A Second Chance

Prologue

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincident

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Sa dami man daw ng nagawa mong tama sa mundo, isang pagkakamali mo lang ay tiyak mababalewala lamang iyon.

Pero lagi mong tatandaan, habang may buhay may pag-asa

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Sa may front desk ng New Bilibid Prison compound.

Ang ingay ng bilibid ay nakakabingi sa mga taong dumadalaw dito. Ingay ng pagkalansing ng mga metal na rehas habang hinahampas ito ng batuta ng mga Jail Officer

Ang bakal na trangkahan na hindi halos na nalalangisan, ang sigawan ng mga preso at walang katapusan na hamunan.

At sa mga pagkakataon panga, mga tunog ng baril at pagsabog ang umaalingawngaw dito pero sa isang bahagi ng bilibid ay tahimik ang mga preso at dalaw. Tahimik na hinihintay ang kanilang pangalan na matawag para makalabas na sila sa impyernong pinasok nila

Napakaraming tao ang nakaupo ngayon sa mga bench sa harap, hinihintay nila ang paglaya ng kanilang mga mahal sa buhay. Mga taong pilit na nagbago para sa kanila.

Tulad ng isang Ina na bitbit bitbit ang kanyang mga anak, isang batang babae na may dalang lumang manika at naka suot ng gula gulanit na tsinelas habang may dala dala itong mga basket ng meryenda na sa tingin ko ay nilalako nito para makaraos silang mag-ina sa araw araw.

Sa kabilang dako ay isang matandang babae na may dala dala naman na malaking karatula na nakalagay.

” Maligayang paglaya mahal ko” habang winawagayway ito ng matanda ng makita niya ang dalawang lalaki na lumalabas na mula sa malaking gate na bakal na nagsisilbing daan tungo sa kalayaan.

Dumaan muna sila sa front desk at matapos ay Kaagad naman tumakbo ang dalawa sa kani kanilang pamilya. Ang nakakabatang lalaki ay pumunta sa kanyang mag-ina habang ang may edad naman ay tinakbo nito ang kanyang mahal na asawa.

Mahigpit na yakap ang sinalubong sa kanila. Yakap na punong puno ng pagmamahal. Yakap na bigay sa aking puso ng inggit habang pinagmamasdan ko sila sa malamig na rehas ng gate.

“Pero lagi mong tatandaan, habang may buhay may pag-asa” ang paulit ulit na tumatakbo sa akin isipan habang nakasandal ako sa pader at hinihintay ang pangalan ko na tawagin ng Jail officer sa may gate.

” Santos!!!!”

” Santos!!!!” napabalikwas naman ako sa pwesto dahil sa ako na ang tinatawag ng Jail officer. Kinuha ko na ang duffel bag na dala ko

” salamat” ang sabi ko ng mapadaan ako sa tapat nito at tinapik ako nito sa aking balikat. Pumunta naman ako sa may frontdesk at inabutan ko ang isang matabang Jail officer na akin kilala.

” Santos, ayaw na kita makita dito sa kulungan ah” ang sabi sa akin ng Jail officer na akin naging kaclose na dito

” Yes, tata. Pero pwede ko naman po kayo dalawin dito di ba?” ang tanong ko dito.

” Pwede naman iho basta dala ka meryenda at kwentuhan tayo ” sabay abot sa akin ng release papers na may ngiti sa kanyang mukha. Kakaiba siya sa kanyang mga kasamahan. Di siya ang nakasanayan natin na masungit at brutal na Jail officer. Siya ay patas at may respeto sa karapatan. Nakipagkamay ako dito.

” Ingat ka iho at tandaan mo” ang sasabihin sana nito sa akin pero sinagot ko na agad ito.

” habang may buhay may pag-asa” ang sabi ko at tuluyan na akong lumabas sa nagsilbing kung pansamantalang tirahan ng ilang taon.

Lumakad na ako papalabas ng compound para simula ang aking mahaba habang paglalakbay para bumangon sa mapait kong kahapon. Kahapon na ayaw ko ng balikan.

” Wait” ang sigaw ng isang lalaki na palabas ng mga bakal na gate. Napalingon naman ako dito. Nakauniforme ito at humahangos na lumapit sa akin. Hinawakan nito ako sa balikat

” Santos, pinapabigay ni Hepe” sabay abot nito sa akin ng isang brown envelope. Medyo makapal ang laman ng envelope.

