Episode 18
Season Finale
End of Days
By: Balderic
First few weeks of infection. Sariwa pa ang mga infected. Mabilis ang kanilang pagkalat dahil na rin sa dami ng tao sa NCR. Isa sa mga naunang bumagsak ang Quezon city. Napakarami ng mga nangamatay. At bilang na bilang ang nakakasurvive. Isa na rito si Elza Walker.
Trained si Elza, hinde lang sa urban warfare kundi sa infiltration. Dahil sa kanyang kaalaman sa Abyssal virus, natuto sya kung paano maiiwasan ang mga infected. Gamit ang grey na poncho, kumatay sya ng infected at kinalat ang lamang loob nito sa poncho nya. Nagsuot sya ng gasmask para hinde nya maamoy ang naagnas na mga laman.
Sa kanyang pagtanto, ay isa ang Quezon city general hospital sa mga natitirang outposts na may depensa. Plinano ni Elza ang pumunta doon upang makahingi ng tulong. Lalo pa at ang misyon nya ay maexpose ang Shard.
Nilakbay ni Elza ang kahabaan ng Edsa. Para hinde sya mapansin ng mga infected, naglakad na lang sya habang binabagtas ang highway. Napapalibutan sya ng mga patay. Ang iba ay nababangga pa sa kanya pero dahil sa amoy, hinde sya nakikilala ng mga ito. Dito nya napansin ang isang helicopter na dumaan sa ibabaw nya. Napalingon sya at ang mga infected na nagsimulang maglakad papunta sa direksyon ng nililipad ng chopper. Mabilis na pumagilid si Elza dahil animo’y nagka stampede na sa gitna ng kalsada. Lumuwag ang dinadaanan nito at ilang oras pa ay narating nya na ang ospital.
Naabutan nya itong nasusunog sa isang bahagi. Nagkalat ang mga preskong bangkay ng mga marino na isa isang pinagpepyestahan ng mga infected. Pumasok si Elza sa compound para maghanap ng buhay o supplies. Malapit na sya sa main door nang makita nya ang nasusunog na truck at napapalibutan ito ng mga infected na parang may gustong abutin sa kabilang bahagi ng truck. May dalawang patay na brutalist sa paligid nito at tambak ng mga napatay na mga infected.
Nacurious si Elza at nilapitan nya ito. Sinilip nya ang ilalim ng truck at nakita nyang may nakahandusay na lalake sa kabilang bahagi na hinde maabot ng mga infected dahil nakaharang ang sasakyan. Nilapitan ni Elza ang isang patay na marine at nakuha nya ang isang flash grenade. Hinagis nya ito sa malayo. Nang sumabog ito ay na attract ang mga infected at pinuntahan iyon. Nang may access na si Elza ay ginapang nya sa ilalim ng truck ang lalake at dito nya nasilayan ang katawan ni Jeric Naval.
Marami itong pinsala sa katawan at nang kapain ni Elza ang leeg nito ay may mahina pa itong pulso.
“No wonder the dead is going crazy, you’re still alive. What kind of a man are you?” wika ni Elza.
Makalipas ang ilang oras at gumabi na rin. Nasa isang palapag ng ospital si Elza kasama si Jeric. Ipinasok ng babae si Jeric sa isang silid at kinabitan ito ng IV fluid. Nilinis nya rin ang mga sugat ng lalake at ang ilang shrapnels na pwede nyang makuha ay tinanggal na nya.
Bandang ala una ng madaling araw nang makarinig si Elza ng mga nag uusap na mga tao sa labas ng silid. May flashlights siyang napansin. Mabilis lumabas ng silid si Elza at nagtago sa kadiliman. Sumilip sya sa bintana ng hallway at nakita nya ang dalawang army jeep na may US logo.
“Shard… what the hell are they doing here? “ bulong ni Elza. Umakyat ang ilang operatives sa palapag kung nasaan si Elza kaya naghanap pa muli ng ibang matataguan ang babae.
Naobserbahan nyang naglakad sa hallway ang isang squad at binuksan ang mga pinto. Isa sa mga ito ang silid ni Jeric.
“Shit.” Bulong pa ni Elza nang pumasok sa kwarto ni Jeric ang isang operative.
“We got a live one here! “ sigaw ng tauhan. Pumasok pa ang mga kasama nya. Nagradio naman ang isa.
“Sir, we found a possible test subject here. One male, possible second age bracket and seems to be military. Please advice.”
“Take him.” Reply sa radio.
