[DISCLAIMER: The events that happened in the story are only the products of the author’s imagination and don’t actually happen in real life. All characters in the story are aged 18 and above.]
*****Chapter 2
Sa pagpapatuloy…
Bismuth High. Isa ito sa pinaka-prestiyosong paaralan sa Maynila. Mapayapa naman ang mga estudyanteng nag-aaral dito. Karamihan din sa kanila ay may active sex life. At ang nakakamangha sa pamantasang ito ay hindi agad nabubuntis ang mga babaeng estudyante. Either nakainom sila ng pills, nagdadala ng condom ang mga lalaking nakatalik nila, o pinapractice nila ang withdrawal method.
Si Chester ay isang 20-year-old 2nd year student ng pamantasang ito at kasalukuyang kumuha ng kursong accountancy. Bukod sa matalino si Chester, may taglay din itong kaguwapuhan. Noong 15 years old pa lang siya ay madalas na siyang sumasali sa mga beauty pageants para sa mga lalaki, at naipanalo naman niya ang karamihan sa mga ito.
Ang problema nga lang ay NGSB pa itong si Chester. Mabuti naman ang mga intensyon ni Chester; ipinangako naman niya sa sarili niya na hindi muna siya magkaka-girlfriend hanggang sa maka-graduate na ito ng kolehiyo. Ngunit hindi rin maiiwasan na habulin siya ng mga babaeng estudyante.
Isa sa mga babaeng nabighani sa kaguwapuhan ni Chester ay si Jade. Si Jade ay 1st year student na nag-aaral ng kursong BS Mathematics. Magkaibigan ang dalawa mula pa noong pagkabata.
Minsan ay hindi maiwasan ni Jade na ma-inlove sa binata. Pero dahil mas priority ni Chester ang pag-aaral ay hindi siya nanliligaw sa dalaga. Di nagtagal ay nagka-boyfriend rin si Jade. Masaya naman si Chester para sa kanilang dalawa ni Rupert, ang bestfriend niya.
2nd year college student din si Rupert kagaya ni Chester, at accountancy din ang kurso niya. Masuwerte naman si Chester dahil magkaklase naman sila ng kanyang matalik na kaibigan, kung kaya’t may makakasama naman siya tuwing may free time siya.
Isang hapon ay kasalukuyang naglalakad ang dalawang binata sa campus ng pamantasan. Habang naglalakad ang dalawa ay nagyaya si Rupert sa kaibigan.
“Brod, since wala naman tayong klase, samahan mo naman ako sa gymnasium.” yaya nito.
“At ano naman ang gagawin natin doon?” tanong ni Chester.
“Manood tayo ng practice ng dance troupe natin.”
“Dance troupe natin? Yung Actinium-89 ba yun?”
“Exactly, brod. Sounds unique, right?” wika ni Rupert.
“Yeah, I think so, too.” ani Chester. “Di ba kasali doon si AC Bonifacio?”
“Tama ka, brod!” sagot ni Rupert. “Siya yung pinakamaganda sa grupo nila. Crush ko nga siya, eh.”
“Pero may girlfriend ka na, di ba? Hindi ka pa ba nakukuntento kay Jade?”
“Ano ka ba naman brod, biro lang yun…” Matapos nito’y dagling naghari ang katahimikan. Makalipas pa ang ilang sandali ay muling nagsalita si Chester.
“Okay, pupunta tayo doon. But before that, okay lang ba na pupunta muna tayo sa canteen? Ginugutom na kasi ako eh.”
“Sure thing, brod. Baka malay natin, makikita natin si AC doon. For sure ay magkakaroon kayo ng spark!” biro ni Rupert.
“Hay naku… Sige na nga, punta na tayo doon.” Nagkamabutihan na ang magkaibigan at dumiretso na ang dalawa sa canteen para makapagbili ng pagkain.
*****
Sa loob naman ng gym, nag-water break ang mga miyembro ng Actinium-89. Ito ang dance troupe ng pamantasan. Iniidolo sila ng mga ibang estudyante dahil hindi lang silang magaling sa pagsayaw, kundi magaganda ang karamihan sa mga babaeng miyembro doon. Kung kaya’t sa tuwing may intermission number ang grupong ito sa mga programa ng eskuwelahan ay panay ang sigawan at hiyawan ng mga estudyante sa mga perfomances nila.
Saan kaya nagmula ang pangalan ng grupo? Turns out na ang leader ng kanilang grupo ay walang iba kundi si AC! Siya ang pinakasikat sa kanila, dahil kilala siya hindi lang dito sa pamantasan, kundi pati na rin sa buong Pilipinas at buong mundo.
Bukod sa taglay niyang galing sa sayawan, nabibighani ang mga kalalakihan dahil sa kagandahan niya. At siyempre, hindi rin nagpapahuli ang kaseksihan nito. Dahil sa kagandahan nito ay maraming nahuhumaling sa kanya.
