Episode 15
Goddess of Death
By: Balderic
Alam ni Danny ang panganib na kakaharapin nya. Alam nya ang lakas at kapangyarihan ng taong nasa harapan nya. Subalit wala syang panahon para magpadala sa takot. Nanginginig man ang mga tuhod, haharapin nya si Elza. Ang babaeng nilamon ng kadiliman at ngayon ay isa nang nilalang na nagdadala ng kamatayan.
“You seem afraid Danny….what’s wrong? Do you fear my appearance? Or do you fear what I am capable of.”
“I am not afraid Elza. I know what you are capable of. And I know who you truly are! You are a good person. A woman who protects and cares. A woman who believes in justice.”
“You seem mistaken Danny. You have no idea what I am capable of.” Biglang humaba ang braso ni Elza! Umatake ito kay Danny. Mabilis na naka iwas ang binata sa matatalim na kuko ni Elza. Bumaon sa semento ang mga daliri ni Elza at hinila nya ang sarili palapit kay Danny. Sa isang iglap ay halos magkadikit na sila. Sinakal ni Elza ng kabilang kamay si Danny pero tinapik ito ng kamay ng binata.
Umatras ng ilang metro si Danny pero nagulat sya nang nasa harapan nya na ulit si Elza. Paparating ang kamao ni Elza na handang butasin ang sikmura ni Danny katulad ng sinapit ni Carver. Sa split second ay napaiwas muli ang binata. Hinugot nya ang baril at tinutok sa mukha ni Elza pero hinde nya makalabit ang gatilyo.
“Go ahead. Pull the trigger Danny. Let us end this once and for all.”
“Elza stop this! Gwarrgh!! “ napabuga ng dugo si Danny sa malakas na tadyak ni Elza sa dibdib nya. Tumilapon sya sa benches na nasa gilid ng court.
“Stop wasting your time Danny. Elza is dead. And I am a new being who wears this shell of a body that you recognize. You may be familiar of what I look on the outside but you have no idea who I am on the inside.”
“Please…..Elza…this is not who you are! Wake up!”
Bumangga ang tuhod ni Elza sa panga ni Danny at umikot-ikot ang katawan nya sa sahig ng basketball court. Halos mabasag ang buto ng panga nya sa lakas ng impact at muntik pa nyang makagat ang sariling dila. Muli ay napasuka sya ng dugo. Pero hinde pa dito natapos ang kanyang kalbaryo. Hinablot sya at binuhat sa ere saka binato na parang laruan. Bumangga ang likod ni Danny sa backboard ng ring at sumabit ang katawan nya sa ring bago bumagsak sa sahig.
“Guugghh…uunngghh….El….zaaaaa…”
“your death will be meaningless Danny. I planned to ask you to join me but you started to piss me off so I have decided to make every single second of your pathetic life as painful as possible.” Hinanda na muli ni Elza ang kanyang mga daliring may matatalas na mga kuko.
Hawak sa leeg ay inangat nya si Danny sa ere. Halos mabalot na ng dugo ang mukha nito. Ang mga mata ni Danny ay wala nang buhay. Ang katawan ay wala nang lakas. Pero ni bahid ng awa ay hinde makikita sa mukha ni Elza, bagkus ay nakangiti pa ito at ine enjoy ang lahat.
“Suffer!”
“GGAAAAAAAAAAHHHH!!!” Napasigaw ang binata nang bumaon ang buong kamay ni Elza sa kanyang sikmura. Hinalukay nito ang lamang loob ni Danny at nang mahawakan ang pancreas ng binata ay piniga nya ito hanggang madurog. Matapos hugutin ni Elza ang kamay ay binitawan nya si Danny na parang puppet na naputulan ng mga tali na bumagsak sa sahig.
“GGGGYYAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!” Walang katulad ang lakas ng sigaw ni Danny sa napakasakit na sinapit sa kamay ni Elza.
Inapakan ni Elza ang ulo ni Danny at handa itong durugin ano mang segundo.
“Should I end this? Hahahaha!”
Walang sagot si Danny. Tanggap nya na ang mga mangyayari. Handa na itong harapin ang kanyang katapusan sa taong nagbigay daan para iligtas sya na sya ngayong kikitil ng buhay nya.
