By: Balderic
Binalikan ng grupo ang sasakyan nila at nagsimula na silang maglakbay. Habang nasa biyahe ay tahimik lamang sila. Iniisip ang mga pinagdaanang hirap. Sa kabila ng lahat, naniniwala parin silang babalik parin ang dating buhay nila.
Sa isang brgy malapit sa may north edsa ay may nakabirakada. May lumabas na isang squad ng mga sundalo at pinara ang sasakyan ng grupo. Huminto si Jeric. Inobserbahan ang mga sundalo. Lumapit ang apat sa mga sundalo na tinatayang isang dosena lahat.
“Magandang hapon, saan kayo tutungo? “tanong ng isang sundalo.
“Ah sarge dyan lang sa loob ng brgy. Ihahatid lang namin yung isang kasama ko.”Sumagot naman agad si Jeric.
“Naku brad sarado na ang area na to. Na isolate na ang brgy dito kasi maraming kaso ng infected.”Sagot ng isang sundalo at nagulat dito si Dwayne ng marinig ito.
“Mabuti pa siguro dito na lang muna kayo at kokontakin namin ang ibang kasamahan namin na nakabantay malapit sa lugar na pakay nyo.”
Tumingin muna sandali si Jeric sa mga kasama na halatang pagod. Tumango naman si Jeric sa mga sundalo at bumaba sila. Lumapit sila sa check point kung saan naroon ang iba pang kasamahan ng tropa. Kita nya ang mga kagamitan ng mga sundalo at may ilang duyan at folding bed pa. Halatang dito na natutulog at nagbabantay ang mga ito. Lumapit ang isang senior na sundalo kay Jeric.
“Staff sergeant Rogelio Manahan pala brad. Kami ang delta squad na naka deploy dito simula nung bumaba ang utos ng marshal law.”Nakipag kamay ito kay Jeric.
“Ako pala si Jeric Naval at ito ang mga kasama ko. Ah sarge meron ba kayong maiinom dyan? Uhaw na kasi itong mga kasama ko eh.”
“No problem, marami kaming tubig dito. May malapit kasing water station na ginamit muna naming source para naman hinde kami ma dehydrate.”
Binigyan ng isa isang bote ng mineral ang mga kasama ni Jeric. Subalit biglang tumakbo si Dwayne palayo.
“Hoy Dwayne! Bumalik ka rito! “sigaw ni Jeric pero pumasok na sa isang eskinita si Dwayne.
“Tang ina! Baka uuwi yun sa kanila! Kuya habulin natin! “wika naman ni Jeric.
“Andrew bantayan mo dito ang mga babae. Hahabulin namin si Dwayne.”Tinugunan ng utos ni Jeric si Andrew. Tatlo pang sundalo ang sumama sa kanila.
—-
Pumasok sila sa isang masikip na eskinita. Pagdating sa dulo nito ay nakalabas sila sa isang maluwag na kalsada at ginawang basketball court ng taga brgy. Inobserbahan nila kung saang daan ang tinungo ni Dwayne.
“Kuya dito tayo sa kaliwa, alam ko ang lugar na to! “wika ni Danny at sinundan nila ito.
“Hhuuuaaarrrkkkk!!! Ggrrraaaaahhh!!!! “lumabas ang maraming infected mula sa kalsadang tatahakin nila at tumatakbo ang mga ito papalapit sa grupo.
“Shit! Runners! Paputukan nyo! “utos ng sundalo.
“PRAAATATATATATATATAT!!!!! “pinaputukan kaagad ng mga M14 ang mga infected. Maraming natamaan at halos sumayaw na dahil sa bala. Subalit karamihan sa mga ito ay hinde tinamaan sa ulo kaya sumusugod parin at tumatakbo.
“Danny maghanda ka! “naglabas ng combat knife si Jeric. Napalunok ng laway si Danny at nilabas rin ang isang bolo na nakuha nya sa bahay nina Sheryl.
“BRATATATATAT!!! ” “Hhuuaarrrkkkkk!!! Uuurrrrrggghhh!!!! “tadtad ng bala ang mga infected. Gigil na pinagbabaril ng tatlong sundalo ang mga ito. Subalit may ilan na nakalapit na at nag dive kaagad sa mga sundalo. Dalawa at tatlo ang nag dive sa mga sundalo. Natumba ang mga ito at nakipag bunuan sila sa mga infected para di makagat.
“Sshhrriippp!! ” “Aaaaaaarghh!! Tulong!! “nakagat na ang dalawa sa mga sundalo sa braso at paa. Tinapik ni Jeric si Danny at pinagtataga ang mga infected na nakapatong sa isa sa mga sundalo.
