Agnas 3 (Episode 8)

Author’s Note: This story is entirely fictional. Any events and names in this series that resembles real life is purely coincidental. This series is brought to you by Balderic and is a free to read story. Sharing of this story is allowed only with permission and credits to the author.

Episode 8
The Bubblegum Crisis
By: Balderic

Tatlong araw ang nakalipas matapos dumating ang grupo nina Jeric. Hinde makapaniwala si Andrea na makitang buhay si Jeric. Dahil namatay na si Pat, si Jeric na ang ipinalit kaagad ni Andrea sa posisyong iniwan nung nauna.

Samantala, ang tatlo namang babaeng sina Yva, Kelly at Renee ay nagsumbong kay Andrea sa lahat ng kanilang pinagdaanan sa kamay ni Father Danny at ng mga myembro ng Bagong Bukas. Laking pag-aalala ang naramdaman ni Andrea dahil alam nyang doon ang punta nina Arvin at Ayesha. Mas lalong nag-alala si Andrea nang malaman sa tatlo na ginahasa ang dalawang kabataang magsing-irog. Galit at takot ang syang naghari sa puso ng magandang doktora. Personal netong hiningi ang tulong ni Jeric para ma rescue ang dalawa. Pumayag naman kaagad si Jeric pero nangangailangan pa sya ng sapat na impormasyon kung plano nilang salakayin ang Bagong Bukas.

Naging mailap naman si Danny kay Andrea. Ilang beses nilapitan ng doktora si Danny upang maka-usap pero umiiwas lamang ito. Napansin naman ito ni Jeric at pinayuhan si Andrea na bigyan nya ng sapat na panahon si Danny na makarecover sa nangyari. Malungkot man ay sumang-ayon ang doktora.

Tumambay si Danny malapit sa isang maliit na batis sa likod ng power house. Sinundan sya ni Jeric. Naabutan syang naka upo sa isang bato at naghahagis ng maliit na bato sa batis.

Kung titignan, mukha ka lang bagets na binasted ah.” Wika ni Jeric. Hinde sya sinagot ng binata. Tumabi si Jeric kay Danny pero nanatili lang itong nakatayo.

Danny,naiintindihan ko ang panglulumo mo. Maging ako man ay nasasaktan. Pero isipin mo na rin ang sitwasyon ni Andrea, Danny. Hinde nya alam na buhay ka.”

“Naalala ko noong wala ka pa, yung hinde ko alam na buhay ka. Para lang syang panaginip. Yung tipong umaasa kang magigising ka tapos okay naman pala ang lahat. Ganito ang pakiramdam ko ngayon kuya.”

“Hinde mo masisisi si Andrea, Danny. Alam kong alam mo yan. Nasa wastong edad ka na para maintindihan mo yan. Sa bawat bagay na nangyari, wala tayong magagawa kundi ang tanggapin ito. Hinde mo na maibabalik pa ang nakalipas na. Ang mahalaga ay nariyan ka.”

“Alam ko kuya. Sa totoo lang, matagal ko na ring inisip na baka hinde rin kami magtatagal bilang magkasintahan lalo na kung titingnan mo ang edad namin. Hinde talaga sya magwowork out.”

“Wala ang edad kapag puso ang umiral Danny.”

“Ano pang magagawa ko?” tumayo si Danny at hinarap si Jeric.

Sa ngayon, wala. Bigyan mo muna ng panahon ang sarili mo.”

“Ay mabuti at nandito kayo mga iho.” Dumating si Marcelo at kasama si Tony Carlos.

Jeric, Danny ito nga pala si Tony. Adviser sya ni Andrea at isa rin sa nangangasiwa dito. Tony these are Andrea’s friends.”

“I’ve heard a lot of good things from you two. Welcome.” Nakipagkamay si Jeric kay Tony. Si Danny naman ay nanatili lang nakatayo at tumalikod na ito.

I apologize for my friend here Danny, he’s facing personal problems.” Wika ni Jeric kay Tony Carlos.

