Episode 14
The God Formula
By: Balderic
Busan, Southern part of South Korea
8:30 pm
Tatlong magkakasunod na mga pagsabog ang naganap sa isang destrito. Dahil dito kumalat ang apoy na syang kumain sa mga nagkakadikit na mga gusali at kabahayan. Nagkaroon ng kaguluhan at kanya-kanyang takbuhan ang mga tao. Hinde dahil sa naglalagablab na apoy, kundi dahil sa nagkalat na mga infected na syang umaatake nang walang pakungdangan sa mga tao.
Na dispatch ang pulisya at national guard. Maging ang health care team, biohazard team at ang mga bombero. May kanya-kanyang mga tungkulin ang mga ito.
“We are standing here at the center of the city where a mass riot is going on. The police and military are trying to stop these series of attacks. People all over the place are randomly attacking anyone they see. It seems that the mysterious plague has not been repelled yet. The plague that started at random places in Asia especially in the south east where their government had already fallen.” Panay report ng isang field reporter sa gitna ng kaguluhan. Hinde nito napansin ang isang tumatakbong infected papunta sa kanya.
“watch out!!!” sigaw ng cameraman pero huli na ang lahat.
“Nnggrrraaarrssh!!”
“AAAAAAHHH!!” Kinagat ang babaeng reporter sa leeg at bumagsak ito sa kalsada. Bago pa man nakareact ang camerman ay may umatake rin sa kanyang infected.
Pinaulanan ng bala ng mga pulis ang mga lumalapit pang mga infected. Pero hinde na nila nailigtas ang reported at ang kanyang cameraman.
Hongkong
Dumaan ang ilang jet fighters ng chinese airforce at nagpabagsak ng mga missiles sa paligid. Isang carpet bombing ang naganap at nagsiliparan ang katawan ng mga kumakalat na mga infected.
Ilang linggo matapos kumalat sa Pilipinas ang infection, sumunod naman ang Hongkong at hinde naglaon ay bumagsak na ito sa kamay ng mga zombies. Walang nagawa ang chinese government kundi ang abandonahin ang buong syudad at ilagay sa lockdown ang kapaligiran nito para maiwasan ang pagkalat pa ng infection.
Pero bigo sila. Dahil sa mainland china mismo ay nagaganap ang malawakang digmaan laban sa mga infected. Libo-libong mga bangkay ang nag marcha sa mga kalsada sa mga syudad. Iba’t ibang klaseng infected ang nagpakita. Kasama na rito ang mga brutalists at ang ilang Alpha strain na infected.
Sinalubong ang mga ito ng mga tanke, sundalo at mga pulis. Pinatikman ang mga infected ng iba’t ibang klaseng armas mula sa napakalakas na communist china. Lasog lasog ang katawan ng mga tinamaan. Halos hinde makalapit sa mga barricades ang mga ito. Lahat ng kalsada ay nilagyan na ng mga harang na gawa sa bakal at semento. Kailangang proteksyonan ang Beijing sa ano mang paraan.
Dahan dahan lang ang galaw ng mga infected. Ang mga nawalan ng mga braso ay patuloy sa paglalakad. Ang mga nawalan ng mga paa ay patuloy sa pag gapang. Walang hinto at kapaguran ang mga ito.
Patuloy ang bombardment at volume fire ng Chinese military. Kalmado ang mga sundalo nila. Napakarami nila at kompleto sa armas. Walang bahid ng takot ang mga itong lumaban sa mga infected. Subalit napapansin na nila ang walang tigil na abante ng mga patay. Kung tutuusin, tadtad na ng mga bala ang katawan ng mga infected. Kung normal lang itong tao ay matagal na silang napatay. Subalit ang tanging humihinto lang ay ang mga tinatamaan sa ulo. Ang kasundalohan at kapulisan ay sinanay na barilin ang katawan ng tao dahil ito ang pinakamalaking target at pinakamabilis tamaan. Pero dahil kumpol-kumpol na ang mga patay. Halos hinde na mahulugan ng karayom ang sikip ng kalsada sa dami ng mga ito. Ang mga tinamaan sa unahan ay tila naging body armor ng mga nasa huli. Kaya patuloy sila sa pagtulak paabante. Palapit sa mga taong gusto nilang kainin. Mahirap mapuntirya ang mga ulo ng mga ito. Magkahalong dugo, lamang loob at kung ano ano pa ang nagkalat sa paligid at hinde na malaman pa kung nasaan ang mga targets. Tanging snipers lamang ang nagiging epektibo pero napakabagal ng kanilang mga paputok.
