Magdalena’s point of view
Kinabukasan pagkatapos ng dinner namin kasama ang mga magulang ni Adonis ay pinuntahan ako agad nito sa aking apartment. Walang tigil ako nitong kinakamusta at tinatanong kung maayos ang pakiramdam ko.
Ramdam na ramdam ko ang pag-aalala niya sa akin.
Lagi ko lang sinasabi na wala siyang dapat ipag-alala dahil maayos ang pakiramdam ko at siguro’y dadatnan lang ako kaya biglang sumama ang pakiramdam ko noong nagdinner kami.
Gusto kong sabihin kay Adonis ang katotohanang buntis ako pero natatakot ako sa magiging reaksyon nito. Tingin ko naman ay matutuwa ito lalo na sina Tita Olivia at Tito Romano pero hindi lang talaga ako handa pa ibalita ang tungkol sa aking pagbubuntis.
Hindi pa ngayon.
Lumipas ang mga araw at hatid sundo pa din ang ginagawa sa akin ni Adonis. Mas naging sweet at maalaga pa ito sa akin at mas ipinaparamdam ang pagmamahal niya.
Si Tita Olivia naman ay lagi akong tinatawagan upang tanungin kung nagpacheck up na ba ako. Halata ang excitement sa kanya kaya sinasabi ko na tumawag na ako sa doctor at inaantay na lang ang schedule ng check up. Sinabi nito sa akin na sigurado siyang buntis ako at for formality na lang yung pagpapacheck up ko upang malaman ang lagay ng bata.
Medyo nawala rin ang focus ko sa trabaho kakaisip ng bata sa aking sinapupunan. Iniisip ko kung handa na ba ako maging ina at handa na ba akong magpalaki ng bata? Ngayon kasi mas gusto ko na kami munang dalawa ni Adonis dahil kakasimula pa lamang ng relasyon namin.
Pero naisip ko din na etong batang ito ang magpapatibay sa aming dalawa ni Adonis. At itong batang ito ang pwede kong gamitin kung sakaling may umaligid na babae kay Adonis o di kaya na makatakas si Sophia at magkita sila ni Adonis.
Kung sakali lang naman dahil alam kong hinding hindi makakatakas ang babaeng iyon sa kamay ni Tatay Tyago.
Ring! Ring! Ring!
Narinig kong may tumatawag sa aking cellphone na unregistered number. Hindi man ito registered sa contact ko pero alam ko kung sino ang tumatawag. Nilock ko ang pintuan ng aking opisina at sinagot ang tawag.
“Hello Tatay Tyago, diba sabi ko sayo wag kang tatawag dito sa —“ naputol ang aking sinasabi at muntik ng mabitawan ang aking cellphone ng ibalita nitong nakatakas si Sophia. “Ano? Paanong nangyari iyon?!” napataas ang boses ko.
Kinwento ni Tatay Tyago ang nangyari.
“Ang simple simple lang ng gagawin ninyo; wag hahayaang makatakas o mamatay si Sophia, pero hindi niyo pa nagawa? Nasaan siya ngayon? Wala ba kayong ideya kung saan siya nagpunta?” tanong ko.
Hindi daw nila nahabol si Sophia at wala silang ideya kung nasaan ito. Sinubukan na nilang magtanong sa mga malalapit na kabahayan pero wala silang impormasyong makalap.
Wala na akong nagawa kaya sinabihan silang wag tumigil sa paghahanap at balitaan ako kung may balita sila sa kinaroroonan ni Sophia.
Pagkatapos ay galit kong ibinaba ko ang tawag.
Kailangan kong mag-isip ng paraan. Kailangan maging handa ako kung sakaling bumalik si Sophia ng San Alcantara at magkita sila ni Adonis.
Tinawagan ko ang private investigator ni Adonis at sinabi ko sa kanya na nakatakas si Sophia at kailangan ko ang serbisyo niya. Kailanga nitong magmanman kung nakabalik na ba si Sophia ng San Alcantara o di kaya nakipag kita ito kay Adonis.
Sinabihan ko ito na kung kailangan niyang magdagdag ng tauhan ay gawin niya upang masiguradong hindi makakalusot si Sophia. Wag siyang mag-alala sa bayad dahil lalakihan ko ang ibibigay ko sa kanya basta galingan niya ang kanyang trabaho.
Huminga ako ng malalim at napahawak sa akin dibdib. Ramdam ko ang kaba sa aking puso dahil bumibilis ang tibok nito.
Napahawak rin ako sa aking sinapupunan at bigla akong napangisi.
“Mukhang alam ko na kung saan kita gagamitin” bulong ko.