Okay is this a bad time?”

“No, we’re good. What can we do for you Mr Carlos?”

“I heard you guys are experts in dealing with the undead so I would like to ask you to do something for me. It requires for you to go outside though.”

“I’m all ears.”

“There is a radio equipment, a military grade radio equipment to be exact. Lt. Pat told me about this before he died. He wanted to take it but the location is a bit dangerous. There is a small military outpost just a couple of miles to the north from here. The soldiers there uses the radio to contact their higher ops. If we could get a hold of it, we could contact anyone with a frequency.”

“Don’t bother, me and Bea have cellphones and we can contact anyone with a signal.”

“Those phones could have been bugged by Shard, Jeric.” Sabat ni Elza nang lumapit ito.

Shard?” tanong naman ni Tony.

It’s a US secret research division that develops bioweapons.” Mabilis na sagot ni Jeric.

He used to work for them. And those phones needs to be destroyed. It could be traced. If I were them, I would pinpoint this location and bomb this place instantly.” Patuloy naman ni Elza.

Okay this sounds like a bad sign so maybe the radio can help us then?”

“Maybe, it is worth a try.” Sagot naman ni Jeric. Tumingin ito kay Elza at tumango naman ang babae.

Good, I have arranged a team to accompany you on your journey. Best of luck out there.”

Bago pa umalis ang lahat, nagpa iwan sandali si Elza at hinarap si Tony Carlos. Natigilan naman ang dayuhang lalake sa titig ni Elza.

What is it?”

“You don’t seem surprised about Shard?”

“Believe me, whatever is happening, the US is bound to have something in it. They’ve been doing it in the past, so why not now. And to tell you the truth, I don’t really bother much about what is going on outside. What matters is that we are surviving.”

“True. As a fellow foreigner in this land, it is best we stick together Carlos.”

“Agreed Miss Walker.”

Nagset ng isang team sina Jeric. Nag ayos ng mga gamit na dadalhin at naghanda. Sampu silang lahat na lalabas. Napansin ni Jeric si Danny na nag aayos ng bag nya. Nilapitan nya ang binata.

Anong ginagawa mo?”

“Ano pa edi sasama.”

“Danny, mas mabuti pa siguro kung dumito ka nalang muna.” Hinawakan ni Jeric ang braso ni Danny. Napansin naman ng dalawang nasa paligid nila si Andrea at tahimik na minamasdan si Danny. Sinulyapan ito ng binata pero di nya kinibuan. Gustong lapitan ni Andrea si Danny pero nag aalangan ito. Masyadong malamig ang binata.

Danny, mas makabubuti kung magpaiwan ka muna dito. Kulang sila ng magbabantay.” Sinubukang muli ni Jeric kausapin ang binata.

Kuya, nagawa nilang magsurvive na wala tayo. Sure ako makakayanan din nila ito ngayon.” Masyadong mataas ang boses ni Danny. Sinadya nya ito upang marinig ng lahat, kasama na si Andrea. Nang tignan muli ni Jeric si Andrea ay umiling ito at umalis.

Okay kung yan ang gusto mo, sige ako nalang ang magpapa iwan. Bea sumama ka sa kanila. Elza you too, get yourself ready.”

“Sure ka boss?” lumapit si Bea at inayos ang kwelyo ng damit ni Jeric.

Bantayan mong maigi ang batang yun. Masyado syang madamdamin. Delikado ang lagay nya at baka mapahamak pa sya.”

“Haha, ginawa mo pa akong yaya. Wag ka mag alala, kung gagawa sya ng kalokohan, ako na tatapos sa kanya.”

Tinignan ni Jeric ng seryoso si Bea.

Joke lang boss. Seryoso mo naman.” Sabay labas dila.