Bumabanat rin ang mga machine guns, mga kanyon tulad ng mga bombang mula sa mga tanke na nasa labas ng barricades. Tulad ng inaasahan, sumabog ang mga katawan ng mga tinamaan. Wasak ang mga infected na tinamaan ng shrapnels at ang malalakas na shockwaves. Pero di rin nagtagal ay babalik ulit sa dati ang mga ito dahil napakarami ng mga infected sa paligid. Nakalapit na ang mga ito sa mga tanke. Sinubukang sagasaan ng mga malalaking tanke ang mga infected. Pero naka akyat na ang iba sa ibabaw ng mga sasakyan. Ang machine gunner sa itaas ay hinde makayanang pigilan ang mga ito at naabot sya ng mga infected. Hinablot sya at bumagsak sa kalsada.
“GGGYYYAAAAAAARRRRRGGGHHH!!!” nalunod ang sigaw ng gunner sa dami ng mga infected na umatake sa kanya. Gutay-gutay ang katawan nya nang pagpyestahan ng mga patay.
Ang iba pang gunners ay sinubukang magtago sa loob ng tanke pero nakapasok rin sa loob ang ilang infected. Bumangga ang isang tanke sa kasama pa nitong tanke. Nagpanic ang nasa loob at sinubukang lumabas. Pinagbabaril ang mga nakapalibot na mga patay pero hinde nila kayang maubos ang mga ito. Nagpakamatay na lamang ang tank crews habang ang iba ay walang nagawa at nilapa na sila mg buhay.
Ang kompyansa ng mga sundalo na nasa likod ng barricades ay naglaho. Natunaw ang kanilang tapang. Nakita nila kung paano kainin ang kanilang kasamahan. Nagdulot ito ng takot. Takot na syang nagpabagsak ng kanilang combat effectivity. Ang dating asintado ay nawala na. Nanginginig na ang mga ito. Gusto man nilang umatras, walang utos mula sa itaas para gawin ito. Inisip ng iba na ligtas sila sa ibabaw ng mga platforms sa tuktok ng barricades.
Nakalapit na ang mga patay sa mataas na pader. Sa pagkakaipon-ipon nila ay nagkumpulan sila hanggang nakaakyat sa bawat isa ang mga infected. Pataas nang pataas ang kumpulan nila at hinde naglaon ay pumantay na ang mga ito sa taas ng pader.
“SHOOT THEM DEAD!! KILL THEEEEMM!!” Utos ng Unit Commander na nasa field. Sinunod ito ng kanyang mga tauhan. Buhay ang kapalit kapag hinde sila lumaban.
Pero nagulat sila nang biglang may bumagsak na mga infected sa ibabaw ng platforms na tila umuulan ng zombies. Dito nila nakita sa malayo ang ilang malalaking Brutalists na hinahagis na parang mga bola ang mga nahahablot nilang infected. Hinagis ang mga ito papunta sa kanila.
“SIR THE BARRICADES HAS FALLEN!! WE CANNOT CONTAIN THEM ANYMORE!!! GGYYYAAAAAHH!!” Hinablot ito ng grupo ng mga infected at pinatay sa kagat.
“NO ONE WILL RETREAT! WE FIGHT BACK!! DO NOT GIVE THEM AN INCH!! ATTACKKK!!”
Isang madugong labanan ang naganap. Sa dami ng populasyon sa China, napakarami nilang sundalo pero ang dami rin ng mga civilians ang syang naging dahilan para ma overwhelm sila. Hinde nagtagal ng ilang oras ang barricades bago ito bumagsak sa kamay ng mga infected. Lahat ng sundalo ay kinain ng buhay. Kabi-kabilang sigawan at daing sa sakit ang maririnig. Mga sigaw ng mga taong mamamatay na makararanas ng sagad sagaran sakit at paghihirap. Isang malagim na katapusan.
Halos wala ring pinagkaiba ang nangyayari sa ibang mga bansa. Bumagsak na rin ang Brunei, Indonesia, Papua New Guinea, Vietnam, Thailand at Malaysia. Halos bumagsak na rin ang Singapore, Nepal at India. Bawat mga bansang ito ay lumalaban para makaligtas sa kumakalat na pandemia.
