Nagpunta ako ng safety area upang magsukbit ng baril at pagkatapos ay nagparehistro na ako. Ipinaliwanag ko sa kanya ang rules and regulation ng nasabing palaro. Laking gulat na na sibrang istrikto pala ang mga rules namin. Dito na siya naliwanagan na hindi basta basta pumuputok ang baril basta responsable ang tao at hindi kung saan saan iniiwan ito.
Pagkatapos makapag rehistro ay pumunta na kami sa unang course of fire. Saktong may briefing na Range Officer ng mga oras na iyon kaya sinama na nila ako. The game is base on speed and accuracy pero kailangan din ang magaling na diskrte at magaling ka din dapat magbasa ng couse of fire.
Nagtagisan kaming mga nakasalang na shooters sa stage na yun at nung ako na ang puputok ay panay ang cheer sa akin ni Katrina. Nakakataba ng puso and I am very much inspired at nasapawan ko ang mga kalaban ko. 18 stages ang nasabing palaro para da handgun pwera pa ang rifle at shotgun. One down na kami at 18 to go. We finished 4 stages hanggang sa mag break time na.
Pumunta na kami sa buffet table para kumuha ng makakain. Dito nagbago naman ang pananaw ko sa mga ilocano. May kasabihan kasing kuripot ang mga ito pero sa mga nakahaing pagkain? Hindi ko masasabing kuripot sila. Lechon baboy, lechon baka, kambing, alimango, sugpo at kung ano ano pa. Katrina was overwhelmed with the foods.
Katrina: oh my god. Sira ang diet ko. Hahaha
Me: exercise tayo mamaya?
Katrina: sira! Hahaha
Nang matapos na kami kumain ay nagpatuloy kami na nasabing palaro. Nagpatuloy ang briefing ng mga Range Officers tungkol sa mga course of fire at nagtagisan ulit kaming mga shooters. May mga kalaban din kaming mga pulis sa palaro at magagaling din sila. Kahit nadapa eh tayo agad parang Miriam Quiambao. 4 stages ang natapos namin ng araw na iyon at nagsara na ang range.
After the competition ay pumunta na kami sa aming hotel upang maligo at magpalit na din ng damit. Amoy araw na kasi kami. Pina laundry ko ang mga damit namin sa hotel upang di kami kapusin. Maya maya lang ay nakahanda na ang hapunan at nag uumapaw pa din ang mga pagkain. Kumain kami ni Katrina at nakihalubilo sa ibang mga shooters. Yung iba kasama ang asawa, anak o nobya. Di naman ako matatalo sa usapang iyon. Nang maubusan na kami ng kwento ay pumanik na kami ni Katrina sa kwarto upang magpahinga. Pagpalit na kami ng pangtulog at nagpahinga na. Gusto ko sana humirit ng sex pero alam kong pagod din siya.
Kinabukasan pag putok ng araw ay nag almusal na kami at pumunta na sa range. Saktong wala pang tao ng mga oras na iyon kaya nag practice muna ako sa fumble area. Pinasubok ko ulit kay Katrina ang aking baril at tuwang tuwa siya na tumatama na siya. Nang magbukas na ang mga stages ay pinutukan ko na ang mga ito. Sakto kasing walanpa masyadong tao kaya napagbigyan ako ng mga range officers. I was able to finish 4 stages just before 12 noon.
Kumain na ulit kami ni Katrina at seafoods overload naman ngayon ang nahakain. Crabs, lobsters, prawns, baked tahong, oysters at kung ano ano pa. Nabusog kami ni Katrina at pagkatapos namin kumain ay nagpatuloy na kami sa competition. Tagisan kami ng galing ng mga shooters at yung iba ay katakot takot ang nagastos sa kanilang mga baril para lang makatama. I was able to finish with a respectable run on all stages especially with the cheer of Katrina. I was able to finish 5 stages until the range closed.
Down to 5 stages the next morning bumalik na kami sa hotel para maligo at mag palit ng damit. Range Officer’s Night kasi. May banda and the usual bumabaha ng pagkain at inumin. Naki jamming din kami sa nasabing banda at laking gulat ko na game na game si Katrina. Just like she was out in an open. Ang galing din pala niya kumanta. Nang antokin na kami ay bumalik na ako sa aming hotel.
Kinabukasan ay we ate our breakfast and went to the range immediately to finish the remaining 5 stages. Wala pa masyadong tao kaya nakalaro agad ako. I…