By:Balderic
“Nag declare ng Marshal Law sa buong bansa ang ating Presidente kaninang alas otso ng umaga lamang. Ang pangalawang pagdeklara sa kasaysayan ng Pilipinas. Ayon sa mga eksperto, isang mutated strand ng Rabies virus ang pinagmulan ng lumalalang epidemya sa Pilipinas at maging sa buong mundo. Tinatawag nila itong Thanatos Plague. Tinatayang umaabot na sa 100,000 katao ang mga namatay ng naturang sakit at ang mga lugar na apektado ay ang NCR, Pampanga, Batangas, Cavite, Quezon, Aklan, Cebu, Zamboanga, Davao, at General Santos. Sa mga taong naninirahan sa mga nabanggit na lugar ay pinapayuhang huwag lumabas ng bahay at iwasang makagat ng mga infected. Isang kagat oh sugat na nagmumula sa kanila ay 100% na makakahawa. Maging handa sa anumang pag atake at dahil walang gamot oh vaccine para sa sakit, madalas ay pinapatay na lamang ang mga infected sa pamamagitan ng pagsira ng utak. Dahil marami na ring nasawi sa mga pag atake ng infected at madalas ay isang brutal na kamatayan ang sinasapit ng mga nabibiktima nila.” Wika ng nagbabalita sa radyo.
Umabot ng isang araw bago makarating ang grupo sa lugar nina Sheryl. Isang subdivision ito at paglapit nila sa gate ay huminto ang van dahil may barikada dito.
“Dito lang kayo. Dan samahan mo ako.” Wika ni Jeric. Kinuha nya ang kanyang tinatagong combat knife na ala rambo ang itsura. Nakasabit ito sa kanang balakang nya.
Pagkalabas nilang dalawa ay dahan dahan silang lumapit sa gate. Marumi at magulo ang gate. May ilang kotse rin ang nakaharang na tanda ng pagmamadaling umalis ng mga nakatira sa subdivision.
“Hhuurrrkkk!!! Uurrrrkk!!! “ dalawang security guards na infected ang biglang lumabas sa guard house at lumapit sa dalawa.
“Dan ikaw bahala sa kanan! “ utos ni Jeric.
“Ha.. Ha? “
Inapakan ni Jeric ang kanang tuhod ng security na kaharap nya. Pagkatumba nito ay mabilis na sinaksak ni Jeric ang ulo ng infected.
“Hhuuuwwaaagg!!! Aaaahhh!!!! “ sigaw ni Danny. Nakita ni Jeric si Danny na nakahiga na sa kalsada at nakapatong ang security guard. Tila nanggigil itong kumagat kay Danny. Nakahawak na si Danny sa balikat at leeg ng infected pero nakakapit naman ito kay Danny at pilit hinihila palapit ang mukha nya.
“Tol! Sandali tol! Andyan na ako! “ tumakbo palapit si Dwayne para tulungan si Danny.
“Tsak!!! “ mabilis na sinaksak ni Jeric sa bunbunan ang security guard. Napahiga ito sa dibdib ni Danny at tinulak nya ito palayo.
“Okay ka lang? “ inalay ni Jeric ang kamay nya at tinulungan si Danny. Hingal ito at napa tango na lang.
“kamuntik ka na dun tol. Buti nalang mabilis si kuya Jeric.” Wika naman ni Dwayne sabay tapik sa likod ng kaibigan.
Dahil sa mga nakaharang sa gate, napilitan silang mag lakad papunta sa bahay nina Sheryl. Tatlong kanto pa ang inabot bago sila nakarating. Sa mga bahay na nadaanan nila ay maraming kalat at mga bakas ng pag evacuate. Ang ibang bahay ay bukas pa, at ang iba naman ay may mga basag na salamin. May iba rin na nagkalat ang mga gamit sa labas ng bahay. Matapos ang ilang minuto ay narating na nila ang bahay ni Sheryl.
“Daaad!? Mooommmyy!?” sigaw ni Sheryl mula sa labas ng bahay. Tahimik ang paligid. Maya maya pa ay may narinig sila.
“Huuaaaaahhhh….ggrrraaaaggghhh….”lima na infected ang lumabas sa likod nila at sa isang bahay katabi ng bahay ni Sheryl.
“Napapalibutan tayo! Anong gagawin natin? “ wika ni Andrew. Naghanda sina Danny at Dwayne subalit napansin nilang mabilis na sumugod si Jeric.
Isa isa netong sinaksak ang mga infected. Tinulak nya ang isang babae at sinaksak ang kasama netong babae sa noo. Lumapit sya sa tinulak nya at sinakal muna bago tinarak ang combat dagger sa ilong ng babae papunta sa utak.