Isang flash ang lumabas mula sa malayo at biglang nabutas ang nuo ni Elza. Sa pagkagulat ni Elza ay hinde ito nakareact. Natumba na lamang ito at hinde na gumagalaw pa.
“Dannyyyy!!!!” mula sa isang gusali, lumabas si Jeric kasama si Kalvin at dalawa pang survivors. Mga armado ang mga ito. Nilapitan nila si Danny na duguan at wala nang malay. Tinapik ni Jeric si Danny peri di ito sumasagot. Kinapa nya ang pulso ng binata, meron pa ito pero mahina na. Masyadong marami nang dugo ang nawawala sa kanya.
“Tulungan nyo ako, takpan nyo ang sugat nya! Kailangang mailayo natin sya dito.” Utos ni Jeric. Dito nya napansin si Elza na nakahandusay sa sahig.
Mabilis kumilos ang mga kasama ni Jeric at binuhat nila ang katawan ni Danny para makalayo na. Napansin naman ni Jeric na kumislot ang kamay ni Elza. Sa kabila ng tama sa ulo ay buhay parin ito.
“Bilisan nyo! Umalis na tayo dito.” Sigaw ni Jeric at tinulak pa ang likod ng kasama nyang bumubuhat kay Danny. Nagpa iwan si Jeric nang makitang tumatayo na si Elza.
“Bu..buhay pa sya!?” hinde makapaniwala si Kal sa nasasaksihan. Tinamaan man ang ulo ni Elza ay parang wala lang ang sugat nya. Naghilom ito kaagad.
“umalis na kayo!”
“Pero boss Jeric, paano ka?”
“Huwag nyo na akong isipin. Sige na! Umalis na kayo!”
Napilitan silang iwan si Jeric. Nakatayo na si Elza at hinarap ang lalake.
“I can sense great power in you Jeric. However, will it be enough to stop me?”
“I guess we will have to find out Elza.” Hinaplos ni Jeric ang baril nya na nakatago sa holster nya. Isang matindeng labanan ang magaganap sa pagitan ng dalawang mandirigma.
“That name again. All of you are the same. Let me give you a piece of advice, calling that name will not affect me in any bit. Elza is dead.”
Biglang pumutok ang baril ni Jeric at nadaplisan nito ang tenga ni Elza nang makailag ang babae. Hinde nito napansin ang bilis ng hugot ng kamay ni Jeric.
“I hear ya'” sinamantala ito ni Jeric. Sinundan pa nya ng ilang putok si Elza. Pero maliksi ang babae at tumakbo ito papunta sa kanan. Paikot ito palapit kay Jeric habang sinusundan sya ng mga balang mula sa magnum ng lalake.
Naubos ang bala nito sa barrel at binuksan ni Jeric ang baril saka mabilis na pinasok ang isang buong roll ng bala at inesnap pabalik ang barrel sa loob ng baril. Nakalapit si Elza sa kanya at kinalmot sya ng tatlong beses pero naka iwas at dumistansya naman agad ang lalake.
Isang snap shot mula sa magnum nya ang tumama sa tuhod ni Elza. Napahinto ang babae at mabilis nag dash si Jeric palapit sa kanya. Pinatikim nya ang napakalakas nyang kamao na kayang wasakin ang katawan ng isang brutalist. Kumonekta ang kamao ni Jeric sa pisngi ni Elza at tumilapon ito ng ilang metro saka bumangga sa pader ng isang gusali. Gumawa ito ng malaking butas sa pader.
Ilang segundo lang ay lumabas si Elza at tabingi ang panga nya pero mabilis nya itong inayos na parang wala lang.
“I have a feeling that it won’t work on you.”
“Is that the best you can do?” nakangiti pa ang babae habang nakatayo lang ito. Inangat nito ang kanang braso at tinuro si Jeric.
“Now is my turn.” Bigla na lang humaba ang kuko ni Elza mula sa hintuturo nya at ginawa nya itong parang latigo na humataw kay Jeric.
Sa kabila ng bilis nito ay nakaka iwas si Jeric na may ilang sentimetro lamang ang lapit nya sa kuko ng kamatayan. Ilang beses nag flip at turn si Jeric para lang mailagan ang mabibilis na wisik ng kuko ni Elza.