Hinde rin naging ligtas ang ilang western countries dahil nagsilabasan na rin ang cases sa USA, Canada, South America, sa Europe at Russia. Isolated man at hinde major damage ang nasa kanilang bansa, hinde maitatangging nagsisimula nang lumubog ang buong mundo sa panibagong Dark Ages.
———-
By: Balderic
Nakadapa si Danny at may hawak na binoculars. Katabi nya si Jeric at apat pang mga kalalakihan. Lahat sila armado. Nasa loob sila ng isang commercial building na katapat ng high school kung saan naka locate ang iniwang mensahe na nakita nila sa abandoned na bahay.
Minamasdan ni Danny ang loob ng eskwelahan. Maraming mga naglalakad na infected sa loob. Napansin nya rin dito ang ilang naka uniporme na infected at nang makita nya ang logo sa damit, myembro ito ng shard.
“mukhang positibo kuya. Nandito ang Shard pero parang nagapi sila sa misyon nila. Mga infected nalang ang nakikita ko.”
“Okay, at least kompirmado nating si Carver nga ang nag iwan ng mensahe. Ano pang nakikita mo Danny?”
“Sa tingin ko wala dito si Carver. Masyadong kalmado ang mga infected. Parang walang nakitang buhay. Hinde ko lang alam kung bakit nya itinuturo ang lugar na ito at kung bakit nandito ang mga myembro ng Shard. Ano kaya pakay nila dito?”
“Yan ang aalamin natin. Sa ngayon, obserbahan muna natin ang lugar.”
Taimtim na naghintay buong araw ang grupo. Papalit-palit sila ng pagsilip pero tila walang nagpapakitang anino ni Carver. Mag gagabi na at nagpasya na lamang silang magpahinga sa gusaling tinataguan nila.
Habang natutulog si Danny ay para itong hinde mapakali.
“Unghhh.. nnggh.. ” ungol nya at pinagpapawisan pa.
“… Danny… .. ” isang bulong na boses ni Elza ang narinig ni Danny at napabalikwas sya.
“ahhh!” napasigaw sandali si Danny.
“Danny, anong problema? “ nagising naman kaagad si Jeric.
“wa.. wala kuya. Masamang panaginip lang. ”
“Okay, pahinga ka na. Pahinga na rin kayo. “ utos ni Jeric sa iba pang kasama.
Kinabukasan ay ligtas na nakabalik ang grupo. Dala nila ang ilang na scavenge habang nasa daan. Sinalubong naman ni Sheryl si Danny at niyakap ito.
“Kamusta lakad nyo? ”
“Okay naman Sheryl. So far ligtas naman kaming lahat. ”
“Mabuti naman. Teka, ano naman nangyari sa sinasabi mong coordinates na iniwan nung sniper? “
Hinawakan ni Danny sa braso si Sheryl at lumipat sila sa gilid ng pader para walang makarinig.
“Confirmed, may Shard doon. Isang high school ang nakita namin. Di ko alam kung bakit nandun sila pero may kutob akong may kinalaman dito si Tychus Carver. Inobserbahan namin magdamay yun lugar pero wala kaming ibang napansin.”
“Anong sabi ni Jeric? “
“babalikan ulit namin yun. Mas maganda kung may plano kami. Hinde namin alam kung ano kakaharapin namin.”
“Buti na rin yan para mas maingat din kayo. Ayokong may mangyari pang masama sa inyo.”
“thanks Sheryl. Kamusta naman kayo dito? “
“same parin. Tara uwi na tayo, doon ka nalang kumain sa room namin ni Yva. Nagluto yun ng masarap. ”
“Okay sige, susunod nalang ako. Magrereport pa kami kay Mang Tamir.”
Dinala ang mga karga ng grupo sa bodega at napansin ni Kal na nagbubuhat ang madreng si Lucia ng isang malaking karton. Nilapitan ito kaagad ng binata.
“Ate ako na po.” Inalay nito ang mga kamay. Napangiti naman ang magandang madre.
“ate ka dyan. Magka edad lang yata tayo eh. Tsaka okay na, kaya ko naman ito. Magdala ka nalang ng ibang gamit dun sa truck. ”
“Ah hehe okay. “ lumapit si Kal sa truck at inabot sa kanya ang isang lamesang kahoy.
Nang makarating sila sa bodega ay nakasalubong nya ulit si Lucia. May dala itong bote ng tubig.
“Tubig.” Inabot nito sa binata.