Ano pang hinihintay nyo? Wag kayong magsayang ng oras. Sa mga ganitong panahon, masyadong aktibo ang mga patay. Maging alerto kayo palagi. Kasi kapag may madisgrasya sa inyo at posibleng madamay ang grupo, pasensya na pero iiwan namin kayo.” Wika pa ni Danny sa mga kasamahan nya. Nagkatinginan ang mga ito. Hinde nagustuhan ang mga sinabi ni Danny.

Kung makapagsalita ka, kala mo kung sino ka ah.” Wika ng isang binatang sasama sa grupo. Nilapitan ito ni Danny.

Ilang taon kana?”

“sure ako magkaedad lang tayo brad.” Sagot naman ng binata. Napangiti si Danny. Dumukot ito sa kanyang bulsa. Ipinakita nya ang isang napakalaking pangil.

Alam mo ba kung ano ito? Ngipin ito ng isang brutalist. Isa sa mga pinakamalakas na mga halimaw na nagkalat sa kung saan. Hinde tinatablan ng bala ang mga ito. Kasing laki ng kotse ang kanilang mga katawan at kaya nilang durugin na parang itlog ng manok ang mga ulo nyo. Ang ngiping ito ay isa lamang sa mga nakasagupa namin ni Elza sa syudad noong tinulungan namin kayong makatakas sa Camp Aguinaldo. Wag nyong kakalimutang kung di dahil sa amin, malamang inaagnas na kayo. Kaya ikaw boy, wag kang magmayabang sakin. Kahit kasing edad tayo, malayo ang agwat ng eksperyensya natin.”

“Danny!” sigaw ni Jeric. Natigilan si Danny. Lumapit si Jeric at hinarap si Danny.

Tama na. Hinde nakakatulong ang ginagawa mo. Hinde ka na bata Danny. Kung ano man yang pinagdadaanan mo, hinde ka iba sa karamihan dito. May mga mahal sa buhay din sila. Gusto rin nilang makabalik ng buhay sa pamilya nila. Ayusin mo ang karakas mo bata. Dahil kung plano mong mamaluktot, ako mismo ang tutuwid sayo.” Babala ni Jeric kay Danny. Napayuko na lang ang binata.

Get ready in ten minutes!” sigaw naman ni Elza. Dito nabigyan ng panahong magpaalam ang mga sasama sa grupo. Kahit sa kaunting panahon, kapiling nila ang mga mahal nila sa buhay.

Nagkulong sa kwarto si Andrea. Hinde nito maiwasan ang umiyak. Nasasaktan sa nangyayari. Para itong pinapahirapan. Bawat segundo ay tila mga punyal na tumatarak sa puso nya at ramdam nya ang bawat hapding dulot nito.

Hinde nya namalayang nakapasok na sa silid si Pablo. Naabutan sya nitong umiiyak sa ibabaw ng lamesa.

Bakit kailangan mo pang magmukmok dyan doc? Masyado mo lang sinasaktan ang sarili mo eh.”

“Pwede ba pabayaan mo muna ako. Gusto kong mapag-isa.”

“ang bata bata pa nun tapos heto ka iniiyakan sya. Tsk.”

“Hinde mo ako naiintindihan Pablo. May relasyon kami. Wala akong pake sa agwat ng edad namin.”

“Eh ano pala tayo? Hinde ba may relasyon din tayo? Wala kang kasalanan sa nangyari Andrea. Hinde mo kasalanan kung naghanap ka ng iba. Hinde mo alam na buhay pa sya. Di porke’t bumalik sya, babalik ka na rin sa kanya? Eh paano naman ako? Thank you lang? Ganun lang ba ako sayo?”

“Umalis ka na nga! Iwan mo muna ako pwede ba!?” hinarap ni Andrea si Pablo. Napa iling ang lalake.

Sa labas lang ako kung kailangan mo ako.” Lumabas muna ang lalake. Bumalik naman sa pagtangis si Andrea.

———-

By: Balderic

Bandang alas tres na ng hapon. Mag lilimang oras na simula noong maka alis sina Danny. Nasa main outpost si Jeric at kinakausap ang ilang mga bantay. Nakakarelate sya sa mga ito dahil dati na rin syang naging isang security guard bago pa nagsimula ang lahat. Abala sya sa pakikipag-usap nang lumapit sa kanya si Erich.

