Agnas (Episode 3)

Episode 3: Home
By: Balderic

6:00 am na nang umaga. Ginising ni Jeric ang grupo. May mga eyebags pa si Jeric na halatang kulang ang tulog. Unang nagising sina Danny at Dwayne, kasunod naman sina Andrew at ang mga girls. Tinignan nina Nikka at Erich ang cellphone nila subalit walang signal at 20% na lang ang battery life. Sumilip sandali sa glass window si Jeric. Medyo maliwanag na. Tahimik ang paligid. Walang pulis oh rescue team syang naririnig. Tanging mga ungol ng mga infected ang naririnig nya at nakikitang suray suray na naglalakad. Bumalik sya at humarap sa grupo.

“Okay ganito ang nakikita kong sitwasyon natin, dahil sa nangyari kagabi, sa tingin ko ay matatagalan pa bago may dumating na tulong para sa atin. Kanina pa ako naghihintay ng pulis oh rescue pero wala man lang akong naririnig. Wala ring signal ang mga telepono. Kaya sa ngayon, meron akong good news at bad news. Ano gusto nyo marinig muna?” Paliwanag ni Jeric.

“Okay kuya ang bad news muna.” Sagot ni Sheryl.

“Ang bad news ay kailangan nating lumabas dito para mag hanap ng supplies. Walang taong makakatulong sa atin. Kailangan natin ng pagkain at kung ano ano pa para mabuhay. May alam akong pharmacy malapit dito. Pwede nating lakarin yun dun.”

“Ha!? Naku kuya ayoko, nakakatakot! Baka makain tayo ng mga tao na yan sa labas! “ sagot naman ni Erich.

“Kailangan ko lang ng dalawang tao. Ang iba ay maiwan.”

“Sige, handa kami ni Dwayne sumama sayo kuya.” Sagot ni Danny.

“Hinde, maiwan na lang dito yang kasama mong si Dwayne. Itong isa na lang na kasama nyi kasi matangkad at mas malaki ang katawan.” Sabay turo kay Andrew. Napatingin sa kanya ang grupo.

“Um wait, teka lang. I’m sorry I don’t think I can handle going outside. It’s too dangerous at saka maliwanag na sa labas. Mabilis tayong makikita nila.” Sagot ni Andrew. Halatang natatakot.

“Brad, malaki katawan mo. Kung sakaling meron tayong makakabanggang tulad nila, alam kong makakatulong ka para mabilis nating madispatya ang mga infected na yan sa labas.” Medyo iritado ang boses ni Jeric.

“I’m sorry but I can’t.”

“Ang laki laki ng katawan mo, naduduwag ka? “ sagot ulit ni Jeric at medyo mataas na boses. Napa nganga si Andrew. Biglang pumagitna si Nikka at humarap kay Jeric.

“Sandali. Please, kamamatay pa lang ng kaibigan nya. I don’t think he is capable mentally. Baka kung mapano sya.” Pagtatanggol ni Nikka kay Andrew.

“Pero Nikka… “

“Wag ka ngang sumabat Danny. Hinde ikaw kausap ko! “ mabilis na sabat ni Nikka. Napa kamot nalag ng ulo si Dwayne sa inasal ng ex ng kabarkada nya.

“Okay sige, itong si Danny nalang. Maiwan na lang dito si Dwayne para may makapagtanggol sa inyo dahil hinde naman ata kaya makipaglaban ni Andrew.”

“Okay sige.” Sagot naman ni Danny. Nakipag fist bump muna ito kay Dwayne at humarap kay Nikka. Pero di sya tinitignan ng babae. Magsasalita na sana si Danny pero tumalikod ito at lumayo.

“Ano naman ang good news? “ tanong pa ni Erich.

“Meron parin tayong tubig at kuryente.”

Lumabas si Danny kasama si Jeric at mabigat ang loob. Hinde parin sya binibigyan ng pagkakataon ni Nikka na magkaayos oh magka usap man lang.

—-

By:Balderic

Pagkalabas nina Danny at Jeric, nakayuko silang mabilis na naglakad at nagtago sa isang sasakyang bumangga sa gilid. Sumilip si Jeric at inobserbahan ang lugar. Hinde ganun karami ang infected na pagala gala. Maingat na kumilos ang dalawa. Isang maling galaw ay posibleng ika peligro ng buhay nila.

