Kahit ngayon na hindi ko pa siya nakikita ay kabado na ako, paano pa kaya mamaya? Baka mag wet na ako sa kaba.
Inayos ko ang gamit ko at saka nagpasyang agahan ang pagpasok, nang sa ganoon ay di ko masalubong o makita nang maaga si Drake.
Nasa tapat na ako ng gate ng university nang matanawan ko si Drake sa gilid niyon at mukhang may inaantay.
Hindi kaya ako yung hinihintay niya? Char! Assuming lang. Nag da-dalawang isip ako kung tutuloy pa ako sa pagpasok ngayong araw o hindi na dahil talagang kinakabahan ako.
Nag decide ako na pumasok na lang at sikaping maiwasan siya para hindi tumatambol tong dibdib ko sa kaba. Sakto naman ay merong mga iilang estudyante na papasok na rin kaya naisip kong sumabay sa paglalakad nila.
Malapit na akong makapasok ng gate nang bigla siyang magsalita.
“San ka pupunta?” Sambit niya na hindi man lang naaalis ang tingin sa daan. Nakalagay ang dalawang kamay niya sa pocket ng pants niya at di ko itatangging ang gwapo niya sa ganong position. Gwapo rin kaya siya pag nakahubad na?
Lumingon siya sa gawi ko nang mapansin na maraming babae ang nagtataka kung sila ba ang tinatanong nito.
“Saan ka pupunta?” Pag uulit niya ng tanong. This time, nakatingin na siya sakin.
“A-ah… To the moon?” Pang mamaang-maangan ko.
“Follow me” saad niya at dire-diretsong pumasok sa loob ng campus. Sumunod na lang ako dahil pinagtitinginan na ako ng ibang mga babae.
“San ba tayo pupunta?” Tanong ko dahil kanina pa kami naglalakad at sunod lang ako nang sunod sa kanya. Kahit mamaya pa ang klase ko ay sinabi kong meron na pero hindi siya naniwala kaya hanggang ngayon, stuck parin ako sa kanya.
“To the moon, diba or sa langit na lang muna?” Saka ako kinindatan. Kinilig ako sa ginawa niya pero clueless parin kung saan kami pupunta.
Iilan na lang ang mga estudyante dahil n…