Agnas (Episode 6)

Episode 6: Contained
By: Balderic

Sakay ng van sina Danny. Nagmamaneho naman si Andrew at nagpapahinga sa likod ng sasakyan sina Kyle at Jeric na nagduty ng magdamag. Iniwasan ng grupo ang north edsa na punong puno ng infected. Kabisado naman ni Andrew ang daan sa Quezon City. Sa kabila ng malubhang infection na kumalat sa buong kamaynilaan ay may mga normal na tao parin silang nakikitang pakalat kalat. Mga taong naghahanap ng makakain at magagamit. May mga sasakyan rin na nakatambay sa kalsada at kahit na mamahalin pa ito ay hinde na ninanakaw dahil na rin sa dami ng infected na nagkalat.

Sa pasikot sikot na daan ay natumbok na rin ni Andrew ang crossing sa may muoz kung saan malapit ang isang mall at lrt station. Huminto ang sasakyan sa kanto, tapat ng isang fast food restaurant. Tulad ng inaasahan, may mga sasakyan ng pulis at militar ang naka barikada dito. Maging mga buses at jeep para hinde makadaan ang mga infected na nakulong sa buong north edsa.

“Guys, I think we will have to walk from here.”Wika ni Andrew. Nagising naman ang grupo at tinignan ang paligid.

“Okay, maghanda kayo at maglalakad na tayo. Walang hihiwalay sa grupo. Si sarge Dolfino ang tail scout natin para walang makaka lapit na infected sa likod. Sino ang kabisado ang papuntang Quezon city gen? “tanong naman ni Jeric.

“Ako, alam ko papunta dun.”Sagot naman ni Erich.

“Okay dikit lang kayo ha. Let’s go.”

Bumaba ang grupo sa sasakyan. Ni lock ng maayos ni Andrew ang van kung sakaling balikan pa nila ito ay may siguradong magagamit pa sila. Dala ang mga backpacks nila ay nagsimula na silang bagtasin ang highway.

—-
“Okay ka lang? “tanong ni Sheryl kay Danny na tahimik lang.

“Okay lang ako. Don’t worry.”

“Narinig ko yung sinabi sayo ni Nikka kanina. To be honest, hinde ko rin gusto ang mga binitiwan nyang salita. I think it’s too much. Namatay si Dwayne, at ang iba pang malalapit sa buhay natin. I don’t think you deserve to be downgraded just like that. Siguro, sobrang stressed lang si Nikka. Namatay ang pamilya nya at nasaktan rin sya sayo. Baka ginagamit ka nyang pang steam out ng lahat ng sakit na naipon sa puso nya. For that, ako na lang ang magpapasensya. My family died too. Sana mapagpasensyahan mo rin sya Dan.”

“Alam ko She. Alam ko yun. Kaya hinde na rin ako kumibo.”
Nakapasok na sila kung saan ilan metro na lamang ang layo sa hospital. Napadaan sila sa isang bahay na gawa ng kahoy at semento ng..

“KRASH!! ” “Hhhooooouuuuhhh….”Ilang grupo ng mga infected ang nagsilabasan sa dingding na nawasak. Parang isang baha ng bangkay na nagsilabasan ang mga ito.

“Shit! Ang dami nila! “napasigaw si Andrew. Kita ang sindak sa kanyang mga mata.

“Blam Blam Blam!!! Prapak pak papak!! “pinagbabaril nina Jeric at Kyle ang mga infected. Sa dami ng mga ito, hinde nila alam kung saan ang uunahin. May mga natamaan sila sa ulo subalit marami ang natamaan sa katawan at tila hinde tinatablan. Patuloy ang daus-dos ng mga infected at papalapit na sa kanila.

“Umalis na tayo! Umalis na tayo! “sigaw pa ni Andrew at hinahatak nya si Kyle sa balikat. Pumalag ang sundalo kay Andrew.

“Bitawan mo ako! Magtago muna kayo. Kami na ang bahala dito! “sagot ni Kyle kay Andrew.

“Ggrraaaaahhhhh!!!! “isang runner na nagmula sa bubong ng gusali ang lumundag at bumagsak sa kalsada. Wasak ang bungo nito at nangingisay pa. Ilan pang runners ang lumabas sa bubong.

“Takbooo!!! Takbo naaa!! “sigaw ni Jeric sa grupo. Dahil sa takot, di naiwasang nagkahiwa-hiwalay sila.