“salamat.” Uminom ito sandali at umupo sa isang malaking box na kahoy.
“bakit nandito ka miss? Di ba madre ka? ”
“sa panahon ngayon, wala nang relihiyon na liligtas sayo. Dahil sa mga pinagdaanan ko kay Fr. Danny, sa tingin ko, ayoko nang bumalik ulit sa kombento. Kaya ngayong wala naman akong ibang ginagawa, tumutulong nalang din ako dito sa abot ng makakaya ko.”
“Ganun ba. Ako nga pala si Kal.”
“Alam ko, hihi. Nakita na kita noong dumating kayo dito. Ang pangalan ko naman ay Lucia.”
“Bukod dito, may mga trabaho ka ring iba? ”
“Kasama ako sa mga nag memaintain ng lugar. Assistants kami ni Mang Tamir. Yun isang madre din dito si Anne, nandun sya sa opisina ni Mang Tamir. Ikaw ba? Ano naman papel mo sa buhay? “
“papel talaga sa buhay? “ Sabay ngiti ng binata.
“hahaha! Eh ano nga? ”
“Kasama ko sa team sina Danny at sir Jeric. ”
“Wow, matapang ka pala hihi.”
“Matapang lang kung kinakailangan. Ang mahalaga sakin eh may puwang ako sa grupo.”
“Sabagay, tsaka isa ka sa mga sumisigurong ligtas sina sir Jeric. Ang laki ng pinagkaiba ng lugar na ito simula noong mawala si Fr. Danny. Sa tingin ko, bumalik ang humanity ng mga tao. Mas feel nilang, mas ligtas sila kesa noon.”
“Oo, iba talaga sina sir Jeric. Kaya nga idol ko sila eh. Si Danny rin kahit halos ka edad ko lang eh nakikita ko ang abilidad nya ay malayong malayo ng sa akin. ”
“Hinde naman tayo dito nagsusukatan ng galing. Team tayo dito Kal.”
“Alam ko naman yun. Pero nakakamangha lang talaga sya.”
“Well Kal, alis na muna ako ha. Baka may kailangan pa si Mang Tamir. Salamat sa oras. “
“Okay Lucia. Ingat ka.”
Pagpasok ni Lucia sa opisina ni Tamir ay naabutan nya dito si Danny at Jeric. Kausap nila ang pinuno. Lumapit kay Lucia si Anne.
“anong meron? Bakit ang tahimik? “ bulong ni Lucia sa kaibigan.
“Shh… medyo seryoso kasi ang sitwasyon. Gusto ni Danny na puntahan ulit ang high school para makapag imbestiga. Kaso ayaw ni Mang Tamir. Masyado daw delikado doon kasi napakaraming infected. Suportadl naman ni sir Jeric si Danny kaya napapa isip na ang pinuno.” Paliwanag pa ni Anne. Tumango naman si Lucia.
“Bago ko ibigay ang desisyon ko, gusto ko munang sagutin nyo ang iisa kong tanong.” Wika ni Mang Tamir. Bakas ang pagiging seryoso sa kanyang mukha. Nagkatinginan naman sina Jeric at Danny at tumango sa matandang pinuno.
“Nakasisiguro ba kayong makakabalik kayo dito ng buhay?”
“Hinde ko maipapangako yan Mang Tamir. Pero sisiguraduhin kong kaligtasan namin ang priority ko.” Sagot naman ni Jeric.
“Kung totoo mang target kayo ng sinasabi nyong Shard, hinde ba delikadong pabalik-balik kayo doon? Hinde ba isang patibong yun?”
“Mang Tamir, kahit ano pang gawin nila, kailangang magbayad sa amin ni Tychus Carver. Masyado na syang maraming kasalanan sa amin.”
” Nandoon na ako pero isipin nyo, kayo na lang ang natitirang pwedeng magtanggol sa komunidad natin. Kung mapahamak kayo, sino na ang sasandalan namin? “
Saglit natahimik si Jeric at Danny. Alam nilang tuso si Carver at hinde ito papayag na magtagumpay ang dalawa.
“Kung ganun, payagan nyo akong ako na lamang ang pumunta at harapin si Carver.” Wika ni Danny.
“Danny… “ maikling sabat naman ni Jeric. Tumingin sa kanya si Danny. Desidido na ito sa kanyang desisyon.
