Revelations of Death
By: Balderic
Naglanding ang service helicopter ni Jeric at Bea sa isang basketball court. May mga fences sa paligid at nahaharang ang mga infected na naattract sa ingay na dulot ng helicopter. Kumapit ang mga ito sa fences at patuloy na inuuga ito.
Bumaba ng chopper ang duo. Naka suot ng black toxido suit si Jeric habang si Bea naman ay naka tactical suit. Pareho silang may dalang dual handguns. Pero si Bea ay may shotgun at si Jeric naman ay may automatic combat rifle. May dala ring maliit na maleta si Jeric. Naka black shades ito at may leather gloves. Naka ponytail naman ang buhok ni Bea at nakangiti na animo’y maglalaro lang.
“Sir, I will wait here for 30 minutes and if you have not returned I will take off and you will have to go to the rendezvous point.” Wika pa ng pilotong kano.
“Okay, we won’t be too long. Don’t worry.” Sagot naman ni Jeric.
Binuksan ng dalawa ang pinto ng fences at sinara itong muli. May mga lumapit kaagad na mga infected pero dinespatsa kaagad ito ni Bea gamit ang handguns nya na may silencers. Wala na silang oras na dapat sayangin. Kailangan na nilang tapusin kaagad ang misyon. Isang Alpha Strain Brutalist ang target nila. Nakita ito gamit ang mga stealth drones na ipinakalat ng US sa lugar.
Umakyat ang dalawa sa side stairs ng isang gusali. Six floors ang building at dumiretso sila sa rooftop. Binuksan ang naka kandadong pinto at na access nila ang bubongan. Kaagad ay nagsurvey si Bea gamit ang binoculars nya. Maraming mga nagkakalat na mga infected sa kalsada. Walang bakas ng taong nabubuhay.
“Boss wala yung target eh.”
“Tignan mo lang, baka darating yan.”
Biglang may napansin si Jeric na kumislat sa isang gusali na mga ilang metro ang distansya sa kanila.
“Bea dapa!!” kasunod neto ang pagputok ng isang rifle na tumama malapit sa kinatatayuan nina Jeric.
“Fuck, may sniper boss! Sino kaya yun?”
“Hinde ko alam. Dumapa ka lang. Sisilipin ko.” Gumapang si Jeric papunta sa isang pader sa kabilang dulo ng rooftop. Nang makarating sya ay sinenyasan nya si Bea na gumamit ng bait. Inangat ni Bea ang kamay nyang may relo at kuminang ang glass nito. Bumaril muli ang sniper at tumalsik ang sementong tinamaan nito. Dito nakumpirma ni Jeric kung saan galing ang putok. Kinuha nya ang rifle nya. Inayos nya ang scope neto. Sumenyas syang muli kay Bea.
“Boss, di kaya militar yan?”
“Hinde gawain ng militar ang mamaril lang ng kung sino. Mga scavengers ang mga yan. Mas masahol pa sa mga infected. Nanakawan ka at papatayin. Mga taong mapagsamantala sa ganitong sitwasyon.”
Tumihaya sa sahig si Bea at inangat nya ang boots nya. Nag mukhang ulo ang dulo ng black boots nya na inakala ng sniper na target at pinatamaan nya ito. Kasabay dito ang paglabas ni Jeric at sinipat ang sniper. Sa isang putok ay tinamaan sa pisngi ang sniper at natumba ito. Tila nagkagulo naman ang mga infected sa kalsada na nakarinig ng mga putok at lumapit sa mga gusali.
“Good shooting boss hihi.”
“Salamat.”
Nakarinig ang dalawa nang isang malakas na pagsabog. Galing ito sa basketball court. Nagkatinginan ang dalawa.
“Fuck! Boss ang chopper!!!”
Nagmamadaling tumakbo pabalik ang dalawa. Magkakasunod na mga putok ang narinig nila sa malapit. Pababa nang second floor si Bea nang may bumulagang infected sa harapan nya. Binaril nya ang ulo neto at nahulog ito sa hagdan. May tatlo pang infected na tumatakbo paakyat ng hagdan. Binaril ni Jeric ang isa at sabay nila ni Bea sinipa sa mukha ang dalawa at nahulog ang mga ito sa building.
