Nakaupo ako sa isang upuan habang nanonood ng drama sa tv. Sobrang boring, as in.
Lumabas si tita Sonia upang makipag-chismisan sa mga kapitbahay, habang sina tito at tiyo naman ay nandoon pa rin sa bukid.
Nagpakawala ako ng ikalimang hikab. Bakit naman kasi puro tungkol sa kabit yung plot ng mga kwento sa tv?
Muli kong pinalibot ng aking mga mata ang buong sala. Nabaling ang atensyon ko sa picture frame na nakalagay banda sa tv.
Tumayo ako sa pagkakaupo at pinagmasdan ito.
Mukhang luma na ang litrato dahil medyo bata-bata pa si tiyo Bernard. Si tita Sonia naman ay may karga-kargang sanggol. Anak ba nila ‘yon? Kung oo, nasaan na siya?
“Mukhang busy ka yata, ah.” Bungad ni tita na nanggaling sa labas.
“Tita, sino po ‘yung karga niyo?”
Pinagpag niya ang kanyang mga kamay sa kanyang bestida.
“Ahh, si Nelson. Anak namin siya ng tiyo mo,” wika niya.
“Nasaan na po siya?”
Natigilan saglit si tita Sonia. Bakas ang pagkalumo sa kanyang pa-kulubot nang balat.
“Wala na. Namaalam siya no’ng magdadalawang taong gulang na siya,” pinilit niyang ngumiti kahit na nangingilid na ang mga luha sa kanyang mga mata.
“Sorry po.”
“Naku, wala ‘yun. Siya nga pala, may mais doon sa kusina bagong luto ko. Kumuha ka na lang pang-meryenda mo.”
Tumango na lamang ako at naglakad na tungong upuan para ipagpatuloy ang panonood.
Pagkatapos ko manood ay agad na akong naligo. Kasalukuyan ako ngayong nagbibihis at saglitang tumingin sa orasan.
Alas-kwatro na pala.
Tinanggal ko sa pagkaka-charge ang aking phone at daglian itong binuksan. Hanggang ngayon ay naghihintay pa rin ako ng text ni papa, pero wala.
Si Mary naman ay oras-oras kong nakakausap. Nabalitaan ko ring nag-resign si sir Timothy sa university.
“Siya nga pala, sis. Tungkol kay Mario, mukhang hindi na siya nambababae ah.”
Alam na ni Mary na may relasyon kami ni Mario. Inamin ko ito sa kanya bago ako umalis sa lugar nila. Nasabi niya rin sa akin na nakita niya ako noong isang gabi na dinala ni Mario sa kanto.
Napailing na lamang ako sa pag-alala ng reaksyon ko no’ng nalaman niya.
“Mabuti naman hahaha.” Reply ko.
Alam kong unfair para kay Mario ang ginagawa ko. Nagsimula na itong magbago noong naging kami na, pero heto ako. Mukhang mahihirapan.
Binitiwan ko muna ang aking phone at pabagsak na humiga sa maliit na kama.
Sana gano’n na lang kadali na pigilan ko ang init ng katawan ko sa tuwing nakikita ko si tito.
Papikit na sana ako nang makarinig ng mga boses na nanggagaling sa baba. Baka sila tito na ‘yon.
Nagmadali akong bumaba patungo sa unang palapag ng bahay. Nakita ko sila tito na pagod na pa…