A Man With Needs 4

Kinabukasan, nagising ako dahil parang nangangalay yung braso ko. Napamulat ako noong may naramdaman ako sa gilid ko.

Si Andy! Nakakumot siya, at ang ganda pa rin.

Totoo nga, totoong may nangyari sa amin. Di pa rin ako makapaniwala, isang tulad niya? Na sobrang hinhin at sobrang bait ay naaangkin ko.

Pero mali, maling mali. Mahal ko si Trish. Naniniwala akong mahal ko si Trish. Isang beses lang to. Dapat ay di na maulit pa ang pagkakamali na to. Pero kahit ganon, di ako nagsisisi. Naging masaya ako sa sandaling oras na napagsaluhan naming dalawa kahit alam kong bawal.

Tinignan ko ang maamo niyang mukha, sobrang inosente. Sobrang ganda titigan, baka kahit buong araw akong nakatingin dito hindi ako magsasawa.

Pero mali, mali na ipagpatuloy pa namin to. Nag madali akong nag boxer at sa huling pagkakataon, tinignan ko siya at nagnakaw ng halik sa labi. Labi na hahanap-hanapin ko, sobrang init na nakapagbibigay sakin ng mainit na pakiramdam.

Kala ko makukuntento ako pero hindi, kaya sinipsip ko yung ibabang bahagi ng labi niya, habang tinitignan ko siya.

Pagkalabas ko ng kwartong ito, sana ito na ang huli.

Kinahapunan noong araw na yon, dahil sunday walang pasok kaya nagluto ako ng meryenda. Siguro naisipan ko rin ito para kausapin ko siya na itigil na.

Habang nagtataob ako ng pancake, di ko namalayan na dumating na pala si Andy. Biglang may yumakap galing sa likod ko. Napatingin ako sa kanya at ang tanging suot niya lang ay damit ko, di ko alam kung naka short pa ito.

Ang sarap ng yakap niya, parang lumulutang ako sa ere, mga malalambot na kamay na nakapalibot sa katawan ko.

Pero hindi mali nga.

“Ano yan Miko?” Tanong niya sabay kiss sa cheeks ko

“Meryenda, umupo ka muna roon” sabay alis ko ng kamay niya.

Nang matapos, umupo ako sa harap niya, siya naman ay naguguluhan sa kinikilos ko kasi parang ang cold ko, malayong malayo sa Miko na parang kakantutan niya kagabi na itinuturing siyang prinsesa.

“Andy” tumingin ako sa kanya, di ko alam kung gusto ko ba talaga na itigil namin o kailangan lang talaga itigil.

Tumingin siya sa akin na parang alam niya sasabihin ko

“Andy, alam nating dalawa na mali yon. Siguro nadala lang ako ng alak at dahil nasaktan ako sa ginawa ni Trish, ikaw alam mo na mali yon”

“Oo Miko, alam ko. Pero kahit kaunti umasa lang naman ako”

“Andy” pagtawag ko sa kanya dahil nakita ko ang lungkot sa mukha niya

“Alam ko na parausan lang talaga ako, tanggap ko”

No, hindi. Hindi ganon andy, hindi. Hindi siya parausan sa akin, I enjoyed it, hindi lang basta bastang parausan.

“Andy hindi sa ganon”

“Hindi sa ganoon pero ‘yun ‘yung lumalabas Miko!”

“Please, makinig ka. Di ko alam pero di lang parausan tingin ko sa nangyari satin kagabi, wag mo naman isipin yan Andy.”

Ayokong isipin niya na ganoon siya kasi hindi, hindi ganoon ang tingin ko sa kanya.

“Sorry, sorry Miko ah. Sobrang naattract kasi ako sayo, ang suplado mo sakin” tumawa siya
“Siguro, na attract ako kasi di mo ako agad tinignan na ganong babae. Salamat kagabi, lalayo na ako. Sana sumaya ka rin. Pero habang di pa ko nakakahanap dito muna ako pero di na lang ako papakita sayo”

Di na ako nakasagot, siguro ngayon kailangan ko lang isipin si Trisha, siya yung mahal ko.

Kaya simula noon, mula lunes hanggang biyernes ay madalang ko na lang talaga siya nakita. Kung magkita kami di na kami nagbabatian. Okay lang naman ganon naman dapat.

Sinusuyo ko naman si Trisha, humingi ako ng tawad. Kaya pinatawad niya agad ako. Noong dumating ang sabado as usual pumunta si Trisha sa condo at nanood kami ng movies. Dating gawi. Yinayakap niya ko pero parang may hinahanap ako ibang klaseng yakap.

Minsan pang hinalikan ko siya ngunit parang hindi sapat. Sabi ko noon baka naninibago lang ako kasi may kasalanan ako. At doon siya natulog hanggang sunday at umalis ng sunday ng gabi. Di namin nakasalubong si Andy sa condo.

Noong sunday ng gabi, nasa kusina ako umiinom ng tubig. Hanggang sa makarinig ako ng nagtatawanan. Kaya pumunta ako ng sala at nakita ko si Andy na akay-akay ng isang lalaki. Parang kumulo agad yung dugo ko. Pero wala akong magawa. Wala dapat akong gawin. Wala akong karapatan. Pumasok sila ng diretso sa kwarto ni Andy at parang nakainom ang dalawa.

Buong gabi, nagiisip ako kung anong ginagawa nila. Nakakainit ng dugo, gusto kong gibain yung pinto ng kwarto ni Andy at kunin na lang siya doon. Pero di ko magawa, at wala dapat akong gawin.

Hanggang sa…