Aagawin Ko Ang Lahat (Part 18) – The End

*** Warning: Violence, Rape & Manipulation ahead. Feel free to skip the entire series if you’re not into this kind of theme.

===

Author’s Note:

I would like to thank all the readers of this story. Shout out on below for your support, and also for all the readers out there. By the way, I will be on a long break before I continue Book 2 of this story as I am so busy at work and aiming for promotion so hopefully ma-keriboomboombells ni vaccla. 🙂

Again thank you and I hope you are still here on the the Book 2.

Enjoy this final chapter and I did my best to write this so hopefully ma-enjoy ninyo.

@Masterbeater, @lebron019, @Bebeko, @babalu1966, @QSLeigh, @Kakaldac, @watchingoverme, @Yajar10, @Restless, @rgg323, @shortcakemuffin, @jero1978, @alyana21, @Bossbaby, @Yagyeong, @krismille, @Altheakorea, @pilyopenduko, @Knightbad, @sta7k3r, @110885erol, @goriob, @patRekt, @Waters, @megashaft_08, @hmasna1978, @nahtanojc6686, @jackcolecuhlungs18, @lonerreadervc, @renherrera, @tobats, @winter. @illusionred, @cumming69, @vruno.marz, @Ana80, @Iceiceice.23, @kabayan, @jaredchandee, @jocdan10, @okistisaba, @olrayt, @norman02, @Roms_ina, @Archie_Rigor, @Garyse, @Chibby, @incestboy, @Puloboys, @Cardo567, @Marlon1964, @gil251975, @kanton123, @yulica, @Killua24, @Kakaldac, @DarkCr0wn88, @cpb109, @diegomadara, @qazplm, @goriob, @Nomie, @Pattyma

===

Sophia’s point of view

“A-a-donis”utal kong sambit.

Nakatingin ako sa kanyang mga mataat hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman kong saya sa muli naming pagkikita. Sabik na sabik akong mahawakan ang kanyang mukha at mayakap siya ng mahigpit. Walang kahit na sino ang nakakaalam kung gaano ko inantay at hinangad na mangyari ang araw na ito.

“Ka-ka-kamusta k-ka n-n-na?” dagdag ko at ngumiti, sabay abot ng kanyang mukha upang hawakan sana ito. Ngunit hindi pa man nakakalapit ang aking kamay sa kanyang pisngi ay kumunot na ang noo nito at inilayo ang ulo mula sa akin.

Tila piniga ang puso ko dahil sa kanyang ginawa.

Pumikit ako upang kahit paano ay mainda ko ang sakit ng pakikitungo sa akin ni Adonis. At habang nakapikit ay iniisip ko na rin kung paano ko uumpisahan ang pagsasabi ng katotohanan sa kanilang lahat.

Napakuyom ako ng palad at huminga ng malalim, at akmang ibubuka ko na ang aking bibig upang simulan ang aking sasabihin nang bigla kong narinig na nagsalita si Magdalena.

“Sophia kamusta ka na?” rinig kong tanong nito. “It’s been so long. Bakit ngayon ka lang uli nagpakita sa amin?”dagdag na tanong nito na akala mo nag-aalala.

Napatingin ako sa kanya at kita sa kanyang mga mata ang pang-aasar at pangmamaliit sa akin sa kabila ng kanyang pagpapanggap sa harapan ng lahat.

“Natanggap mo ba ang pinadala naming pera sayo? Nakatulong ba iyon sa inyo ng kinakasama mo?Grabe yung pag-aalala namin sayo, Sophia”tanong muli nito.

Mas dumiin ang pagkakakuyom ng aking palad dahil sa kanyang tila nang-aasar na tono.

“Bakit ka nandito? Ano ang naisipan mo bakit nagpakita ka pa sa amin? Gusto mo ba kaming guluhin kasi hindi sapat yung perang pinadala namin sayo?” tanong ni Adonis.

“Ang kapal din naman ng mukha mong babae ka. After you left my son ay ngayon magpapakita ka sa amin at manggugulo? Sabihin mo na kung ano ang gusto mo o kung magkano ang kailangan mo para matapos na ito. We don’t wanna see you here anymore” ani Tita Olivia.

Nanlaki ang aking mga mata dahil sa narinig, hindi ko sila maintindihan.

“Hi-hi-hindi po ako nagpunta dito para manggulo o para manghingi ng pera. A-a-andito po ako para sabihin sa inyo ang katotohanan” paliwanag at pagkaklaro ko.