“Now dodge this!” gamit ang kaliwang kamay nya ay humaba ang mga kuko nya sa apat na daliri at winisik din ito kay Jeric.
Pero isang dagger ang mabilis na lumipad patungo sa mukha ni Elza. Tinapik nya ito ng kanang kamay at hinde nya na timing ang pag maneuver ni Jeric sa kanan nya at pinagbabaril sya ng magnum sa gilid ng ulo.
Inubos ni Jeric ang mga bala sa barrel ng magnum nya at tinadtad ito lahat sa ulo ni Elza. Bumagsak muli ang babae at kaagad nag reload si Jeric ng huling mga bala ng magnum nya. Alam nyang ano mang oras makakarecover nanaman ito. Matapos magreload ay tinutok nya muli ang magnum pero wala na ang babae sa pinagbagsakan nya.
“Looking for something?” isang boses sa likod ang narinig ni Jeric. At biglang may tumusok sa likod nya at lumagpas sa tiyan nya.
“GGGAAAAAAAAAHHH!!” Napasigaw ito nang matuhog ng tatlong kuko ni Elza. Umiksi ang kahabaan ng mga kuko ni Elza at napalapit nya ang katawan ni Jeric hanggang dumikit sa kamay nya ang likod nito. Sinakal naman ni Elza ng kabilang kamay si Jeric at inangat ang ulo nito.
“You know that you will not survive this. Why bother? Do you think you’re holding me here? Your efforts are useless. Your friends will not escape my grasp. I will drench myself in their blood and rip their bodies limb from limb….starting with you…Jeric…”
” AAAAAAAHHHHHH!!!!” Inangat ni Elza ang katawan ni Jeric gamit lamang ang kanyang mga kuko. Bago pa mahuli ang lahat, napilitan si Jeric na hugutin ang isang granada na nakatago sa vest nya. Hawak nya ito nang mahawakan din ang kamay nya ng kamay ni Elza at tiniklop ito kasama ang granada.
“I won’t let you die on your own terms old friend. You will die when I say you will.”
“GRAAAAAHHHH!!!” Inabot ni Jeric ang dagger mula sa shoulder strap nya at pinutol ang mga kuko ni Elza. Nakawala sya pero hinang hina na at hawak parin ni Elza ang kamay nyang may granada. Gamit ang punyal, inatake nya si Elza. Pinuntirya nya ang mukha nito pero natusok lang ni Jeric ang kabilang kamay ng babae.
Hinugot nya agad ang dagger at sinaksak ang kabilang kamay ni Elza. Nakawala ang braso ni Jeric. Diniin nya ang granada sa katawan ng babae at mabilis syang umatras saka binaril ang granada. Sumabog ito point blank sa katawan ni Elza at tumilapon si Jeric.
Nawala ang mga usok pero buhay parin si Elza. Napinsala ito ng blast at shrapnels pero mabilis naghilom. Nang makita nya ang harapan ay wala na si Jeric. Pinakiramdaman nya ang paligid at napangiti sya.
“You cannot hide from me.” Biglang naglaho si Elza.
Sa labas ng gate ng highschool ay mabilis nakatakas si Jeric. Subalit lumitaw sa harapan nya si Elza. Nakangiti ito sa lalake.
“Going somewhere friend?”
“No.”
“Then why run?”
“I just want to make sure to delay you enough so my friends can escape. I know I am not capable of defeating you. Your powers are well beyond anyone could anticipate. But whatever you are Elza, you can never kill what I am or what my friends are.”
“Which is what?”
“We are justice. We fight for what is right! You can never stop it. Not even with your powers.”
“Words will not save you to see the next sunrise Jeric. Prepare to die.”
Inilabas ni Jeric ang magnum nya at nakita nyang isa na lang ang bala nya. Tinutok nya ito kay Elza at napangiti.
“Always…” saka nito binaril si Elza sa mukha. Sinalag ang bala gamit ang kamay ni Elza at sinugod si Jeric pero biglang may sumabog sa harapan nila at pareho silang napa atras.
Kasunod nito ang pagdating ng ilang mga armadong tao na naka uniform ng Shard at pinaulanan ng bala ang katawan ni Elza. Napasayaw ng bala ang katawan ng babae. Hinde ito binibigyan ng pagkakataong magregenerate.
