By: Balderic
Maka ilang ulit na inisip at inanalyze ni Selena ang pangyayari. Ayaw nya maniwala na magagawa yun ng asawa nya. Ng magkausap sila, ganun parin ang dahilan ni Adel, nasa Cebu sya at busy sa seminar. Pilit na tinatago ni Selena ang nararamdaman nya. Nasasaktan syang malaman na nagsisinungaling ang asawa nya.
Sa opisina pansin na pansin ni Arnel ang kalungkutan ni Selena.
“Mam Selena pinapatawag ka raw ni boss Arnel sa office nya. “ sabi ng isang empleyada.
“Ah ganun ba. Sige pupunta na ako. “ pagkapasok nya sa opisina ni Arnel, nakatitig na ito sa kanya. Puno ito ng pag alala.
“Pinatatawag nyo raw po ako sir? “ tanong ni Selena sabay upo sa silyang nakaharap sa lamesa ni Arnel.
“Yes dear. The deadline of your designs is almost up. I want you to make it faster para dumaan na sa pagsusuri. “ paalala ni Arnel.
“Yes sir. Medyo nagkaka mental block lang kasi ako kaya di ako makaisip ng mga bagong concepts. But I promise you I can make it on time sir. “ pangako ni Selena. Napayuko si Arnel at tinignan maigi ang mukha ni Selena.
“Selena have you been crying? What’s going on with you? You used to have spark that glows in my office but now…now it looks like namatayan ka ng mahal sa buhay.” Hinde na maitago ni Selena ang nararamdaman at tumulo na lang ang mga luha nya. Inabutan sya ni Arnel ng tissue paper.
“I’m sorry sir Arnel. “ sabay singhot sa tissue.
“Okay, I know its not my place to interrogate you about this but your work is affected seriously. Like I said before, you can open up and talk to me okay. “ yumuko si Selena at pinahid ang mga luha. Mapula na ang mga mata nya at tumingala.
“I um.. I think my husband is cheating on me. “ nanginginig nyang sagot.
“Oh dear. Are you sure? ”
“Opo sir. Nagsinungaling po si Adel sakin. Nalaman ko po na wala talagang seminar sa Cebu at nakita ko me babae na nag message sa kanya at may picture pa silang magkasama sa profile ng babae.” Paliwanag ni Selena. Napakunot ng noo si Arnel at halatang hinde makapaniwala.
“Wow. Are you really sure about this? Malay mo its not what it really seems. “ umiling si Selena.
“No sir, may kutob talaga ako. Pero hinde pa ako sigurado. Kailangan ko pa maka kuha ng sapat na ibedensya kung totoo man. Sana nagkakamali lang ako. “ malungkot na sagot ni Selena. Tumayo si Arnel sa kinauupuan nya at lumapit kay Selena.
“Come here Selena. You don’t need to cry about this. Don’t think about it too hard okay. Hinde ka pa sure so malay mo hinde talaga totoo ang kutob mo. Just stay strong okay. “ hinimas ni Arnel ang likod ni Selena para kumalma ito. Sa sandaling yun, yumakap si Selena kay Arnel. Tahimik lang ito at pinipigilan ang pag hikbi. Niyakap rin sya ni Arnel. Mailang segundo rin ang tinagal ng yakap nila at walang kibuan. Tumayo si Arnel at nag ayos.
“Stay here and rest for a bit. Kukuha lang ako ng juice at towel para ma refresh ka. Ayoko lumabas ka ng office ko na maga ang mga mata. Baka kung ano isipin ng mga tao okay. “ nakangiti si Arnel at binuksan ang pinto.
“Thank you sir Arnel. “ nakangiti na rin si Selena.
“See, that’s the smile that makes my day. Okay stay for awhile. “ sabay kindat kay Selena at lumabas na si Arnel.
Tinignan naman ni Selena ang opisina ni Arnel. Malinis ito, puti ang pintura, may isang mahabang kabinet sa gilid malapit sa glass window at may mga books, papers, magazines, at mga trophies. Black and red naman ang carpet sa floor. May ilang mga posters sa dingding about advertisements at mga design concepts. Boss na boss ang dating. Malaki rin ang paghanga ni Selena kay Arnel dahil bukod sa mabait ito at mauunawain sa mga co workers, para narin syang kuya or uncle ng lahat sa design team. Feel at ease si Selena at pumunta sya sa isang pinkish cleopatran sofa. Humiga sya muna dito.
Ilang minuto pa at pumasok na sa loob si Arnel dala ang dalawang bote ng juice at isang putting towel.
“Oh eto punta ka muna sa bathroom ko, freshen yourself up okay. “ sabay pasa sa towel. Tumayo naman si Selena at ngumiti. Nag ayos sya sa banyo. Naghilamos, at inulit ang makeup, sabay lagay ng pabango. Pag labas nya, nakatitig na sa kanya si Arnel. Napahinga ito ng malalim na animo’y hinigop ang bango ni Selena.
“Wow! You look amazing Selena. There you go! “ manghang pagbati ni Arnel sa kanya.
“Thank you po sir Arnel. At least nabawasan po ang nararamdaman kong bigat. Ang laki po talaga ng utang na loob ko sa inyo at sa tiwalang binibigay nyo sa akin. “ pagpapasalamat ni Selena. Tumayo si Arnel at binukas ang mga braso. Nalaman kaagad ni Selena ang gusto mangyari ni Arnel at niyakap nya ito. Mahigpit na yakap. Tinapik naman ni Arnel sa likod si Selena at lumabas na agad ang babae.
…