“Ano pa ang gusto mong sabihin bukod katotohanang iniwan mo ako para sumama sa ibang lalake? Na matagal mo na pala akong hindi mahal at kinaawaan mo lang ako kaya um-oo ka noong inalok kita ng kasal. Na hindi ko napupunan yung kaligayahan mo kaya sa ibang lalake mo hinanap at enjoy na enjoy ka pang makipagsex sa mga lalake mo. Na hindi mo man lang dinalaw si Lola Tessa ni isang beses noong namatay siya. Sige Sophia, anong katotohanan ang gusto mong sabihin?”mariing tanong ni Adonis.

“Babe calm down, let’s listen to her first. For sure she has reasons kung bakit niya nagawa iyon sa iyo. This is the perfect time to hear her out. Maybe we can invite her inside para mas makausap pa natin siya ng masinsinan” ani Magdalena.

“Hindi. This kind of woman will never enter my house again. Dito lang siya sa labas ng bahay because this is going to be the last time we will see her” ani Adonis.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa naririnig. Halos saksakin ang puso ko dahil kumpara sa inaasahan ko ay mas sirang sira na ako sa pamilyang dating nagmamahal sa akin.

Mababa na ang tingin nila sa akin na pakiramdam nila’y pera lang ang habol ko sa kanila.

“Adonis kung anuman ang mga sinabi sayo ni Magdalena lahat ng iyon kasinungalingan. Lahat ng ito ay pakana ni Magdalena. Sinet-up niya ako, Adonis!” pag-amin ko at nagsimulang tumulo ang luha sa mata ko. “Si Magdalena din ang pumatay kay Lola Tessa! Siya ang may pakana ng lahat ng nangyari sa akin upang mapaghiwalay niya tayong dalawa! Para maagaw ka niya mula sa akin dahil alam niyang hanggat nandito ako ay hinding hindi ka niya makukuha” napataas ang boses ko.

Tiningnan ko ang magiging reaksyon ni Adonis ngunit nanatiling seryoso at wala ni anumang pagkagulat sa kanyang reaksyon.

“Pinadukot ako ni Magdalena kay Tatay Tyago noong gabing hinatid mo ako pauwi pagkatapos ng nagdinner natin nina Tita Olivia at Tito Romano. Dinala nila ako sa isang lugar na hindi ko alam kung saan, at doon nagsimula ang kalbaryo ko. Pinagsamantalahan nila ako Adonis! Ni-rape ako ni Tatay Tyago at pati ng mga kumpare niya!”ani ko. “Adonis binaboy nila ako! Lahat ng klaseng pambababoy ay ginawa nila sa akin! Oras oras, minuminuto kapag gusto nila ay pagsasamantalahan nila ako at wala akong nagawa kundi ang magpaubaya dahil natatakot ako na baka patayin nila ako!”bumuhos ang luha ko.

“Sinubukan kong tumakas Adonis, pero lagi nila akong nahuhuli at kapag naabutan nila ako ay bugbog sarado ang abot ko at muli nila akong pagsasamantalahan! Adonis wala silang itinira sa akin dahil hindi lang nila kinuha ang puri ko kundi pati ang dignidad ko ay kinuha nila!!! Hindi lang iyon, Adonis, pinainom pa nila ako ng gamot para mawala ako sa sarili at magawa nila ang mga gusto nila sa akin!” napataas ang boses ko upang kumbinsihin silang maniwala sa akin.

“At isang araw dumalaw si Magdalena sa kinaroroonan ko. Akala ko ay natagpuan na niya ako at itatakas sa lugar na iyon pero nagkamali ako. Doon pala uli magsisimula ang mas mabigat na kalbaryong pagdadaanan ko dahil pinagbantaan niya akong papatayin niya si Lola Tessa kung hindi ko susundin ang gusto niya. Kaya dahil sa takot ay sinunod ko ang kanyang utos na gumawa ng video na sinasabihng hindi na kita mahal at iniwan kita para sa ibang lalake. Pero yun pala ay binilog lang nitong babaeng ito ang ulo ko dahil umpisa pa lang ay patay na si Lola Tessa dahil siya ang pumatay sa kanya!!!”mariing turo ko kay Magdalena.

Wala pa ring reaksyon si Adonis at ang pamilya nito habang si Magdalena ay nakangisi lang sa akin.

