Ulilang lubos na si Adrian at lumaki na lamang siya sa pangangalaga ng Boystown. Sanggol pa lang siya nang iwan siya dito ng kanyang mga magulang sa labas ng nasabing institusyon. 18 years na ang nakalipas mgunit hindi pa rin niya nakikita ang mga ito. Magtatapos na siya ng high school at pangarap niyang maging CPA Lawyer.
Dahil na rin sa kakulangan sa pagmamahal ay palagi siyang umaasang may taong magmamahal sa kanya sa kabila ng kanyang pagkatao. Iho de bastardo, putok sa buho, anak sa pagkakasala, at kung ano ano pa ang bansag sa kanya. Pinilit pa rin ni Adrian na maging matatag at malakas sa mga taong kumukutya sa kanya. Hindi mo masasabing gwapo si Adrian pero malakas ang kanyang sex appeal. Mala Jeric Raval ang dating niya pati sa kanyanh matikas na tindig.
Magangkad siya sa taas na 5’11”. Balinkinitan ang kanyang katawan at moreno ang kanyang kulay. Mahilig din siya sa sports tulad ng basketball at swimming dahil ito lamang ang facility nila sa institusyon. Matayog ang pangarap ng binata at nangangarap din siya na magkaroon ng nobya na mamahalin siya. Dahil malakas ang sex appeal ay maraming babae ang nahuhumaling sa kanya lalo na yung mga taga girlstown na palaging dumadalaw sa kanila. Dahil dito ay panay ang kanchaw sa kanya ng mga tropa niyang sila Dennis, Jaime at Bogs. Wala pa kasi sa isip ni Adrian ang pag ibig at gusto muna niyang makapagtapos ng kolehiyo.
Bogs: Adrian kung ganyan lang kalakas ang sex appeal ko eh pila pilang babae na siguro pinapaiyak ko ngayon.
Jaime: Oo nga naman Adrian. Sayang naman ang pagka gwapo mo.
Dennis: Bigyan mo naman kami kahit konting sex appeal lang.
Adrian: ano ba kayo. Wala pa sa isip ko ang bagay na yan.
Jaime: Adrian sa ngayon wala. Pero may araw ka din. Mapapana ni kupido ang puso mo. Maniwala ka sa akin.
Adrian: pag nangyari yan eh kayo unang makaka alam.
Nagpatuloy si Adrian sa kanyang pag aaral at lalo pa niya itong pinagbutihan. Gusto kasi niyang maka kuha ng full scholarship para mapagaan ang kanyang gastusin.
Isang ar…