” Salamat tata” ang sabi ko dito.Tinapik ko ito sa balikat

” Ingat sa biyahe” ang sabi nito sa akin. At tuluyan na itong bumalik sa loob ng compound.

Ako nga pala si Juan Miguel Santos, o mas kilala sa tawag na Juan.

Sa edad kung bente Syete ay nakulong na ako ng mahigit pitong na taon pero nais ko na kalimutan kung ano man mapait na sinapit ko. May taas ako na 5’7.

Lumabas na ako at sumilong muna ako sa isang malaking puno sa gilid. Sinilip ko ang laman ng envelope. Isang liham at may kalakip itong kwarta na tantya ko ay nasa sampong libong piso. Nilabas ko ang liham.

” Pasasalamat ko ito iho sa pagkakaligtas mo sa akin buhay” ang nakalagay sa liham. Si Hepe ang naging dahilan kung bakit ako mabilis na nakalaya. Nailigtas ko kasi ito noong maipit siya sa riot sa pagitan ng Sigue sigue at Oxo.

Tinanaw niyang malaking utang na loob ito at kaya naman siya na mismo ang naglakad sa parole board ng aking parole. Dahil din daw sa mga magandang nagawa ko sa loob ay kaagad naman ito inaprubahan.

kaagad ko nilagay sa dala dala kong maliit na duffel bag ang envelope na may lamang pera..

Nilabas ko naman ang aking wallet. May laman ito na halos limang libo piso.

Kinita ko ito sa pagsali sa livelihood program sa loob. Gumagawa kami ng mga handicrafts doon na kung saan ay binebenta ito. At ang pinag bentahan ay binigay sa amin. Ang mga kasamahan ko ay binibigay nila sa kanilang pamilya ang mga kinita, pero ako ay sinusubi ko na lang dahil sa wala naman akong pamilya na pagbibigyan.

Kaagad ko nakita ang paradahan ng trike at tinungo ko iyon.Sumakay ako ng tricycle sa may labasan at nagpahatid ako sa bayan.

Tinanong ko ang tsuper kung anong oras na , at nang sinabi nito na mag tatanghali na ay naghanap muna ako ng karinderya para kumain bago ako maghanap ng trabaho.

Nakita ko ang isang maliit na karinderya, lumapit ako sinilip ang mga ulam. Mga putahe na nakakain ko naman sa loob ng piitin. Pero di tulad sa loob na basta may mapaulam lang sila sa amin kahit walang lasa, tiyak ako dito ay may lasa na ang mga ito.

Gustuhin ko man na orderin lahat ng ulam sa akin harapan ngayon, mas pinili ko na pigilan at kontrolin ang aking sarili dahil sa kailangan ko magtipid.

” Miss magkano ang isang order ng ampalaya?” ang tanong ko dito.

” 25 po ang isa” ang sagot nito sa akin.

” Isa nga tas dalawang kanin. Isang softdrinks na din” ang sabi ko dito.

Nilagay naman niya sa tray ang aking order at pumwesto ako sa sulok para makakain ako ng tahimik. Pinagmamasdan ko ang mga tao sa akin paligid. Tahimik lang din sila kumain. Di tulad sa loob na halos bawat sa paghatag ng pagkain sa amin ay may gulo na lang aabutin.

Dahil sa gutom at sa nasanay ako sa mabilisan kain ay halos sampong minuto lang ay ubos ko na ang aking inorder.

” Miss, hiring ba kayo? Kahit janitor, taga hugas ng plato. Kahit ano” ang tanong ko sa isang serbidora na nagligpit ng aking pinagkainan.

” Oo, hiring kami. Saglit tawagin ko ang boss namin” ang sabi nito sa akin at mabilis itong pumasok sa kusina. Ilang sandali pa ay lumabas na ito at kasunod niya ang isang malaking lalaki.

Isang malaking lalaki na may malaking tiyan ang lumapit sa akin. Kamukha niya ung artisa na si Ricky Rivero. Ung kaibigan ni Vice ganda na mataba sa Praybeyt Benjamin.

” Ikaw ba yun nag aapply ?” ang tanong nito sa akin habang himas himas nito ang kanyang tiyan.

