To see you when I wake up
Is a gift I didn’t think could be real
“Kelan tayo magkikita?”
Tinitigan ko ang phone ko pagkatapos kong i-compose ang message na ito. Kanina pa ito naglalaro sa isipan ko pero hindi ko maitanong sa iyo. Hindi ko maitanong kasi baka i-turn down mo ako.
Kanina pa ako pabaling-baling sa higaan ko, hindi ko alam bakit ang aga ko nagising samantalang weekend naman. The normal me should be sleeping, special talent ko yata ito!
To know that you feel the same as I do
Is a three-fold utopian dream
“Bakit kasi ang hirap mong hagilapin?”
Alam ko na busy ka, and busy rin ako. But I can and will make time for you, di ko lang sure if you will make time for me, too.
Ipinikit ko ang mata ko. Hindi ko malimutan ang last natin na pagkikita. Malinaw sya sa alaala ko, pero parang napaka blur nya. Ang alam ko lang, masaya tayo habang nagroroadtrip tayo. You were carefully driving, habang ako naman ay nakatitig lang sa’yo. Paminsan minsan, haharap ka sa akin everytime may sasabihin akong something stupid.
“Pakagago!” Sabay tatawa lang tayo.
Hindi ko alam, but in that moment, I was truly happy. And I always feel the same kapag napapatawa mo ako.
Napatitig ako sa kisame. Matagal ko rin pinagmasdan ang liwanag na tumagos sa pagitan ng black out curtains. Hindi ko pala sya naisara ng maayos kagabi.
Hawak ang phone ko, napatingin ako ulit sa tinipa kong message sa screen.
“Ise-send ko na ba?” Kinausap ko na naman ang sarili ko.
“Kelan tayo magkikita?”
Delete. Close ng messaging app.
“Hey, busy ka ba?”
Delete ulit. I’m sure di mo sasagutin ang message na ito. Silly me.
8.30AM. Bumangon ako para magtimpla ng kape. Habang nasa kitchen, biglang nag beep ang phone ko. Dali-dali kong ini-unlock, nanginginig pa dahil ayaw gumana ng face recognition.
“Ganito ba ako kapangit sa umaga? Pati phone ko, di ako makilala? Iniisip ko kung nasend ko ba ang message sa iyo, ikaw ba ang nagreply sa message ko?
“Mike, pupunta ka sa bahay mamaya?”
Hindi ko naman pala na-send sa iyo. But I secretly hoped ng slight na sana ikaw ang nag message sa akin, kahit alam kong malabo.
“Dude, hindi muna. May work ako today.”
Pero hindi ko rin sinend ang reply sa friend ko. Bumalik ako sa pagtimpla ng kape.
“Tangina. Ano bang nangyayari sa akin?”
Naglakad ako pabalik sa kwarto after magtimpla. I went straight sa maliit na balcony at naupo sa sahig. Ilang buwan na nako nakalipat sa unit ko pero hindi ko pa rin mabilhan ng table at chair, kahit bean bag man lang, wala pa rin ang balcony ko.
“Baka may work ako, Dude.” sagot ko sa barkada ko.
“Ulol. Palagi mo na lang sinasabi yan!” with laughing at rolling eyes emoji na reply nya.
Totoo naman, gasgas na excuse ko na ito kapag ayaw kong makipagkita sa ibang tao. Wala naman akong gustong makita, except siguro you. Simula ng makilala kita.
You. Ikaw.
And I am sure kapag sinabi ko ito sayo directly, sobra-sobra ang pagka cringe mo. And that is totally fine, once in a while, I let my guard down because, well, it’s you.
Yes you, Anne.
You do something to me that I can’t explain
So would I be out of line if I said
I miss you?
Wala lang.
One time na nagkakape tayo sa Starbucks, I asked you randomly.
“Anne, ano ang pagkakaintindi mo sa “three-fold utopian dream?”
“Ano yan?” Kunyari hindi mo pa alam. And I always get confused kasi you have that power to confuse me. Totoo ba na hindi mo alam? Imposible!
“Three fold – three times as great.”
“Utopian – idealistic”
“Si Brandon Boyd ka ba?” Tanong mo nonchalantly. Sabay sip ng iyong Dark Mocha Frappe.
I sniggered. Iibahin ko na sana ang topic. Ibinaba mo ang Venti mo sa table. Sabay harap sa akin.
“Unattainable dreams are the best kind.” Sagot mo. “Parang ganyan lang yun.”
Napangiti ako.
“No matter how too good to be true, there’s a slim chance that it might be.” Balik sip sa frappe mo.
“I like it.” Yun lang ang naisagot ko. Still in awe. Alam ko ang ibig sabihin ng phrase na iyon but you described it so well. I couldn’t put it into words.
I see your picture
I smell your skin on the empty pillow next to mine
Balik sa roadtrip adventure natin:
“Nagustuhan mo ba?” Tanong mo sa akin pagkapasok natin ng hotel room. Alam ko why you asked that question. Lalaki ako but I am very fussy.
“Of course!”
Lumapit ako para yakapin ka. Alam ko na pagod ka sa byahe since you insisted na ikaw ang magda-drive.
“Magpahinga ka muna.” Sabi ko.
“Okay lang ako. Pero sana bumili tayo ng maraming snacks. Like brownies, waffles, pizza, —”
“Hindi mo naman sinabi na picnic pala ang agenda natin dito.” Sagot ko.
“I have a better idea! Let’s save water and shower together, yes?”
That side smile.
Naglakad ako papuntang CR. Mabilis kang tumakbo para maunahan mo ako.
“Ako muna!”
Hinarangan ko ang pinto. Gusto…