Agnas II (Episode 2)

Author’s Note: This story may not be used, or copied by anyone without the permission of the original author Balderic. It may be a free shared story but still respect the original author and be a civilized person. So don’t steal and claim it as yours. I may not be able to take legal actions against you but every reader knows you’re nothing but a thief.

Also, this story is purely fiction. Any character, place, or events happened in the story that seems to mirror something in reality is just a coincidence. And lastly, any story similar to this one is also a coincidence. That is all. Thank you and enjoy the story.

Episode 2: Evil Within
By: Balderic

Isang matandang lalake na medyo katabaan at may kasamang dalawang bodyguards ang pumasok sa headquarters ni Gen Sakay isang umaga. Naka suot ito ng puting polo at dark brown na slocks. At sapatos na ubod ng kintab. May clouded dark glasses din ito at may tabacco.

Pumasok ito sa opisina at naabutan si Sheryl na naka upo sa harap ng desk nya. Lumapit ang lalake at nilapag ang kamay sa mesa.

“Talagang ang ganda ng umaga kapag nakikita kita iha hehehe. Ang mabuti pa siguro eh lumipat ka nalang sa akin magtrabaho. Siguradong magiging maligaya ka dun hehehe.”

“Naku sir okay na po ako dito. Mas komportable ako dito magtrabaho.”

“Ah ganun ba iha hehehe naku eh mas okay sakin kasi kahit ano pang kailangan mo eh maibibigay ko basta magsasabi ka lang.”

“Ang kailangan ko lang naman ho eh peace of mind.” Medyo mataray na ang titig ni Sheryl sa matanda.

“Ang aga-aga naman nyang pang haharass nyo senator Buendia.” Lumapit sa likuran ng matanda si Elena. Nagulat ang mga bodyguards at hinarang ang babaeng opisyal.

“Nakakagulat ka naman liutenant Banda.”

“Ano pong kailangan nyo sir?”

“Ah ehem…ano bale pumunta ako rito para kausapin si General Sakay. Nariyan ba sya?” sabay ayos ng kwelyo ng polo nya.

“Nasa loob ng office nya sir. Pasok nalang kayo.”

“Ah sige sige…salamat.” Pumasok si Sen Buendia sa opisina at kasama ang dalawang asungot nya.

“Okay ka lang?” lumapit naman si Elena kay Sheryl. Tumango ang dalaga at nginitian si Elena.

—-

Pagpasok palang ni sen Buendia ay nakita na sya kaagad ng matandang general. Tinuro ang isang upuan at dito tumungo ang senator.

“Anong maipaglilingkod ko sa inyo senator?”

“General Sakay di na ako magpatumpik tumpik pa. Naparito ako para alamin kung ano na ang balita nyo sa palasyo. Kelan darating ang tulong mula sa presidente?”

Napa himas ng nuo na medyo napapanot na si Gen Sakay. Malalim ang buntong hininga neto. Inayos sandali ang salamin na may grado.

“Wala pa akong natatanggap na impormasyon simula nung huling broadcast. As far as I know nasa Hawaii pa ang presidente at hopefully ay ligtas sya.” Kalmado nitong sagot na may halong pagka dismaya.

“So that’s it then. In short bagsak ang gobyerno natin. Since ganun parin pala ang sitwasyon why not gumawa tayo dito ng temporary government system para mas maipagtibay natin ang stronghold. Tayo tayo na lamang ang naririto at kailangan nating magka isa. And syempre hehe, since ako naman ang natitirang nasa mataas na posisyon eh ako na muna ang mag te take over ng kapangyarihan. Para naman din ito sa ikaka-ayos ng ating kabuhayan dito. Kasi sa totoo lang, natatakot ang mga tao na naninirahan dito dahil militar ang nagpapalakad Gen Sakay. Para mapakalma ang kanilang kalooban eh mas makakabuti pang isang taong hinde sa militar ang point of view tama ba.”

“I cannot give the authority to you unless appointed by a higher body sir Sen Buendia. We all know na buhay pa ang ating bise presidente at naroon lamang sila sa CCP naka posisyon. Hinde lang sila makalabas at makabigay ng utos dahil wala pang kompermasyon kung nasaan ng presidente at wala na rin tayong communication sa kanila.”

