Agnas 3 (Episode 13)

Author’s Note: This story is entirely fictional. Any events and names in this series that resembles real life is purely coincidental. This series is brought to you by Balderic and is a free to read story. Sharing of this story is allowed only with permission and credits to the author.

Episode 13
I Am Omega
By: Balderic

Malaging ang katapusan ng ibinuong society ni Andrea. Halos wala nang natira sa mga survivors. Napakarami ang napatay. Nakatakas ang natira at dumating sila sa teritoryo ng Bagong Bukas. Tumayong pansamantalang lider si Sheryl sa mga kasamahan nya.

At nang makaharap nya ang natitirang pamayanan ng Bagong Bukas, surpresa sa kanila ang pagtanggal ng mga survivors doon. Isa sa mga nakatatandang natira sa Bagong Bukas na niluklok na lider ay ng mga naninirahan doon ay si Tamir. Isang Indian national na may background sa negosyo. Dati syang tauhan ni Fr. Danny at nangangasiwa ng admin at supplies ng grupo. Dahil sa eksperyensya nya sa paghahandle ng grupo ay sya na ang tumayong lider.

Si Tamir mismo ang nagwelcome kina Sheryl. Dito nya inaming labag sa kanyang kalooban ang mga pang aabuso ng yumaong pari at marami sa kanila ang natatakot manlaban at naghihintay lang sila ng pagkakataong paalisin sa trono si Fr. Danny. Pero sa ginawang pag atake nina Jeric, naging malaya na sila at ang ilang natitirang tapat kay Fr. Danny ay pawang pinalayas na ni Tamir.

Dalawang linggo ang lumipas at huling nagkamalay si Danny na nawalan ng ulirat matapos ang huling paghaharap nila ni Elza. Nagising sya sa isa sa mga silid sa likod ng kombento at may benda ang ilang parte ng katawan nya. Wala syang damit at nakashorts lang.

Pagpalain ang Diyos, gising ka na.” wika ng isang nakangiting babae na may hawak na basang tuwalya.

Sino ka? Teka…nasaan ako?”

“Nandito ka sa simbahan ng Bagong Bukas. Dinala ka ng mga kasamahan mo dito nung umalis kayo sa dating tinitirhan nyo. Ang kwento sa akin ni Sheryl eh inatake daw kayo ng napakaraming infected. Ako nga pala si Lucia. Dati akong madre dito at naninilbihan kay Fr. Danny.” Pagpapakilala ng babae. Hinde makikilalang madre ito dahil naka casual attire lang sya at tinatayang halos ka edad din sya ni Danny. Mestiza ito at medyo petite.

Unghh..” napadaing si Danny at hinawakan nito ang tyan na may mga benda..

Wag ka muna masyadong gumalaw. Teka tatawagin ko lang si mang Tamir at si Sheryl.” Lumabas kaagad si Lucia. Naiwan si Danny at napansin nya kung gaano katahimik ang paligid. Tanging huni ng mga ibon ang naririnig nya sa labas dahil na rin sa makapal na pader na gawa sa bato at semento.

Umupo si Danny sa gilid ng kama. Pilit inaalala ang nakaraan. Kumirot muli ang tyan nya. Tila napakalakas ng pinsala sa kanya na dinulot ng pag atake ni Elza. Hinde lubos makapaniwala si Danny na wala na ang dati nyang kasama. Matagal-tagal din silang nagkasama ni Elza pero ngayon hinde nya na alam kung may natitira pang pagkatao sa bagong anyo ng babae.

Bumukas ang pinto at pumasok si Tamir, kasama si Sheryl at Yva.

Sheryl..”

“Danny! Thank God gising ka na!” niyakap ni Sheryl ng mahigpit si Danny.

A.arayy..”

“Ay sorry..” kumalas si Sheryl kay Danny.

Anong nangyari?” tanong ni Danny.

Anong nangyari? Actually marami din kaming katanungan Danny. Tulad ng paano ka muling nabuhay?”

Hinde nakasagot si Danny. Lumapit sa kanya si Tamir.