Hinablot ni Danny sina Nikka at Sheryl. Sumunod ang mga ito at pumasok sila sa isang convenient store. Sinara nila kaagad ang pinto at pumasok pa sa pinaka loob. May hagdanan sa likod at pumunta sila sa itaas. May isang kwarto dito at pumasok pa sila sabay nag tago. Ni lock ni Danny ang pinto ng silid at binuksan ang ilaw. Kwarto ito ng manager ng convenient store. May kama at mga kagamitan. Naka hawak pa ang mga kamay ni Danny sa dalawa.

“Bitawan mo nga ako! “palag ni Nikka at mabilis na binawi ang braso mula sa pagkakahawak ni Danny. Tumingin lang si Danny at hingal na hingal.

“BLAM BLAM!!! PRRRRTTT!!! “patuloy ang putukan sa labas kung saan naroon sina Jeric.

“Hoy Dan, lumabas ka nga dun at tulungan mo sina Andrew!”wika ni Nikka. Hinde sya sinagot ni Danny. Nakatitig lang ito sa pinto at nakikiramdam.

“Ay binge. Hoy gago! Sabi ko lumabas ka rito at tulungan mo sina Andrew na ubusin ang mga infected! “wika pa ni Nikka sabay batok sa ulo ni Danny.

“Pwede ba Nikka tama na!? Sumosobra ka na ah! “biglang sigaw ni Sheryl kay Nikka. Natigilan ang dalaga at nagkatitigan silang magkaibigan.

“So ngayon kakampi ka na sa walang kwentang lalakeng yan, ganun!? “pagbasag ni Nikka ng katahimikan.

“Wala akong kinakampihan Nikka. Alam mo namang delikado sa labas tapos papalabasin mo pa si Danny.”

“Eh sa ano bang pake alam mo!?”

“Sshh!!! Wag na kayong maingay. Baka marinig tayo dito sa loob! “sabat ni Danny sa dalawang babae. Tumingin si Danny kay Nikka na sasabat pa sana pero tinuro nya ito. Seryoso ang mukha ni Danny. Natameme naman si Nikka at sumimangot na lang sa gilid ng kama.

—-

“BRATATATATATAT!!!! ” “Erich akyat ka sa taas ng truck! Dali! “utos ni Jeric sa babae. May nakita itong truck na tatlong metro ang layo sa kinatatayuan nila. Tumakbo ang dalaga at binuksan ang pinto ng truck.

“Wag kang pumasok sa truck! Umakyat ka sa taas sabi ko! “pag puna ni Jeric. Tumango ang babae at umakyat sa itaas.

“Graaahhh!!! ” “Shlak!!! “isang runner ang lumapit at sinaksak ni Jeric sa leeg. Umatras na si Jeric dahil papalapit na ang mga daan daang infected na humahakbang. Wala nang bala ang M14 nya kaya tinapon nya ito at umakyat na sa taas ng truck kung nasaan si Erich.

“Kuyaaa!! Huhuhuhu… .ang dami nila! Paano na tayo!? Paano tayo makaka alis dito!? “

“Sshh kalma ka lang. Hinde makaka akyat dito ang mga yan. Kahit ang mga runners hinde makakalapit dito.”Binunot ni Jeric ang isang Colt Python sa likod nya.

“Uuuunnhhhh… hhhoouuuuuhh…..ggrrruuaaaaahhhhhh… .”Nakalapit na ang mga infected at pinalibutan ang truck. Marami ang umuungol at nakataas ang mga kamay na gustong abutin ang dalawa na nakatayo sa ibabaw ng truck.

“Aaahhh!!! Tumigil na kayooo!!! “sigaw ni Erich. Halos mabaliw ito sa walang tigil na ungol ng mga patay. Niyakap na lang sya ni Jeric at pinapakalma. Humahagulgol na si Erich sa dibdib ni Jeric. Kalmado lang ang lalake na inoobserbahan ang paligid.

—-

“Bakam Bakam Bakam!!! “ilang putok ng shotgun ang nagpasabog sa mga runners na papalapit kina Andrew at Kyle. Nakaharap si Kyle sa mga infected at dahan dahang umaatras. Nasa likod naman nya si Andrew na nagtatago.

“Brad maghanap ka ng matataguan sa likod natin! Bilis! “utos ni Kyle kay Andrew.
By:Balderic
“GRAAAAHHH!! ” “BAKAM BAKAM!!! “wasak ulit ang dibdib at ulo ng dalawang infected na nakalapit kay Kyle.

“Sandali pre! Maghahanap ako! “wika naman ni Andrew at tumakbo ito. Nakapasok na sa isang eskinita ang dalawa at iisa na lang ang daanan ng mga infected. May nakita si Andrew na isang bahay na bukas ang pinto. Tumakbo palapit si Andrew.