Hello Jeric. Kamusta ka na.” wika ng dalaga. Labas ang kaseksihan neto sa suot nyang ripped shorts at skinny shirt na bumabakat ang mabibilog nyang mga suso. Halatang napanganga ang kalalakihan nang makita si Erich.

Heto okay naman. Ikaw kamusta na Erich? Matagal na rin ang last nating pagkikita.”

“Oo nga eh. Alam mo ba, grabe ang lungkot ko noong makita ka naming naiwan sa QC Gen. Akala ko talaga patay ka na. Kaya ang saya saya ko nung malaman kong nakaligtas ka. Teka, paano ka nga pala nakaligtas? Nakita ka naming sumabog kasama yung mga halimaw.” Nanatiling nakatayo si Erich para titigan sya ng mga lalake. Ine-enjoy neto ang pansin ng bawat lalake sa kanya.

Masyadong mahabang kwento Erich. Next time nalang kung may oras tayo.”

“Ay hihi okay sure. Oo nga pala, kung gusto mo akong makita, nasa bahay lang ako madalas. Malapit lang dito. Doon sa may dulo.” Tinuro nito ang isang kanto at tumango naman si Jeric.

Sige Jeric aalis na muna ako.”

Sinundan ng mga titig ang pwet at maputing hita ni Erich.

Grabe ang seksi talaga ni Erich. Siguro malakas ang tipo sayo nun boss Jeric.” Wika ng isang bantay. Tahimik lang si Jeric.

May paparating!!!” sigaw ng nasa platform. Kaagad umakyat si Jeric para makita kung sino. Sumama din sa kanya ang ilang mga bantay.

Dalawang pickup trucks ang dumating. Huminto ang mga ito malapit sa tapat ng gate. Lumabas si Gardo na nakataas ang mga kamay at ilang mga kasamahan nyang mga lalake. May mga dala silang ilang kagamitan sa truck.

Sino kayo!?” sigaw ng duty na bantay.

Magandang hapon kaibigan! Ako si Gardo. Mga myembro kami ng Bagong Bukas. Napunta na kami dito noong isang linggo. Kami yung nakipagpalitan sa inyo ng supplies. Nandito sana kami para makipagpalitan ulit. May dala kaming mga tubig na maiinom at pwede ring pang ligo. Hehe.”

“Boss Jeric, mga taga Bagong Bukas. Naalala ko, nakipag usap ang mga yan kay Doc Andrea dati.”

“Ganun ba, sige buksan nyo ang gate at ako ang haharap.”

Pinagbuksan ng gate si Jeric at lumabas syang kasama ang ilang bantay. Nakipagharap sa kanya si Gardo.

Kamusta. Nasaan nga pala yung pinuno nyo? Sya kasi yung nakausap ko noon.” Tanong ni Gardo nang makaharap si Jeric.

Ako ang bagong inatasan nya sa pagbabantay sa kampo. Sinabi mong mga taga bagong bukas kayo di ba?”

“Oo, mga payak na myembro lamang kami ni Fr. Danny.”

“May impormasyon kasi kaming nakuha na nagpunta daw sa inyo ang dalawa naming kasamahan. Arvin at Ayesha ang pangalan.”

“Ganun ba? Pasensya na pero walang pumunta sa amin na ganun ang pangalan eh.”

“Ah talaga? So nagsisinungaling yung mga nagsabi sa akin.” Sumenyas si Jeric at lumabas si Yva, ang isa sa tatlong nakatakas. Nagkatinginan si Yva at Gardo. Kitang kita ni Jeric ang reaksyon ng pagkabigla sa mukha ni Gardo pero pilit nitong tinatago.

Namumukhaan mo ba sya Yva?”