“Understood. Let’s go boys.” Pinasok ng squad ang silid at dahan-dahang inilabas ang katawan ni Jeric. Walang nagawa si Elza kung tingnan ang mga nangyayari hanggang makaalis na ang Shard.
———-
By: Balderic
Nagkaharap si Danny, Jeric at Elza. Parehong may hawak na baril ang dalawang lalake habang nakahanda lang ang mga matatalim na kuko ni Elza aka Lilith. Matagal na nagkatitigan ang tatlo. Naghihintay kung sino ang unang gagalaw.
“Mag iingat ka Danny. Hinde na sya ang nakilala nating Elza.”
“Alam ko kuya. Agaw buhay ako noong huli naming pagkikita.”
“Iwasan mo lang ang mga atake nya. Hinde pa natin alam kung ano ang kaya nyang gawin. Pakiramdam ko, kailangan nating magtulungan kung hahagilap tayo ng pag-asang mabuhay.”
“Enough talk!” Sumugod bigla si Lilith at una nitong nilapitan ay si Danny. Nagulat ang binata sa nangyari at nang kalmutin sya ni Lilith ay kaagad humarang si Jeric at nasalo ang braso ng babae. Tinutok nya kaagad ang magnum sa tyan ni Lilith. Hinawi ito ng kabilang kamay ng babae pero hinde nya nadepensahan ang kamay ni Danny na lumabas mula sa tagiliran ni Jeric. Binaril sya ni Danny sa tyan ng tatlong beses bago pa sya umatras at binitiwan si Jeric.
Nagulat si Lilith nang huminto ang katawan nya sa pag atras at bumalik ito palapit kay Jeric. Hinigop sya ng kapangyarihan ng lalake at sinalubong sya ng malutong na suntok. Naglanding ang kamao ni Jeric sa pisngi ni Lilith. Sinundan pa ito ng suntok sa sikmura.
Nag side step si Danny at tinutukan ng baril ang ulo ni Lilith pero mabilis na tumago ang babae sa kabilang bahagi ni Jeric. Hinde naka-kalabit si Danny dahil nakaharang ang kuya Jeric nya. Sinakal naman ni Jeric si Lilith pero gamit ang dalawang braso ng babae ay tinapik nya pababa ang kamay ng magiting na ex-marine. Pero tinutok muli ni Jeric ang magnum nya at binaril si Lilith sa dibdib. Kahit halos point blank ang distansya nilang dalawa ay naka iwas pa si Lilith at dumaplis lang sa leeg at balikat nya ang bala.
Isang psychic push ang ginawa ni Jeric at tumalsik si Lilith pero sinipa din sya ng babae bago pa sya tumilapon at nagbanggaan ang katawan ng dalawang binata na parehong nabuwal. Bumangga ang katawan ni Lilith sa motor ni Jeric at sa isang kamay ay binuhat nya ang mabigat na sasakyan at hinagis sa dalawang katunggali.
Tinulak ni Jeric si Danny palayo at isang psychic push ang nagpatigil sa motor na tumilapon pabalik kay Lilith. Sa isang wisik ng kamay ni Lilith ay nahati ang motor. Bumulwak ang gasolina sa katawan nya. Nakita naman ito ni Jeric at binaril nya ang gasolina sa may paa ni Lilith. Nagliyab ito kaagad at kumapit sa katawan ni Lilith.
“Grraaaaaaaahhhh!!” napasigaw ang babae. Sumugod ito kay Jeric at buong galit itong bumitaw ng suntok. Pinigilan ito ng psychic push ng lalake pero sa lakas ng impact ay hinde nya na nasalag ang kamao. Ilang metro ang nilipad ng katawan ni Jeric na bumangga sa isang pader.
Hinde pa sya tinigilan ni Lilith. Hinabol pa ito para durugin. Tumulong naman si Danny at pinagbabaril si Lilith sa likod. Sinalag ng kamay ng babae ang mga bala. Tumagos ang mga ito sa kamay pero hinde nya ito iniinda.
“Don’t even try it Daniel! Graaaaahhh!! “ si Danny naman ang pinagbalingan ni Lilith. Sinugod nya ito at pinagbabaril sya habang sya ay lumalapit. Naka iwas si Danny sa atake ni Lilith at dumistansya sya pero nakalapit nanaman sa kanya ang babae. Sinuntok nito sa sikmura ang binata subalit nahawakan ni Danny ang braso ni Lilith.