===
Pagkatapos ng aking shift ay naghihintay na sa akin si Adonis sa may parking. Hindi ako nakapag trabaho ng maayos kakaisip sa dalawang bagay; yung bata sa loob ko, at si Sophia.
Nasaan kaya ang babaeng iyon? Nakahingi kaya siya ng tulong? Buhay pa kaya siya? O kaya patay na? Sana ay yung huli na lamang yung nangyari sa kanya para wala na akong dapat ikabahala.
Ayos nang mawala siya dahil wala na rin naman siyang babalikan dito San Alcantara. Sisiguraduhin kong wala na talaga siyang babalikan pa at wala ni isang tao sa pamilya ni Adonis ang maniniwala sa kanya.
Bago bumaba ay tumawag muli ako sa private investigator ni Adonis dahil nakaisip ako ng plano. Isang planong tiyak kong sisira pa lalo kay Sophia.
Pagkatapos kong mailahad ang aking mga plano ay bumaba na ako upang puntahan si Adonis. Nang makita ko ito na nakasandal sa kanyang sasakyan ay agad ko siyang pinuntahan at hinalikan sa labi.
Medyo mapusok ang aking paghalik sa kanya dahil sa stress na naramdaman ko ngayong araw.
Pagkatapos ng halikan ay pumasok na rin kami agad sa loob ng kanyang sasakyan at doon nagkamustahan. Kinuha ko na itong oportunidad upang isagawa ang unang plano kung sakaling magbabalik sa buhay namin si Sophia.
“Babe?” ani ko.
“Mmmm-mmm? Masama ba pakiramdam mo? Anong nararamdaman mo?”
“Ayos lang ako babe, don’t worry. May gusto lang sana akong sabihin sayo na tingin ko ay kailangan mo ring malaman. Ayokong maglihim ng kahit na anong bagay sa relasyon natin” panimula ko.
Nakita kong kumunot ang noo ni Adonis.
“Dapat naman talaga na walang sikreto sa pagitan nating dalawa. Lahat ng nangyayari sayo ay dapat sinasabi mo sa akin, maliit man o malaki” anito.
Huminga ako ng malalim.
“Ka-ka-kasi nakatanggap ako kanina ng text mula sa EX mo… mula sa bestfriend ko” mas lumalim ang kunot sa kanyang noo. “Nanghihingi kasi siya ng tulong pinansyal para sa kanila ng kainakasama niya. Medyo nahihirapan daw kasi sila at wala ng malapitan na kahit sino” napatingin ako sa baba kunwari nahihiya.
“So what did you do?”
“Dahil bestfriend ko siya ay sinabi ko na magtatransfer ako ng pera dun sa account number na sinabi niya. I transferred 10,000 para makatulong sa kanila at para din meron silang puhunan kung gusto nilang mag negosyo. Wag ka sanang magagalit babe dahil sa ginawa ko, pero naawa lang talaga ako sa bestfriend ko kasi alam kong nahihirapan siya sa buhay niya ngayon”
Huminga ng malalim si Adonis at hinawakan ang kamay ko.
“Pinili niya yan eh kaya wala tayong magagawa. But thank you for letting me know. If you want to help her, I won’t stop you. Basta anything related to her, I will never mingle and I will let you handle it. Ayokong makaramdan ka ng anumang hindi maganda kung sakaling mangingielam ako diyan. But promise me that no secrets, okay? Sasabihin mo sa akin anuman ang nangyayari sa iyo even the smallest details” tumango ako at ngumiti ito.
“That’s my girl” kumindat ito bago lumapit sa akin upang halikan ako sa labi.
Nagtagal ang aming halikan ng ilang minuto bago tuluyang naghiwalay ang aming mga labi. Sinabi nito na sa bahay na nila ako matulog upang makabonding ko din sina Tito at Tita. Gusto daw kasi nila akong makasama at makakwentuhan pa dahil hindi nila ako nakasama ng matagal noong nag dinner kami.
Pumayag naman ako dahil Sabado naman din bukas at gusto ko ding makabonding sina Tito Romano at Tita Olivia. Nagpunta muna kami sa aking apartment upang kumuha ng mga damit at mga personal na gamit bago dumeretso sa bahay nina Adonis.
Pagkarating ko doon ay dumeretso kami sa dining table dahil saktong hapunan na. Nakaupo na roon ang dalawang matanda at inaabangan ang padating namin ng kanilang anak.
Nagbeso ako sa dalawa bago naupo sa hapag kainan.
Nagkamustahan kami at nagkwentuhan habang kumakain. Nagkwento si Adonis tungkol sa trabaho at ako naman ay ganun din ang ginawa. Napuno din ng tawanan ang paligid dahil sa aming mga biruan.
