Engr Catubay: Good Job Cedric.
Me: thank you sir.
Engr Catubay: by the way kelan mo plano mag leave?
Me: pwede po ba next week sir?
Engr Catubay: sure. San lakad mo? if you don’t mind.
Me: Sa ilocos po sana. May shooting competition po kasi dun. 7 days kasi siya sir. Plan to leave by saturday night.
Engr. Catubay: ok. Good luck. Just report to work immediately after your leave.
Me: thank you sir.
Ayos! Sambit ko sa sarili. Nangangati na din ako pumutok. Wala na akong trabaho ng mga oras na yon at pa petiks petiks na lang ako sa opisina. Mainit ang ulo ni boss sa mga ka trabaho ko dahil muntik nang mag back out ang mga kliyente. Na sermonan niya ang mga ito lalo na’t mga beterano pa mga ito sa mundo ng Civil Engineering. Patas naman si boss and in fainess di niya binaggit ang pangalan ko na nag areglo ng plano. Ang sabi lang niya “kaya pina areglo ko sa ibang tao”. Para maiwasan ang inggit at sabotahe. Makatao at makatarungan si boss pero kailangan mag trabaho ka din.
Dito todo ensayo na ako at panay ang cardio exercises ko. Puro takbo din kasi ang gagawin kaya todo ensayo ko.
After my cardio exercises I went to Camp Bagong Diwa to burn some rounds. I have two 1911 single stack chambered in 9mm. Spare gun kasi yung isa just in case pumalya ang isa sa competition. Miss ko na rin ang amoy ng pulbura.
After buring some rounds ay umuwi na ako ng bahay upang magpahinga. Dito bigla kong naisipan i-text si Katrina.
Via Text:
Me: Hi. 🙂
Katrina: Hello. 🙂
Me: can I call?
Katrina: Sure 🙂
Tinawagan ko siya upang kumustahin.
Me: Hi. Kumusta ka?
Katrina: eto. Mabuti naman maski papaano. Ikaw?
Me: eto natambakan ng trabaho sa opisina. Pero nag bigay naman ang boss ko ng 1 week leave. Kaya pupunta ako ng ilocos this saturday for a shooting competition.
Katrina: ilocos? Hindi pa ako nakakapunta dun ah. Sama ako hahaha.
Me: ha? Eh pano mga anak mo?
Katrina: ayun. Nagpaandar nanaman byenan ko. Sem break na kasi nila. Nag yaya ng Hong Kong Disneyland. Sa sabado din luwas nila. Sabi ko kahit na ako na magbayad mg ticket at hotel basta makasama lang ako.
Umiyak na si Katrina ng mga oras na yun.
Katrina: Buti pa mga yaya kasama. Ako na nanay hindi kasama.
Patuloy sa paghagulgul sa iyak si Katrina ng mga oras na yon.
Katrina: worst thing my husband called and told me na pag bigyan ko na nanay niya. FOR GOD’S SAKE Cedric! Pati asawa ko hindi ko pala kakampi!
Iyak pa rin ng iyak si Katrina ng mga oras na iyon.
Katrina: please Cedric. Sama mo ako. Gusto kong makapag isip at ma relax. Please………..
Hindi na ako nakatanggi sa kanya.
Me: sure. Mag impake ka na. Also bring some swimsuit ha.
Katrina: ok.
11:00 ng gabi ng byernes nang nagkita kami sa isang 24/7 fastfood at isinakay ko na ang kanyang mga bagahe. Muntik ko siyang di makilala dahil nagbsuot siya ng blonde wig at naka shades.
Me: Buti nakatakas ka sa mga anak mo.
Katrina: nagpaandar nanaman byenan ko at dun sa bahay niya daw matutulog ang mga bata.
Pagsakay namin ng sasakyan ay dumiretso na kami sa aming byahe papuntang ilocos. Swabe pa ang daan ng mga oras na yon at wala pa masyadong sasakyan. We took the NLEX and SCTEX. Wala pang TPLEX that time.
We arrived at Vigan at 7Am. Nag side trip muna kami sa mga old houses, Calle Crisologo, Syquia Mansion, Crisologo Museum at Baluarte, ang teritoryo ni Chavit. Para siyang batang nakawala sa pagkakakulong ng mga oras na yon. Malayo sa kanyang eskwela-bahay-bahay-eskwela. Nakakal…