Kita ang pagkasurpresa sa mga mata ni Lilith at sinubukan nyang mag counter gamit ang kanang kamay pero sinipa ito ng binata at tinutok ang baril sa hawak nyang kaliwang braso na kung saan tinadtad nya ito ng bala. Magkakasunod na putok ang ginawa ng baril ni Danny hanggang maubos ang laman ng magazine nya. Kasunod nito ang paghatak ni Danny ng braso ni Lilith at naputol ito.
“EEEYYAAAAAAGGH!! ” bumulwak ang dugo sa braso ni Lilith at napa atras sya. Hinde nya inaasahan ang pinsalang magagawa ng binata sa kanya.
“DAMN YOU!! “ poot at pagkamuhi ang gumuhit sa mukha ng halimaw na babae. Tinapon ni Danny ang putol na kamay at tinutok ang baril kay Lilith matapos syang makapagreload.
“I never wanted to do this Elza. You are very important to me. But this has got to stop. I won’t allow you to kill more innocent people.”
“Do not mock me with your pathetic speeches boy! This battle has only just begun! GGGRRRAAAAAAAAAHHH!!! “ Namula ang mga mata ni Lilith at lumuha ito ng dugo. Tumayo ang puti nitong mga buhok na nagmistula syang isang mangkukulam. Biglang tumubo muli ang naputol na braso ni Lilith na syang ikinagulat ni Danny.
“ultra speed regeneration. Isang nakakagimbal na kapangyarihan.” Wika ni Jeric nang lumapit ito kay Danny.
“Danny!! Danny!!! “ sigaw ni Tamir na papalapit sa kanila. Bigla itong napansin ni Lilith at ngumiti.
“NNOOOOOOOO!!!! ” binaril ni Danny at ni Jeric si Lilith na mabilis na umatake kay Tamir peri hinde nila matamaan ang babae.
“You’re mine!!”
“Ha!?” Gulat ni Tamir.
“EEEYYYAAAAAARRRGGHHH!!!!” Nilapa ni Lilith ang leeg at mukha ni Tamir at walang nagawa ang dalawang binata sa nangyari. Pinagbabaril ng dalawa ang katawan ni Lilith pero di sila pinapansin nito. Bumagsak sa lupa ang putol na ulo ni Tamir at nagkalat ang lamang loob nito.
Matapos itong kainin ay humarap muli si Lilith sa dalawa. Nabalot ng dugo ang mukha at dibdib ng babae. Nakangiti ito at kita ang matatalim nitong ngipin. Mapulang mapula ang mga mata nito at dahan dahang may tumubong isang sungay sa gitna ng nuo nya na parang isang unicorn. Ang mga kuko nya ay mas lalong humaba at tumalim.
“Danny! Ready na ang evacuation!” sigaw ni Sheryl na nasa malayo. Nakita nyang kaharap ng dalawa si Elza na halimaw na ang anyo. Napalunok ng laway si Sheryl. Tumayo ang mga balahibo sa katawan. Hinde nya maipaliwanag ang takot na bumabalot sa kanya.
“Umalis na kayo Sheryl! Huwag nyo na akong hintayin! Alam nyo na ang evac plans natin! Sundin nyo iyon para sigurado ang inyong kaligtasan!’
“pero Danny…paano kayo ni Jeric!?”
“Wag mo na kaming isipin! Wala nang oras. Umalis na kayo!”
Matapos ang madugong sagupaan ay napatay ang mga Shard operatives at tanging si Lilith na lang ang natitira. Pero dahil sa tinde ng pinsala sa lugar ay nakalapit ang mga infected dahil sa lakas ng putukan at nakapasok na ang mga ito mula sa mga nasirang bahagi ng pader. Ngayong handa nang lumisan ang natitirang survivors, walang choice ang mga ito kundi ang iwan sina Danny at Jeric.
“Mas mabuti pang umalis ka na rin Danny. Mas kailangan ka ng grupo. Ako nang bahala kay Elza. Bibigyan ko kayo ng oras para makatakas.” Wika ni Jeric.
“Nag sakrepisyo ka na noon kuya Jeric at wala akong nagawa. Ngayon, hinde ko na hahayaang iwan kita sa labanan. Kung mamamatay man tayo, sisiguraduhin kong isasama ko sa hukay si Elza.”
“Heh..kung yan ang desisyon mo, bahala ka.” Sabay ngiti ni Jeric.
Tumingin si Danny kay Sheryl at ngumiti ito sabay kaway.
“Umalis ka na Sheryl!”
