Also, this story is purely fiction. Any character, place, or events happened in the story that seems to mirror something in reality is just a coincidence. And lastly, any story similar to this one is also a coincidence. That is all. Thank you and enjoy the story.
Previously on Agnas….
Isang misteryosong sakit ang kumalat sa buong bansa at posibleng sa buong mundo ang kumitil ng milyon milyong buhay. Subalit isang nakakakilabot na pangyayari ay ang lahat ng namatay sa sakit ay nabubuhay muli. Naglalakad at kumakain ng mga tao ng mga ito. Hinde sila kaagad nasugpo ng sandatahang lakas at ito ang naging dahilan sa mabilis na pagbagsak ng lahat ng sangay ng gobyerno.
Si Daniel Abante ay kaka break palang sa kasintahan nyang si Nikka Palermo, pero plano nitong makipag ayos sa babae kaya niyaya nya ang kaibigang si Dwayne Tiu para puntahan ang ex nya sa isang party. Subalit nahuli nito ang ex nya na may kasex na lalake si Andrew. Nagkagulo ang grupo pero mabilis na umikot ang pangyayari ng matuklasan nila ang pagkalat ng mga naglalakad na infected.
Kasama ang mga barkada ni Nikka at ni Andrew, napilitan magtago ang grupo sa isang botique kung saan nakilala nila ang isang security guard na si Jeric Naval. Nagpasya sila na umuwi sa kanya kanyang bahay subalit madugong trahedya lamang ang kanilang naranasan. Si Danny naman ay patuloy ang pagdurusa ng mamatay ang bestfriend nyang si Dwayne at ang madalas na pagroromansa ni Andrew sa ex nya.
Nakarating sa Quezon city General Hospital sa ang grupo at dito sila tumira ng ilang araw. Dito nakilala ni Danny si Andrea de Silva, ang head ng ospital. Naging malapit ang dalawa at di nagtagal ay bumuo ng lihim na relasyon.
Nag init naman si Jeric kay Andrew nang matuklasan nito ang ginawang pag iwan ng lalake sa isang sundalong kaibigan nya sa labas kung saan ito nilapa ng mga infected. Dahil dito nagkaroon ng tension ang dalawa.
Isang di inaasahang pangyayari ang kagagawan ni Nikka na naging dahilan ng pagpasok ng mga infected sa loob ng hospital compound. Nagkaroon ng putukan sa loob at nadinig ito ng libo libong infected sa kapaligiran. Di nagtagal ay pinasok na sila ng di mabilang na mga infected. Halos maubos ang mga marino na prumotekta sa ospital. Maging ang mga survivors at pasyente ay inubos ng mga infected.
Bumagsak ang depensa ng compound at nagkalat ang mga infected sa loob. Sa kabutihang palad ay may dumating na dalawang choppers galing sa Villamor Air base ang lumapag sa ibabaw ng hospital building. Mabilis na nakapag evacuate sina Nikka at mga kaibigan nila. Huling umakyat si Danny, Andrew at Jeric.
Paakyat na sa ladder si Jeric nang sipain ni Andrew ang mukha nito at nahulog ang lalake. Gusto mang balikan ni Danny ang kaibigang si Jeric pero sinabihan na ito ni Andrew na patay na si Jeric. Nauubos narin ang oras nila at napilitan silang umalis. Pero laking gulat ng lahat nang makitang buhay si Jeric sa ibabaw ng isang military truck. Injured ito pero magiting na nakipaglaban hanggang sa huling bala ng kanyang mga baril. Dahil sa dami ng infected ay naubusan na si Jeric ng bala. Gamit ang dalawang granada ay sinakrepisyo nito ang buhay at pinasabog ang lahat ng infected na nakapalibot sa kanya.
Galit at puno ng pagluluksang nasaksihan ni Danny ang lahat. Namatay si Jeric sa pagtatraydor ni Andrew at nawalan ang grupo ng isang magiting na mandirigma at malapit na kaibigan.
Episode 1: Seeking Justice
By: Balderic
Two months later….
Matapos ma rescue sina Danny ay dinala sila sa Camp Aguinaldo. Ang kampo na ito ay ginawang stronghold ng iilang sundalong natira na pinamumunuan ni Gen Diosdado Sakay. Sa loob din ng kampo nakatira ang halos isa’t kalahating libong mga survivors na civilian.