” Opo” ang sagot ko dito.Naging maganda ang usapan namin dahil assistant cook daw ang pwesto ko. Dahil assistant din naman ng cook sa loob ang trabaho ko.Nagkamayan na kami.

” May Resume ka ba?” ang tanong nito sa akin habang pinapakita na niya sa akin ang mga putahe na gusto niyang ipaluto sa akin.

” Ho, resume!! Wala ho eh. Kakalabas ko lang sa kulungan” ang direktang sagot ko dito. Nagulat na lamang ako ng ipagtulukan ako nito palabas ng restaurant niya. Hinagis nito sa kalsada ang aking dalang bag.

” Wag ka nang makakain kain pa dito sa karinderya ko magnanakaw” ang sigaw nito na narinig naman ng mga tao sa paligid. Pinagtinginan ako ng mga tao na para akong may isang malubhang sakit.

” Ang laki ng katawan, pero magnanakaw” ang narinig kong bulung bulungan ng mga tao sa akin paligid. Kahit gusto ko magalit at sabihin sa kanila na hindi totoo ang mga iyon ay pinili ko na lamang na manahimik.

Tumayo na ako at pinagpag ang mga dumi na sumama sa akin. Binitbit ko ang aking bag at nakadukong lumakad.

Sumunod akong nag apply sa isang gasolinahan.

Napabilib ko muli ang manager sa akin dahil sa sipag at lakas ng pangangatawan ko.Pero katulad ng kanina. Hinapan ako nito ng resume at sinabi ko muli na dati akong preso ay pinaalis ako nito na parang may nakakahawang sakit.

” Sayang ang ganda mo, di nadamay ang ugali mo” ang sabi ko dito habang naglalakad ako paalis ng opisina nito. Binilisan ko na ang lakad ko at baka kung ano ano pa bintang sa akin. Baka sabihin ni rape ko pa siya.

Nakita ko naman ang nag vulcanize sa di kalayuan. Di man ito kagandahan sa paningin ng tao dahil sa dumi at nanggigitata na sahig sa paligid nito ay tiyak ako na kaya akong buhayin nito.

Isang lalaking nakasando at napakaliit ang humarap sa akin. Siya ang nagpikalala na may ari ng vulcanizing shop. Kamukha nito ang namayapang artista na si Bentong. Naging maayos ang pakikipag usap nito sa akin pero katulad ng dalawang inaaplyan ko. Wala silang tanong sa akin kasipagan at galing.

Pero parang isang malaking karayom na tumutusok sa akin lobo ng pangarap ang bakas ng aking mapait na kahapon.

Inabot na ako ng gabi sa daan sa kakahanap ng matutuluyan, dahil sa katulad ng mga pinagtanungan ko ng trabaho.ganun din ang trato sa akin ng mga boarding house, apartment at kahit nga mga mumurahin na motel na pinag tanungan ko.

Isang dumi sa lipunan na kahit anong ligo ay di na mawawala sa katawan mo.

Tandang tanda ko pa ang mga pang aalipusta nila sa akin.

Mga pangungutya at pandidiri ng mga mapag malinis na lipunan.

Mga taong walang ginawang mali sa buong buhay nila.

Mga malilinis sa mata ng lipunan pero mga nabubulok naman ang kanilang mga ugali

Kung ang tingin ay nakakamatay lang, kanina pa ako nakalibing sa ilalim ng lupa. Dito ko napatunayan ang kasabihan na ang dilay parang patalim na sumugat ay kay lalim.

Di man nila sinusugutan ang aking pisikal na katawan pero ang emotional na katawan ko ay halos magkalasog-lasog na. Kala ko ba, habang buhay may pag-asa pero bat parang habang pinipilit kong mabuhay ay kinikitil naman nila ito.

Halos mawalan na ako ng pag asa at tumutulo na ang luha ko sa aking mga mata. Mga patak ng dugo mula sa akin kaluluwa na pilit sinasalag ang mga pang-aalisputa ng lipunan sa akin.

Naisipan ko na makiusap sa isang simbahan kung pwede ako magpalipas ng gabi doon. Siguro naman ay hindi ako tatanggihan ng mga tao doon.

