Chapter 1: Ang Pag Dududa
By: Balderic
Two years of marriage. Ganyan palang kahaba ang pagsasama nina Adel at Selena. Si Adel ay isang guro sa isang pribadong kolehiyo at si Selena naman ay isang lead designer ng isang malaking kompanya sa Quezon city. Matagal ng magkakilala ang dalawa bago pa man sila nag asawa. Schoolmates sila noong nasa kolehiyo palamang .
Si Adel ay 28 yrs old, middle class ang pamilya, katamtaman ang pangangatawan, kayumanggi ang kulay, at hinde naman ka gwapuhan. Kung baga, simpleng lalake lamang sya. Hinde sya gaano nag e standout sa crowd at kung susuriin, hinde mo agad mapapansin pag isang grupo kayong magkakasama. Isa ito sa dahilan kung bakit nahirapan si Adel manligaw noon lalo pa at mababa ang self esteem nya. Natagalan rin sya sa panliligaw kay Selena, umabot pa ito haggang graduation nila. Pero dahil porsigido, sinagot naman sya ni Selena at kalaunan ay niyaya nang magpakasal.
Si Selena naman ay 29 yr old, middle class family rin, may katangkaran 5’7 ang height, maputi, magandang mukha, mahabang buhok na kinulayan ng bronze blonde ang bangs at gilid na parte sa ulo, at saktong kurbada ng katawan. Halatang S class babe si Selena at simula ng makilala ni Adel, maraming lalake rin ang naghangad na ligawan sya. Subalit sadyang mapili si Selena noon, at meron narin syang nobyo nung kolehiyo na tumagal rin ng ilang taon subalit naghiwalay rin dahil sa nakahanap ng ibang babae ang nobyo nya. Dito napalapit ang loob ni Selena kay Adel at nagkatuluyan na nga sila.
Maganda ang takbo ng kanilang pagsasama, pero nakiusap si Selena na hinde muna sila magkakaroon ng anak hanggat hinde pa sila lubos na nakapag ipon para sa mas magandang kinabukasan ng magiging supling nila. Dahil dito, todo kayod ang mag asawa. Pero kahit busy ang dalawa, hinde pa rin nawawala ang init nila sa isat isa. Madalas parin silang nagsesex at hinde nagkakasawaan sa isat isa. Isa ito sa dahilan ng mas malapit nila sa isat isa.
Isang araw,
“Babe, may sasabihin pala ako sayo. “ sabi ni Adel,
“Ano yun babe? “ tanong naman ni Selena habang nagbibihis ng susuutin sa pag pasok sa opisina.
“Sa isang araw kasi pupunta kami ng Cebu kasi may teacher research seminar na gaganapin. Baka abutin daw ng isang linggo roon. “ sagot naman ni Adel.
“Ay ang tagal naman nun? “ naka pouty lips pa si Selena na animo’y malungkot na bata. Napangjti naman si Adel,
“Babe, sensya na ha. Pero promise pag balik ko rito mamamasyal tayo okay? “ ngumiti naman si Selena at tumango nalamang.
Dumating rin ang araw ng pag alis ni Adel patungong Cebu, nalungkot naman si Selena sa pag alis ng asawa pero ginugol na lamang nya ang sarili sa opisina para maiwasan ang pag iisip at kalungkutan. Habang nasa cubicle sya, lumapit sa kanya ang Design Manager nila,
“Oh Selena me problema ba? Ba’t parang ang lungkot mo naman? “ tanong neto at napa tingin naman sj Selena.
“Ha? Naku hinde naman sir Arnel. Seryoso lang ako dito sa dinedesign ko. Malapit na kasi deadline eh. “ sagot naman agad ni Selena pero hinde nya maitago ang kalungkutan.
“Come on, you can tell me Selena. ”
“I’m fine sir. “ maikling sagot ni Selena.
“Okay. But if you need someone to talk to. I’m just at my office. “ sagot ni Arnel habang nakataas ang dalawang kamay na parang sumusuko.
Si Arnel ay 39 yrs old, may kaya ang pamilya, maputi, chinito, at sya rin ang namamahala sa designing team nila. May asawa at tatlong anak. Mabait naman ito sa mga co workers nya at parang big brother ng boong designer team. Isa rin sya sa mga kaibigan ni Selena at Adel. At kinuha pang ninong si Adel ng bunsong anak ni Arnel.
First time mawalay ng matagal si Adel kay Selena kaya naninibago pa sya at nalulungkot. Pinagpasyahan nya na lamang na lapitan si Arnel at kausapin ito. Ng mag lunch break, pumasok si Selena sa opisina ni Arnel.
“tok tok tok”
“Come in. “ sagot ni Arnel at pumasok naman si Selena.
“Oh Selena! What’s up? “ bati nito. Tahimik si Selena at umupo sa harap ni Arnel.
“Nalulungkot lang naman ako sir kasi si Adel po 1 week na mag e stay sa Cebu kasi may seminar daw sya. “ malungkot na sabi ni Selena.
“Ahah…