Agnas 3 (Episode 3)

Author’s Note: This story is entirely fictional. Any events and names in this series that resembles real life is purely coincidental. This series is brought to you by Balderic and is a free to read story. Sharing of this story is allowed only with permission and credits to the author.

Episode 3
Death is Coming
By: Balderic

“Napakaswerte ko talaga.” Bulong ng isang lalakeng nakasuot ng police uniform. Nakabantay ito sa isang building compound habang tinatanaw ang magulong kalsada.

Napakaliit ng chansang mabuhay sa ganitong sitwasyon. Bawat sulok ay punong puno ng panganib. Pero dahil na meet ko ang isang grupo ng mga pulis, sadyang napakaswerte ko. Mas malaki ang chansa ko. Kahit hinde ako pulis, ramdam kong magagawa ko ang mga bagay na hinde ko kaya noong nagtatago lang ako sa apartment ko. Ngayon, hinde lang may bantay ako kundi mga trained professionals pa ang mga ito. At kahit na ganito na ang mundo, hinde parin nila nakakalimutan ang tungkulin nila sa mga sibilyang katulad ko.” Pagpatuloy pa ng binata.

Kamusta ang duty mo ngayon? Hinde ba masikip ang uniporme bata?” tanong ng isang pulis na dumating.

Okay lang sir hehehe. Salamat.”

“Sir! May natatanaw ako sa malayo! May paparating!” sigaw ng isa pang pulis. May hawak itong binoculars. Lumapit ang senior police at sinipat ang nakita ng tauhan nya.

“Asan?”

“Andun sa likod ng isang bus sir. May malaking anino akong nakita.”

“Di kaya yung mga halimaw na infected yan? Yung mga higante?” tanong ng sibilyang binata.

Ayun! Nakita ko na! Nakasuot ng black na coat, at may hood. Hinde ko maaninag ang mukha. Napakalaki nya para sa isang tao. Hinde sya pangkaraniwan.” Paliwanag pa ng officer.

Huminto ang dambuhalang nilalang sa paglalakad. Nakita nito ang mga tao sa di kalayuan. Ngumiti ito sa loob ng kanyang hood at biglang nag dash ng ubod ng bilis.

MAGSIHANDA KAYOOO!!!! ” Sigaw ng officer.

Pinaulanan ng mga parak ng bala ang paparating na halimaw. Pero nagulat sila nang bigla itong mag sway sa kaliwa’t kanan habang tumatakbo. Hinde mapigilan ang momentum neto at nang makalapit na ay biglang lumundag.

Bumagsak sa senior police ang buong katawan ng napakalaking nilalang. Durog ang katawan ng officer.

GGGRRRRUUUOOOAAAAAAAAHHHHHH!!! ” Nakakabinging sigaw ng halimaw. Napasigaw sa takot ang sibilyan na malapit dito.

Nakita nyang inatake ng mga pulis ang halimaw. Tinadtad nila ito ng tingga sa katawan. Pero kumilos ng nakakagimbal na bilis ang dambuhala. Isa-isang hinablot ang mga ulo ng mga pulis at dinurog na parang itlog.

Bakit? Bakit napunta sa ganito ang lahat? Akala ko… .ligtas na ako… .akala ko… .okay na ako… wala parin palang pinagbago ang sitwasyon… .mamamatay lang din akong parang hayop… “ bulong ng binata bago ito apakan sa ulo ng halimaw.

Sa isang iglap, naubos ang mga buhay sa paligid. Tanging ang halimaw nalang ang natira at iniwan nya ang compound kung saan nagkalat ang mga laman at dumanak ang dugo.

ELZZAAAAA WWWWAAAALLLKKKKEEEERRRRRRR….. “ Garagal na boses ng halimaw bago ito umalis.

———-

By: Balderic

Tagaytay Safe Compound
10:00 pm

Pinuntahan ni Ayesha si Andrea sa kwarto nito. Nakita ni Andrea na medyo pagod ang itsura ng dalaga. Pinapasok nya ito. Medyo magulo ang silid ni Andrea nang abutan ni Ayesha pero may naamoy itong disinfectant sa hangin. Umupo sya sa isang silyang plastic.