“Hay.. ano pa nga ba ang magagawa ko. Kasing tigas mo rin ng ulo ang anak ko noon. Kaya ngayon, nasaan sya? Kasama ng mga patay na nagkakalat sa labas. Pero kung yan ang desisyon mo iho, wala na akong magagawa pa. Diyos na lang ang bahala sayo. Hinde ko pwedeng ibigay ang ilang mga tauhan ko rito dahil suicide ang gagawin mo. Napagbigyan ko na kayo nung una pero hinde na maganda kung patuloy nyong hahamunin ang karma nyo.”
“Naiintindihan ko po mang Tamir. Maraming salamat sa pag intinde mo. “
Lumabas si Danny pero sinundan sya ni Jeric.
“Danny sandali.”
“Hinde mo na kailangang sumama kuya. Mas kailangan ka nila dito. Tama si Mang Tamir. Siguro nga nahihibang na ako. Pero ayokong hayaan na lang na makatakas si Carver. Hinde ko sya papayagan gawin ang kung anong gusto nya.”
“Mag iingat ka Danny. Kung alanganin, wag kang magdadalawang isip na tumakbo. Naiintindihan mo ba?”
“oo kuya.”
———-
By:Balderic
US Embassy
“Yes Mr. President. You have nothing to worry about. Yes, that’s right.” Abala si Dr. Lowe sa pakikipagusap sa US President nang pumasok sa silid nya ang isa nyang tauhan.
“Of course Mr. President. This infection will be dealt with. We have everything under control. We have already swept the infected in this city. Yes… okay that is all. Have a good day sir.”
Lumapit ang tauhan nyang isang private military. Binigay ang isang tablet. Binuksan nya ito at may pictures na kuha mula sa labas ng high school kung saan nakasagupa ng Shard si Elza. Makikita sina Danny sa mga larawan na tila kuha ng isang drone.
“That was two days ago. I believe they are already taking the bait sir.”
“Good. You tell Spencer to upset the situation. I want those specimens to be captured this week.”
“Understood sir.”
Matapos makalabas ng tauhan nya ay pinage ni Lowe si Spencer. Sumagot naman ito kaagad sa telepono.
“Yes doctor Lowe? ”
“The President is coming here next month.”
“What!? But why? “ halatang nagulat si Spencer.
“The Philippines is long been an ally of America. Since the infection started, no political party in this country is active to handle the situation. America will take over here for now to stabilize the country.”
“That’s gonna give a frenzy to the press. What’s China gonna do about that knowing we are gonna be neighbors with them again? ”
“China is too busy with their own problems of the infection. They had already abandoned HongKong. I doubt they have the luxury to do something about this. By this coming week, a naval fleet will be anchoring in Pampanga to gain ground against the undead. We will have to clear the city by the end of the month. Once we have done that, we can assure the President that Shard will be vital in combating the infection. Our influence will be much closer to the President.”
“It would be a matter of time before China falls to the infection, by that time, the US will have won.”
“That’s right Mr Spencer and you and I will be heralded as heroes.”
———-
By: Balderic
May kumatok sa pinto ng silid ni Danny. Binuksan nya ito at bumungad sa kanya si Sheryl.
“Gabing gabi na ah.”
“Matutulog ka na ba?” tinignan ni Sheryl ang katawan ni Danny. Naka shorts lang ito at sa likod nya ay may lamparang nakalapag sa lamesa.
“hinde pa naman. Nag babasa lang ako ng novel. Nagpapalipas para antukin. Ano palang sadya mo? “ pinapasok ni Danny ang kaibigan. Umupo si Danny harap sa lamesa at sa gilid naman ng kama umupo si Sheryl. Naka t shirt lang ito at maong shorts.
“Narinig ko kasing aalis ka raw mag isa para balikan ang pinuntahan nyo ni Jeric.”
” Ah yun ba. Oo, nakapag decide na ako.”
“Sigurado ka ba sa plano mo?”
“Napag isipan ko na ito Sheryl. Hinde ko na mababawi pa ang desisyon ko. Nandito ka ba para pigilan ako? ”
“Danny kung ano man ang desisyon mo, labas na ako doon. Pero hinde mo rin mailalayo sa akin ang mag alala.”
” Alam ko, Pero handa ako Sheryl. Alam ko ang dadaanan ko. Alam ko kung sino ang kakaharapin ko. ”
“Kung ganun, wala na akong masasabi pa. Sana makabalik ka Danny. Hihintayin kita.”…