Ang pangalan ko ay Tamir. Welcome sa Bagong Bukas.” Inabot ng matanda ang kamay nya. Nakipagkamay naman sa kanya si Danny.

Alam kong marami tayong mga kasagutang gustong makamit. Pare-pareho tayo dito may mga katanungan. Pero bago ang lahat, gusto kitang matanong iho, ano pakiramdam mo?”

“Medyo mabigat ang katawan ko. Para akong binangga ng sasakyan.”

“Ganun ba. Siguro dahil na rin yan sa mga bugbog na inabot mo sa mga nakaraang laban mo. Pero wag ka mag alala, ang sabi naman ng isang manggagamot namin ay wala ka namang malubhang pinsala sa katawan.”

Dito naalala ni Danny si Andrea. Nalungkot ang kanyang mukha. Hinde nito maiwasan ang lumuha. Tumabi sa kanya si Sheryl at niyakap sya.

Mas mabuti pa sigurong bigyan ko muna kayo ng panahon. Sige sige, aalis na muna ako.”

“Thank you po mang Tamir.”

Matapos maisara ni Mang Tamir ang pinto, naiwan sa kwarto si Sheryl, Yva at Danny. Umupo naman sa isang silya si Yva.

Danny anong nangyari? Nakita namin kung paano ka iburol. Paano kang nabuhay muli?”

“Hinde ko alam Sheryl. Tuluyang blanko ang isipan ko. Para akong nasa kadiliman at bigla nalang napunta sa liwanag. Ng magising ako, nasa kagubatan na ako. Sinubukan ko agad makabalik at yun na nga ang nadatnan ko. Kung di siguro ako nawala, baka buhay pa si Andrea…at baka…pati si Elza…baka nailigtas ko pa sya….”

“Hinde mo kasalanan ang lahat Danny. Nangyari na ang nangyari. Wag mo sisihin sarili mo. Sa totoo lang, ang dapat nating sisihin ay si Tony Carlos. Sya ang may pakana ng lahat. Isa syang myembro ng Shard at sya ang nag infect sa mga kasamahan natin, pati na rin si Erich at ang kaibigan ni Yva. Sya rin ang pumatay kay Andrea.”

“Tony…Carlos……” Bulong ni Danny na may bahid ng pagkapoot.

Ang tunay nyang pangalan ay Tychus Carver. Isa daw syang agent ng Shard sabi ni Jeric.”

“Shard…magbabayad sila sa ginawa nila.”

“Wag muna nating isipin ang mga yan. Ang mahalaga buhay ka. Siguradong matutuwa si Jeric mamaya pagbalik nya.”

“Bakit, nasaan si Kuya?”

“Sumama sa supply run kanina. Mamayang gabi babalik na rin yun.”

“I think mas okay sigurong papahingahin muna natin si Danny.” Mungkahi ni Yva.

Mabuti pa nga. Sige Danny babalik nalang kami later. Rest well.” Niyakap at hinalikan ni Sheryl sa pisngi si Danny.

———-

By: Balderic

50 km mula sa dating village nina Andrea, sa isang abandoned high school, nagdeploy ang dalawang helicopters mula sa Shard. Bumaba ang isang team na pawang mga armado.

Multiple infected on the drop zone. Be advised, multiple infected on the drop zone.” Report ng pilot sa lead helicopter. Nang bumaba ang tactical team ay pinagbabaril ng mga ito ang mga nakikitang infected.

Gamit ang mga suppressive assault rifles, inisa-isa nila ang mga nakapaligid na mga infected. Halatang mga teachers, mga students at iba pang mga tao ang mga infected. Ang iba sa mga ito ay halos hinde na makalakad dahil sa patuloy na pagka agnas ng mga katawan. Madali silang na clear ng team at umalis na ang helicopter.

Men, our main target is inside one of the buildings in this school. If you spot her, do not engage her immediately. We’re gonna choke her escape routes and take her at all possible sides.”

“Sir, yes sir.”

“Okay you know the drill, Alpha squad move out. Bravo, on me.”