“Ano!? Eh hinde nga tayo sigurado kung buhay pa sila eh! Accept the fact na nag iisa nalamang tayo Gen Sakay.”

“Nasa martial law status ang buong bansa senator. Hinde ko pwedeng isuko ang pagmamahala ng buong kampo sa isang politiko. Isa itong military reservation….”

“Na pagmamay ari ng gobyerno Gen Sakay!” mabilis na singit ni Sen Buendia at halatang iritado na.

“Look here, wether you like it or not ako na lamang ang natitirang pwedeng magpamahala ng lugar na ito. ISA AKONG ELECT OFFICIAL SO TREAT ME LIKE ONE!!!!”

“BLAG!!!” sabay palo ng kamay nya sa lamesa ni Gen Sakay.

“With the way are Senator. I don’t think you are capable of being a leader who is untrained in military tactics and combat. In case you have forgotten this sir but we are at war against enemies we cannot defeat! My men are dying out there and I cannot afford to lose anymore! Now, if you have nothing else to tell me then get out of my office right now.”

“What!? How dare you talk to me like that! Hoy Sakay ito ng tatandaan mo, kung makakabalik ang gobyerno ay sisiguraduhin kong mawawalan ng saysay ang career mo bilang isang sundalo. Tatandaan mo yan.”

Lumabas na si Sen Buendia at kasunod ang dalawa nitong tauhan. Ilang sandali pa ay pumasok naman si 1Lt Banda at humarap kay Gen Sakay.

“Mukhang galit na galit nanaman sa inyo si sen ah sir.”

“Hayaan mo na yung matandang yun.”

“Ano kaya kung pagbigyan nyo na lang sir. Tutal senato naman yun.”

“Yun!? Wag na ui! Alam ko ang baho ng taong yan. Kaya lang nakaligtas yan ay iniwan nya ang mga natitira nyang tauhan at nagtago na lang habang nag buwis buhay naman ang iba sa pagtulong ng mga tao.”

“Ganun po ba sir? Sabagay sa itsura palang nya eh di mo na mapagkakatiwalaan hehehe.”

—-

By: Balderic

“BAKOOOOMMM!!!!” isang pagsabog ang narinig ng mga sentry duty sa isang gate ng kampo. Di nila ito makita pero alam nilang di ito masadong malayo.

“Ano kaya yung pagsabog nayun?” tanong ng isang gwardya na sundalo.

“Baka mga zombies lang na may magalaw na kung ano. Gas leak siguro. Hayaan mo na yun. Nakarinig na ako dati ng ilang pagsabog dito nung mga nakaraang linggo pero wala namang masyadong nangyayari.” Sagot naman ng isa na naka upo lang sa loob ng post.

Samantala maitim na usok naman ang umaakyat papuntang langit na nagmumula sa gusaling nawasak. Sa isang floor ay naroon at nakatayo ang isang taong naka poncho habang sinisilip ang nasa ibaba kung saan may isang dambuhalang infected na nagkalasog lasog ang katawan ng ito ay mahulog sa gusali.

Sa paligid naman ng naka poncho ay nasusunog ang ilang mga katawan ng mga infected at isang tanda ng matindeng laban na kakaganap pa lamang. Dinaanan nya lamang ito at bumaba ng hagdan.

Isang commercial building ang pinasukan ng naka poncho. Sa pinakababa ay may isang convenient store na may nakacover na shutters. Gamit ang isang susi na nakuha nya sa itaas ng gusali ay nabuksan nya ito. Itinaas nya ang shutter at gumawa ito ng nag eecho na ingay sa hallway. Tumingin sya sa paligid pero wala syang nakita kaya pumasok na sya sa store at binuksan ang flash light nya.

Nadatnan nya ang maraming snacks, sandwiches na inu-uod, mga canned foods, softdrinks at ilan pang mga products. Mabilis syang naglabas ng bag at kumuha ng mga canned foods.

Ilang metro sa kinatatayuan nya ay may tila nagmamasid sa kanya at dahan dahang lumalapit. Abala ang naka poncho sa pagkuha ng mga pagkain at di namamalayan ang papalapit sa kanya.

“Click!” isang kalabit ng handgun ang narinig nya at nakatutok sa likuran ng ulo nya.