“Keep shooting! Keep shooting!” sigaw ng team leader nilang naka full body armor. Ang ilan nyang mga tauhan ay pinosasan si Jeric at dinala ito. Dumating ang apat na helicopters at isang helicarrier malapit sa school. Dinampot ng mga ito si Jeric at isinakay.
Habang si Elza naman ay binanatan ng tranquilizers at bala sa katawan. Sa taas ng dosage ay pwede nang pumatay ito ng ilang elepante. Subalit nanatiling buhay ang diwa ni Elza hanggang napilitan ang mga taong gamitan ng bazooka ang babae at pinasabog ng mga ito ang halos kalahati ng katawan ni Elza. Sumabog ang kanang braso papunta sa kaliwat kanang mga paa nya.
Dito na nabigyan ng pagkakataong makalapit ang Shard operatives sa babae.
“She’s down!” report ng isa.
“Okay, bag ’em and tag ’em! Let’s go!!”
Ipinasok sa isang metal coffin storage ang katawan ni Elza. Matapos ang ilang minuto ay umalis na rin ang Shard at dala ang dalawa.
Nang maging tahimik na ang lahat, lumabas ang sniper na kasama ni Jeric at huli itong umuwi na may impormasyon sa mga pangyayari.
———-
By: Balderic
Nagising si Danny at nasa higaan na ito. Naramdaman nya kaagad ang kirot ng kanyang sugat.
“Diyos ko Danny! Mabuti at gising ka na!” lumapit sa kanya si Sheryl at niyakap sya. Nasa tabi nya rin si Yva.
“Anong nangyari?”
“Akala namin hinde ka na mabubuhay pa Danny.” Pumasok sa silid si Mang Tamir.
“Mang Tamir…”
“Masyadong malaki ang naging pinsala mo sa katawan iho. Pero sa di kapani-paniwalang kaganapan ay naghilom ang mga sugat mo. Hinde maipaliwanag ng resident doctor namin ang nangyayari sa katawan mo. Tila bagang ayaw kang patayin ng tadhana.”
“Infected ako Mang Tamir.”
“Alam ko yun. Sinabi na sa akin ang lahat ni Jeric. At sinabi din nyang immune na kayo sa infection mula sa mga kagat ng patay. Kung pwede lang sana, kung pwede lang sana lahat tayo ay ganyan din. Isa yang biyaya.”
“Kung pwede lang mang Tamir, ipapasa ko sa inyo ang immunity na ito pero hinde lahat ng tao possibleng makamit ang ganitong benepisyo. Mas mataas ang porsyento ng mga namamatay sa virus.”
“At mukhang hinde rin sya nakakahawa mang Tamir.” Sabat naman ni Sheryl.
“Paano mo nasabi?”
“Ah eh…na…tuklasan lang po namin….” Pilit itinago ni Sheryl ang nangyayari sa kanila ni Danny. Tila nakahalata naman ang matanda at tumango lang ito na medyo nakangiti.
“Paano ako napunta dito? Sa highschool, sa loob ng school ako nawalan ng malay. Nakasagupa ko si Elza. Ibang iba na sya. Isa na syang halimaw.”
“Anong nangyari sa loob ng school Danny? Iniligtas ka nina Jeric pero tanging si Jeric lang ang hinde nakabalik.”
“Ano? Te.. teka… .bakit? Anong nangyari?”
“Ang sabi ng mga kasamahan namin ay nagpaiwan sya para makatakas kayo. Ang huling impormasyon ay dumating ang Shard at hinuli si Jeric kasama ang babaeng sinasabi mo.”
“Nahuli sila ng Shard?”
“Oo iho at hinde na namin alam kung saan sila dinala.”
“Nasabi sa akin ni kuya dati na isang covert branch ng Shard ang US Embassy sa maynila. Malamang doon sila dinala. Top priority ng Shard si Kuya at si Elza, hinde nila dadalhin ang mga yun sa kung saan-saan.”
“Kung tama ka, masyadong malayo na ang lugar na yun iho.”
“Danny, wag mong sabihing susundan mo sila doon?” wika naman ni Sheryl.
Hinde kumibo ang binata. Pumikit lang ito. Nagpasya namang umalis na muna si Mang Tamir para makapagpahinga si Danny.
