+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincident
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
Sa dami man daw ng nagawa mong tama sa mundo, isang pagkakamali mo lang ay tiyak mababalewala lamang iyon.
Pero lagi mong tatandaan, habang may buhay may pag-asa
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
Sa may front desk ng New Bilibid Prison compound.
Ang ingay ng bilibid ay nakakabingi sa mga taong dumadalaw dito. Ingay ng pagkalansing ng mga metal na rehas habang hinahampas ito ng batuta ng mga Jail Officer
Ang bakal na trangkahan na hindi halos na nalalangisan, ang sigawan ng mga preso at walang katapusan na hamunan.
At sa mga pagkakataon panga, mga tunog ng baril at pagsabog ang umaalingawngaw dito pero sa isang bahagi ng bilibid ay tahimik ang mga preso at dalaw. Tahimik na hinihintay ang kanilang pangalan na matawag para makalabas na sila sa impyernong pinasok nila
Napakaraming tao ang nakaupo ngayon sa mga bench sa harap, hinihintay nila ang paglaya ng kanilang mga mahal sa buhay. Mga taong pilit na nagbago para sa kanila.
Tulad ng isang Ina na bitbit bitbit ang kanyang mga anak, isang batang babae na may dalang lumang manika at naka suot ng gula gulanit na tsinelas habang may dala dala itong mga basket ng meryenda na sa tingin ko ay nilalako nito para makaraos silang mag-ina sa araw araw.
Sa kabilang dako ay isang matandang babae na may dala dala naman na malaking karatula na nakalagay.
” Maligayang paglaya mahal ko” habang winawagayway ito ng matanda ng makita niya ang dalawang lalaki na lumalabas na mula sa malaking gate na bakal na nagsisilbing daan tungo sa kalayaan.
Dumaan muna sila sa front desk at matapos ay Kaagad naman tumakbo ang dalawa sa kani kanilang pamilya. Ang nakakabatang lalaki ay pumunta sa kanyang mag-ina habang ang may edad naman ay tinakbo nito ang kanyang mahal na asawa.
Mahigpit na yakap ang sinalubong sa kanila. Yakap na punong puno ng pagmamahal. Yakap na bigay sa aking puso ng inggit habang pinagmamasdan ko sila sa malamig na rehas ng gate.
“Pero lagi mong tatandaan, habang may buhay may pag-asa” ang paulit ulit na tumatakbo sa akin isipan habang nakasandal ako sa pader at hinihintay ang pangalan ko na tawagin ng Jail officer sa may gate.
” Santos!!!!”
” Santos!!!!” napabalikwas naman ako sa pwesto dahil sa ako na ang tinatawag ng Jail officer. Kinuha ko na ang duffel bag na dala ko
” salamat” ang sabi ko ng mapadaan ako sa tapat nito at tinapik ako nito sa aking balikat. Pumunta naman ako sa may frontdesk at inabutan ko ang isang matabang Jail officer na akin kilala.
” Santos, ayaw na kita makita dito sa kulungan ah” ang sabi sa akin ng Jail officer na akin naging kaclose na dito
” Yes, tata. Pero pwede ko naman po kayo dalawin dito di ba?” ang tanong ko dito.
” Pwede naman iho basta dala ka meryenda at kwentuhan tayo ” sabay abot sa akin ng release papers na may ngiti sa kanyang mukha. Kakaiba siya sa kanyang mga kasamahan. Di siya ang nakasanayan natin na masungit at brutal na Jail officer. Siya ay patas at may respeto sa karapatan. Nakipagkamay ako dito.
” Ingat ka iho at tandaan mo” ang sasabihin sana nito sa akin pero sinagot ko na agad ito.
” habang may buhay may pag-asa” ang sabi ko at tuluyan na akong lumabas sa nagsilbing kung pansamantalang tirahan ng ilang taon.
Lumakad na ako papalabas ng compound para simula ang aking mahaba habang paglalakbay para bumangon sa mapait kong kahapon. Kahapon na ayaw ko ng balikan.