Pag pasok ko sa simbahan, naupo ako sa may unahan, ang pakiramdam ko ay punong puno ang dibdib ko ng mga sandaling iyon.

May napansin akong isang babae at isang batang lalake na may kalusugan na nag uusap ng mahina, may kalayuan sila sa aking kinaroroonan kaya diko dinig ang mahina nilang pag-uusap. ang babae naman mga early 20’s lang. Maganda ang babae, ang batang lalake naman ay naglalaro ito ng robot habang kinakausap ito ng babae

Habang akoy nag mumuni-muni sa aking pag kakaupo, napansin kung tumayo na ang dalawang magkasama, upang lumabas ng simbahan.Halos iilan lang kami sa loob, ng makita kung nakalabas na ang dalawa, ako naman ay lumabas na din.

Inabutan ko sa labas ang mga nagtitinda ng mga iba’t ibang kandila at mga novena. Nandoon din ang mga iba’t ibang pagkain tulad ng mga Chitcherya, mga tusok tusok at mga kakanin.

Naisipan ko muna kumain sa nakita kung lugawan at ng mabusog na ako ay umalis na ako. Di man ako nabusog sa lugaw , nabusog ako sa mga titig at sermon sa akin ng nagtitinda na kala mo naman napakasanta niya.

Nakita ang dalawang kasabay ko sa simbahan kanina na pasakay sa isang itim na fortuner.

Kahit di ko nakita ng malapitan ang dalaga, alam ko na may angking ganda ito. Nagsimula na ako maglakad lakad para humanap ng aking tutulugan na bangketa o kalye.

Andito ako ngayon nakasandal sa isang malaking puno sa gilid ng daan.

Nasa madilim na bahagi ako ng kalsada. Tanging ilaw lamang ng buwan ang nagbibigay ilaw sa akin.

Ayaw kong makita pa ako ng mga taong sinasabi nilang mga edukado pero walang alam sa dinanas ng mga katulad ko.

Mga mayayaman na hirap na hirap umitindi sa aming mga pilit nagbabago.Mga taong malinis pero walang kasing dumi ang mga puso.

” Boom!” ang isang malakas na pagsabog ang aking narinig.

At nakita ko ang isang fortuner na nasabugan ata ng gulong dahil umaalog ang takbo nito kasabay ang tunog ng rim ng gulong nito na sumasayad sa daan.

” Blag! Blag ! Blag ! Blag! Blag!” ang tunog nito habang huminto ito sa gilid ng daan.Kaagad ko nilapitan ang sasakyan. Parang pamilyar sa akin

” Ayos lang po ba kayo?” ang tanong ko sa driver side.Binaba naman niya ang bintana. Napako ang tingin sa driver ng sasakyan.

Ganito siguro ang tingin mo sa unang babae na talaga napakaganda na nakita mo sa halos ilang taon mong pagkakakulong.

Isang napaka gandang binibini. Mahaba ang blonde nitong buhok. May maliliit din itong nunal sa mukha na kasing laki lang ng pores mo. Pero pamilyar ito sa akin.

” Siya nga ung babae sa simbahan kanina” ang sabi ko sa akin sarili.

” Naflatan ako kuya. Kaso di ako marunong magpalit ng gulong” ang sabi sa akin ng babae.

” May gamit po ba kayo?” ang tanong ko dito.

” Teka teka, asa likod” at binuksan nito ang pintuan niya.

Naka white shirt lang ang babae at maikling maong shorts na above the knees. Nakaheels din ito kaya muntikan siya matumba kababa niya.

Buti at nahawakan ko ang isang kamay nito.

” Salamat kuya” ang sabi nito sa akin at pumunta kami sa likuran ng sasakyan para ibaba ang gamit at ang spare nitong gulong.

Flat ang driver side nito kaya binaba ko muna ang dala kong bag. Pinwesto ko ang jack malapit sa harapan na gulong.Medyo hirap ako kaya sinabihan ko ito.

” Miss, pwede po ba pailawan” ang sabi ko dito.

” Ay sorry” ang sagot nito sa akin at sinindihan niya ang ilaw ng phone niya

” Yan, thank you ” ang sabi ko at agad ko naman na sentro ang jack nito.

Tinaas ko ang jack at sinimulan ko na luwagan ang screw ng gulong niya.