Walang magawa si Sheryl kundi ang sumunod. Nakikita nya na ang mga infected na papalapit sa kanila. Sa pagtakbo nya palayo ay hinde nya na maiwasan ang lumuha.
“You’re only delaying the inevitable. They may escape this place but that won’t matter. After I’m done with you two, your friends will not live to see the dawn.”
“You will try.” Sagot ni Danny at nagreload ito ng bala. Maging si Jeric ay naghanda na rin.
“Huurraaaaahhh!!” sigaw ng mga tumatakbong infected nang makita sina Danny at Jeric. Sumabay si Lilith sa pag atake.
Naghiwalay na kumilos ang dalawa. Tumakbo sa kanan si Jeric at sa kaliwa naman si Danny. Unang nilapitan ni Lilith si Jeric at kinalmot nya ito pero naka ilag ang lalake. Binaril ni Jeric ang tiyan at kanang tuhod ni Lilith. Nawalan ng balanse ang babae pero nahablot nito ang damit ni Jeric.
Tinamaan ng mga bala ang likod ni Lilith mula kay Danny. Tinapik ni Jeric ang kamay ni Lilith at sinipa ito sa dibdib para makagawa ng espasyo sa kanilang dalawa. Isang infected ang sinubukang yumakap kay Danny mula sa likod pero nakayuko ang binata at nakahugot ito ng dagger sa pantalon nya na syang ginamit nya pangsaksak sa sentido ng zombie. Dumating pa ang isang infected sa harapan ni Danny at binaril nya ito sa mata sabay hinugot ang dagger at sinaksak nya ito sa tenga ng isa pang infected. Binaril nya naman sa tuhod ang parating pang isa at nabuwal ito. Iniwasan nya ang isang hahablot sa kanya at tinulak nya palayo. Napatid ito ng natumbang zombie at napatungan nito ang huli saka sabay silang binaril sa ulo.
Sunod-sunod na kalmot ang pinamalas ni Lilith kay Jeric. Naiwasan nya ang karamihan pero napunit ang kasuotan nya nang madaanan ng matalim na kuko ng babae. Hinde magamit ni Jeric ang baril nya sa close quarter combat. Ginamit ni Jeric na parang force field ang kapangyarihan nya at tumilapon si Lilith. Habang nasa ere ito, binaril sya ni Jeric. Bumagsak sa lupa si Lilith at dumausdos pa ng ilang metro.
Kitang kita ang panghihina ni Jeric pero tinitiis nya lang ito. Hinugot nyang muli si Lilith pero ginamit ng babae ang momentum para umatake. Sinalubong naman sya ni Danny at binaril ito ng tatlong beses. Tumama sa dibdib, balikat at pisngi ang bala at nang makalapit na si Lilith ay hinablot sya ni Jeric at binalibag sa lupa. Tinutukan nya ito ng baril pero sinipa sya ng babae sa tiyan. Napa atras ang sundalo, at sinubukang lumapit ni Danny kay Lilith pero isang backhand ang tinanggap nya sa papatayong babae.
Nilapitan ni Lilith ang natumbang binata at hinanda ang kanyang matatalim na kuko. Plano na nitong tapusin si Danny.
“This will end your suffering Daniel. Allow me to grant you that freedom! “ nakadapa si Danny sa lupa at pilit tumatayo. Masakit pa masyado ang panga nya. Inatake sya ni Lilith pero biglang tumigil ang kamay ng babae. Nakita nitong pinipigilan sya ni Jeric gamit ang force field nya.
“You’ve become quite experienced with that ability Jeric. Too bad it won’t be enough to stop me!” bumaon ang mga kuko ni Lilith sa likod ni Danny.
“AAAAAAHHHHHH!!!!! ” Sigaw ng binata nang masaksak sya.
“DANNYYYYY!!! ” Tumayo si Jeric upang iligtas ang binata. Kahit pagod na ito ay pilit paring tumatayo.
Hinugot ni Lilith ang kamay mula sa pagkakabaon sa likod ni Danny at tumayo sya para harapin naman si Jeric. Kinalmot nito ang lalake at nahawakan naman ng huli ang braso ni Lilith. Binigyan nya ito ng dalawang magkasunod na hand chop sa sikmura at leeg. Pinatid nya ang paa ni Lilith at nang mawalan ito ng balanse ay isang malakas na psychic push na kung saan nakagawa ng maliit na crater sa lupa ang katawan ni Lilith sa tinde ng impact. Napabuga ng dugo ang babae. Naglalaban ang kanyang malay nang mapansin nyang nakareload na si Jeric ng baril at tinutok sa kanya.