“Brad sandali! “nakita ni Kyle na pumasok sa bahay si Andrew. Sumunod naman ang sundalo. Subalit huminto sya at hinarap ang ilan pang infected na tumatakbo papalapit sa kanya. Nakasandal si Kyle sa pinto ng bahay kung saan pumasok si Andrew.

“BLAM BLAM BLAM!!! CHIK CHIK CHIK!!! “Ubos ang bala ni Kyle. Tinapon na nya ang mga baril at binuksan ang pinto subalit naka lock ito.

“Pog Pog Pog!!! ” “Andrew!! Buksan mo tong pintooo!!! Hoooy!!! “sigaw ni Kyle.

“Uuhhh… noo.. No.. No.. No… “bulong ni Andrew sa sarili habang nasa loob. Lumuluha na ito at naka upo sa sahig habang nakaharap sa pinto. Takot na takot at hinde magawang buksan ang pinto.

“BLAG BLAG BLAG!!! ” “Hoy Andrew putang ina moooo!!! Buksan mo tooooo!!!! “mas malakas na sigaw at pag katok ni Kyle subalit hinde parin binubuksan ni Andrew ang pinto. Nanginginig ito sa takot. Alakas ng palakas ang ungol ng mga infected.

“Hhuuuaarrggkkk!!! ” “Aaaaaaahhhh!!!!!! Aaarrgghh! !Andrewwwww!!!! Hhuurrrggkkkkkk… …”narinig na lamang ni Andrew na sumisigaw si Kyle sa sakit at ang malalakas na ungol ng mga infected. Hanggang sa nawala na ang boses ni Kyle. Tanging mga ungol na lamang ng mga infected at ang pag punit ng laman ang maririnig sa labas. Pumikit si Andrew at tinakpan ang mga tenga. Patuloy ito sa pag iyak.

—-

Samantala, hinde parin maka alis sina Jeric at Erich sa itaas ng truck. Wala silang matakasan dahil napapalibutan sila ng maraming undead. Parang may rally sa kapal ng mga taong na infect ang patuloy na nagpupumilit abutin ang dalawang survivor. Subalit biglang may dumating na dalawang Army Trucks. Bumalandra ang mga ito sa kalsada. Isang platoon ang sakay ng dalawang truck. Tinutok ang mga M14 rifles sa mga infected at pinaputokan.

“Fire!! ” “BRATATATATATATATATATATATATAT!!!!!!! “Halos mabingi ang dalawang bida sa truck na tinatayuan nila sa malalakas na putok ng armas ng militar. Napapasayaw ang mga katawan ng mga infected ng tadtarin sila ng bala. Isa isang bumagsak ang mga ito. Hinde alam ng mga sundalo kung paano papatayin ang mga infected pero dahil sa dami ng nag volume fire ay halos maubos na ang mga ito.

“Move move move move!!!! “sigaw ng platoon leader nila at bumaba isa isa ang mga sundalo sa trucks. Pagkalapag nila ay naka formation na kaagad ang bawat tilap at pinaputukan ulit ang mga natitira pang infected.

Di nagtagal ay naubos ng mga sundalo ang mga halimaw. Lumapit ang platoon leader ng militar sa truck na kinatatayuan nina Jeric. Bumaba naman ang dalawa. Nakipag kamay si Jeric sa platoon leader.

“Jeric Naval pala sir. Salamat sa tulong nyo.”

“Second lieutenant Patroclus Trinidad. Pat na lang sir. Galing kami sa Quezon city general hospital, narinig namin ang putukan dito kaya pumunta kami. Buti nalang naabutan namin kayo. May mga kasama pa ba kayo? “tanong ng gwapong tenyente.

“Ah oo, nasa paligid sila. Sandali at tutulong ako sa paghahanap.”

Lumapit si Erich kay Pat. Nakipag kamay ito. Di matinag ang titig ng dalaga kay Pat. Para sa dalaga, isang magiting na guardian angel ang tenyente. Halos lumambot pa ang tuhod ni Erich ng ngumiti si Pat at labas ang dalawang malalim na dimples neto sa pisngi.

“Ah.. Ako pala si Erich.. Crisologo”

“Hi mam Erich. Okay ka lang ba? “

“Oo okay naman. Thank you ha. “

“Welcome po mam. Sumakay na po kayo sa truck.”

—-

Unang nailigtas sina Danny. Nakita sila ng tropa ni Pat. Pagkalabas ay hinanap kaagad ni Nikka si Andrew. Lumapit ito kay Jeric.