Pinalitan ko na ang gulong ng sasakyan at nilagay ko na ito sa likuran kasama ang mga gamit. Ng bigla mamatay ang ilaw ng babae.

” Wag ka gagalaw” ang sabi ng isang lalaki sa aking likuran. Naramdaman ko ang init ng nguso ng baril niya sa akin spine.

” Sumunod ka lang” ang utos nito sa akin at pinalakad niya ako tungo sa harapan ng sasakyan na kung saan nakita ko ang babae na tinulungan ko.

Nakasandal ito sa hood ng kotse niya habang nakatutok ang baril ng isa pang lalaki sa kanya. Kinakapkapan nito ang babae at tila may hinahanap ito.

” Miss, asan na ung mga jewelries mo” ang tanong ng lalaki sa likuran niya.

” wala akong alam sa sinasabi niyo” ang sagot ng babae.

” Edi patayin na lang namin ang anak mo” ang sabi ng lalaki at isa pang lalaki ang lumabas at dala dala nito ang isang batang lalaki na tulog na tulog.

” Huwag, wala talaga ako alam” ang sigaw ng babae.

” Edi patayin na lang talaga namin ito” ang sabi ng lalaki na karga karga ang banda. Tinutok nito ang pistol na hawak niya sa ulo ng bata.

” Huwag, wala talaga ako alam” ang sigaw ng babae habang nakikita ko ang mga luha sa mata nito.

” wagggg, wala talaga kami alam maawa kayoo” ang sigaw ng babae.

” Alam ko kung asan ang sinasabi niyo” ang lakas loob kong sabi. Napatingin naman ang babae sa akin. Pasimple akong tinanguan ito.

” Ayun, alam naman pala ni kuya eh” ang sabi ng lalaki nakatutok sa babae.

” Asan?” ang tanong sa akin ng lalaki na nakatutok sa akin.

” Nasa bag ko, kukunin ko” ang sabi ko at dahan dahan akong lumapit sa harapan ng sasakyan na kung saan nandun ang duffel bag ko.

” Sige kunin mo at subukan mo gumawa ng kalokohan kung hindi patay ang dalawang ito” ang sigaw ng lalaki na nakatutok sa babae.

Binuksan ko ang bag ko at kunwari may hinahanap. Naghihintay ng tamang tyempo.

Dumating na ang hinihintay ko pagkakataon. Medyo napalayo ng tingin ang lalaki na nakatutok sa akin. Bigla kong hinila ang paa ng lalaki na nakatutok sa akin.

Napasubsob ito nalaglag ang baril niya at nasapo ko ito at pinutok sa kanyang tiyan. Bago pa makareact ang dalawa nitong kasama ay isang sweeping kick na pinakawalan ko sa lalaki na naka tuktok sa babae.

Napasubsub ito at kaagad naman na siniko din siya ng babae sa tiyan na ikinatumba nito sa kalsada. Habang ang isa ay kaagad kong binaril sa ulo niya.

Tatayo sana ang nakadapa pero pinuntukan ko ito sa ulo.

Ang lalaki naman na bitbit ang anak ng babae ay binaba na lamang nito sa sahig ang dala at tumakbo na ito sa isang motor na nakaparada sa harap.

Pinutukan ko ito at tumba agad siya. Sakto sa ulo ang tama nito.

Bumalik ako at nakita ko naman na tumawag na ng pulis ang babae. Sinabihan ko ito na pumasok na lamang sa sasakyan nila at wag lalabas. Baka may kasama pa ang mga ito. Para naman akong isang guard doon sa labas na binabantayan sila.

Wala pang sampong minuto ay dumating na ang mga pulis na tinawag nito.

” Taas ang kamay” ang sigaw ng isa.

” Baba mo yan hawak mo” ang utos niya sa akin. Habang ramdam ko na may nakatutok na naman sa akin likuran na baril.

Hinagis ko naman ang baril na hawak ko. Akmang poposasan na ako ng mga pulis na lumabas ang babae mula sa loob ng fortuner.

” Mamang pulis, siya tumulong sa akin” ang sabi nito.

” Sorry boss” ang sabi naman nito sa akin.

” ayos lang po” ang sabi ko sa kanila.

