan, sorry” ang sinabi nito sa akin habang nakita ko muli ang mga mata ng babae na una kong nakilala at minahal. Mata na puno ng pagmamahal at kagandahan. Hindi ang mata na may pang aalispusta at galit kanina

” Ako nga dapat ang magsorry sa iyo” ang sabi ko dito. Habang kaming dalawa ay nagtitigan lamang sa pasilyo ng condo na magkaakap.

” Muntikan na mapahamak si kobe dahil sa ginawa ko” pero bago ko pa tuluyan matapos ang aking sasabihin ay biglang nilagay ni Janelle ang kanyang kanang hintuturo sa akin bibig. Gets ko naman ito kaya tumahimik na lamang ako.

” shhhhh”

” alam ko na ang lahat at gusto ko humingi ng tawad sa mga aksyon ko kanina sa hospital” ang sabi ni Janelle sa akin. Ramdam ko ang sinseridad sa boses ni Janelle. Alam ko naman na nagulat lamang ito kanina.

” pero” at muli niya nilagay sa akin bibig ang hintuturo nito. Para akong isang batang estudyante na pinapatahimik ng kanyang guro.

” shhhhh”

” Di dapat kita hinusgahan agad. Alam ko naman na mabait kang tao” ang sabi ni Janelle at nakinig na lamang ako sa mga kanyang sasabihin.

” Sorry talaga juan” ang sabi ni Janelle sa akin.Naawa naman ako kay janelle pero decided na ako

” kalimutan na lang natin ang lahat ng iyon” ang sabi ko dito kaya naman mas hinigpitan niya ang akap nito sa akin.

” Kalimutan ang lahat pero pati ako, si Kobe, at si Nanay lyka balak mo kalimutan” ang sabi ni Janelle habang kamay nito ay nakahawak na din sa strap ng duffel bag ko. Di ko namalayan na bitbit ko pa pala ang gamit ko.

” Janelle, ayaw ko na lang na magkaroon pa ng problema kaya aalis na lang ako” ang sabi ko kay Janelle habang nilalakad ko na ang aking paa kahit nakaakap pa ito sa akin.

” please juan, may gusto akong aminin sa iyo” ang sabi ni Janelle sa akin habang mas hinigpitan niya ang lakad nito.

” Usap tayo sa loob” at hinila ako nito papasok sa loob ng condo unit niya.Pinaupo niya ako sa sofa habang siya naman ay pumunta sa kusina. Sinundan ko ito ng tingin at nakita ko na kumuha ito ng dalawang bottled water.

” Tubig” ang alok nito sa akin. Tumingin naman ako sa kanya at kinuha ko naman ang tubig.

Umupo sa akin tabi si Janelle pero hindi naman ito nagsasalita. Nakatitig lamang ito sa painting ng isang sunset na nakasabit sa dingding. Segundo, minuto ang lumipas pero hindi pa rin ito nagsalita. Kaya naglakas loob na ako. Ako na ang unang nagsalita.

” Iba talaga ang ganda ng paglubog ng araw no” ang sabi ko dito habang pinagmamasdan ko ang larawan. Tumingin naman ako dito at nakatitig pa din ito sa lumulubog na araw.

” Para itong isang babae na handang kalimutan ang nakaraan at bigyan ng pag asa ang bagong umaga” ang sabi ko dito at hinawakan ko ang kamay nito.

Napatingin naman ito sa akin. Ginantihan ko ito ng tingin. Mga matang parang nangungusap sa isa’t isa.

Dalawang pusong naghihintay sa pag usbong ng lakas ng loob na aminin ang kanilang nararamdaman.

” Natatakot ako juan” ang sabi ni Janelle ng tuluyan na itong nagsalita.

” Janelle, mahal kita. Handa akong mahalin si Kobe na tulad ng pagmamahal ko sa iyo”

” Hindi, higit pa. Kung yun ang kinakatakot mo” ang sabi ko dito habang hinahawakan pa din ang kamay nito.

” Natatakot ako magmahal muli dahil sa aking kahapon, kaya nga pinili ko na iwasan ko simula ng mapansin ni nanay ang pagiging malapit natin sa isa’t isa” ang sabi nito sa akin.

” Janelle, katulad noong tinanggap mo ako . Wala ako pakialam kung ano pa yan sa nakaraan mo. Handa kitang mahalin panghabang buhay. Hindi ko na papalampasin ang pagkakataon na ito tulad noong nagdaan”.

” Hindi lang yun Juan, natatakot ako” ang sabi nito sa akin.

” Nagtitiwala ka ba sa akin” ang tanong ko dito habang hawak ang kamay niya.