“Kuya! Andito na ang isa malapit na sa amin! “ tinawag ni Erich si Jeric at nakitang papalapit ang isang matabang infected na lalake, wasak ang tyan nito. Sinugod ito ni Jeric at sinaksak sa batok. Bagsak ang makarneng infected at bumulwak ang kanyang dugo at lamang loob sa kalsada.
“My God! Hhurrkk… “ naduwal si Erich at Sheryl sa amoy at sinapit ng infected.
Tumalikod naman si Jeric at nakitang pinagpapalo nina Danny at Dwayne ang isang infected sa katawan gamit ang tig isang kahoy na napulot nila pero di ito iniinda ng infected.
“Wasakin nyo ang bungo! Dyan lang sila titigil! “ pag bigay payo ni Jeric sa dalawa. Sumunod naman sila at pinagpapalo ang ulo ng infected. Tinulak muna ni Danny ito at sinapid naman ni Dwayne. Nang matumba ito, ay inundayan na ng dalawa ng palo hanggang sa halos madurog ang mukha at ulo neto.
Hinde na ito kumikilos at hiningal ang dalawa. Naduwal naman si Dwayne sa nangyari. Hinde rin kinaya ni Danny ang naging itsura ng infected na lalake at nasuka na ito. First time nilang makapatay at talagang talo pa nila ang tumakbo sa marathon sa bilis ng tibok ng puso nila. Nanginginig pa ang mga kamay ng dalawa. Nag thumbs up naman si Jeric sa dalawa. Tinignan ni Jeric si Andrew na nanatiling nakatayo lang at nakadikit kay Nikka.
“Oh Andrew, ikaw na bahala sa isang yun. Dispatsyahin mo na.” tinuro ni Jeric ang isang dalagang infected. Nakasuot ito ng sando at pekpek shorts subalit punit ang sando at lumawlaw ang malalaking suso neto. May ilang kagat ito sa leeg at balikat. Wasak rin ang bibig ng babae at kita ang ngipin pati gums na nangingitim na.
“Sorry Jeric pero isa akong doctor. I’m trained to save lives not to end one.” Sagot ni Andrew at niyakap lang si Nikka.
“Pare, sa sitwasyon natin, kailangan ko kayong e expose sa ganitong klase nang pamumuhay. Dahil pag dating nang isang critical na sitwasyon, baka kailanganin namin ang tulong mo lalo na sa pag sugpo ng mga infected.” Wika naman ni Jeric. Napatingin ang grupo kay Andrew.
“No….hinde ko kaya. Nakita nyo kung paano ako nakadisgrasya nung isang araw. Nakapatay ako ng pamilya Jeric. Hinde kaya ng konsensya ko ang pumatay pa muli.. “
“Patay na sila Andrew! Mga patay na nabuhay ulit dahil sa isang kakaibang sakit. Kailangan lang ay ilagay sila sa wastong hantungan.”
“I believe they can till be saved. Paano na lang kung bukas oh sa makalawa ay magkaroon na ng vaccine para maligtas pa sila? Kung papatayin ko sila, para narin akong naging isang mass murderer.”
“Alam mo Andrew, isa kang malaking duwag. Isang duwag at walang bayag. Ano bang mas mahalaga sayo, ang buhay ng grupo oh ang sinasabi mong gamot para sa mga infected?” sabat naman ni Danny at hinde matiis ang mga palusot ni Andrew.
“Pwede ba tama na. Kaya nyo namang patayin yang babaeng yan bakit ba pinipilit nyo pa si Andrew? Hinde nyo alam kung ano ang nararamdaman nya. Nakasagasa sya ng isang pamilya. At namatayan pa ng kaibigan. Pwede bang hayaan nyo muna sya.” Sabat naman kaagad ni Nikka.
“Tsk bakit ba lagi mo nalang pinagtatanggol ang duwag na yan Nikka? Pucha, ano bang pinakain sayo ng lalakeng yan!? “ sumabat rin naman si Danny.
“Eh ano naman sayo? Pareho kaming nasaktan Danny. Pareho kaming nawalan ng mahal sa buhay. Hinde tulad mong manloloko at buti pa nga nasa maayos na lagay ang tatay mo eh. Eh kami? Ano kami ngayon!? Sumagot ka! “ hinde nakasagot si Danny kaagad. Napansin nilang papalapit na ang infected kaya napilitan si Jeric na saksakin ito sa may tenga.