Nakawala na ito at tinulungan ni Danny tumayo. Sinubukan nilang tulungan ang dalawa pang sundalo subalit huli na ang lahat. Tuluyan na silang kinain ng buhay ng mga infected. Marami nang kagat ang ito at punit ang mga balat sa braso at mukha. Nangingisay pa sila habang pinag pepyestahan ng mga infected.
“BLAM BLAM!! “binaril ng handgun ng kasama nilang sundalo ang dalawang nakahadusay.
“Hhuurraaahh!!! “sumugod pa ang ilan sa mga infected kina Jeric. Hinde pinaporma ni Jeric ang mga ito. Sinaksak nya tig iisa ang mga ulo ng mga sumugod sa kanya.
May isang lumapit kay Danny at mabilis na tumatakbo papunta sa kanya. Nagpanic si Danny at sinaksak ito sa sikmura. Hinde huminto ang infected. Nahawakan na nya sa mga balikat si Danny at hinihila papalapit sa kanya. Bumabaon dahan dahan ang bolo ni Danny sa sikmura ng infected. At mas lalo pa syang lumalapit sa mga ipin ng halimaw.
“Aaahh kuyaa!! Tulong!!! “
“Tsag!! ” “Uurggh!! “sinaksak ni Jeric sa likod ng ulo ang infected. Hinugot ni Danny ang bolo.
“Wag ka matakot Dan. Basta patamaan mo lang sila sa ulo.”
“Teka, sa pag matamaan sa ulo lang ba sila mamamatay!? “tanong ng sundalo.
“Oo, bakit? Di mo pa ba alam? “pagtataka ni Jeric.
“Walang sinabing ganun sa amin nung nasa briefing kami.”
“Kuya! Andyan na sila!! “sigaa ni Danny. Papalapit ang lima pang natitirang infected. Inasinta ng sundalo ang mga ito pero piniglan sya ni Jeric.
“Wag, mahirap patamaan ang mga yan sa ulo! Ihanda mo ang dagger mo.”
Hinarap ng tatlo ang mga infected. Tinaga ni Danny ang isa sa ulo. Tumilapon ang ulo nito sa ere. Sinaksak naman ni Jeric ang dalawa pa sa ulo rin. Sinipa naman ng sundalo ang isa at natumba ito. Hinawakan naman nya sa leeg ang isang infected at sinaksak sa noo. Ang natumbang infected naman ay tinaga rin ni Danny.
“BLAM BLAM BLAM BLAM BLAM!!!!”binaril naman ng sundalo ang mga infected na abalang lumalapa sa mga katawan ng dalawa nilang kasamahan. Na clear nila ang lugar. Hingal sila at hinde makapaniwalang naubos nila ang mga infected.
“Wag na tayong magtagal dito. Sigurado akong marami ang nakarinig ng putukan at pupunta rito ang mga infected na nasa paligid lang.”sabi ni Jeric sa dalawang kasama.
“Dito kuya, alam ko ang daan.”Sabay turo ni Danny sa kalsada.
—-
Maingat nilang tinahak ang daan. May ilang infected na nagkalat sa paligid pero iniwasan lamang nila ang mga ito. Nang makarating sila sa kanto kung saan ang bahay ni Dwayne naroroon ay tumambad pa ang mas maraming infected na pakalat kalat. Nagtago muna sila sa gilid ng pader.
Naka isip ng paraan si Jeric. Pumulot sya ng isang bote at hinagis sa di kalayuan. Ng mabasag ito, nagsipuntahan kaagad ang mga infected sa lugar. Habang nakatalikod ang mga infected, mabilis na pumasok sa bakuran ng bahay ni Dwayne ang grupo. Naka yuko parin sila at lumapit na sa bahay.
Katamtaman lamang ang laki ng bahay ni Dwayne, puti ang pintura at nasa gitna ang pinto. Gawa sa semento at plywood ito. Maingat na binuksan ni Jeric ang pinto at sumilip sa loob. Dahil tahimik, pumasok na ang tatlo.
“Psst.. Dwayne? “mahinang pagtawag ni Danny. Pero walang sumasagot.
“Dwayne asan ka? “sunod naman na tawag ni Jeric subalit wala parin.
Pagdating nila sa sala, dito may narinig silang kaluskos. Huminto at nakiramdam ang grupo. May naririnig sila at nanggagaling sa isang kwarto. Dalawa ang kwarto ng bahay, dahan dahang binuksan ni Danny ang pinto ng isa sa mga ito. Nagimbal sya sa nakita.
“Diyos ko! “wika ni Danny. Nakita nilang tatlo si Dwayne na nakatihaya at warat ang tiyan. Labas ang mga bituka nya na kinakain ng kanyang mga magulang at dalawang kapatid. Buhay pa si Dwayne subalit hinde na makapagsalita. Mata na lamang ang gumagalaw sa kanya. Tumalikod si Danny at gustong umalis pero pinigilan sya ni Jeric.