“Gold, we’re seeing hundreds of infected in the area. Proceed with extreme caution.” Radio ng pilot ng lead helicopter nang makita sa himpapawid ang nagkalat na mga infected.

Understood.”

4 Pm na at naging kulay kahel na ang kalangitan. Sinuyod ng team ang paligid. Walang sinasayang na panahon ang mga ito. Hinde na nakakapalag ang sino mang infected na magtatangkang lumapit. Bawat silid ay kanilang binubuksan at tinitignan. Gamit ang laser pointed device, mas madali sa kanila ang punteryahin ang ulo ng mga infected.

Gold, this is Alpha, Area A is clear. No sign of the target.”

“Alpha proceed to Area C, we will meet you there.”

“On it.”

Bumaba sa two story building ang Alpha Team para pumunta sa pinakalikod, ang Science building. Pero nagulat ang team nang bigla silang banggain ng dalawang runners. Bumagsak ang lead ng squad at kinagat ang braso nya pero nakasuot ito ng plastic plating kaya ligtas parin ito at binaril nya sa ulo ang infected. Tinodas din ngi sa ang natitira.

Alpha, what’s happening?”

“Nothing….just some runners. We’re fine.” Halatang hinihingal pa ang squad leader.

Okay, be careful. Watch your backs.”

“Understood.” Tinuloy ng Alpha ang pagpunta sa Science building. Katabi ng gusali ang basketball court at volleyball court pati na rin ang Home Economics building.

Pagdating nila sa court ay nakita sila ng halos benteng mga infected. Nagmamadaling lumapit ang mga ito sa squad.

Multiple contacts! Fire!” binarurot ng bala ng squad ang mga umaatakeng infected. Body shots at head shots ang kanilang puntirya. Ang iba naman ay binabaril ang mga paa para hinde na ito makalapit pa.

GGUUAAARRGGHH!!!!” Isang braso ang lumusot mula sa likod papunta sa tiyan ng Alpha team leader. Nagulat ang mga kasamahaj nyang nasa likod na pala nila ang infected na si Elza Walker.

TARGET CONTACT! TARGET CONTACT! I REPEAT! GGRRAAAAAGGHHH!!!!”

“Alpha!? Alpha come in!” nawala sa ere ang buong Alpha team. Nagmamadali ang Team leader at Bravo Team na pumunta sa Science Building. Nakakarinig pa sila ng ilang suppressed gun fire.

GGYYAAAAAAAAAHHHH!!!!!” Isang napakalakas na sigaw ang narinig ng kasamahan nila.

Mother of God!” naabutan nilang gutay-gutay na ang mga katawan ng buong Alpha Squad at pinagpepyestahan na ang mga laman ng mga ito ng ilang infected at wala sa paligid ang target nila.

Fuck!!!” pinagbabaril ng Bravo ang mga kumakain sa mga kasamahan nila.

Command this is Gold….we have contact to target but we are heavily incapacitated. I request immediate back up to our area.”

“Negative Gold, backup will take way too long to reach you. Proceed on mission.”

“Wait, you’re gonna leave us here with these monsters!?” kinakabahan na ang Team Leader.

Contact!!” sigaw ng isang kasama nya at bumaril ito sa second floor balcony/hallway ng Home Economics building. Wala itong natamaan pero narinig nila ang nakakakilabot na tawa ng isang babae.

Muli nanaman silang nakarinig ng kaluskos sa ibang bahagi ng Home Economics building pero di nila maabutan kung sino ito. Tatlong beses pa itong kumakaluskos. Mabilis at pa ikot-ikot.

This shit is creeping me up sir. “ nahahalata na ang takot sa grupo.

Compose yourself gentlemen. Find the target. “

Dumistansya ang bawat isa para mahanap ang kanilang target. Medyo dumidilim na rin at kailangan na nilang gumamit ng night vision.

Coming here was a mistake. “ boses ito ng isang babae na parang bumubulong mula sa hangin.