Nadaanan nina Jeric at Danny ang kotse ni Andrew. Hinde naiwasang tignan ni Danny ito. Nakita nya ang bangkay ni Richard. Wala nang natirang balat at muscles sa ulo nya at bungo nalang na may natutuyong dugo. Halos wala naring natira sa leeg nya. Putol ang dalawang braso at warat ang tiyan. Napalunok ng laway si Danny. Ngayon palang nya naramdaman ang ganitong klaseng takot. Isang napakasakit na kamatayan ang kakahinantnan nila kung sakaling madakip sila ng mga infected. Napa pikit si Danny at mabilis na sumunod kay Jeric.

Nakarating na sila sa pharmacy ku saan pumunta si Flora nung gabi. Inobserbahan muna nila ang loob. Wala silang marinig na ingay. Dahan dahan silang pumasok. Maraming tinda ang nasa loob ng pharmacy. Medyo malaki ito at hinde lang gamot kundi mga pagkain at ilang supplies rin ang narito. Kumuha ng mga bags ang dalawa at nagsimula nang mag loot.

Kumuha ng mga gamot at pagkain si Jeric. Ibang supplies naman ang kinuha ni Danny. Punong puno ang bag nila. Tinignan ni Jeric ang paligid.

“Sa tingin ko magandang lugar ito para maka survive tayo. Maraming supplies at barricade lang ang kailangan para ma secure ang lugar.” Wika ni Jeric.

“Hinde na kuya, kailangan na rin naming maka uwi. Sigurado akong hinahanap na ang mga kaibigan ko ng mga pamilya nila.”

“Ganun ba. Bakit ikaw, asan mga magulang mo? “

“Nasa sorsogon tatay ko. Wala na akong nanay.”

“Okay sige, kailangan nating makakuha ng masasakyan kung aalis tayo dito.”

Palabas sila ng pharmacy ng makasalubong nila si Flora. Mapulang mapula ang bibig at mga kamay at may bahid ng dugo ang damit. Napa atras si Danny.

“Patayin mo bata! “ utos ni Jeric.

“Hinde ko kaya… hinde… “ natatakot si Danny at papalapit na ang infected.

“Tang ina… um! “ sinipa ni Jeric si Flora at kumuha ng isang steel bar na nasa paligid. Inapakan nya ang dibdib ni Flora at humanda na sya para paluin ang ulo nito.

“Kuya… “ napa tingin si Jeric kay Danny sandali.

“BAAASSHH!!! ” “UUURRGGHH!!! “ isang malakas na hampas sa ulo ang tinamo ni Flora at nabasag kaagad ang ulo neto. Tumalsik ang dugo ng dalaga sa pantalon ni Jeric.

“Gguuwaarrkk!!! “ napa suka si Danny sa nasaksihan. Basag ang ulo ni Flora at labas ang utak neto.

“Okay ka lang? “ tanong ni Jeric. Umiling si Danny. May napansin si Jeric na paparating na mga infected at mabilis na silang umalis.

—-

Nakarating sila sa botique at napakain nila ang grupo. Sinabihan narin ni Jeric ang plano nilang pag alis. May nakitang van si Jeric sa di kalayuan at kilala nya ang may ari neto. Nakuha kagad ni Jeric ang susi at sumakay sila.

“Umiwas tayo sa main road. Baka marami pa tayong makakasalubong dun specially sa Edsa.” Wika ni Danny.

“Magandang idea bata.” Sagot ni Jeric.

Habang nasa daan sila, marami silang nakitang nagkalat na mga bangkay, mga sasakyan at mga taong nagsisitakbuhan at nang loloots. Napapaluha sina Sheryl at Erich sa mga nasasaksihan nila. Hinde sila makapaniwalang maraming nadamay sa pangyayari. May nadaanan silang isang babae na pumapara sa kanila.

“Please! Pasakay po! Tulongan nyo po akooo!!! “ sigaw ng babae. Papara na si Jeric ng hawakan ni Andrew ang balikat nya.

“Wag kang huminto. May kagat sya.” Wika naman ni Andrew sabay turo sa bandang binti ng babae.

“Eh bakit kung may kagat sya? “

“May possibility na dito na iinfect ang tao sa kagat. Kung papasakyin natin sya baka pati tayo ma hawa rin. Ideretso mo lang.”

Umiling na lang si Jeric at nilampasan ang babae. Umiiyak ang babae habang nakiki…