“Wag mong iiwan ang kaibigan mo Danny. Tulungan mo sya.”
“Pero Kuya… hinde ko kaya… “
“Hahayaan mo nalang bang ganyan ang kaibigan mo? Nahihirapan sya Danny. Wag mo nang patagalin ang paghihirap nya.”
Tumulo ang mga luha ni Danny. Humarap sya ulit. Sumenyas si Jeric sa natitirang sundalo. Tinapos nila ang mga infected na pamilya ni Dwayne at bumalik sa pinto. Tinapik ni Jeric ang balikat ni Danny. Tumingin ang binata kay Jeric.
“Bakit ako pa kuya? Bakit? “
“Kailangan mong maging matatag Danny. Hinde ordinaryo ang mga kalaban natin. Kahit sino, kahit mahal mo sa buhay ay pwedeng maging kalaban. Kaya kailangan kong maging matatag ka. Kailangan mong maging matibay para gawin ang nararapat! “
Lumapit si Danny at lumuhod sa tapat ng ulo ni Dwayne. Namumula ang mga mata nito at lumuluha. Tinutok ang dulo ng bolo sa gilid ng tenga ng kaibigan.
“Tol… I’m sorry….hinde kita nailigtas….pero wag ka nang mag alala….magpahinga ka na muna tol… ako nang bahala dito…”nanginginid ang boses ni Danny.
Nakita nyang lumuha rin si Dwayne. Hinang hina na ito. At kahit na matinde na ang nangyari sa kanya, inipon nya ang pinakahuling lakas ng katawan at ngumiti kay Danny.
“Aaaaaahhhh!!! ” “Tsakk!!! “isang mabilis na saksak sa ulo ang ginawa ni Danny. Isang pangyayaring hinde nya makakalimutan. Namatay ang bestfriend nya subalit kahit brutal ang pagkamatay neto, nagawa pa nitong ngumiti sa pinakahuling sandali.
Nanatiling nakaluhod si Danny at umiiyak. Hinayaan muna ni Jeric ang binata na magluksa. Lumabas naman ng bahay ang sundalo para mag manman. Ilang sandali pa at bumalik na ito.
“Brad, nawala na ang mga infected sa kalsada. Di ko alam kung saan nagpunta. Ito na ang pagkakataon natin. Baka bumalik ang mga yun at magsisimula naring dumilim.”Wika ng sundalo.
“Ganun ba. Okay sige. Teka ano nga pala pangalan mo? “
“Corporal Kyle Dolfino brad. At your service.”Naka ngiti ang sundalo. Tumango naman si Jeric. Lumapit ito kay Danny at bumulong.
“Dan, tara na. Delikado pag tumagal pa tayo dito. Halika na.”wika ni Jeric. Pinawi ni Danny ang mga luha at tumayo. Kinuha nya ang kumot ng kama at binalot kay Dwayne. Lumabas kaagad sila ng bahay.
Walang tao sa kapaligiran. Naging maayos ang pabalik nila. Nakarating sila kung saan nila unang nakasagupa ang mga runners ng makasalubong nila sina Andrew at ang mga babae.
“Anong ginagawa nyo dito? “tanong ni Jeric.
“Pina alis kami ng mga sundalo. May nakita silang paparating na mga infected. Delikado na raw dun.”
“BRATATATATATATATATAT!!!!! BAAKKOOOMMMM!!! “Maraming putok ng mga armas ang narinig nila. Parang may gyera sa kinaroroonan ng squad ni Cpl Dolfino.
“Ang mga kasama ko! Kailangan nating tulungan sila! “wika ni Dolfino.
By: Balderic
“Hinde! Hinde kami babalik dun! Delikado! “sagot naman ni Andrew. Tumingin sila kay Jeric.
“Okay ganito gagawin natin, kaming dalawa ni Cpl Dolfino ay babalik at kayong natira pumunta na kayo sa van, maliwanag? At hintayin nyo kami dun.”
“Okay sige. Asahan mo.”Wika naman ni Danny.
“Teka, asan si Dwayne? Bakit di nyo kasama? “tanong naman ni Erich. Nagkatinginan sina Danny at Jeric.
“Wala na si Dwayne… “malungkot na sagot ni Danny. Hinde makapaniwala ang mga babae. Nagyakapan na lang ang tatlong babae.
“GGGRRRRUUUUOOOOOOOOHHHHHHH!!!!!!! “Isang napakalakas na sigaw ang narinig nila. At hinde ito nanggagaling sa isang tao. Para itong boses ng isang halimaw. At sa…