Who said that? Show yourself! ”

“Ha.. ha.. ha.. ha… ha… “ kasunod nito ang halakhak na parang galing sa hukay.

Malapit nang masuyod ng team ang basketball court at nasa dulo na sila ng volleyball court kaharap ang Science building.

Sshrraaaaaahh!! ” isang infected ang biglang bumagsak mula sa second floor ng Science building at nabagsakan ang isang kasamahan ng team.

AAAAAHH!! ” napasigaw sa takot ang nabagsakan nito at kinagat sya pero ipinain nya ang braso nyang may plating. Sinipa ng kasamahan nya sa tagiliran ang infected at nakawala ito sa biktima. Binaril nila kaagad ito sa ulo.

Isang pagkakamaling hinde nila naiwasan. Tatlong infected naman ang lumitaw mula sa likod nila at hinablot ang dalawa sa kanila.

GYAAAH!! HELP MEE!! ”

“GET OFF MEEE!! ”

“CONTACTS!” Binaril ng mga ito ang mga infected pero dahil nasa likod sila ng kanilang kasamahan at di nila naiwasang matamaan ang mismong katawan ng kanilang tropa.

Seize fire! ” pinigilan ng team leader ang pamamaril nang mapansing nakagat na ang leeg ng isa at ang mukha naman ang binanatan ng dalawa pang infected. Gamit ang mga punyal, pinagsasaksak nila ang mga infected. Halos hinde na makilala ang mukha ng isa at patuloy sa pag agas ng dugo sa leeg ng pangalawang biktima.

Kill… me… .”

Binaril na lamang nila ang mga kasama.

UUAAAAARRGGHH!!!! “ Napasigaw ang team leader at nang lumingon sa kanya ang bravo team ay may brasong naka usli sa likod ng leader nila. At sa harapan nito ay si Elza Walker. Animo’y lumiliwanag ang mga mata nito sa kadiliman.

Whose next?” nakangiti si Elza sa Bravo team.

AAAAAAHHHHHHHHH!!! ” Nabalot ng sigawan ang paligid at sa isang iglap ay naglaho ang lahat. Muling maririnig ang mga ungol ng mga patay na nagsimulang mamyesta sa nagkalat na mga gutay-gutay na katawan ng Shard operatives.

Gold, report. Status report.” Wika ng Pilot sa radio na hawak ng team leader. Naka kalat lang ito sa sahig. Pinulot ito ni Elza.

Status report… Gold… come in… ”

” Kksssshhhhhhhkkkk… .. “ sinagot ito ni Elza ng kakaibang tonog mula sa kanyang bibig.

Ggnnnhggh!! Aaaaahhh!!!! “ maririnig ang sigawan ng mga piloto sa kabilang linya na tila nakakaramdam sila ng matindeng sakit.

Ilang segundo pa ay lumiwanag ng kaunti ang kabilang bahagi ng bayan nang bumagsak ang lead helicopter mula sa ere. Napilitang mag retreat ang ikalawang helicopter sa di malamang dahilan ng pagbagsak ng kasama nila.

Nakatayo lang si Elza sa gitna ng dumaraming infected. Hinde sya pinapansin ng mga ito at abala sila sa pag kain ng mga napatay na Shard members. At sa isang malakas na grip ay dinurog ni Elza ang radio.

———-

By: Balderic

Danny! Salamat sa Diyos at nagkamalay ka na rin.” Sinalubong ni Jeric si Danny sa labas ng kwarto ng binata. Niyakap nito ng mahigpit ang nakababatang kaibigan at apprentice.

Kuya…”

” Marami tayong pag uusapan Danny. Pwede bang pumasok sa kwarto mo?”

“Sige kuya.

Matapos makapasok ay sinara ni Danny ang pinto. Umupo naman sa silya si Jeric at nakangiti ito pero di maitatago ang seryoso nitong aura.

Kuya, walang ibang taong pwedeng sumagot sa mga katanungan ko kundi ikaw lang. Ano bang nangyayari sa akin? Paano ako nabuhay muli?”