Sa likod naman ng mini farm ng Bagong Bukas ay kasalukuyang magkasama si Kal at Lucia.
“Ganito ba?” tanong ni Lucia habang hawak ang baril.
“Oo, pero dapat steady lang mga kamay mo.” Hinawakan ni Kal ang siko ni Lucia at sinuportahan ito habang nakatutok ang baril sa isang target na lata, limang metro ang layo sa kanila.
“Ngayon, ang gawin mo lang, itutok mo ang dalawang sites ng baril sa target mo, at e squeeze mo ang gatilyo. Wag mong hihilain kasi mabibigla kalang at tataas ang aim mo.”
“Okay hihihi.”
Kinalabit ni Lucia ang gatilyo at tumama ito sa malayo.
“Hahaha sabi ko naman sayong wag mo hihilain.”
“Kinakabahan kasi ako sa putok nya eh. “
“Masasanay ka rin nyan Lucia.”
Parehong napangiti ang dalawa.
“Alam mo, bilib ako sayo. Ang bata mo pa pero marunong kana sa ganito.”
“Di na ako bata ah. Tsaka kailangan mo rin naman nito para ka maka survive sa labas.”
Umupo si Lucia sa isang putol na kahoy.
“Bakit naisipan mong mag madre?”
“Hmm? Bakit mo naman natanong yan?”
“wala lang.”
“Actually for experience lang naman sya. Di ko naman gusto tumagal din sa loob. Kaso ito nga, nagkaroon na ng outbreak. Tsaka nag volunteer din ako sa simbahan para tumulong pero alam mo naman ang nangyari di ba?”
Natahimik sandali si Kal. Naalala nya ang kahayupang ginawa ni Fr. Danny. Nalayo ang isipan nya pero nagulat sya nang mapansin nyang hawak nya na ang kamay ni Lucia.
“Ay sorry… “ Inalis nya kaagad ang kamay at napangiti silang pareho ni Lucia.
“Salamat ulit Kal. Kung di dahil sa inyo, baka impyerno parin ang buhay namin dito sa loob.” Tumango naman si Kal.
Nakita ng dalawa na paparating si Ras, ang nakakabatang kapatid ni Kal. Sinalubong naman ito ng kuya.
“Oh Ras? Saan ka papunta?”
“Pinapatawag ka ni Mang Tamir kuya. May pagpupulong daw mamayang gabi “
“Tungkol saan?” sabat naman ni Lucia.
“Hello ate, di ko alam eh. Basta yun lang ang habilin sakin.”
“Di kaya may lakad nanaman?” tanong naman ni Kal.
“Siguro. Basta pumunta ka nalang sa simbahan.”
“Ngayon na?”
“Oo ngayon na.”
“Ah okay sige. Lucia maiwan na muna kita ha. Tuloy nalang natin next time.”
“Okay Kal ingat ka.”
Nagmamadaling umalis si Kal. Napansin naman ni Lucia na nakangiti si Ras.
“Bat parang ang saya-saya mo Ras?”
“Ah wala. Natutuwa lang ako para sa inyo ni Kuya. Hehehe.”
“Ha? Bakit?”
“Si kuya kasi, ikakasal na sana yan noon. Pero sa kasamaang palad, naging infected ang fiance nya.”
“Oh my God. Grabe naman.”
“At hinde pa yan ang worst part. Sya mismo ang tumapos sa girlfriend nya. Kaya simula noon, naging malungkutin na si Kuya. Sumama sya sa mga lakad para matuon sa ibang bagay ang pansin nya at saka para mabawasan ang sakit na nararamdaman nya. Alam mo yun? Yung feel mo na parang gusto mo nang mamatay kaya nilalagay mo sarili mo sa kapahamakan pero sa katagalan hinde mo pa pala oras. Ilang beses na rin syang muntikang ma infect pero nakakabawi naman sya kaagad at nakakatakas.”
“Ang lungkot naman pala ng nakaraan nya.”
“Kaya nga natutuwa ako ngayon at parang bumabalik na ang sigla ni Kuya. Salamat ate ha.”
“hihi wala yun. Tsaka mabait naman si Kal at madaling maging kaibigan.”
“Sige ate aalis na rin ako. May gagawin pa ako eh.”
…