Dahil sa kakulangan ng supply at tao, may ilang grupo ng volunteers ang lumalabas ng kampo para mag supply run. Kasama sa mga ito si Danny. Bago pa lamang sya pero napapansin na ng ilang kasamahan nya na medyo bihasa na ito sa pakikilaban ng mga infected. Sina doc Andrea at Andrew naman ay tumutulong sa isang maliit na ospital ng kampo. Ang magkapatid na Erich at Michelle ay tumutulong sa pagbibigay ng mga pagkain at ilang supplies. Si Sheryl naman ay nag aassist sa headquarters na opisina din ni Gen Sakay.
—-
Anim na tao ang binuo at kasama si Danny. Isang routine supply run nanaman ang isinagawa nila. Pagkalabas ng kampo ay nakita kaagad nila sa mga gates ang nakaharang na mga kotse na ginawang barikada. Sinilip nila ang paligid at wala silang nakikitang infected. Maingat na patakbo silang lumabas ng barikada. Naka file formation sila at nasa pinakalikuran si Danny dahil sya ang pinaka bata at pinakamabilis kaya makakahabol sya kaagad kung maiiwan.
Nakakalayo na sila at malapit na sa Ali Mall. May nakitang convenient store ang team leader nilang si Marco. Isang middle aged na lalake at isang ama. Inutusan nya ang grupo na pumunta sa convenient store. Lumapit ang grupo at sinilip ni Marco ang loob. Nagkalat ang mga gamit sa loob. Halatang kakaunti na lamang ang mga pagkain at mga supply dahil sa talamak na looting. Walang napansing infected si Marco kaya pumasok sila. Papasok na si Danny pero pinigilan sya ni Marco.
“Dito kalang sa labas iho. Ikaw lookout namin. Tawagin mo kami kung may makita ka.” Wika ng lalake. Alam ni Danny na ang lookout ang isa sa pinakadelikadong role ng supply run dahil kung hinde nag iingat ang lookout ay mabilis itong mabibiktima ng mga infected. Hinde rin nya pwedeng iwan ang grupo dahil maaari syang parusahan kung malamang iniwan nya ang grupo.
“Tsaka boy walang personalahan ha pero bago ka palang sa grupo eh kaya asahan mong ikaw ang gagawa ng mahihirap na roles hehe.” biro naman ni Carlos isang mid twenties na lalake at kasunod lang ni Danny. Tumango na lamang ang binata.
“Okay ibibigay ko sa inyo ang mga lista ng kailangan natin. Wag kayong magdadala ng mga di kailangan ng grupo na makakabigat sa mga backpack nyo. At mag ingat kayo. Maliwanag?”
“Maliwanag Marco.” Halos sabay na sagot ng apat na kasama nila. Tig iisang papel ang ibinigay ni Marco kung saan nakalista ang kailangan nila. Nagkalat kaagad ang grupo.
Pulot dito kuha doon. Ganito ang madalas na trabaho ng supply runners. At dapat mabilis at alerto sila sa kung ano mang panganib. Ilang minuto pa lamang ay nakakarami na sila. Si Carlos naman ay lihim na pumasok sa pharmacy booth. Naghanap ng ilang pain killer drugs na kung saan addict ito. May nakita syang isang pinto pero may nakatumbang bakal na aparador. Drug supply room ang nakapaskil sa pinto.
“hehehe ayos, makaka abot nanaman ako sa langit nito.” Nakangiti si Carlos.
Sa labas naman ay parang agila ang mga mata ni Danny sa pagtingin ng paligid. May gamit itong isang jungle bolo na bigay sa kanya dati ni Jeric. Hinde pinapadala ng baril ang mga supply runners dahil kailangan nilang umiwas ng ingay at ginagamit ng mga sundalong bantay ng kampo ang mga bala. Lingon sa kaliwa’t kanan si Danny. Madaming abandoned na kotse ang nagkalat sa highway. Ilan dito ay may mga bangkay na halos buto’t balat na lamang ang natira.
“AAAAAHHHH!!!!” Isang malakas na sigaw ang narinig ni Danny sa loob ng convenient store. Napasilip sya sa loob.
“Blam! Blam! Blam!” tatlong putok ng baril ang sumunod at napadapa si Danny nang may tumagos sa salamin sa labas ng store. Gumapang papasok ang binata para tignan ang nangyari.
“Putang ina ka Carlos! Bakit ka nagdala ng baril!?” galit na galit si Marco. Isang nakabulagtang infected na pharmacist ang nasa paanan ni Carlos. Hawak hawak ng lalake ang isang kamay. Inagaw naman ni Marco ang baril at nakitang duguan pala ang isang kamay ni Carlos.