” Wait” ang sigaw ng isang lalaki na palabas ng mga bakal na gate. Napalingon naman ako dito. Nakauniforme ito at humahangos na lumapit sa akin. Hinawakan nito ako sa balikat
” Santos, pinapabigay ni Hepe” sabay abot nito sa akin ng isang brown envelope. Medyo makapal ang laman ng envelope.
” Salamat tata” ang sabi ko dito.Tinapik ko ito sa balikat
” Ingat sa biyahe” ang sabi nito sa akin. At tuluyan na itong bumalik sa loob ng compound.
Ako nga pala si Juan Miguel Santos, o mas kilala sa tawag na Juan.
Sa edad kung bente Syete ay nakulong na ako ng mahigit pitong na taon pero nais ko na kalimutan kung ano man mapait na sinapit ko. May taas ako na 5’7.
Lumabas na ako at sumilong muna ako sa isang malaking puno sa gilid. Sinilip ko ang laman ng envelope. Isang liham at may kalakip itong kwarta na tantya ko ay nasa sampong libong piso. Nilabas ko ang liham.
” Pasasalamat ko ito iho sa pagkakaligtas mo sa akin buhay” ang nakalagay sa liham. Si Hepe ang naging dahilan kung bakit ako mabilis na nakalaya. Nailigtas ko kasi ito noong maipit siya sa riot sa pagitan ng Sigue sigue at Oxo.
Tinanaw niyang malaking utang na loob ito at kaya naman siya na mismo ang naglakad sa parole board ng aking parole. Dahil din daw sa mga magandang nagawa ko sa loob ay kaagad naman ito inaprubahan.
kaagad ko nilagay sa dala dala kong maliit na duffel bag ang envelope na may lamang pera..
Nilabas ko naman ang aking wallet. May laman ito na halos limang libo piso.
Kinita ko ito sa pagsali sa livelihood program sa loob. Gumagawa kami ng mga handicrafts doon na kung saan ay binebenta ito. At ang pinag bentahan ay binigay sa amin. Ang mga kasamahan ko ay binibigay nila sa kanilang pamilya ang mga kinita, pero ako ay sinusubi ko na lang dahil sa wala naman akong pamilya na pagbibigyan.
Kaagad ko nakita ang paradahan ng trike at tinungo ko iyon.Sumakay ako ng tricycle sa may labasan at nagpahatid ako sa bayan.
Tinanong ko ang tsuper kung anong oras na , at nang sinabi nito na mag tatanghali na ay naghanap muna ako ng karinderya para kumain bago ako maghanap ng trabaho.
Nakita ko ang isang maliit na karinderya, lumapit ako sinilip ang mga ulam. Mga putahe na nakakain ko naman sa loob ng piitin. Pero di tulad sa loob na basta may mapaulam lang sila sa amin kahit walang lasa, tiyak ako dito ay may lasa na ang mga ito.
Gustuhin ko man na orderin lahat ng ulam sa akin harapan ngayon, mas pinili ko na pigilan at kontrolin ang aking sarili dahil sa kailangan ko magtipid.
” Miss magkano ang isang order ng ampalaya?” ang tanong ko dito.
” 25 po ang isa” ang sagot nito sa akin.
” Isa nga tas dalawang kanin. Isang softdrinks na din” ang sabi ko dito.
Nilagay naman niya sa tray ang aking order at pumwesto ako sa sulok para makakain ako ng tahimik. Pinagmamasdan ko ang mga tao sa akin paligid. Tahimik lang din sila kumain. Di tulad sa loob na halos bawat sa paghatag ng pagkain sa amin ay may gulo na lang aabutin.
Dahil sa gutom at sa nasanay ako sa mabilisan kain ay halos sampong minuto lang ay ubos ko na ang aking inorder.
” Miss, hiring ba kayo? Kahit janitor, taga hugas ng plato. Kahit ano” ang tanong ko sa isang serbidora na nagligpit ng aking pinagkainan.
” Oo, hiring kami. Saglit tawagin ko ang boss namin” ang sabi nito sa akin at mabilis itong pumasok sa kusina. Ilang sandali pa ay lumabas na ito at kasunod niya ang isang malaking lalaki.
Isang malaking lalaki na may malaking tiyan ang lumapit sa akin. Kamukha niya ung artisa na si Ricky Rivero. Ung kaibigan ni Vice ganda na mataba sa Praybeyt Benjamin.