“Adonis maniwala ka sa akin. Nagsasabi ako ng totoo! Lahat tayo napaikot ni Magdalena at nagtagumpay siya! Napaghiwalay niya tayong dalawa at ngayon ay sirang sira na ako sayo dahil sa kasinungalingang sinabi niya sa inyo” pagsusumamo ko sa lalaking karahap ko. “Adonis walang oras na hindi ko hiniling na makatakas ako sa kamay nina Tatay Tyago. Halos sumuko na ako at magpakamatay dahil hindi ko alam kung anong klaseng pambababoy pa ang gagawin nila sa akin. Adonis tinuring nila akong parang aso!!! Tinuring nila akong mas masahol pa sa hayop!!! Ikinulong nila ako sa kulungan na aso at pakakainin nila ako sa dog tray at nginungudngod pa ang mukha ko doon! Iniihian din nila akong lahat sa mukha at katawan!!! Sobrang hirap ng pinagdaanan koooooo Adooooniiisssss!!!! Pero hindi ako sumuko. Hindi ako sumuko dahil sinabi ko sa sarili ko na makakatakas ako at masasabi ko sa inyo ang katotohanan. At ngayon nandito na ako, sana paniwalaan niyo ako dahil nagsasabi ako ng totoo”

Lumapit ako kay Adonis at sinubukang haplusin ang kanyang pisngi. Ngunit sa ikalawang pagkakataon ay umiwas ito.

“Ang galing mong gumawa ng kwento, Sophia. Gaano mo katagal pinag-isipan itong sinabi mo ngayon? At sa tingin mo mapapaniwala mo kami sa kasinungalingan mo? Matagal ka ng wala sa buhay namin at masaya na kami ngayong lahat. Masaya na ako kasama si Magdalena dahil pinaramdaman niya sa akin ang pagmamahal na kailanman hindi ko naramdaman noong tayong dalawa pa lang. Mas naramdaman ko ang saya at ligaya ng maging girlfriend ko siya at alam ba Sophia? Mas masarap siyang magmahal kaysa sayo. Kaya please lang, bumalik ka na dun sa mga lalake mo dahil wala ka ng lugar dito sa buhay namin. Kaya wag ka ng mahiya, sabihin mo kung magkano ang kailangan mo para matapos na itong pag-aaksaya natin ng oras”

“Adonis…” pagsusumamo ko. “Adonis maniwala ka sa akin. Please! Wala akong ginagawang masama. Nagsasabi ako ng totoo”

“Magkano ang kailangan mo?”

“Adonis hindi pera ang kailangan ko. Ang kailangan ko ay hustisya para sa pagkamatay ni Lola Tessa at sa ginawang kahayupan sa aking ni Magdalena. Ang kailangan ko ay ang paniwalaan mo ako dahil kriminal yang babaeng katabi mo!”

“Walang ginawang hindi maganda sayo si Magdalena. At hindi siya kriminal katulad ng paratang mo dahil yung pagkamatay ni Lola Tessa ay dahil sa cardiac arrest dulot ng pag-iwan mo sa kanya. Kaya kung tutuusin ay ikaw ang pumatay kay Lola Tessa at hindi si Magdalena. Ikaw ang gumawa sa sarili mo niyan dahil sumama ka sa ibang lalake. Kailangan mong tanggapin kung ano ang resulta ng ginawa mo at kung nahihirapan ang buhay mo ngayon hindi mo kailangangang manira ng ibang tao para lang magmukhang kaawa awa ka dahil sa totoo lang, hindi kami naawa sayo, Sophia. Nandidiri kaming lahat sa—.”

PAAAAAAKKKK!

Hindi ko na hinantay na matapos ang sasabihin ni Adonis at isang malakas na sampal ang nailapat ko sa kanyang pisngi. Alam kong malakas ito dahil ramdam ko ang init at hapdi sa aking palad.

“Adonis!!!” napasigaw si Magdalena at pati si Tita Olivia dahil sa gulat. Hindi ko alam kung anong enerhiya o espirito ang pumasok sa akin ngunit nagdilim ang aking paningin at hinablot ko ang buhok ni Magdalena.

Mariin ang pagkakasabunot ko sa kanyang buhok at niyugyog ang kanyang ulo.

“Hayop kang babae ka! Mamatay tao ka! Pinatay mo si Lola Tessa! Inagaw mo sa akin ang lahat at sinira mo ang buhay ko!!!” sigaw ko at kinaladkad si Magdalena palabas ng gate. Sinubukan nitong pigilan ako ngunit wala itong magawa dahil mas malakas ako sa kanya.

“Sophia itigil mo yan! Bitawan mo si Magdalena!!!” sigaw ni Adonis at pilit inihihiwalay ang kamay ko sa buhok ni Magdalena. Maging sina Tita Olivia at Tito Romano ay tumutulong na rin na maihiwalay ako kay Magdalena.

Pero lahat sila ay hindi nagtagumpay.