“Opo, isa sya sa mga tauhan ni Fr. Danny. Isa sa mga inuutusan nyang lumabas at isa sa mga nanggagamig ng mga babae sa loob.” Sagot pa ni Yva.

Kasinungalingan. Hinde ko kilala ang babaeng yan! Anong kalokohan ito? Nagpunta lang kami dito para makipagpalitan sa inyo ng supply. Heto nga’t me dala kaming mga tubig at ibang kagamitan oh!” pumunta si Gardo sa likod ng pickup truck nya at binuksan ang tolda. Ipinakita ang kanilang mga dala.

Malaki nga ang maitutulong sa amin nyan pero mahirap makipagtransaksyon sa mga taong mapang-abuso at manloloko.” Sagot naman ni Jeric. Halatang tinamaan si Gardo.

Pinagbibintangan mo ba akong sinungaling? Kitang kita naman ang dala ko. Sinisira mo lang ang magandang samahan namin sa grupo nyo. Nasaan na ba ang pinuno nyo? Syacang gusto kong makausap!”

“Wala kang karapatang mang utos dito Gardo. Hinde mo teritoryo ito.”

“Tarantadong to ah. Dahan dahan ka sa mga pananalita mo ha baka makalimutan kong dayo ako rito at malasin ka sakin.”

Mabilis na hinugot ni Jeric ang magnum nya mula sa likod at tinutok ito sa mismong ilong ni Gardo. Hinde naka react ang huli at napalunok na lang ito ng laway. Ang mga kasama naman nya ay hinde rin nakapagtaas ng kanilang hawak na sandata nang unahan na silang tutukan ng mga baril ng kasamahan ni Jeric.

Maingat ako sa mga pinili kong mga salita Gardo kahit alam ko kung gaano ka kasinungaling. Sa dinami-dami na ng mga nakasagupa ko noon sa mindanao, alam na alam ko ang klase ng baho mo. Kaya kung ako sayo, siguraduhin mong kilala mo ang kaharap mo. Dahil baka sa susunod, bala na ang kakausap sayo. Naiintindihan mo?”

“O.. oo.. pasensya na… pasensya na kaibigan… kalma ka lang… “ panay tango ng ulo ni Gardo at para itong asong tago ang buntot.

Ngayon, sabihin mo sa amo mo, pakawalan nya sina Arvin at Ayesha. Dahil kung hinde, simulan nyo nang magbilang ng araw na buhay pa kayo. Maliwanag?”

“Mm.. maliwanag…”

Inatras ni Jeric ang magnum nya at gumaan ang tensyon sa dalawang grupo. Napabuntong hininga si Gardo.

Wala kayong makukuha dito. Magkakaroon lang ulit ng kaayusan sa pangkat natin kung ibabalik nyo ang dalawang taong kailangan namin. Sige, umalis na kayo.”

Mabilis pa sa alas quatro ang pagsibat ng grupo ni Gardo. Nasampulan ang mga ito ng galit ni Jeric. Nagpasalamat naman si Yva na pinaniwalaan sya ni Jeric at kitang kita sa mga mata ng mga kasamahan nya ang pag-asa. Ibang iba ang aura ni Jeric. Nakabibigay ng lakas ng loob ang presensya nya.

———-

By: Balderic

WALANG HIYA!!! “ Binagsak ni Fr. Danny ang kamao nya sa lamesa. Natanggap nito ang balita mula kay Gardo.

Ang lakas ng loob nilang takotin ako!? Hinde ba nila alam na ako ang panibagong sugo? Na ako ang magliligtas sa mga tao!”

“Father, iba ang taong yun. Para syang walang takot. Kita ko sa mga mata nyang hinde sya nagbibiro.” Wika pa ni Gardo.

Hinde ba nya naisip na pwedeng mapasama ang dalawang batang yun sa ginawa nya!? Asan si Arvin at Ayesha!?”

“Nag aayos ho ng mga kagamitan si Arvin kasama ang mga karpintero natin at kasama naman ng laundry group yung babae.” Sagot naman ng sakristan ni Fr. Danny.