Pagkababa nila ay nag dash sila kaagad papunta sa basketball court. Nakita nilang umaapoy na ito.
“Shit! Paano nangyari ito?” pagtataka ni Bea. Mabilis na hinila ni Jeric ang dalaga palapit sa kanya para makapagtago sa isang pader nang paulanan sila ng mga bala sa di malamang direksyon. May narinig pa silang tawanan.
“Mga scavengers. Kasamahan siguro ng sniper.” Bulong ni Jeric. Habang si Bea naman ay tulala dahil nakayakap sa kanya nang mahigpit si Jeric. Di neto maiwasang mapakagat labi at mamula.
“B..Boss..okay na ako hihihi. Pwede mo na akong pakawalan.”
“Okay, sorry.” Binitiwan nito si Bea. Naamoy ng dalaga ang mabangong perfume ni Jeric at mas lalo itong namula.
“Boss anong gagawin natin?”
“Umalis na tayo dito. Walang saysay ang makipagbarilan sa mga yan. May misyon tayo at dun tayo magfofocus.”
“Ayun sila!! Hahahaha!!!” may isang scavenger ang nakakita sa dalawa. Tinutok neto ang baril pero inunahan na sya ni Jeric at tinamaan ito sa balikat. Bumagsak ito sa lupa. Tumakbo kaagad ang mga infected na nakakita at nilapitan ang scavenger.
“Aaaahhhhhh!!!” sigaw neto nang simulan syang katayin ng mga halimaw. Tumakbo kaagad sina Jeric palayo.
May nag abang sa kanila at may hawak na jungle bolo. Tinaga neto si Jeric pero naka yuko ang lalake at binaril sa tuhod ang scavenger. Napaluhod ito at kaagad inikot ni Jeric ang ulo ng lalake.
“Walang gagalaw!!!” nagsilabasan ang isang grupo ng mga kalalakihan na puro armado. Nasa rooftop ang mga ito ng ilang gusali sa paligid. Sa isang iglap ay napalibutan ang dalawa.
“Shit boss paano na?”
“Bago kayo mag isip na lapitan kami, may sasabihin muna ako sa inyo. Myembro kami ng secret agency ng america at ang misyon namin ay patayin ang isang confirmed brutalist sa lugar na ito. Itong hawak kong maleta ay isang bomba na kayang wasakin ang isang buong city block. Kung plano nyong agawin ito, mapipilitan akong pasabugin ito at isasama ko kayo sa hukay.” Banta pa ni Jeric.
“Um boss, di ba laptop lang laman nyan ay lab tools?” bulong ni Bea.
“Tumahimik ka.” Pabulong na sagot ni Jeric.
Nagkatinginan ang mga scavengers. Nag usap-usap ang mga ito.
“Sa tingin nyo nagsisinungaling ako? Alam kong plano nyong agawin ang chopper namin pero napilitan na lamang ang piloto na pasabugin ito kasama sya para hinde nyo makuha. Ang misyon nya ay hintayin kami at handa rin kaming mamatay para hinde makuha ang kagamitang pag-aari ng US. Kaya wag na wag kayong magkakamaling subukan ako.”
“At ano naman ang ginagawa ng amerika dito?” tanong ng isang scavenger na tila may pinag aralan.
“Bobo ka ba? Nandito kami para tapusin ang infection, gunggong.” Nag usap-usap muli ang mga scavengers. Tila naniniwala ang mga ito sa sinasabi ni Jeric at dahil sa porma ng dalawa ay hinde nakakapagtakang totoo nga.