Mukhang stressed ka yata Ayesha? May problema ka ba iha?”

“Doc… pasensya na ho at naisturbo ko kayo. Sadyang marami lang talagang pumapasok sa isipan ko. “ mahinang boses ng dalaga. Halatang may dinadala ito sa dibdib. Umupo si Andrea kaharap ng dalaga. Nakangiti ito.

Okay lang Ayesha. Ano bang maipaglilingkod ko?”

“Um doc… magpapa-alam po sama kami ni Arvin sa inyo.”

“Hmm? Bakit? Ano gagawin nyo?”

“Ah eh.. ano ho kasi… .” nag aalanganin itong diretsohin si Andrea.

Tell me iha. Wag kang matakot.”

“Plano po naming lumipat sa Bagong Bukas doc.”

“Ha? Lilipat kayo dun? Teka, biglaan naman yata tsaka bakit naman? May problema ba kayo dito sa community natin?”

“Hinde naman po Doc. Pero po kasi, para po ito kay Arvin eh. Pasensya na ho talaga.”

“Bakit, ano bang ginawa ni Arvin?”

“Sorry po Doc… hinde ko po masasabi eh.”

“Iha sabihin mo sa akin. Paano kita maiintindihan kung di mo ako dinediretso.”

“Sorry po talaga, di ko po kasi kaya eh. Basta po, magpapa-alam lang po kami.”

“Eh paano kung hinde ako papayag? Sorry Ayesha pero hinde ko papayagan yang plano nyong dalawa. Masyadong delikado at hinde pa natin masyadong kilala ang mga taong yun.”

“Hinde naman po siguro sila masasamang tao.”

“Iha, mahirap makilatis ang tao sa unang tingin. Hinde natin alam kung anong klaseng community meron sila.”

“Pero doc sabi nila nasa simbahan sila at pari ang pinuno nila. Surely naman hinde sila masasamang tao. Tsaka yung matandang kasama nila na pumunta dito mukhang mabait naman po.”

“Are you kidding me? Naririnig mo ba mga sinasabi mo Ayesha? Don’t be stupid okay. Wala pa akong tiwala sa mga taong yun. Sa panahong ito dapat maging alisto ka. Dapat maging maingat ka kasi buhay mo ang pwedeng maging kapalit.”

“Eh Doc.. karapatan rin po naman namin ito kasi buhay naman namin ito eh.”

“Karapatan mo man o ano, tungkulin kong pangalagaan at protektahan kayo sa kung ano mang panganib sa labas ng compound na ito.” Medyo tumaas ang boses ni Andrea. Tumayo si Ayesha at pumunta sa pinto.

Si Arvin ang nakapatay kay Sir Pat, Doc. Yan ang tunay na dahilan kung bakit kami lilipat.”

“Ha? Paanong nangyari yun?”

“doc walang alam sa paghawak ng baril si Arvin. Aksidente nyang nabaril si sir Pat. Itinago ito ng mga kasamahan nya para maprotektahan si Arvin pero hinde magawa ni Arvin na itago ang lahat. Nakokonsensya sya sa mga nangyari. Gabi-gabi syang umiiyak sa harapan ko at hinde ko kayang makita syang nagdurusa. I’m sorry Doc, pero para din ito sa aming dalawa.”

Lumabas ng silid si Ayesha. Naiwang tulala si Andrea. Napahawak ito ng kanyang noo. Ramdam ang bigat ng kanyang puso. Ngayong alam na nya ang lahat, para itong kinurot sa dibdib. Tumayo si Andrea at lumabas ng silid nya.

Bumaba sya ng second floor at naglakad papunta sa isa pang gusali. Huminto sya sa isang pinto at kumatok. Si Pablo ang bumukas ng pinto.

Doc?”

“Pwede bang dito muna ako?”