“Nikka… hinde kita niloko… hinde mo kasi ako binigyan ng pagkakataon para makapaliwanag eh. Bigyan mo lang ako ng oras para maayos ko ang gusot natin.” Tinapik si Danny ni Dwayne.
“Tol hinde dito ang tamang panahon para dyan. Nasa labas tayo at dilikado tumagal dito.” Tumango nalang si Danny kay Dwayne.
Pumasok na sila sa bahay nina Sheryl. Walang tao sa loob ng bahay. Sinamahan ni Dwayne si Sheryl para ikutin ang bahay at walang ni anino ng pamilya nila. Wala na rin ang ibang kagamitan ng pamilya ni Sheryl. Naiwasan sa sala ang grupo. Hinde naman makapaniwala si Erich sa kakayahan ni Jeric.
“Ang galing galing mo naman kuya. San ka natuto nyan? “ tanong ni Erich kay Jeric.
“Syempre sa training pero dahil sa pangyayari ngayon, nahasa na lang ako.”
“Ah ganun ba.” Ngumiti ito kay Jeric pero di na sya pinansin ng lalake. Tumaas na pang ang kilay ni Erich. Hinde makapaniwalang inisnab ng isang security guard lang.
Samantala, napadaan sa dining area si Sheryl at nakita ang isang sulat na naka pin sa ref. Binuksan nya ito. Isang sulat ng kanyang ina. Sinabi neto na dumating ang mga sundalo at tinulungan silang mag evacuate sa Camp Aguinaldo kung saan may pader at mas secured. Napa ngiti naman si Sheryl. Nabuhayan sya ng pag asa na makikita ang kanyang pamilya.
“Good for you Sheryl. At least alam mong maayos lagay ng pamilya mo.”
“Thanks Dan. Halika tulungan mo akong mag linis at may pagkain pa sa ref para makapag handa tayo nang dinner.” Bakas sa mukha ni Sheryl ang saya.
—-
08:00 pm na. Sa unang pagkakataon ay makakapag relax ang grupo sa bahay ni Sheryl. Naka kain sila ng marami at nakapaligo pa. Matapos ang kanilang panggabi ay nag kanya kanya na sila ng pwesto ng higaan. Sa masters bedroom matutulog sina Sheryl at Erich pati si Nikka. Sa kwarto naman ni Sheryl at ng kapatid nyang lalake pinatulog si Jeric. Sa sala naman ang magkaibigang Danny at Dwayne dahil sila muna ang magbabantay ng bahay.
By: Balderic
Tulog na si Dwayne at si Danny naman ang nakabantay sa bahay. Pumunta ito sa dining area para uminom at naabutan doon si Nikka na naka upo sa may lamesa. Nagkatinginan sila. Uupo na sana si Danny ng tumayo kaagad si Nikka at akmang aalis.
“Nikka sandali! “ tumigil si Nikka.
“Hinde mo ba talaga ako pagbibigyan kahit sandali lang ng oras mo? “ pakiusap ni Danny.
“Tapos na tayo Danny. Pabayaan mo na ako. Kalimutan mo na ring magkakilala tayo.”
“Please naman Nikka. Please….just a minute… isang minuto lang naman.” Naluluha na si Danny sa harap ni Nikka. Pero seryoso ang mukha ng babae.
“Mahal ko si Andrew, Danny. Sya na ang bago kong mahal. At least sya, mas may oras pa sa akin kesa sayo noong kailangan kita.” Parang mga patalim na tumusok sa puso ni Danny ang mga binitiwang salita ni Nikka. Napakasakit para sa kanya ang ipagpalit nalang na parang basahan ang kanyang pag ibig.
“Hinde ako naniniwala… hinde mo mahal si Andrew, Nikka. Nagrerebound ka lang. Ginagawa mo lang ito para lang saktan ako.”
“Hinde ako ganyang tao Danny. Alam ko ang nararamdaman ko. Sige, goodnight.” Iniwan na sya ni Nikka. Napa yuko na lang si Danny. Gusto nyang sumigaw pero di nya magawa. Gusto nyang mag wala pero di rin nya magawa. Sinuntok na lamang nya ang dibdib na sing bigat ng mundo.
—-
Nakahiga sa kama si Jeric ng biglang may pumasok sa silid. Napa balikwas kaagad ito at binunot ang dagger.
“Wow easy lang kuya. Reading ready ka talaga ha hihihihi.” Naka ngiti si Erich. Naka suot ito ng manipis na white T shirt at napaka iksing shorts na manipis rin ang tela. Bakat ang nipples ng dalaga at maging ang katambukan ng kanyang hiyas. Napatitig sa kanya si Jeric.
“Anong kailangan mo…