“HHHHRRRRRAAAAAAAAARRRGGGHHH!!! ” Nawasak ang isang pader nang lumabas ang isang 9 footed brutalist. Kakaiba ang itsura nito. Mapulang mapula ang balat nito at may mga nagsisilabasang buto sa iba’t ibang bahagi ng katawan na nagmukhang armor. Ang lower jaw neto ay wala at nakalawit ang dila nyang tila dumami at nagmumukhang tentacles ng isang octopus. May hawak syang isang infected.
“Anong klaseng halimaw yan!?” takot ng isang scavenger.
“Paputukan nyo! ”
“Sandali!! “ pagpigil ni Jeric pero nagpaputok na ang grupo. Hinarang ng halimaw ang malaki netong braso. Hirap ma penetrate ng bala ang makapal netong balat at buto.
“GGGRRRRROOOOUUUUUUHH!!!! ” Inangat ng brutalist ang infected at kinain neto ang ulo. Nanlaki ang mga mata ni Jeric.
“Boss ba’t kinain ng brutalist ang infected? “
“Hinde ko alam.”
“HHHRRRAAAAAAAAAGGGGHH!!! ” Lumitaw ang napakaraming ugat sa katawan ng halimaw. Tumingala ang ulo neto at tila nanginginig at biglang bumuga nang daan-daang maiitim na mga uod.
“Aaaaahhh!! Ano ang mga yan!?” nagpanic ang mga scavengers. Kanya-kanya silang takbuhan. May mga kinapitan ng uod at pilit na pumasok sa mga bibig ng mga tao. Ang iba naman ay pumasok sa ilong, sa tenga, sa mga mata at ang iba ay sa mismong balat sumiksik. Nangisay ang mga biktima na parang nakuryente. Bumula ang mga bibig at lumabas ang dugo sa mga mata, ilong tenga at bunganga.
“Boss! Boss ano nang gagawin natin!?”
“Yan ang target natin! Maghanap ka ng mataas na lugar Bea, back upan mo ako. Bilis!”
Nagsipulasan na ang mga scavengers. Naiwan na lamang si Jeric at Bea. May mga infected ring nagkalat sa paligid na inatake ang sino mang makitang tao. Nagkaroon ng putukan sa paligid. Dahil dito mas lalong dumami ang mga infected. Nagpanic ang mga scavengers na syang dahilan kung bakit dumami rin ang mga nilapa sa mga kasamahan nila. Nalunod ng sigawan ang paligid.
Umakyat sa bubong ng isang maiksing gusali si Bea. Sinubukan ring umakyat ng ilang infected pero bigo ang mga ito. Wala silang sapat na karunungan upang gawin ito. Bumagsak lamang sila at inangat ang mga kamay. Gamit ang handguns nya, binaril ni Bea ang ulo ng Brutalist.
“HHRRRAAAAAAA!!! ” Tila nagalit ito at binuhat ang dalawang infected sa paligid nya at hinagis kay Bea.
“Shit!!” napa dive ito nang umiwas. Bumagsak ang dalawang infected sa bubong at tumayo ito kaagad. Inatake si Bea. Pero handa ang dalaga. Binaril nya sa dibdib ang isa, at tumigil ito sa pagtakbo. Sinipa naman nya ang tuhod ng isa at natumba ito, kasunod ang pagbaril nya sa noo nito. Tinadyakan nya ang tiyan ng huli at binaril na ito sa ulo.
Dalawang infected ang umatake kay Jeric. Madali nya itong naiwasan at gamit ang rifle nya ay pinuntirya nya ang kanang tuhod ng dambuhalang halimaw. Matigas ang buto nito. Halos hinde makapenetrate ang high velocity bullets nya.
“Bea! Shotgun!”
Hinagis ni Bea ang shotgun nya. Sinalo ito ni Jeric at nilapitan ang brutalist. Bumagsak ang kamao ng halimaw pero di tinamaan si Jeric. Wasak ang sementong lupa sa lakas ng impact. Binaril ni Jeric ang kanang tuhod ng halimaw. Apat na malapitang shotgun blast ang tumama at nawasak ang tuhod ng halimaw. Napaluhod ito sandali. Bumagsak ang mga uod mula sa bibig nya, pero binaril ito isa-isa ni Jeric gamitvang handgun nya.