Nagka-boyfriend na rin itong si AC ngunit isang buwan lang ang tinagal nila dahil babaero pala yung lalaki. Masakit iyon para kay AC dahil lubos niyang minahal ang lalaki. It’s been eleven months since nag-break sila ng ex niya, at naka-move on naman siya. Single ngayon si AC at naghahanap na ng lalaking makakakuha ng atensiyon niya.
At hindi rin makakalimutan ang katotohanan na magaling din si AC sa kama, at least according to rumors. Ngunit ayon sa mga haka-haka, kailangan muna silang dumaan sa isang “endurance test” bago nila makasama si AC sa isang one night stand.
Kaya maraming lalaki ang hindi pinagpala dahil daw “masakit daw ito sa kanilang pagkalalaki.” At ang masaklap pa, kapag nabigo ang ilan sa test na ito, ay pinagsabihan daw silang hindi daw sila tunay na lalaki!
Ito ang dahilan kung bakit medyo enigmatic ang pagkatao ni AC sa mga mata ng iilan sa mga estudyante ng pamantasan.
Sa kalagitnaan ng water break ay nakasalubong niya ang isang babaeng kasama niya sa grupo
“Hi AC,” sabi ng babae. “nag-meryenda ka na ba? May chips ako dito. Gusto mo?”
“Sure, Krystal. Thanks.” sagot ni AC at sabay na kumain ang dalawa.
Bestfriend of five years ni AC si Krystal Brimner. They’ve been the best of friends since elementary days. Nagkakilala sila sa isang dance competition kung saan magkalaban ang kanilang grupo. Kahit galing sila sa iba’t ibang mga grupo noon, nagawa nilang magkamabutihan hanggang sa lumago pa ang kanilang samahan bilang magkaibigan.
Mas bata ng limang buwan si Krystal sa kaibigan. Napakablooming na ang itsura ni Krystal para sa kanyang edad. Sa kanilang grupo, siya ang isa sa mga tinaguriang “baby faces” dahil sa kanyang kakaibang taglay na ganda.
Bukod sa magaling itong sumayaw ay mahusay pa itong umawit. Member din siya ng theatrical group sa paaralan, ngunit iniwan niya ang grupong ito para makasama ang kaibigang si AC. Pero wala namang bad blood ang nagaganap sa dalawang grupo.
At siyempre, hinding-hindi magpapahuli ang mahabang legs ni Krystal. Bagama’t hindi masyadong kalakihan ang kanyang boobs tulad ni AC ay nakabawi naman ito sa matambok niyang puwit at maputing balat. Dahil dito’y pinagpantasyahan rin siya ng iilang mga kalalakihan.
NBSB pa itong si Krystal at gustong-gusto na niyang magkaroon ng boyfriend. Kapag nasa tabi niya si AC, agad siyang kiligin kapag nakakita siya ng guwapong lalaki sa loob ng campus na siyang ikinailang ng kanyang kaibigan.
“AC, look!” turo ni Krystal sa entrance ng gym. “May naispatan akong guwapo dun, oh!”
“Easy ka lang, bes.” pigil ni AC. “Hinay-hinay lang, baka maho-horny ka bigla.”
“Pero ang guwapo talaga niya, eh! Nakakalaglag ng panty.”
“Hmph. Ayan ka na naman, eh.” wika ni AC. “Nag-uumpisa ka na naman…”
Sa halip na kumalma ay lalo pang naging wild itong si Krystal. “Parang kamukha ni Lucky, eh. Look oh!”
Itinuro ni Krystal kay AC ang tinutukoy niyang lalaki. May dalawang lalaki ang nakapasok sa loob ng gym. Ang una ay naka-pulang backpack at may hawak na isang pakete ng chips, at yung pangalawa nama’y naka-itim na sling bag at may bitbit na wintermelon shake.
“Siya. Siya yung tinutukoy ko.” turo ni Krystal sa lalaking naka-itim na sling bag. “I really want to get to know him.”
Agad naman siyang pinigilan ni AC. “Bes, mamaya na nga yan. May practice pa tayo after ng break. Wag kang mag-alala; makikilala mo rin siya. But for now, we need to focus sa sayaw natin.”
Napasimangot naman si Krystal. “O-okay bes. Sorry…”
Ipinagpatuloy na ng dalawang dalaga ang pagkain sa kanilang meryenda. Makalipas pa ng ilang minuto ay pinatawag na ang mga miyembro ng dance troupe at nag-ayos na ang lahat para makapagsimula na ulit sila sa practice.
*****
Sa kabilang dako, nasa loob na ng gym sina Chester at Rupert. Nakaupo sila malapit sa kung saan nagre-rehearse ang grupo. Kaya pala sina nandito dahil inaabangan ni Rupert ang kasintahan niyang si Jade na miyembro din ng Actinium-89.
“Brod,” sabi ni Rupert, “have you heard of the rumor about sa rave party na magaganap this weekend? Yung dance troupe n…