“This is your end Lilith! “ Binanatan ni Jeric ng putok ang ulo ni Lilith. Ubos ang huli nyang mga bala na bumaon sa sintido ng babae.
Hinde kumikilos si Lilith. Kamuntikan pang mawalan ng malay si Jeric. Hinang hina na ito. Nagamit na ang lahat ng lakas. Tinitigan nito ang katawan ni Lilith.
“mukhang… ito na nga ang katapusan nya kuya… “ wika ni Danny habang nakadapa parin sya. Humahangos naman si Jeric na nag thumbs up.
Biglang nagcrack ang katawan ni Lilith. Nabasag itong parang salamin.
“Anong nangyayari? “ gulat ni Jeric. Dahan-dahang naglaho si Lilith.
“You think you’ve already won? But what you destroyed is merely a shell.” Boses ni Lilith pero hinde makita ni Jeric.
“Show yourself!! Where are you!?”
“Here… “ biglang nagmaterialize si Lilith sa harapan ni Jeric. Nagulat ang lalake pero huli na ang lahat.
“GGAAAHHK!! ” daing ng lalake nang bumaon ang kamay ni Lilith sa kanyang sikmura at inangat pa ito kaya nabuhat ang buong katawan ni Jeric.
“KUYAAAAA!! UNGHH! ” Pinilit tumayo ni Danny. Napapahamak ang kanyang kaibigan. Napansin naman sya ni Lilith.
“How curious, your body healed very fast. Regardless, you’re too weak to fight me.” Hinugot ni Lilith ang braso at bumagsak na nakadapa sa lupa si Jeric. Inapakan ito sa likod ni Lilith na nagdagdag pa ng pinsala.
“STOP IT!!! LEAVE HIM ALOOOONNEEE!!!! ”
Nakangiti lang ang babae at hinawakan nito ang leeg ni Jeric saka ito binuhat at hinarap kay Danny.
“His death will be on your hands Daniel. You could not save Nikka and you could not save Jeric.”
“Umalis ka na Dannyy!! “ wika ng duguang si Jeric.
“Kuyaaa!! Hinde… hinde ako aalis dito.. ”
” Putang ina umalis ka NAAAAAA!!! ” Pilit na hinugot ni Jeric ang isang granada sa kanyang bulsa at palihim itong tinanggalan ng pin.
Parang huminto ang lahat. Bumagal ang mundo. At ang tanging naaalala ni Jeric ay ang taong humawak ng braso nya. Isang lalake na syang nagligtas sa kanya noon sa kapahamakan. Ang panahong hinatulan sya ng kamatayan dahil sa sinuway na utos ng nakatataas sa kanya.
“Jeric tumayo ka!! Huwag kang susuko! Tandaan mong isa kang marasigan….isa ka sa magigiting na mandirigma… hinde pa ito ang katapusan mo… “ wika ng lalake habang inaalalayan maglakad si Jeric na halos tadtad na ng bala.
“wala nang silbe ang buhay ko sir… iwan mo na ako dito… madadamay ka lang… ”
“Walang panahon ang sundalo para sumuko Jeric. Nakikita mo ba ang pangalan sa uniporme ko? “ Tinignan ni Jeric ang name plate ng opisyal. Marasigan ang apelyido nito. Napapikit at medyo nangiti si Jeric.
“Hinde naman tayo.. magkamag anak sir… ”
” Kahit pa… itinuturing na kitang kapamilya ko.. tandaan mong nasa dugo natin ang isang mandirigma.. at ang isang mandirigma ay namamatay lamang sa digmaan! ”
“Sir…ungghh.. sir.. A….”
Napapikit muli si Jeric at mula sa kanyang pusong tumitibok, binuklat nya ang mga mata at sinipa sa sikmura si Lilith. Nabitawan sya nito at halos gumuho ang katawan nya sa tinde ng pinsala nya. Pero tiniis nya ang lahat. Tinignan nya si Danny at napangiti sya. Nakikita nya sa mga mata nito ang apoy mg isang mandirigma. Handa na ito.
“You will never defeat me Jeric! “ wika pa ng halimaw na si Lilith pero nakangiti lang si Jeric.
“I know… ” gamit ang huling lakas ng kanyang katawan ay hinigop nya si Lilith na dumikit sa kanya at niyakap nya ang babae saka diniin ang granada sa katawan nito. Tinignan nya sa huling pagkakataon ang binata.