“sorry…sorry Marco….”
“Tang ina ka, nakagat ka!?” napatitig ang iba pa at lumayo kay Carlos.
“Pare wag kang lalapit samin!” sabat ng isa.
“Marco pakiusap tulungan mo ako. Ayokong maging tulad nila!”
“Wala akong magagawa Carlos. Dahil sa katangahan mo, nakagat ka at dinamay mo pa kami!”
“Hinde! Hinde ko sinasadya Marco! Please! Tulungan mo….” “Tssaaggg!!!!” Isang taga sa ulo mula sa likod ang tinamo ni Carlos. Dumanak ang maraming dugo nito sa mukha bago pa ito bumagsak sa sahig. Nakita ng grupo na si Danny pala ang pumatay kay Carlos.
“Fuck! Danny bakit mo sya pinatay!?” sigaw ng isa sa kanila. Hinde sumagot si Danny at pinunasan nya lang ng towel ang blade ng bolo nya.
“Wala na tayong magagawa para kay Carlos. Isa syang tangang nagpakagat sa zombie. Ako na ang bahalang magsasabi sa asawa nya. Tara umalis na tayo.” Wika naman ni Marco.
“KKLLAASSHHH!!!” “UUUOOOHHHHHH!!!!” Nabasag ang mga salamin sa paligid ng convenient store at nakita nila ang napalaraming infected na nakapalibot sa store.
“Holy shit!!!! Marco ang dami nila!!!”
“Napapalibutan tayo!!! Paano tayo makakalabas!?”
“Patayin sila!!!” utos ni Marco. Una itong lumusob sa mga infected na pumasok sa main doors. May gamit itong hatchet. Pinagtataga nya kaagad ang dalawang nakapasok. Sumunod na nakipaglaban ang apat. Baseball bat, hatchet, at machete ang gamit ng tatlo.
Lumaban sila. Lumaban para sa kanilang buhay. Palo at taga sa ulo ang punterya nila. Naka ilan din sila. Kaba at takot ang nasa puso ng grupo. Kaba na posibleng ikakamatay na nila ito at takot sa posibleng madugong kamatayan na sasapitin nila sa mga ngipin ng mga infected. At dahil dito, di nagtagal ay nagkamali ang isa sa kanila.
“Aaaaahh aaaaahhhh tuloooonng tulunga nyo akoooo!!!” sigaw ito ng sigaw habang sapilitang hinila ng ilang infected papalapit sa kanila. Sinimulan itong kagatin sa tenga, leeg, nuo at mga balikat. Nalunod ng ungol ng mga patay ang pagsaklolo ng lalake. Nginatngat ng mga ito ang karne ng kawawang biktima. Nabitawan ang baseball at napahiga ito habang patuloy na kinakain ng buhay.
Nasaksihan ito ng ilan pang natira. Isa nanamang pagkakamali na naging hudyat ng kanilang kamatayan. Tulad nang nauna ay hinila din ang dalawa pa.
“Aaaaahhh aaaahh aaarrgghhh gghhhssskkkkksshhkkk!!!!!!!” di na malaman kung ano ang sinisigaw ng mga ito ng dahan dahang mapunit ang kanilang leeg sa malalakas na kagat ng mga infected. Nilapa ang mga ito. Dinukot ang mga mata. Kinagat ang mga daliri hanggang sa maputol, pinunit ang tenga at ilong hanggang sa halos makita na ang bungo.
“Shit!!! Shit!!!! Putang ina mo Carlos!!! Kasalanan mo ito!!!” napapikit si Marco. Lumapit ang isang infected sa kanya at kumapit. Binuka ang bibig at lumabas ang inaagnas nyang mga ipin.
“Ggrraaahh!!!!” “Sshraakk!!!” Isang saksak ng jungle bolo mula sa panga at lumampas sa bumbunan ng infected ang tinamo nito. Hinugot ito ulit at itinaga sa ulo ng isa pang papalapit na infected.
“Danny!?”
“Umakyat tayo sa kisame mang Marco. Trapped na tayo dito!” tinuro ni Danny ang isang nakabukas na parte ng kisame sa bandang likuran ng store. Hinila nya si Marco at tumakbo sila kaagad.
“A-akala ko patay ka na rin.”
“Wala na tayong oras sa usapan. Umakyat na ho kayo.”