“Asan si Andrew kuya? Okay ba sya? “

“Hinahanap pa sya ng tropa. Kayo, okay lang ba kayo dito? “tumango lang si Nikka pero malayo ang tingin at hinahanap ang nobyong doktor. Lumapit naman si Sheryl at Danny kay Jeric.

“Oh Dan, buti ligtas kayo.”

“Oo kuya. Buti na lang. At mabuti rin maayos kayo.”Nag bump fist ang dalawang lalake. Napatingin naman si Jeric kay Sheryl.

“Sheryl sumakay ka na sa truck. Andun na si Erich.”

“Hay buti nalang ligtas kayo. Thanks kuya sa pagbantay mo sa friend ko.”Tumakbo na si Sheryl papunta sa truck.

Ilang minuto pa at lumabas na rin si Andrew. Inaakay pa ito ng dalawang sundalo at mukhang natapilok pa.

“Andrew! Andrew! Thank God buhay kaaa!! “tumakbo kaagad si Nikka sa nobyo. Niyakap ito ng mahigpit.

“Uh, wait babe… dahan dahan na sprain paa ko eh.”

“Naku ganun ba. Okay sige, sakay na tayo sa truck.”

Sinalubong sila ni Jeric. Nagkatitigan ang dalawang lalake.
“Asan si sarge Dolfino? Di ba magkasama kayo? “tanong kaagad ni Jeric. Hinde makatitig si Andrew sa mga mata ni Jeric.

“Uh.. Um.. I’m sorry Jeric. Hinde ko sya nailigtas. Nagpa iwan sya kanina at pinapasok nya ako sa loob ng bahay. Sinubukan ko syang tulungan pero sinandal nya sarili nya sa pinto at di ako makalabas. Huli na ng marinig kong nawala na sya. Sorry… “malungkot na tugon ni Andrew.

“Ganun ba. Okay… sige sumakay na kayo.”Malungkot naman si Jeric sa natuklasan. Walang kamalay malay sa totoong ginawa ni Andrew sa magiting na si Cpl Dolfino. Isa nanaman sa kanilang grupo ang nalagas ng infected.

—-

Ligtas na nakarating sa Quezon city general hospital ang grupo kasama ang mga tropa ni Pat. Malaki ang pinagbago ng hospital. Ang dating mala hardin na itsura ng harapan ng ospital ay napalitan ng maraming tents, mga military vehicles, tatlong sentry towers, at mga barikada na gawa sa gulong, sasakyan at mga barb wires. Nagmukhang kampo ng sundalo ang ospital. Marami ring mga civilians ang nasa loob ng compound. Pagka baba nila ay sinalubong sila ng isang matandang lalake na naka uniporme rin. Sumaludo si Pat dito at hinarap sina Jeric. Nanlaki naman kaagad ang mga mata ng opisyal ng makita si Jeric.
By:Balderic
“Well well well. Napakaliit nga talaga ng mundo ano. Sa dinami dami ng taong mapupunta dito, ikaw pa ang natagpuan namin Sargeant Jeric Naval ng Philippine Marine Corps. Ano ang ginagawa ng berdugo ng sulu dito!?”wika ng matandang opisyal. Napatingin naman kay Jeric ang lahat.

“Di parin kayo nagbabago Captain Madarang.”Maikling sagot ni Jeric.

“That’s Major Frederick Madarang to you soldier!”

“Uh sir, marino rin pala itong si Jeric? “napatanong naman si Pat.

“Oo bok! Dati kong tauhan ito si Jeric. Ang isa sa tatlong marinong tinatawag ng mga muslim na berdugo ng sulu!”

“Bakit naman berdugo tawag sa kanya sir? “

“Dahil hinde lang likas na matapang ang mga ito, sila rin ang iilan sa kinakatakutan ng mga terorista sa Mindanao. Marami nang napatay itong si Jeric noon. Masuwerte ka kung mapapatay ka sa digmaan pero kung mahuhuli ka netong kumag nato, hah.. Siguradong mapapadasal ka sa lahat ng klase ng Diyos sa ipapadanas sayo neto. Kakatayin kayo ng buhay! Hinahabol na ito ng mga Human Rights advocates kaya nag awol itong si Jeric.”

Natahimik sina Danny sa narinig. Kaya pala hinde natitinag ng mga infected si Jeric dahil sanay na ito sa patayan. Napalunok na lang sila ng laway.

“War hero pala itong si Jeric sir. Ano naman nangyari sa dalawa pa nyang kasama na berdugo rin? “

“Napatay ang isa samantalang naka piit na sa kulungan ang isa. Eto na lang ang