“.. but he will.. ”
“wha.. “ biglang sumabog ang granada at nahiwalay ang dalawa. Parehong napinsala ang dalawa.
“k.. kuyaa… hinde… “ halos hinde makapagsalita si Danny sa shock habang papalapit sa kanya ang ilang infected.
Nag crack ang katawan ni Lilith at naglaho ito. Hinde makapaniwala si Danny sa kanyang nasasaksihan. Hinde na ito isang ordinaryong pangyayari. Si Lilith ay isa nang ganap na Omega level being na may kapangyarihan na hinde na nasaksihan, ilang libong taon na ang nakalipas. Nabuong muli ang katawan ni Lilith na tila isa lamang masamang panaginip ang lahat.
“I admire his efforts. Until the end, he never gave up. Too bad, it was all for nothing.” Dahil sa kapangyarihan ni Lilith na illusion, naiwasan nito ang matindeng pinsala at nagbuwis lang ng buhay si Jeric.
Tulala si Danny at hinde makakilos. Hinde nya alintana ang isang infected na kumagat sa kanyang balikat. Tinulak nya lang ito na parang wala at lutang ang kanyang isipan. Hinde makapaniwalang wala na talaga si Jeric Naval. Ang taong nagturo sa kanya kung paano lumaban at magsurvive ay makahandusay, dilat ang mga mata at may malaking butas sa dibdib at tiyan.
“Simula’t mula pa ay naduwag na ako. Hinde ko nailigtas ang lahat ng kaibigan ko. At ngayon, wala rin akong lakas para mailigtas si kuya Jeric… bakit ganito? Hinde pa ba sapat ang lahat ng natutunan ko? Hinde pa ba sapat ang mga hirap na pinagdaanan ko? Bakit lagi nalang namamatay ang mga taong malapit sakin!? ”
“Mahina ka kasi. “ isang boses ng lalake ang narinig nya at nang lumingon sya ay nakita nya si Andrew. Nakatayo ito sa harapan nya at nakangiti.
“wala kang kwenta Danny. Naagaw sayo si Nikka, naagaw sayo si Andrea at hinde mo sila nailigtas. Wala kang kwenta. Ano ba ang silbi mo? Isa ka lang pahamak sa lahat kaya dapat kang mamatay.”
Napaluha si Danny. Hinde na sya nanlaban nang sakalin sya ni Lilith at binuhat. Inangat ng babae ang kabilang kamay at handang tapusin si Danny.
“Nothing will stop your death today and no one will come to save you. Goodbye.”
Sinaksak ni Lilith ang dibdib ni Danny gamit ang mga daliri nya subalit nagulat sya nang mahawakan ng binata ang kamay nya.
“what! ?” isang sipa sa mukha ang hinde napigilan ni Lilith at napa atras sya ng ilang metro mula kay Danny. Nanatiling nakatayo ang binata.
“hinde…hinde pa ito ang oras para ako mamatay! Kaya ako nabubuhay ngayon ay dahil sa mga naniniwala at sumusuporta sa akin. Ang mga kaibigan ko. Ang mga mahal ko sa buhay. Si Nikka, si Andrea, si kuya Jeric. ..lahat sila naniniwala sa kakayahan ko. Hinde ko man sila nailigtas ay hinde iyon dahil sa mahina ako. Tinanggap nila ang kapalaran nila at hinde sila sumuko. Tinanggap nila ako at naniniwala sila sa kakayahan ko. Kaya hinde pa ito ang katapusan ko! LILITH! THIS DAY, YOU WILL PAY FOR EVERYTHING YOU DID!” nawala si Andrew sa harapan ni Danny. Tanging si Lilith lang ang nakikita nya.
“what the hell is going on!?” hinde makapaniwala si Lilith sa kanyang nasasaksihan.
Lumapit ang limang infected kay Danny at hinablot ito.
“GGRRRRAAAAAAAAAAAAAHHHHHH!!!!! ” isang shockwave ang kumalat sa paligid ni Danny at tumalsik ang mga infected sa iba’t ibang direksyon. Habang si Lilith nanaman ay nanlalaki ang mga mata.
Nakita nito ang dahan dahang pagputi ng buhok ni Danny. Ang mga mata nito ay animo’y umaapoy sa tinde ng kanyang lakas at galit. Nagbago ang presensya ng binata,hinde maipaliwanag ni Lilith ang pagtayo ng kanyang mga balahibo na parang may nagbabadyang panganib para sa kanya.
