Aagawin Ko Ang Lahat (Part 6)

Magdalena’s point of view

Dumaan ang mga araw at buwan, at sa paglipas nito ay tuluyan ko ng pinigilan ang nararamdaman ko para kay Adonis. Tuluyan ko ng tinanggap na para siya kay Sophia at wala na akong magagawa kundi maging masaya na lamang para sa kanila.

Dumaan ang mga araw at buwan, at sinunod ko ang sinabi ko kay Lola Tessa na wala akong gagawin na hindi maganda sa pagitan ng apo nito at ni Adonis. Na hinding hindi na ako magpapakita ng motibo tungkol sa nararamdaman ko para sa kanya.

Dumaan ang mga araw at buwan, nasaksihan ko ang mas tuminding pagmamahalan ng dalawa; ultimo mga simpleng akbay, paghawak sa kamay at maging sa bewang habang naglalakad.

Lahat ng iyon ay tinanggap ko kahit sobrang sakit. Pinilit kong maging masaya para sa kanila kahit durog na durog na ang puso ko dahil sa inggit at selos.

Marahil ay ito ang kapalit ng pagtigil ni Tatay Tyago na gambalain ako. Pagkatapos kasi nung araw na nagpakita siya sa amin sa labas ng school at nasuntok siya ni Adonis, ay hindi na muli itong nagparamdam sa akin.

Pero ang araw na ito ang pinakamasakit…

Ang araw na ito ang nagwasak sa puso ko…

Ang araw na ito ang nagpaguho sa mundo ko…

“Ready ka na Magdalena? Today is the day! It’s graduation day! Ngayon na din natin malalaman kung sino ang summa cum laude sa ating dalawa!” excited na sambit ni Sophia. “Pero kahit na anong maging resulta ng pinaghirapan natin ngayong taon, kung sino man ang mapili na summa cum laude ay walang magbabago sa pagkakaibigan natin. Ikaw pa din ang bestfriend ko at magiging masaya ako para sayo” hinawakan ako nito sa pisngi at binigyan ako ng matamis na ngiti.

Nasa kwarto kami ni Sophia ngayon at nag-aayos ng sarili. Ngayong araw kasi ang aming graduation at ngayong araw din namin malalaman kung sino ang pasok highest honors.

Medyo umaasa ako na ako ang maging summa cum laude dahil iginugol ko ang sarili ko sa pag-aaral. Doon ko itinuon ng husto ang atensyon upang makalimutan ang nararamdaman ko kay Adonis. May mga pagkakataon din na talagang mataas ang lamang ko kay Sophia pagdating sa grades kasi talagang ibinigay ko na ang lahat sa pag-aaral.

“Oo Sophia. Today is the day, lahat ng pinaghirapan natin ng limang taon ay magbubunga na. At hinding hindi ito mangyayari kung hindi dahil sayo. Hinding hindi ako makakapag tapos kung hindi sa tulong mo. Maraming salamat” sagot ko.

“Ano ka ba Magdalena, ikaw ang tumulong sa sarili mo. Ikaw itong nag aral ng mabuti at nagpursigi para makapag tapos. Wala kang dapat ipagpasalamat sa akin kasi maliit na bagay lang ang ginawa ko para sayo. At ngayong graduate na tayo, magbubukas na ang panibagong libro ng mga buhay natin and this time, gagawa na tayong negosyo at magpapayaman” yumakap ito sa akin at gumanti rin ako ng yakap.

“Congratulations Magdalena” anito.

“Contratulations Sophia, at maraming maraming salamat” sagot ko.

Natapos na kami sa paglalagay ng make up at pagsusuot ng damit.

Nakasuot si Sophia ng isang pink na off shoulder cocktail dress na lagpas tuhod, habang ako naman ay naka crop top na polo at midi skirt na parehong puti.

Lumabas kami ng kwarto at nakita naming nag aantay sina Lola Tessa at si Adonis.

Mas lalong gumwapo ang itsura nito sa suot ng itim na Americana at puting long sleeves. Ayos na ayos din ang kanyang buhok na talagang nagpalitaw ng kanyang artistahin na kulay at itsura.

Napako ang mata ni Adonis kay Sophia, at nanlalaki pa ang mga mata dahil sa pagkabigla at paghanga.

“Wow! You are so beautiful babe” ani Adonis.

“Bolero!” pagbibiro ng best friend ko pero halatang kinilig.

“No I’m not kidding. Talagang napakaganda mo today, you look so … perfect” dagdag ng lalake. “Now I can’t wait for my surprise later” tila excited ito sa huling sinabi.

Napakunot ang noo ko. Surprise? Anong surprise?

“Surprise? Anong surprise?” takang tanong ni Sophia.