Papuntahin nyo sila rito ngayon din!”

Kaagad pinuntahan ang dalawa. Naabutan ng mga tauhan ni Fr. Danny si Arvin na nagbubuhat ng mga kahoy. Kaagad syang nilapitan at hinablot.

Pinapatawag ka ni Father Danny.”

“Ha? Te..teka…sandali…”

Hinde na nakapalag pa ang binata. Kasunod namang pinuntahan si Ayesha. Sa laundry area nila ay naabutan nilang naglalaba ang ilang kababaihan. Kasama dito si Ayesha. Hinablot din ito at dinala sa simbahan.

Ilang araw nang hinde nagkita o nagkasama ang magkasintahan dahil pinaghiwalay silang dalawa ni Father Danny. Ito na ang muling pagkikita nila. Parehong hinde kumikibo ang dalawa. Hinarap sila kay Fr. Danny sa loob ng opisina nya na nasa likod lang ng altar.

Alam nyo ba kung bakit ko kayo pinatawag?” Tanong ng pari pero hinde kumikibo ang dalawa. Biglang sinakal ni Fr. Danny si Ayesha.

Bitawan mo sya!” sigaw ni Danny.

Binastos ang mga tauhan ko ng dati mong mga kasamahan! Sa tingin mo ba palalampasin namin ang ginawa nila? Pinagbantaan pa sila ng mga kasamahan nyo. Ngayon, kayo mismo dito ang magbabayad ng kanilang ginawa! Dapat natin itama rito ang kanilang pagkakamali!”

“Wala kaming kasalanan! Wala kaming kinalaman sa nangyari. Pabayaan nyo kami.” Naiiyak na pagsusumamo ni Arvin. Binitawan ni Fr. Danny si Ayesha.

Pwes, bibigyan ko kayo ng dalawang pagpipilian.” Lumapit ang pari kay Danny at nakangiti ito. Lumapit ito sa tenga ng binata.

Sarap o hirap? Hehehehe.” Bulong ng manyakis na pari. Sinakluban kaagad ng takot si Arvin.

Wag kang magpapadala sa kanya Arvin! Tibayan mo ang loob mo!” sigaw naman ni Ayesha.

Hahaha! Gusto ko ang tibay ninyong dalawa. Kaya ngayon Arvin tatanungin kitang muli. Sarap o hirap?”

Tinignan ni Arvin sa mata ang pari.

Hirap.” Maikli nitong sagot.

Well, madali lang naman akong kausap.” Tumingin si Fr. Danny sa isa nyang sakristan. Lumapit ang sakristan kay Ayesha at mabilis itong sinampal sa mukha!

Putang ina nyoooo!!!” sinubukang manlaban ni Arvin. Hinawakan sya ng mga tauhan ni Fr. Danny at pina upo ito sa silya. Tinutukan ng patalim ang leeg nya.

Tulad ng sampung utos ng Diyos. May sampung kaparusahan rin akong pinapataw sa sino mang sumuway sa aking kagustuhan. At dahil sampu ito, sampung minuto rin ang tinatagal ng bawat isang parusa, kaya sinasabi ko sayo ito Arvin, wala pang ni isang tao dito na umabot sa ikasampung parusa. Hehehehe. Sa ngayon, ito lang muna. Sampung minutong sasampali ng magiting kong sakristan ang mukha ng minamahal mong si Ayesha hahaha!”

Dito na walang habas na pinagsasampal ng lalake ang mukha ni Ayesha. Bawat isang sampal ay maririnig sa labas na tila latigong sumasalpak sa katawan. Halos hinde makahinga ang dalaga sa bawat hampas sa kanyang mukha. Dalawang minuto pa lamang ay magang maga na ang mukha nya.

TAMA NAAAAAAA!!!!!” Sigaw ni Arvin. Pero hinde nakikinig si Fr. Danny. Bagkus ay nakangiti pa ito at tila nasasarapan sa nangyayari.

Hambalu