“Ah okay sige. Pasok ka.” Pumasok si Andrea at tinignan ni Pablo ang paligid bago nya sinara ang pinto.

———-

By: Balderic

Gang Hideout

Itinali ni Gaston sa isang upuan si Nikka. Dito walang awa nyang sinampal at sinakal ang dalaga. Pinapaamin nya ito kung sino ang lalaking nakilala nya. Hinde maka-amin si Nikka. Iyak lamang ito nang iyak. Samantalang walang magawa si Tyler na tinitignan ang mga nangyayari.

AMININ MO SA AKIN KUNG SINO ANG DALAWANG YON! SABIHIN MO!”

“Ka.. kaibigan ko lang dati… Gaston… maawa ka… wala akong kasalanan… bakit mo ako sinasaktan… “

” Bakit? Nagtatanong ka pa kung bakit? Dahil sa kanila nawalan ako ng kasama. Tapos ngayon pinaplano pa nilang sundan tayo. Gusto kong malaman kung sino sila at nang mapaghandaan ko sila. Ngayon, sabihin mo sa akin ang lahat ng nalalaman mo Nikka. At wag na wag kang magsisinungaling. Alam ko kapag nagsisinungaling ang isang tao.”

“Yun lang naman… .yun lang ang alam ko Gaston… wala na… .”

Sinampal muli ni Gaston si Nikka.

Boss tama na. Baka di na kayanin ni Nikka yan.” Sabat naman ni Tyler.

Huwag kang magkakamaling maki-alam dito! Palibhasa malambot ka! Isang pagkakamali ko ang isinapi kita sa grupo ko!”

Sinakal ni Gaston si Nikka. Na ubo ito matapos bitiwan ng lalake ang leeg nya.

Masyadong magaling makipaglaban ang dalawang yun, sabihin mo sa akin ang mga nalalaman mo kung ayaw mong mas lalo kapang mapasama!”

“Wala na akong masasabi pa kasi wala naman akong alam! Gaston maawa ka sakin! Wala akong alam!”

Sinuntok ni Gaston sa pisngi si Nikka at natumba ito kasama ang upuan. Pinagtatadyak neto ang sikmura ng kawawang dalaga. Tawa pa ito nang tawa at nanlilisik pa ang mga mata. Hinde na kayang tiisin ni Tyler ang nangyayari. Sinipat nito ang baril sa lamesa. Pero malapit lang dito si Nestor na isang psychotic na myembro ng grupo. Ine-enjoy nito ang ginagawa kay Nikka.

Inapakan ni Gaston ang ulo ni Nikka. Dinurog ito ng husto. Halos hinde na mawari ang boses ng dalaga sa kakasigaw dahil sa paghihirap nya. Nandilim ang mga mata ni Tyler.

TAMA NAAA!!! “ Kinuha nito ang baril at binaril si Gaston ng tatlong beses sa likod.

“Aaahhh!!! “ napasigaw ito at natumba. Lumampas sa dibdib nya ang mga bala.

Putang ina ka! Traydor!” sinaksak ni Nestor ng ilang beses sa tagiliran si Tyler. Naglaban ang dalawa pero sadyang mabilis na nawalan ng lakas si Tyler. Dahil sa pinsala nya, hinde nya napigilang saksakin syang muli at sa sikmura naman ito.

Narinig ni Esteban ang lahat. Pumunta sya upang tignan at nakita nyang nakahandusay si Gaston at wala nang buhay. Si Tyler naman ay nakadapa at naliligo sa sariling dugo.

“Isa ka pa!! “ inatake ni Nestor si Esteban. Alam nyang barkada ito ni Tyler at malapit ang dalawa. Naka-iwas si Esteban sa mga atake ni Nestor gamit ang patalim nya. Binuhat ni Esteban ang isang kahoy hinampas neto ng ilang beses sa katawan ang kalaban.

Ano papalag ka pa!?” tinadyakan pa nya sa mukha si Nestor. Bumagsak ito at dumudugo ang ilong at ulo. Agad nilapitan ni Esteban si Tyler.

Pre gising! Gising