“It’s a surprise, babe. You’ll find it out later”

“Babe, alam mong hindi ako fan ng surprises! Baka hindi ako mapakali nito buong graduation ceremony. At least give me a hint, please!” ngumiti lang ng nakakaloko si Adonis.

“Wait until later” sagot nito at napairap na lang ang best friend ko.

“I hate you!” bulong ni Sophia at natawa na lang ang lalake.

“Pero mahal na mahal mo pa din naman” bulong din ni Adonis.

Hindi ko maiwasang mapairap sa kaartehan na pinapakita ng dalawa.

“By the way, hindi na talaga makakahabol ang parents mo ngayon? Graduation day natin ngayon, dapat andito sila” ani Sophia.

“Sadly, hindi na. Medyo busy pa kasi sila sa family business abroad at nataon na maraming investors na gustong makipag meet sa kanila this week. Though they apologized naman na and medyo nagtatampo ako but I fully understand” sagot ng lalake at tumango na lamang si Sophia.

“Oh siya, ready na ba ang lahat? Baka ma-late tayo sa graduation. Umalis na tayo ngayon para maaga tayong makarating sa venue” ani Lola Tessa.

“Oo nga po lola, para din makakuha din kayo ng maayos na upuan” ani ko naman.

Sumang ayon ang lahat at lumabas na kami ng bahay.

“You also look great Magdalena. Bagay sayo yang damit mo” papuri sa akin ni Adonis.

Nagulat ako dahil sa tinuran nito, hindi ko inaasahan na mapapansin niya ang suot ko.

“Te-te-Thank you” tipid kong sagot at ngumiti ng konti. Napatingin ako sa lola ni Sophia na seryoso akong pinagmamasdan na akala mo may ipinapahiwatig. Umiwas na lang ako ng tingin para iwas sa anumang iniisip niya.

Sumakay kami sa kotse ni Adonis dahil nagsabi itong sabay sabay na kaming pupunta sa venue ng graduation. Magkasama sa harap ang mag jowa habang kami ng lola ni Sophia ay tahimik na nasa likuran.

Dahil walang gaanong traffic ay mabilis ang aming naging byahe. Pinark namin ang sasakyan at pumasok na sa loob ng venue. Parang nakakita ng artista ang mga tao dahil manghang mangha sila sa aming itsura, o mas maiging sabihin na sa itsura nina Adonis at Sophia.

Kita ang kilig sa mga babae habang nakatingin kay Adonis, habang ang mga kalalakihan naman ay gandang ganda kay Sophia. Marami ang nagpapapicture sa kanila at lahat ng iyon ay magiliw na tinanggap ng dalawa.

Habang pinagmamasdan ang dalawa ay bigla akong nilapitan ni Lola Tessa.

“Salamat iha” sambit nito.

“Para saan ho lola?”

“Dahil tinupad mo ang sinabi mo sa akin. Nakita ko ang pagpipigil mo sa nararamdaman mo para kay Adonis at talagang hinahangaan kita sa ginawa mo”

Hindi ako nakapagsalita agad.

“Wala po iyon lola” tipid kong sagot.

“Alam kong nasasaktan ka at naiinis ka dahil isa ako sa hadlang sa pagkagusto mo kay Adonis. Pero hindi lang naman siya ang lalake sa mundo, sigurado ako na kapag tumingin ka sa paligid ay makikita mo na may nagmamahal at humahanga sayo” anito. “Maganda ka Magdalena, at higit pa sa sigurado na makakatagpo ka ng lalake na magpapasaya sayo. Pero talang hindi si Adonis iyon”

“Opo lola. Tsaka ayaw ko na rin po pagusapan ang anumang tungkol sa kanya, ang gusto ko lang po ngayong araw ay makapagtapos at maging … masaya” tumango ito at ngumiti.

Matapos ang ilang minuto ay lumapit sina Sophia at Adonis sa amin at nagyaya ng pumasok sa loob ng venue. Naupo ang lola ni Sophia sa guess area at kaming tatlo ay nagpunta kung nasaan nakaupo ang mga estudyante.

Magkatabi kami ni Sophia habang si Adonis naman ay nasa ibang area kasama ang mga tropa nitong basketball players.

Isa isa ng tinawag ang mga estudyante at pinapaakyat sa stage upang kuhanin ang diploma. Tinawag na rin si Adonis upang sabitan ng medalya dahil sa kanyang mga kontribusyon sa school dahil sa pagbabasketball.

At ngayon ay ang grupo na namin ang nakapila sa gilid ng stage upang mag martsa. Isa isa ng tinatawag ang mga pangalan namin at dito na din nagsimulang kumabog ang dibdib ko. Tinitingnan ko ang stage at sobrang saya ko dahil sa wakas ay makakapag tapos na ako. Kahit paano ay proud ako sa sarili ko dahil kinaya ko ang lahat ng…