Naramdaman kong biglang nag vibrate ang cellphone ni Adonis na tila may nagtext doon. At dahil magkatabi kami ay nasilip ko na unregistered number ang nagtext dito. Napangisi ako dahil siguradong eto na ang inutos ko sa private investigator ni Adonis kanina.
Binukan nito ang kanyang phone at napakunot ang kanyang noo ng mabasa ang mensahe.
“Is everthing okay babe? You look surprised, who texted you?” bulong ko.
Napatingi sa akin si Adonis at huminga ng malalim.
“My EX. After you, she’s asking me now for money” bulong nito.
“May I see the message?” tanong ko pero umiling ang lalake.
“No need. You have nothing to worry about” anito.
“Please?” nagpumilit ako at wala siyang nagawa kundi ipakita sa akin ang message.
Nagkunwari akong nagulat sa nabasa. Ang nakalagay kasi sa mensahe ay nanghihingi ng tulong si Sophia at sinabi niyang guguluhin nila ang buhay namin lalo na ako kapag hindi ito nagbigay ng pera. Nakalagay din sa text message na ako daw ang nag udyok talaga sa kanya upang sumama sa ibang lalake at nagkaganun ang buhay niya.
Na ako daw ang may kasalanan kung bakit naghihirap siya ngayon.
Napangisi ako sa loob loob ko, dahil saktong sakto ang mga text message na iyon sa gusto kong mangyari. Hindi ko lang pinahalata ang saya dahil alam kong nakatingin sa akin si Adonis at inoobserbahan ang aking reaksyon.
Nagkunwari akong nagulat at tumingin sa kanya ng may takot at pag-aalinlangan.
“This is the same number she used when she texted me earlier” ani ko at pinakita rin ang kunwaring text ni Sophia sa cellphone ko.
Binasa niya ito at mas kumunot ang kanyang noo.
“Don’t worry about this babe. She will never ever destroy us and hindi ko hahayaang mahawakan niya ni isang hibla ng buhok mo because I protect you and our relationship” ngumiti ito at bumulong.
“Thank you, babe and I will do the same. Hindi ko hahayaan na may makasira ng relasyon natin” ani ko.
Tila naman nakaramdam sina Tita Olivia at Tito Romano sa aming pinaguusapan kaya agad nila itong tinanong kaya wala rin kaming nagawa kundi ikwento ito.
Napangisi ako. Hindi ko akalain na madali ko lang magagawan ng paraan ang problema ko kung sakaling babalik si Sophia dito.
Sige lang, aking matalik na kaibigan. Bumalik ka lang dito para makita mo ang hinahanap mo.
Sirang sira ka na sa pamilya ni Adonis.
At mas lalo pa kitang sisirain kapag nalaman nila na buntis ako.
===
Sophia’s point of view
Sa ikalawang pagkakataon ay nagmulat ang aking mga mata.
Ngunit ngayon ay mas maayos na ang aking pakiramdam kumpara noong una at kahit paano ay naibsan ang sakit ng katawang nararamdaman ko.
Napalingon ako sa paligid at nasa parehas na kwarto pa rin ako. Mas maaliwalas tingnan ngayon ang paligid dahil sa magandang sinag ng araw na tumatagos mula sa bintana ng kwarto.
Tila ang sinag ng araw ay nagpapahiwating ng pagbangon para sa isang bagong simula at pag-asa.
Nilibot ko ang aking paningin at nakitang walang tao sa loob ng kwarto bukod sa akin. Tiningnan ko ang aking kamay at nakitang may dextrose na nakatusok dito.
Gustuhin ko mang manatili pa ng matagal at magpagaling pero kailangan ko ng umalis ngayon. Kailangan ko ng makita si Adonis at sabihin sa kanya ang lahat. Baka kasi nasabi na ni Tatay Tyago kay Magdalena na nakatakas ako at ngayo’y nagiisip na ito ng paraan para mailayo pa sa akin si Adonis.
Pumikit ako at nilakasan ang loob na tanggalin ang dextrose sa aking kamay. Masakit man ngunit pinilit kong alisin ang karayom ng dahan dahan. Nang magtagumpay ako ay agad akong tumayo at nagtungo sa pintuan upang lumabas.
Marahan kong binuksan ang pinto upang hindi ako makalikha ng anumang ingay, at nang medyo bukas na ito ay nakita ko sina Maam Carla, Sir Knight and Sir King na seryosong nag-uusap di kalayuan sa akin.
Sinubukan kong silang pakinggan at kumabog ang dibdib ko ng marinig na ako ang kanilang pinaguusapan.
“A few days after college graduation ay bigla na lang daw nawala si Sophia. Walang nakakaalam kung saan siya nagpunta o…