Binackhand sya ng halimaw pero nag back flip ang lalake at nakaiwas kaagad. Open ang tagiliran nito. Inatake ito ni Jeric at binigyan ng napakalakas na suntok. Sumabog ang kabilang bahagi ng katawan ng brutalist sa tinde ng impact. Nagsilabasan ang sangdamak-mak na uod at kumalat ang mga ito. Kaagad namang lumayo si Jeric. May isang infected na nakakapit sa balikat nya pero binalibag nya ito sa lupa at inapakan ang ulo. Naabutan ng mga uod ang infected at sinimulan nila itong kapitan.
“Anong nangyayari? Anong klaseng infected ito?” bulong ni Jeric. Nakita nyang nangisay ang mga katawang inatake ng mga uod. Pinasok ng mga ito ang katawan. Napasigaw ang mga infected at makalipas ang ilang sigundo ay tumayo. Gumagalaw pa sa loob ng kanilang balat ang mga uod. Dahan-dahang nangitim ang kanilang balat. Ang mga mata nila ay nabalot rin ng dilim at lumuha ang mga ito ng itim na katas.
Binaril ni Bea ang ulo ng infected na ito. Bumagsak ito kaagad.
“Hhrraaaaaaahh!!!” Sigaw ng infected at tumayo itong muli.
“What the fuck!?” gulat ni Jeric at Bea. Inatake nito si Jeric pero sinipa ito ng lalake. Tumalsik ang katawan nito sa pader at bumagsak sa lupa. Nangingisay ito dahil nagkabali-bali ang mga buto sa katawan. Pero gumagalaw parin at pilit na aatake.
“Boss! Ang brutalist!”
Nagulat si Jeric nang makatayo nanaman ito. Nakita nya ang nawasak nitong tuhod na tila naghilom ang pinsala. Nababalutan ito ng matigas na buto pero kulay itim. Ang nasira naman nitong tagiliran ay dahan-dahan ring naghihilom. Nagkadikit-dikit ang mga uod at tumigas ang mga ito. Naging takip sa pinsalang natamo ng brutalist.
“GGGRRRRAAAAAAAAARRGGH!!!” Pa-ika ikang umatake kay Jeric ang halimaw. Sinuntok nito ang binata at umiwas ito. Pero nagulat si Jeric sa bilis nito at nahawakan ang paa nya. Kagaad syang hinagis ng halimaw pataas. Bumangga ang katawan ni Jeric sa 7th floor window ng isang gusali.
“BOSS JERIC!!!” Pag aalala ni Bea. Sya naman ang napagbuntungan ng halimaw. Nilapitan sya nito pero kaagad tumakbo ang dalaga. Wasak wasak ang bawat parte ng gusaling pinagbabayo ng malalakas na mga braso ng halimaw na humahabol kay Bea. Tumalon papunta sa kabilang gusali si Bea at nakakapit ito sa railing ng balcony. Nagmamadali syang umakyat.
Pero sinuntok ng halimaw ang pader sa ibaba ng gusali at bumigay ang balcony. Bumagsak sa semento si Bea. Gumulong sya kaagad palayo at tumayo sabay takbo. Dahil sa usok di ito nakita kaagad ng brutalist. Napansin nya itong nasa distansya na. Mabilis na hinabol ng halimaw si Bea.
“Aahhh!!” sigaw ng dalaga nang malapit na itong maabot ng halimaw. Tatlong putok ng rifle ang narinig ng dalaga. Tumama ang mga bala nito sa ulo ng brutalist. Napahinto ito sa pagtakbo. Nakita ni Bea na nada 7th floor parin si Jeric at pinuntirya nito ang halimaw.
“Bea buksan mo ang maleta ko. May claymore bomb ako sa loob. Bilis!”
Nakita ni Bea ang maleta na nakakalat lang at apat na metro ang distansya sa kanya. Nilapitan nya ito kaagad pero may dumating na mga infected at pinagbabaril nya ang mga ito sa leeg mukha at dibdib. Nakuha nya ang maleta at binuksan nya ito. Sa ilalim ng laptop ay may isang maliit na claymore mine.