“O-oo oo iho!” tumungtong sa isang lamesa ang lalake at umakyat. Prinotektahan naman sya ni Danny. Nakapatay pa ng isang infected ang binata. Dumating pa ang isang babaeng infected na halos nahubaran na. Tinaga ito ni Danny sa leeg. At sa sobrang bilis ay napugutan ito kaagad. Pagkabagsak ay may dumating pang dalawa. Naghanda kaagad si Danny.
—-
Busy si Sheryl sa pag aayos ng ilang records sa labas ng opisina ni Gen Sakay. Lumapit sa magandang dalaga ang isang opisyal na babae, si 1lt Elena Banda. Isa ito sa mga main staff ni Gen Sakay. May dala pa itong ilang mga papeles at malugod na tinanggap ni Sheryl.
“Kanina ka pa dyan ah, halika samahan mo muna ako mag meryenda sa canteen.” Naka ngiti si Elena.
“Sige maam susunod nalang ako. Tapusin ko lang ang pag arrange neto.”
“Alam mo, natutuwa si sir Sakay sayo eh. Bago ka palang dito at volunteer pa pero talagang masipag ka ah.”
“Naku salamat po maam pero di ko na po pinapansin ang pagod. Nagpapasalamat nalang ako sa bawat araw na buhay ako. Sa totoo lang, hinahanap hanap ko talaga itong trabaho para at least minsan eh makalimutan ko ang takot at sakit na dinanas ko sa labas.”
“Hmm narinig ko nga kamakailan kay doc Andrea na talaga raw matinde ang dinaanan nyong hirap bago pa kayo makarating sa QC Gen eh.”
“Bago palang kami makarating dito, umasa akong dito ko makikita ang pamilya ko pero… pero…. Oh Diyos ko…” naluha na si Sheryl. Naalala nito ang pamilya nyang namatay at hinde na narescue pa. Lumapit sa kanya si Elena at hinimas himas ang likuran nya.
“Tama na yan. Ang mabuti pa mamaya after natin magtrabaho punta tayo malapit sa Army mall at may tinayong inuman dun ang tropa. Ano sa tingin mo?”
“Sige…mamaya…” naiilang na ngiti ang pinakita ni Sheryl kay Elena.
—-
“Uuaaaaahhhhh…..hhuuuuurrrrhhhh….” matunog na mga ungol ng mga infected ang bumalot sa loob ng convenient store. Napasok na ng maraming infected ang store at karamihan sa kanila ay pinagpepyestahan ang mga wala nang buhay na katawan ng apat na kasamahan nila Danny at Marco.
Ang iba naman ay nakatingala at inaabot ang kisame. Nakadapa sa loob ng kisame ang dalawa at nakatingin sa ibaba. Nakapako ang mga mata ng mga infected sa kanila na gusto silang abutin.
“Shit! Trapped na tayo! Paano na ito!?” Nababagabag na si Marco. Kung may sakit lang ito sa puso ay kanina pa ito inatake sa sobrang kaba. Pina ilawan nya gamit ang flashlight ang paligid. Tinignan ang lahat ng sulok ng kisame sa pwede nilang pagdaanan. Pero nabigo ito.
“Tang ina wala na talaga tayong madaanan. Anong gagawin natin?” tumingin sya kay Danny na kapansin pansing kalmado lang.
“Maghintay tayo ng dilim. Habang nakikita nila tayo ay di sila aalis dito.”
“Dapat pala magtago muna tayo para di tayo makita. Tara dun tayo sa may sulok.” Pina ilawan ni Marco ang isang sulok ng kisame at gumapang sya. Sumunod naman si Danny.
Di pa sila nakakalayo ng biglang bumagsak ang kisame.
“Krasshh!!!” “Aaahh Danny tulungan mo ako!!” Nakakapit si Marco pero nakabitin ang mga paa nya. Mabilis na lumapit ang ilang infected na di nabagsakan ng kisame. Gustong hawakan ang mga binti ni Marco.
“Aahh kakainin nila ako! Bilisan mo tulungan mo ako iho!” pinagsisipa ni Marco ang mga humahawak sa paa nya. Lumapit naman si Danny para hilahin si Marco. Pero bumigay ng tuluyang ang kisame at parehong bumagsak sa sahig ang dalawa kasama ang kisameng binagsakan din ang ilang infected.
“Aauugghh…putaaaa…” ungol ni Marco ng tumayo ito. Masakit ang panga a…