“Sa tingin ko, may kinalaman dito ang dugo ni Elza. May dominant virus si Elza katulad ko. Ang tinatawag nilang Leaf. Bawat isang nabigyan nito ay may kakaibang epekto. Katulad ko. Nagkaroon ako ng kakayahang tapusin ang mga Brutalist sa pamamagitan lang ng mga kamao ko. Pero limitado lang ang nagagawa ko at malaki ang nagiging epekto nito sa katawan ko. Si Elza naman ay normal lamang ang lakas pero mapapansin mo ang talino nya at liksi sa pakikipaglaban. Kaya nyang makapag process ng mga bagay sa napaka ikling panahon. Pero hinde lahat ng taong nabibigyan ng Leaf ay nagiging katulad namin. Mas malaki ang chance ng taong nirereject ito. At kapag nangyari ito, nagiging katulad na rin sila ng mga infected sa labas. Ang iba naman ay mas matitinde ang nangyayari kaya meron kang nakikitang Brutalists.”

“So ibig sabihin, naapektuhan ako ng dugo ni Elza? Pero paano?”

“Noong nasa bingit ka na ng kamatayan, napagdesisyunan ni Andrea at Elza na salinan ka ng dugo. Si Elza mismo ang nagvolunteer na mangyari iyon. Pero tulad ng inaasahan, namatay ka.”

“Ganun ba. So ano na ako ngayon? Infected na rin ba ako?”

“Ano nararamdaman mo?”

“Ngayon? Hinde ko alam. Normal. Medyo mabigat lang katawan ko dahil sa mga pinsalang dinulot ko kay Elza. Oo nga pala, may alam ka na ba sa kinaroroonan ni Elza?”

“Wala pa Danny. Pero may nakalap akong impormasyon kanina na may mga namataang helicopters na dumating, di kalayuan mula dito. Nasa paanan sila ng bundok sa may bayan. Ang sabi ay mga armado daw ang mga bumaba sa helicopter. Kung tama ang hinala ko, mga myembro sila ng Shard. ”

“Anong plano mo ngayon?”

“Kailangang magbayad ang Shard Danny. Dahil sa kanila kaya naging ganun si Elza at kaya napatay nya si Bea. Ang priority ko ay mahanap si Tony.”

” May nakuha ka na rin bang impormasyon sa kanya?”

“Wala pa at mahirap masundan kung saan pumunta si Tony. Dahil myembro sya ng Shard, expert sya sa pag cover ng dinaanan nya. Kaya hinde rin natin na huli ang tunay nyang pagkatao dahil na rin sa galing nyang mag kubli. Pero kapag mahanap ko sya, sisiguraduhin kong hinde ko na sya patatakasin pa.”

“Sasamahan kita kuya.”

“Sure pero bago ang lahat, magpagaling ka muna. Sige Danny, kakausapin ko pa si Tamir.”

“Okay Kuya.” Nagpaalam si Jeric at lumabas ito ng silid. Napabuntong hininga naman si Danny. Mabigat ang loob nito. Naloko sila ni Tony Carlos. Pina ikot sila na parang mga laruan. Tahimik na nagsumpa si Danny na gagawin nya ang lahat para mapagbayad si Tony.

Dumiretso si Jeric sa opisina ni Mang Tamir. Ang dating opisina ni Fr. Danny ay sya na ngayong opisina ni Tamir. Lumapit si Jeric sa isang bantay sa pinto.

Nandyan ba si Tamir?”

“Oo Jeric, pasok ka. Kanina ka pa hinihintay ni boss Tam.”

“Oo nga pala, kamusta naman ang anak mo? Nilalagnat pa?”

“Simula nung nabigyan sya ng gamot na dala nyo, okay naman na. Salamat nga pala.”

“Wala yun. Sige pre pasok na ako.”

“Okay.” Kumatok ang bantay at sinabi kung sino ang papasok. Narinig naman nila ang boses ni Tamir at pinapasok si Jeric.

Pumasok si Jeric at nakita nyang naka upo sa may office table si Tamir. May ilang mga log book…