” oo, buong puso” ang sagot nito sa akin at Nagulat na lamang ako ng biglang pumuhit si Janelle at naglapat ang aming mga labi.

Siya pa ang unang sumipsip sa dila ko.Matagal ang aming halikan, sabik na sabik kami sa bawat isa.

Wala kaming pakiaalam kung tumutulo na ang aming mga laway at sinimulan ko na lamasan ang kanyang suso sa suot niya dress.Matagal tagal rin kaming naghalikan ng maghiwalay na ang aming bibig

” Juan,wag muna ngayon please. Pag okay na si kobe, please mahal ko” ang pakiusap nito sa akin, Sinunod ko naman ito at umayos na kami sa pagkakaupo.

” ang ibig sabihin ba nito?” ang tanong ko kay Janelle habang nakahawak muli ang aming mga kamay.

” Oo juan, tayo na” ang sabi nito sa akin at halos magtatalon naman ako sa tuwa.Kung kanina ay kala ko mawawala na ang pamilyang tumanggap sa akin. Mukhang ngayon ay may bago na talaga akong pamilya.

” relax mahal ko” ang sabi ni Janelle sa akin at ako naman ay napaupo na muli sa tabi niya.

” oo nga pala, kala ako ng aking kobe” ang sabi ko sa kanya at hinila ko ito palabas ng condo unit. Magkahawak kamay kami na naglakad ng condo.

++++++++++++++++++++++++++++++++++

Sa loob ng kwarto ni Kobe. Nakahiga na si Nanay Lyka sa tabi ng kanyang apo ng pumasok kami ni Janelle.

Nagising naman ito napansin niya agad ang magkahawak na kamay namin ni Janelle.

” kita mo na juan, bagay nga kayo” ang sabi ni Nanay lyka ng may ngiti sa kanyang mukha ng makita niya rin ang napakasayang mukha ni Janelle.

” Tama ka nga nay” ang sabi ko dito at inakap ako nito.

” Ingatan mo ang anak ko, kung sa akin ka malalagot” ang bulong nito sa akin. Natawa naman ako dahil nakatingin sa amin si Janelle at nagtataka ito sa pinaguusapan namin ng nanay niya.

” Ako bahala nay” ang bulong na sagot ko dito. Mabilis naman na kumalas sa pagkayap sa akin sa Nanay Lyka.

” Mahal, ano yun? Wala pa tayo isang araw na magkarelasyon. May lihim ka na agad” ang mataray pero pabirong sabi ni Janelle sa amin.

” Nagpapalakas lang ako mahal, sa magiging biyenan ko” ang sabi ko sa akin kasintahan na si Janelle at inakbayan ko ito.

” ikaw naman nak, selos agad eh” ang sabi ni nanay lyka kay janelle na tawang tawa naman sa inasal niya.

” naninigurado lang nay, baka namiss na nitong mahal ko ung palad ko eh” at sabay haplos sa pisngi ko na sinampal niya kani kanina lang.

” Behave yan, ako bahala” ang sabi ni Nanay lyka sa amin. Nagtanong naman si Janelle kung may dumaan na ba nurse or kung ano update. May dumaan naman daw para kuhanan ng temperature si Kobe at sabi nito na hindi naman daw mataas ang lagnat ni Kobe.

Kaya naman sinabi ko na magpahinga na sila. Dahil mag alas dose na din. Humiga na lang si Nanay Lyka sa tabi ng apo nito habang kami ni Janelle ay sofa na lang na nakasandal.

Ilang minuto lang ay nakatulog na si Nanay Lyka sa tabi nito habang kami ni Janelle ay magkahawak kamay lang na naguusap. Mahina lang aming mga boses para di magising ang maglola.

” mahal, kailangan ko bumawi kay kobe” ang sabi ni Janelle sa akin habang pinaglalaruan ng daliri nito ang daliri ko.

” saan ba paboritong lugar ni kobe?” ang tanong ko dito habang nakatitig ako sa kanya. Napatingin naman ito sa akin na tila nag-iisip.

” saan nga ba?” ang tanong na sagot ni Janelle sa akin. Napakamot din ako ng ulo dahil mukhang di rin niya alam.

” Pambihira ka naman mahal eh, di mo alam, paboritong lugar ng anak mo” ang pabiro kong sermon dito. Ng bigla itong umuusog at humiga ito sa akin legs. Naramdaman ko naman ang pagtama ng likod ng ulo niya sa ibabang ulo ko.

” mahal ka masyado malikot, baka magalit ung isang mahal mo diyan” ang sabi ko dito. Malikot kasi ung ulo ni Janelle habang nagiisip ito.

” alam ko na” ang masayang sagot ni Janelle sa akin.