Pinulot ni Danny ang isang dagger mula sa napatay na Shard operative at nagsimula syang naglakad palapit kay Lilith. Isang infected ang umatake sa kanya at mabilis nya itong sinaksak sa ulo na hinde manlang nya tinitignan. Dalawa pa mula sa likod ang dumating at tulad ng nauna, hinde sila tinignan ni Danny. Sinaksak nya sa mata ang isa at hinablot nya ang ikalawa sabay binalibag sa lupa at inapakan ang ulo nito. Palapit na nang palapit si Danny.
Wala nang oras na sinayang si Lilith. Inatake nya ang binata ng magkakasunod na kill swipes pero panay hangin lang ang tinamaan nya at nakatanggap sya ng saksak mula sa likod ng batok nya.
“How.. Did you get behind me so fast!? ” nagimbal si Lilith kay Danny. At hinde nya napigilan ang dalawang saksak sa kanyang sintido na nagpabagsak sa kanya. Tinitigan sya ni Danny habang nasa lupa at hinde gumagalaw.
Biglang sinakal ni Danny ang sino mang nasa likod nya at biglang lumitaw si Lilith na hinde makapaniwala. Huling huli ang leeg nya at ang katawang nasa lupa ay nabasag at naglaho.
“my illusions are.. not working!? How are you doing this? “ mas nagulat pa si Lilith sa anking lakas ng kamay ni Danny. Hinde sya makatakas.
“I can smell your filthy presence everywhere Lilith. You won’t escape my grasp.”
“SHRAAAAGGHHKK!! “ hinde napigilan ni Lilith ang pag gilit ni Danny sa leeg nya. Dumanak ang dugo ng babaeng halimaw. Napaluhod sya habang nagheheal ng kanyang pinsala. Pero sinaksak sya ni Danny sa nuo at hinati ang mukha nya pababa. Bumulwak ang dugo sa lupa.
“Get up. I know it’s not over yet.” Wika ni Danny.
Matapos makapag heal, tumayo si Lilith at chineck ang sarili. Ngayong kumpleto nanaman sya ay ngumiti si Lilith.
“You surprised me Danny. I didn’t expect you to ascend and now you are just like me, an Omega level being. I believe, the dormant Omega strain inside your body was forcefully awaken by your will. Brilliant. This may become a lot interesting after all. Now prepare yourself boy, because this time, holding back is out of the fuckin window.”
Biglang humaba ang mga kuko ni Lilith at pinagtutusok ang lahat ng infected sa paligid. Para nitong ginawang barbecue ang mga bangkay at pumintig ang braso ni Lilith na para itong hose na dinadaluyan ng maraming tubig.
“GGGHHHAAAAAAARRRRRRRRRGGG!!! ” lumuha ng itim na dugo si Lilith at nabalot ng kadiliman ang kanyang mga mata. May tumubo pang mga sungay sa katawan ni Lilith, sa mga siko nya, balikat, likod at mga tuhod. Isa na itong ganap na halimaw. Ang mga ngipin nito ay tumalas na rin.
“This body is oozing with power, let me try this newfound form on you kid! Graaaaa!!! “
Sumabog ang lupa nang sumugod si Lilith at hinarap ito ni Danny. Sabay naglahong parang bula ang dalawa sa sobrang bilis. Biglang sumabog ang isang bahagi ng gusali malapit sa kanila sa shockwave ng kalmot ni Lilith at naglaho silang muli. Nagkaroon ng trail ang pagputok at pagtalsik ng lupa habang mabibilis na naglaban ang dalawa. Wasak ang katawan ng mga naliligaw na infected sa paligid. Bumagsak ang isang bahagi ng pader sa isang building at lumitaw sa ibabaw ng bubong si Lilith habang nasa lupa naman at nakatingala si Danny. Matalas ang mga titig ng binata.
“How are you still keeping up with my power? I had absorbed every creature in sight and yet I still can’t catch you.”
“In case you are wondering why, the answer is very simple Lilith. You’re just too slow. ”
“Impossible! I had become a superior being! My level of power cannot be reached by anyone! ”
“Okay.. .then allow me to demonstrate.”
“GGUUUAAAAGGGHHH!!!” hinde nakareact si Lilith nang makatanggap ng kamao sa sikmura. Sa sobrang bilis ni Danny ay hinde na nya nakita ang atake nito. Pero ang mas nakakagulat ay ang angking lakas ng suntok na yun.