“Ano masaya ka na?! Nakuha mo na si Adonis sa akin at nasiraan mo na ako sa kanilang lahat? Ha?!” sigaw ko habang sinasampal si Magdalena at habang hawak din ang kanyang buhok. “Ipapakulong kitang hayop ka! Tandaan mo yan, mabubulok ka sa bilangguan dahil sa kasamaan mo!”

“Aray Sophia, bitawan mo ako! Masakit! Araaaayyy!”

“Masakit? Ha?! Masakit?! Kulang pa yan! Katiting pa lang yan sa lahat ng sakit na ginawa mo sa akin. Eto mas masakit hayop kang babae kaaaaa!” idinapa ko si Magdalena sa lupa at doon inginudngod ang kanyang mukha.

“Sophia maawa ka!!! Buntis ako!! Buntis akooooooo!!!!”

Napahinto ako dahil sa narinig at doon nagkaroon ng pagkakataon si Adonis na mahiwalay ako kay Magdalena. Naitulak ako ni Adonis papalayo.

“Buntiiisss akooooo buntiiissss akoooooo! Sophia buntis ako!!! Magkakaanak na kami ni Adoniiiisss!” muling sigaw ni Magdalena at napaiyak.

Lahat kami ay hindi nakapagsalita at kitang kita rin ang pagkabigla sa itsura nina Adonis.

“Tama ba yung narinig ko? Buntis ka?” gulat na tanong ni Adonis kay Magdalena.

“Oo Adonis, buntis ako. Natatakot lang akong sabihin sayo dahil hindi ko alam magiging reaksyon mo pero nagpacheck na ako sa doctor at sinabi niyang buntis a-a-akoo” napahawak si Magdalena sa kanyang tyan na tila may iniindang sakit. At ilang sandali pa ay may tumutulong dugo sa hita nito.

“Araaaaaaayyyy aaaaaaahhhh Adonis tulungan mo akoooo ang sakit ng tiyannnn kooooo aaaaahhhh” mabilis na kumilos si Adonis at binuhat si Magdalena papasok ng gate.

Lumapit si Tita Olivia sa akin at ginawaran ako ng magkabilang sampal sa pisngi.

“Kapag may nangyaring hindi maganda sa apo ko, ikaw ang mabubulok sa bilangguan. Tandaan mo yan! Tandaan mo yan Sophia!” mariing banta ni Tita Olivia at umalis.

Habang si Tito Romano naman ay lumapit rin sa akin at may inabot na isang cheke. “Please lang wag mo ng guguluhin ang pamilya namin. At tanggapin mo yang cheke na yan para lubayan mo na kami. Hindi na nilagyan ng halaga ng anak ko yang cheke para ikaw na daw magsulat kung magkano ang gusto mo. Basta wag ka ng magpapakita pa uli sa pamilya namin” wala sa katinuan kong kinuha ang cheke at umalis na rin si Tito Romano.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko at tila naestatwa ako. Nakita kong dumaan ang sasakyan ni Adonis sa tabi ko pero wala rin akong naging reaksyon.

Napapikit ako at napaluhod.

Matinding dalamhati at pagkabigo ang nararamdaman ko ngayon dahil ang inaasahan kong masayang kahihinatnan ng pagkikita namin ni Adonis ay nauwi sa isang mas malalim na hidwaan at sigalot sa pagitan namin ng kanyang pamilya. Lalo na ngayong magkakaanak na sila ni Magdalena.

Nararamdaman kong pabigat ng pabigat ang puso ko ngayon. Pabigat ito ng pabigat hanggang sa hindi ko na kayang pigilan pa kaya napasigaw ako ng malakas.

“Adooooniiiiissssss!!!! Aaaaaaaaaaaaahhh!!!! Adonooooniiisss!!” at sa pagsigaw kong iyon ay muling umagos ang luha sa aking mata. “Adooooniiiisssss!!! Bakkkkeeettttt?!!!! Bakeeeetttttt?!!!!!” patuloy kong sigaw.

Naramdaman ko na lamang na may kamay na humipo sa aking balikat. Si Sir King.

“Tumayo ka diyan, may pupuntahan tayo. Baka sakaling gumaan ang pakiramdam mo doon” utos nito. Pinilit niya akong patayuin at dinala sa loob ng kanyang sasakyan.

Wala pa rin akong tigil sa pag-iyak hanggang sa makarating kami sa isang sementeryo.

“A-a-anong ginawa natin dito?” taka kong tanong. Bumaba ito ng sasakyan at pinagbuksan niya ako ng pinto. Bumaba ako at dinala niya ako sa isang libingan.

Sa libingan ni Lola Tessa.