” Ikaw ba yun nag aapply ?” ang tanong nito sa akin habang himas himas nito ang kanyang tiyan.
” Opo” ang sagot ko dito.Naging maganda ang usapan namin dahil assistant cook daw ang pwesto ko. Dahil assistant din naman ng cook sa loob ang trabaho ko.Nagkamayan na kami.
” May Resume ka ba?” ang tanong nito sa akin habang pinapakita na niya sa akin ang mga putahe na gusto niyang ipaluto sa akin.
” Ho, resume!! Wala ho eh. Kakalabas ko lang sa kulungan” ang direktang sagot ko dito. Nagulat na lamang ako ng ipagtulukan ako nito palabas ng restaurant niya. Hinagis nito sa kalsada ang aking dalang bag.
” Wag ka nang makakain kain pa dito sa karinderya ko magnanakaw” ang sigaw nito na narinig naman ng mga tao sa paligid. Pinagtinginan ako ng mga tao na para akong may isang malubhang sakit.
” Ang laki ng katawan, pero magnanakaw” ang narinig kong bulung bulungan ng mga tao sa akin paligid. Kahit gusto ko magalit at sabihin sa kanila na hindi totoo ang mga iyon ay pinili ko na lamang na manahimik.
Tumayo na ako at pinagpag ang mga dumi na sumama sa akin. Binitbit ko ang aking bag at nakadukong lumakad.
Sumunod akong nag apply sa isang gasolinahan.
Napabilib ko muli ang manager sa akin dahil sa sipag at lakas ng pangangatawan ko.Pero katulad ng kanina. Hinapan ako nito ng resume at sinabi ko muli na dati akong preso ay pinaalis ako nito na parang may nakakahawang sakit.
” Sayang ang ganda mo, di nadamay ang ugali mo” ang sabi ko dito habang naglalakad ako paalis ng opisina nito. Binilisan ko na ang lakad ko at baka kung ano ano pa bintang sa akin. Baka sabihin ni rape ko pa siya.
Nakita ko naman ang nag vulcanize sa di kalayuan. Di man ito kagandahan sa paningin ng tao dahil sa dumi at nanggigitata na sahig sa paligid nito ay tiyak ako na kaya akong buhayin nito.
Isang lalaking nakasando at napakaliit ang humarap sa akin. Siya ang nagpikalala na may ari ng vulcanizing shop. Kamukha nito ang namayapang artista na si Bentong. Naging maayos ang pakikipag usap nito sa akin pero katulad ng dalawang inaaplyan ko. Wala silang tanong sa akin kasipagan at galing.
Pero parang isang malaking karayom na tumutusok sa akin lobo ng pangarap ang bakas ng aking mapait na kahapon.
Inabot na ako ng gabi sa daan sa kakahanap ng matutuluyan, dahil sa katulad ng mga pinagtanungan ko ng trabaho.ganun din ang trato sa akin ng mga boarding house, apartment at kahit nga mga mumurahin na motel na pinag tanungan ko.
Isang dumi sa lipunan na kahit anong ligo ay di na mawawala sa katawan mo.
Tandang tanda ko pa ang mga pang aalipusta nila sa akin.
Mga pangungutya at pandidiri ng mga mapag malinis na lipunan.
Mga taong walang ginawang mali sa buong buhay nila.
Mga malilinis sa mata ng lipunan pero mga nabubulok naman ang kanilang mga ugali
Kung ang tingin ay nakakamatay lang, kanina pa ako nakalibing sa ilalim ng lupa. Dito ko napatunayan ang kasabihan na ang dilay parang patalim na sumugat ay kay lalim.
Di man nila sinusugutan ang aking pisikal na katawan pero ang emotional na katawan ko ay halos magkalasog-lasog na. Kala ko ba, habang buhay may pag-asa pero bat parang habang pinipilit kong mabuhay ay kinikitil naman nila ito.
Halos mawalan na ako ng pag asa at tumutulo na ang luha ko sa aking mga mata. Mga patak ng dugo mula sa akin kaluluwa na pilit sinasalag ang mga pang-aalisputa ng lipunan sa akin.
Naisipan ko na makiusap s…