“Bakit may demolition mine ka dito Boss?”
“Wag kanang magtanong. May adhesive paste yan kapag binuksan mo at didikit yan sa kung anong bagay. Ihagis mo yan sa ulo ng brutalist.”
“Okay boss!” tinanggal ni Bea sa plastic cover ang mine at tinignan nya ang brutalist. Nang handa na ito, binaril ulit ni Jeric ang ulo ng halimaw. Tila na hilo ito nang mapasandal sa isang pader. Dito nilapitan ni Bea ang halimaw at hinagis ang bomba. Dumikit ito sa kanang bahagi ng mukha nya.
“Shit, di ko matamaan ang bomba sa pwesto ko Bea. Ba’t dyan mo hinagis?”
“So.. sorry Boss, di ako nakapag isip!”
Tumayo ang halimaw at sumigaw nang napakalakas. Hinabol nitong muli si Bea. Tumakbo ang dalaga papunta sa gusaling kinaroroonan ni Jeric. Dito na nakakuha ng angle ang lalake at binaril ang bomba. Sumabog ito nang napakalakas at tumilapon si Bea kasama ang ilang mga infected palayo sa bomb blast.
“Bea okay ka lang?”
“Okay lang boss, medyo nahihilo lang.”
“Bababa ako, mag ingat ka.”
Nang makababa ng gusali si Jeric ay nakita nya ang wasak at nasusunog na mga laman na natira sa brutalist. Ni isang uod ay walang nabuhay. Nabawasan rin ang mga infected sa paligid at wala nang mga scavengers.
“Boss paano na to, wala tayong makuhang sample sa Alpha strain.”
“Hinde Alpha ang nakalaban natin. Masyado syang unique.”
“Anong ibig mong sabihin boss?”
“Wala pa akong nakikitang infected na gumalaw ng ganoon at ang kanyang abilidad ay napakalayo sa ibang Alpha strains.”
“Alam kaya ito ni sir Spencer boss?”
“Yan ang aalamin natin.”
“Hrrooooooaaaaaaaggghhh!!” bigla nilang narinig ang sigaw ng ilang infected. Nakita nila ang mga scavengers na pinasukan ng mga uod. Maiitim na ang mga balat ng mga ito. Naglalaway ng itim na katas ang mga bibig. Tila naghahanap ng kanilang mabibiktima.
“Umalis na tayo.” Utos ni Jeric.
Naghanap ng ligtas na lugar ang dalawa. Sa ibabaw ng isang rooftop sila huminto at nagpahinga.
“Sa palagay mo boss, bakit kinain ng brutalist yung infected?”
“Hinde ko alam. Pero nang makain nya ito, nagbago nalang bigla ang kanyang itsura at porma. May mga katulad nya rin kayang nakakalat dito sa maynila? Ang kinatatakutan ko lang, paano nalang kung maka kain sya ng isang omega strain.”
Napalunok ng laway si Bea. Tumayo ang mga balahibo nya.
“Pero boss kaya ba nyang tapatan ang lakas ng Omega strain na nilagay sayo? Di ba alpha lang yun?”
“Kahit gaano kapa kalakas, kung hinde ka magiingat eh pwede kang matalo Bea.”
Nag ring ang satellite phone ni Jeric. Sinagot nya ito.
“How is the mission Mr Naval? Reports came that your chopper got destroyed.”
“Mr Spencer, we have encountered some difficulties in the mission. Some scavengers attacked the chopper and it was destroyed.”
“That’s too bad. What about the mission?”
“We encountered the target but it was not what we were expecting. It’s a monster that we have never encountered before. It was strong, agile and can heal its wounds in an instant. It uses some kind of a parasite to aid its damages and it consumes infected bodies that made it even stronger. I don’t have any information regarding this matter from Shard.”
“I see. Have you acquired samples from it?”