Napatingin ako kay Sir King at nakita ko itong nakatingin sa akin sabay tango. Napapikit ako at mas lalong sumabog ang puso ko dahil sa sakit at bigat.

Napaluhod ako sa puntod ni Lola Tessa at doon ay parang batang umiyak. Hinawakan ko ang lapida nito at kinausap siya na parang buhay pa siya.

“Lola Tessa kamusta na po kayo diyan? Lola Tessa nakawala na po ako. Nakatakas na po ako, Lola. Nakawala na po ako sa mga dumukot sa akin. Lola Tessa, lola ko” parang bata kong sambit. “Salamat po kasi pinalakas niyo ang loob ko noong nagpakita kayo sa akin sa panaginip ko. Kung hindi po dahil sa inyo ay baka sumuko na din ako at nagpakamatay na lang talaga kung nakahanap ng pagkakataon”ani ko.

Napahiga ako sa kanyang puntod.

“Lola patawarin niyo po ako. Sorry kasi ngayon lang ako nakadalaw sa inyo. Sorry kasi wala ako sa tabi mo nung gabing kailangan mo ako. At hindi ko kayo napagtanggol sa gumawa sa inyo nito. Sorry Lola Tessa, patawarin mo akooooo. Pero ngayon andito na ako sa tabi niyo, hindi ko na po kayo iiwan Lola Tessa. Hinding hindi na po ako mawawala sa tabi niyo” pumikit ako at dinama ang puntod nito.

“Wag kang mag-alala, Lola Tessa. Magbabayad si Magdalena sa ginawa niya. Magbabayad siya sa pagpatay niya sayo at hindi ko siya tatantanan hanggat hindi niya pinagbabayaran ang ginawa niya sayo. Pinapangako ko yan Lola Tessa. Pinapangako ko yan”naramdaman ko na lang na biglang bumuhos ang malakas na ulan.

Hindi ko ito alintana at nakahiga lamang sa puntod ng aking lola. Si Sir King naman ay nakatayo sa hindi kalayuan at inaantay ako. Wala itong payong at nababasa na rin ng ulan pero hindi niya rin iyon alintana at nakatayo lamang siya.

Pumikit ako at dinama lamang ang puntod ni Lola Tessa dahil gusto kong sulitin ang panahon na hindi ko siya nakasama. Kahit sa puntod niya man laman ay maramdaman niyang niyakap ko siya sa kanyang huling mga sandali.

Lumipas ang ilang oras ay nagpasya na akong tumayo at bumalik sa sasakyan ni Sir King.

“Salamat Sir King sa pagdala sa akin dito. Hindi ko na tatanungin kung paano mo nalaman kung nasaan ang puntod ng lola ko pero salamat. Gumaan ang pakiramdaman ko dahil sa ginawa mo” pasalamat ko. “Pasensya na rin nabasa ka ng ulan dahil sa paghihintay sa akin”

Seryosong itong tumango.

“Ano nang plano mo?” tanong nito.

“Hindi ko alam. Pero susubukan ko pa din kausapin si Adonis dahil baka nahihirapan lang siyang paniwalaan ako ngayon. Siguro bukas o sa isang araw ay pupuntahan ko uli siya para kausapin. Sana maniwala na siya”sagot ko at huminga ito ng malalim.

“Saan ka tutuloy niyan?”

“Siguro po sa dati naming bahay. Baka pwede niyo po akong ihatid doon ngayon para makita ko lang po kung ano na ang nangyari?”

“Pinuntahan ng mga tauhan ko yung dati ninyong bahay pero may iba ng nakatira doon. Ibinenta na raw sa kanila yung bahay dahil wala naman na raw titira doon”

Nabigla ako sa sinabi nito.

“Dun ka muna sa bahay ko tumuloy o di kaya kayna Carla. Siguradong inaantay ka rin nila ngayon at gustong malaman kung ano ang nangyari sayo ngayong araw”

“Hindi po ba nakakahiya Sir? Kasi tinulungan niyo na po ako tapos papatuluyin niyo pa ako kung sakali. Pwede naman po na maghanap ako ng matutuluyan”

“Hindi! Paano kung makita ka nung mga naghahanap sayo, siguradong may pinaplano sila para makuha ka nila uli at mailayo dito. Kung nasa amin ka ay siguradong ligtas ka at hindi nila malalaman kung nasaan ka. Tsaka wala kang dapat ipag-alala, kami ng bahala sayo”

“Pero Sir King, sobra sobra na ang ginawa niyo sa akin”

Hindi ako nito pinansin at pinaandar na ang sasakyan. Dumeretso kami sa bahay nina Maam Carla at doon ay inaantay nga nila kami. Pinader…