Tinanong ng pulis ang babae at kinwento niya ang mga pangyayari.Tinapik ako sa balikat ng pulis at sinabi na good job.Niyaya kami ng police sa station nila para daw makapagsampa ng kaso.

” Mauna na kayo mga sir, susunod po kami” ang sabi ng babae sa kanila.

Nandun na din ang soco at dadalhin na nila ang nag iisang buhay na suspect.

” Siya nga pala salamat. Ay andami na natin pinagsamahan. Di ko pa alam name mo” ang sabi ng babae.

” Juan na lang po” ang pakilala ko dito.

“Janelle” ang sabi nito sabay abot sa kamay nito.

” Janelle” sabay abot kamay nito.

” Kuya, marunong ka ba mag drive?” ang tanong ni Janelle sa akin.

” opo” ang sabi ko dito.

” pwede ba ikaw na mag drive hanggang sa station ng pulis” ang sabi nito sa akin.

” Sige po” ang sagot ko dito. Umikot naman siya sa kabila at sumakay.

Sumakay na din ako at nagsimula kami mag drive tungo sa station ng Police.

” Juan, siya nga pala sinakay ko na din ang bag mo sa likod kanina”‘ ang sabi nito sabay turo sa duffel bag ko na nasa tabi ng batang lalake

” Anak mo?” ang tanong ko sa kanya.

” Oo, siya si Kobe, 5 years old na” ang sabi nito sa akin.

” Bat ka pala hinoldap ng mga yun?” ang tanong ko dito.

” Dealer kasi ako ng alahas at nagbebenta ako ng lupa. Kakakuha ko lang ng mga alahas. Siguro nasundan nila ako” ang sabi nito sa akin.

” Salamat nalang talaga at nasa paligid ka. Kung hindi patay na kami ng anak ko” ang pagpapatuloy nito.

” Tsamba lang po ang lahat ng yun.

” Kanina ka pa po ng po. 27 years old pa lang ako. Ikaw ba?” ang sabi nito sa akin

” 27 pa lang din ako ” ang sabi ko dito.

” wag ka na mag po, magkaedad lang pala tayo eh. Janelle na lang pls” ang pakiusap nito.

” Okay Janelle” ang sagot ko dito.

” Teka, andami muna alam sa akin. Eh ikaw ano ginagawa mo doon?” ang tanong nito sa akin.

Kinwento ko sa kanila ang lahat mula sa paglaya ko hanggang sa mga pag aalipusta sa akin ng mga ibang tao.

” may mga tao talaga na mapag mata sa kapwa” ang sabi nito sa akin.

“kala mo naman ang gaganda nila. Puro naman chaka” ang sabi ni Janelle sa akin.

At dumating na kami sa stasyon pulis.

Nag file na siya ng reklamo at lumabas na kami. Sumunod ako dito para kuhanin lang sana ang gamit ko ng makita ko na inaayos nito sa pagkahiga ang anak niya.Nakabukas ang pintuan ng sasakyan at kita ko na tulog na tulog pa din ang bata na si Kobe.

Napansin ni Janelle na nakatingin ako sa kanya at kaya naman nagsalita ito muli

” Kuya gusto mo ba maging driver ko?” ang tanong nito sa akin

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Unahan ko na po ang mga magsasabi na Repost or parang kinopya ko lang ang storya natin.

Tama kayo, repost, kinopya, ginaya ko o ano man gusto niyo itawag sa ginawa ang storya na ito.

Pero di tulad ng iba diyan na basta basta na lang magnanakaw ng likha ng may likha. Ang tema at storya na ito ay buong laya na pinauubaya na sa akin ng author na si ANGPROBINSYANO. Di na daw niya kaya tapusin pa ang storya at ako na lang daw magtapos or kung gusto ko ay irevise ko para pumasok sa akin panglasa.

So sa mga bashers diyan at mga negatron sa comments sections. Pakibasa muna po ito bago kayo mag comment para di po kaya mag mukhang tanga.

Anyways sa mga loyal at top fans ko tulad ni Tita lyka na laging mainit at hot ang comments,

Kilala Mr Tarogi at zooeymama32 na laging may comments din, salamat po sa patuloy niyong support.

Mukha man ito kamukha ng original na story ni Boss Angprobinsyano, tiyak ako na lalagyan ko ito ng twist and turns na kinagiliwan ng aking mga mambabasa