“Negative, we were caught by surprise and we were forced to destroy it.”
“Mr Naval, that unique specimen is vital for us. You should have considered other options regarding the mission.”
“We did but there are far too many risks sir. I could not afford to lose a partner.”
“Well we could and we would. The mission is all that matters Mr Naval. Always remember that. You do whatever is necessary to complete it or otherwise we were wrong to pick you up.”
“Yes sir.”
“Good. Do not fail me again. Come back to the embassy immediately.”
” Understood sir.”
“Boss anong sabi ni sir Spencer?”
Tinitigan ni Jeric si Bea. Inosente ito sa pwedeng mangyari na sya ay isang expendable asset lamang. Hinde sinagot ni Jeric ang dalaga. Nagset nalang ito ng coordinates kung saan sila pwedeng e extract ng US Forces.
———-
By: Balderic
Hinde mapakali si Andrea nang matuklasang tumakas ang kabataang magnobya. Nagtawag kaagad ito ng meeting para mahanap ang dalawa. Kasama sa meeting si Marcelo, Carrie, Harold at Carlos. Pawang mga senior ng camp at syang nagpapangalaga ng kaayusan sa survivors community.
“Kailangang mahanap natin sila kaagad bago dumilim. Hinde pa nakakalayo ang mga yun. Masyado nang delikado kapag maabutan pa tayo ng gabi.” Wika ni Harold. Isang middle aged survivor na dating salesman at isa sa mga nakasama nina Sheryl, Erich at Michelle sa Camp Aguinaldo. May anak itong dalaga na si Marissa at naging kinse anyos pa lamang.
“I’m sorry Harold, I don’t speak much of your language but I do understand you. This may seem a very serious issue but we have to consider what is at stake here. We are going to endanger more of our people in search of these kids who from what I understand doesn’t want to stay with us. Against our good doctor’s orders, they still went with what they want. Granted they are kids but they are already consenting adults. They knew exactly what they came in to when they decided to leave this community. I say, we hold the search. It could mean more danger for us and more resources to be spent.” Wika naman ng dayuhang si Carlos. Isa rin itong middle aged na lalake na sumali sa grupo.
“I am sorry but those kids are my responsibility. They are inexperienced and they are afraid. I have to find them.” Sagot naman ni Andrea.
“Okay then, if you do then do it fast. You need to make a team but be back as soon as the sun sets.”
“Sure Carlos. I want to make at least five people to track them down.”
“Magvovolunteer ako doc.” Itinaas ni Harold ang kamay nya.
“Kaya mo ba Harold? Di ba mag aalala ang anak mo?” tanong naman ni Carrie.
“Wag ka mag alala, kaya ko naman.”
“Okay, sasama rin ako.” Sabat naman ni Marcelo.
“Bumuo kayo ng isang team. At least pitong tao at maghanap kayo ng di lalayo sa tatlong kilometro. Mag iingat kayo palagi.” Wika naman ni Carrie.
“I hope to God, you guys know what you’re doing.” Sabat ni Carlos.
Makalipas ang isang oras ay may nabuong grupo na. Si Harold, si Marcelo bilang team leader, at lima pang myembro. Dalawa dito ay ang mga nakasama ni Arvin at ni Pat Trinidad. Si Tony Carlos at Carrie ang nagmatyag ng paghahanda ng grupo. Habang naglalagay ng mga gamit si Harold sa bag nya, lumapit sa kanya ang magkapatid na Michelle at Erich.
“Mag iingat ka kuya Harold ha.” Pag aala ni Erich. Tumango naman at ngumiti ang lalake. Dumating rin si Marissa na humahangos pa.
“Ingat po kayo itay. Wag po kayong mag gagala kung saan-saan.”
“Anong tingin mo sakin, bata? Syempre mag iingat ako para naman makita ko pa ang pinakamaganda kong anak.” Nginitian ni Harold ang nagaalalang anak. Tumitig sya kay Michelle.
“Ikaw nang bahala sa kanila Michelle.”