“This can’t be happening! This.. ”
“Believe it.”
“HUUAARRGH! ” sapol sa uppercut si Lilith sa panga at isang kamao sa mukha pa ang sumalubong sa kanya at bumagsak sya sa sahig ng gusali. Nanatiling nakahiga si Lilith at nagulat syang may hawak na mahabang tubo si Danny.
“AAAAAAARRRGGGHH!! ” tinuhog ni Danny si Lilith sa lupa at hinde ito makagalaw. Sinibukan nitong gamitin ang illusions nya pero hinde na ito gumagana. Dumadami sya sa paningin pero kaagad ay nahuhuli ni Danny ang tunay nyang anyo.
“I can see now….I understand.. every Omega being has a different ability that they can develop. Mine was my illusions, Jeric was his telekinesis, and now you… it’s speed… I guess I’m just matched badly this time.. Hehehehe… “ nakita nyang nakatutok ang isang magnum sa mukha nya.
“You’re losing strength Lilith. This is your end.” Binaril ni Danny sa ulo si Lilith at matapos maubos ang mga bala nya ay iniwan na nito ang babae. Malungkot ang mukha ni Danny, alam nyang si Elza parin ang ginamit na katawan ni Lilith.
Binalikan ni Danny si Jeric at nakita nyang bahagyang nag heal ang sugat nito. Pinulsuhan ni Danny ang kuya, may pulso ito pero mahina. Binuhat nya si Jeric at naglakad palayo.
———-
By: Balderic
Ilang araw ang nakalipas, at mula sa dalampasigan ng Maynila ay dumaong ang malaking sasakyang pangdagat ng Amerika. Nasa likod nito ang isang malaking fleet ng mga barkong pangdigma.
Lumipad sa himpapawid ang isang squadron ng mga fighter jets at naunang sumugod sa lupain ng Maynila at bumitiw ang mga ito ng mga missiles na kung saan pinasabog ang lahat ng nasa paligid.
Sa lakas ng mga pagsabog ay daan-daang infected ang tinamaan at nagsitalsikan ang mga katawan nila sa kung saan-saan. Ang ingay naman na dinulot nito ay nagtawag pa ng mga infected mula sa iba’t ibang parte ng kamaynilaan.
Halos buong maghapon na binomba ng mga jet fighters ang manila bay. Nagmistulang bumalik sa ikalawang digmaang pangdaigdig ang naging resulta ng mga pagbomba na kung saan binalik-balikan ng mga jet fighters ang paligid.
Makalipas hipan ng hangin ang mga usok ay tumambad ang napakaraming napatay na infected. Pero may mga natitira paring mga gumagalaw.
Mula naman sa isang aircraft carrier ay lumipad ang isang helicopter na dumiretso sa US Embassy. Bumaba dito ang president ng Amerika na si President Oliver Stone. Isang african american at kasama nya ang kanyang security detail.
Dahil napatay ang core members ng embassy, walang humarap na lider kundi ang natitirang Shard operatives lamang. Sandaling pumasok si Pres. Stone sa main hall at na debrief ito sa mga nangyari.
“Mr. President, our troops are deploying in manila bay. And we have contacts on the remaining political body in the country. They are holed up in Intramuros along with a small group of military force. They had been waiting there since the infection began.” Wika ng assistant ng presidente.
“Okay, I want a team assembled immediately and secure those survivors. I will meet them once they are cleared from our biohazard team.”
“Yes Mr. President.”
Mula sa manila bay ay nagdeploy na ang mga bulto-bultong sundalo at sinimulan ang sweeping operation sa lugar. Bawat makitang infected ay kanilang pinapatay. Sa bawat area na naclear nila ay kanilang nilagyan ng perimeter blockage. Dito sila planong pipirme habang critical pa ang sitwasyon.
Dumating ang isang Lieutenant Colonel mula sa US Marine Corps at lumapit sa inassemble na company.
“Good evening marines!”
“SIR GOOD EVENING SIR!”
“At twenty hundred hours, Bravo company will deploy and proceed to Intramuros. We have credible intel that the remaining Filipino government body are inside that fortress. We want you to clear the area and secure them as fast as you can. Our commander in chief plans to have a word with them once he arrives. As of this moment, our surveillance drones already detected at least two hundred to three hundred infected people just around the fortress. Bravo company will divide into two platoons and clear two pathways going into our objective. And because of the number of infected in this God forsaken city, we are gonna do this as silent as possible. You don’t wanna attract more of these bastards because we know these things a…