4forever – Prologue: Part 1

“Ano ka ba? Wala ka namang ginagawang masama! Hihihi…”

Matagal nag graduate si Jonathan dahil sa pinansyal at sa personal nyang mga problema sa Senior High. Na delay siya ng isang taon. Nawalan siya ng gana sa buhay at naging tambay lamang ng dalawang taon. Hindi rin siya nag enroll at wala talagang pangarap na sa buhay.

Dahil sa batong-bato na talaga sa buhay. Napag-isip ni Jonathan na hahanap ng trabaho. Hindi naman problema hahanap ng trabaho dahil nakatapos siya ng senior high. Hindi naman siguro kumpara sa mga nakatapos ng kolehiyo na maganda at mataas ang sahod. Subalit makakahanap siya ng trabaho na matustusan ang mga pangangailangan nya.

“Wala ka bang experience sa ganito?”
“Salamat, tatawagan ka namin at salamat sa pag apply mo sa aming kumpanya!”
“Pasensya na, hindi ka kwalipikado sa ganitong posisyon…”

Halos lahat ng kumpanya at posisyong nais niyang pasukan ay hindi siya tinanggap. Higit dalawa namang taon siyang naghahanap ng trabaho. Dahil doon mas nawala ang kumpyansa ni Jonathan sa sarili. Naging mainitin ang ulo at malungkot at binata. Simula noon ay natuto siyang mag bisyo; inom at sigarilyo.

“Ang malas talaga!” Galit na sigaw ni Jonathan sa may tabing dagat isang gabi.

Walang masyadong tao sa panahong iyon at pinili ni Jonathan na manatili sa lugar kung saan walang nakakita sa kanya. Dito ay kanyang nilabas ang pagkakainis nya sa sarili. Nang naibsan ang galit at inis ni Jonathan ay nagpasya siyang umuwi sa kanila at bibili sana ng yosi sa tindahan.

Pagkatapos nya bumili ay sinindihan nya ang isang yosi na binili nya at nagpatuloy lumakad patungo sa kanyang bahay. Habang nagyoyosi ay mayroon siyang nakitang mga kababaihan na papunta sa dagat. Sinubukan nyang hindi lumingon subalit mayroon siyang nakitang isang dilag na nakakakuha ng atensyon nya.

Nagtagpo ang kanilang mga tingin ng ilang segundo ang ang babae ay lumingon palayo. Nang napasnin ito ni Jonathan ay lumigon din siya at lumihis sa dinadaanan ng mga dilag.

“Kilala mo yun?” Tanong ng isang babae sa nakatinginan ni Jonathan.

Tahimik lamang ang babae at nagpatuloy kasama ng kanyang mga kaibigan. Hindi maalis sa isip ni Jonathan ang babae na kanyang nakita noon gabing iyon. Para din nabuhay ang kanyang sarili sa nakita nya, isang magandang dilag.

Hindi makalimutan ni Jonathan ang mukha ng babaeng kanyang nakita sa gabing iyon. Pilit nya mang kalimutan ay di nya magawa. Kahit anong gawin nya ay parang mababaliw siya sa kaiisip.

“Ano bang nasa isip mo Jonathan, babae lang yun. Walang paki yun sayo!”
“Wag na wag kang ma fall in love, baka magkasakit ka bahala ka!”
“O diyos ko, na inlove na nga ako!!!”

Gulong gulo ang isip ni Jonathan at wala siyang magawa kungdi hanapin ang babae na gusto niya. Kahit saang sulok ng subdibisyon nila niyang hinanap subalit di nya makita. Sa social media ay sinubukan din nya subalit wala rin. Sa tagal ng kakahanap nya ay huminto muna siya sa tabing dagat na malapit sa subdibisyon upang magpahinga.

“Sino kaya yun… bakit na inlove ako sa kanya?”, tanong ng binata sa sarili habang humanap ng bato para itapon sa dagat.

Habang naghanap siya ay bigla siyang napahinto. Mabangong perfume ang nagpapatigil sa kanya at tantya nya ay malapit lang sa kanyang kinatatayu…