“Wag kang mag alala. Ligtas sakin ang anak mo Harold.” Inakbayan ito ni Michelle. Niyakap naman ni Marissa ang ama.
“Ang sweet naman.” Sabat ng isang lalakeng lumapit kina Harold. Si Felipe, isa rin itong survivor at ka edad ni Harold. Matipuno ang katawan nito dahil dati itong model at isa sa kasama sa mga maghahanap. Nginitian nito si Marissa.
“Mabuti naman at naisip mong sumama Felipe. Me nakain ka bang kakaiba at lumabas ka na rin sa lungga mo?” tanong ni Harold.
“Hey, I’m just doing my part. Tsaka I need the exercise hehe.” Sarcastic na sagot ni Felipe sabay suot ng shades. Naka suot ito ng bandolier at may hawak na submachine gun rifle.
“ang yabang talaga nyang Felipe na yan.” Bulong ni Michelle.
“Hayaan mo na. Mabuti at sumama rin yan. Walang ginagawa sa kampo eh.”
“Eh ano namang alam na trabaho nyan di ba? Model daw sya dati so sanay lang yang magrelax at mag workout maghapon. Tapos may pa diet-diet pang nalalaman. Namimili ng kakainin.” Sagot ni Michelle. Ngumiti lang si Harold.
Matapos makapaghanda ay nagsimula nang maglakad ang grupo palabas.
———-
By: Balderic
Nakahanap nang pansamantalang matutuluyan si Danny at Elza sa isang bahay na di kalayuan kung saan nila nakasagupa si Thanatos. Binabantayan ni Danny ang pagkulo ng pinapainit nilang tubig habang nakatingin naman sa bintana si Elza at nagmamasid. Mag aalas singko na rin ng hapon at medyo dumidilim na. Tinignan ni Elza si Danny. Tulala ito at di gumagalaw.
“You’re way too silent since we got here Daniel. What’s the problem?”
“I was just thinking about Nikka….” Bakas ang lungkot sa boses ni Danny. Napabuntong hininga si Elza.
“You said she was your ex girlfriend right? What happened?”
”A lot of things. I just can’t believe she’s now gone.”
“That’s what happens if you’re not careful.”
“There’s so many things I wanted to tell her. So many things I wanted to show her. I was so close… I should have been there… protecting her.. but I failed… now she’s dead because of me.”
Lumapit si Elza at umupo ito sa harapan ni Danny. Nilapat nito ang kamay nya sa balikat ng binata.
“What happened was beyond your control Daniel. Don’t torture yourself. This weight is not yours to bear. You have to accept that we are always in constant danger. Death surrounds us in every corner and once you let your guard down in an instant, it will claim your soul. Do not be one of them. You’re here, you’re alive and you better stay that way. You move on, and take each step without regretting because at this point on, you can never go back ever again.”
Napapikit si Danny. Hinde nya mapigilang mapaluha. Nalungkot naman si Elza nang makitang ganito ang binata.
Biglang sinampal ni Elza si Danny. Sa lakas nito ay tila nagising ang ulirat ng binata.
“Wake up kid. Dying is easy. If you want to go that way I can grant you that wish. But what would that give you? Peace? No. You’ll just disappear and be forgotten. No one will remember you or your friends. No one. But if you fight it, you live. And the memories of your dead will remain in you. Do you understand?”
Napayuko si Danny. Hinde sya makapagsalita. Tumayo si Elza at humarap muli sa bintana upang magbantay.
“That…monster…you called it Thanatos….how did you know? What was it?”
“An Alpha Superior….a bioweapon created by Shard.”
“What’s Shard? Elza, who are you really? I can feel that you know a lot more about this epidemic..and you’re hiding it…” tinignan ni Danny si Elza. Umiwas ng tingin ang amerikana. Napabuntong hininga itong muli.
“Shard…it stands for Scientific Headquarters of Applied Research Division. It’s a secret US Division that specializes in bio organic weapons. It’s main purpose is to learn about bio weapons, fight bio terrorism and create vaccines.”
…