“Wag kang gagalaw ng masama at ibigay mo sakin yang mga de lata, bilis!” wika ng isang lalake na balbas sarado at mukhang di pa naliligo dahil sa rumi ng t shirt at jacket. May bag din itong dala.

Itinaas ng dahan dahan ng naka poncho ang mga kamay nya. Akma itong lilingon.

“Wag ka nang lumingon gago! Damputin mo na yang mga de lata at ilagay mo sa gilid. Madali ka kundi pasasabugin ko yang bungo mo!” banta pa ulit ng lalake. Dinig ng naka poncho ang panginginig ng kamay ng lalake. Dalawa lamang ng posibilidad nito. Kinakabahan ito o di naman ay napapagod sa pagtutok ng baril. Nag antay pa ang naka poncho. Nag aantay ng tamang sandali.

“Di mo ba ako narinig!? Sabi ko…” idinikit nito ang baril sa batok ng nakahood na nakaponchong tao. Tandang pananakot at pagsandal ng kamay dahil pagod na sa kakatutok.

“BLAM!!!” Isang mabilis na ikot paharap sabay ilag sa barrel ng baril ang ginawa ng naka poncho. Nakalabit ng lalake ang baril pero di tinamaan ang naka poncho.

Nagpanic ito. Kita sa mga mata nya ang pagkabigla. Mabilis na nahawakan ng nakaponcho ang baril at pinilipit ang kamay ng lalake. Dahil nasa loob pa ng gatilyo ng daliri ay nadala ang katawan nito sa pagpilipit dahil sa sakit. Isang mabilis na chopping hand sa braso ang ginawa sa lalake at tuluyang nabitawan ang baril. Kasunod pa ang isa pang chopping hand sa leeg sabay sa sipa sa gilid ng tuhod ng lalake.

“Pak Krak!!!” “Aaarryghh!!!” napahawak sa leeg ang lalake gamit ang isang kamay lang dahil di pa binibitiwan ang isa ng naka poncho. Napaluhod din ang isang tuhod nito.

Mabilis pumunta sa likuran ng lalake ang misteryosong naka poncho at kasama ang kamay nito na mas pinilipit pa at akmang babaliin.

“Aaahhhh!!!”

“Wag po!! Itaaayy!!!” isang batang lalake ang sumigaw mula sa likuran ng naka poncho. Napahinto ito at tinignan ang bata na mabilis lumapit at niyakap ang kawawang ama na halos di na maka galaw.

“Wag po…maawa po kayo kay itay huhuhu….” paki usap ng bata. Patuloy ang pagluha nito habang nakatingala sa naka poncho. Wala itong makita dahil naka suot ng gas mask ang naka poncho.

“Enrico!!! Enrico!!! Huhuhu bitawan mo ang asawa ko!!” isa namang babae na mukhang mid 30’s ang pumasok sa store. Di ito makalapit pero nagmamakaawa sa naka poncho.

Bumunot ng baril na may silencer ang naka poncho at tinutok sa babae. Dahan dahang nagtaas ito ng kamay. Ginalaw galaw ng naka poncho ang baril na tila may sinasabi.

“Wa…wala akong baril huhuhu pakawalan mo na ang asawa ko….naghahanap lang din kami ng pagkain….nagugutom na kaming pamilya huhuhu….” pagmamakaawa pa ng misis.

Binitiwan ng naka poncho ang lalake at kinapkapan ito. May isang kutsilyo itong nakuha at nilapag sa malayo. Lumapit sa babae at kinapkapan ito. Wala itong sandata. Dito na lumapit ang misis sa asawa at anak nya. Nagyakapan silang pamilya. Ang nakaponcho naman ay lumabas sandali at tinignan ang paligid kung may iba pang tao. Bumalik ito nung walang makita.

“Patawarin mo ako….gusto ko lang mabigyan ng pagkain ang pamilya ko. Natatakot lang akong masama kang tao kaya tinutok ko na ang baril ko. Pakiusap pakawalan mo nalang kami at dika na namin gagambalain pa.” Takot ang boses ng ama na nakaluhod at yakap ang asawa at anak.

Lumapit ang naka poncho at naghalungkat pa ng mga canned foods. Nakatitig lang sa kanya ang pamilya. Ilan sandali pa ay lumapit ito. Nilapag ang dalawampong de lata sa harap ng pamilya. Kasama ang ilang cheese at tubig na di pa expired.

“Pa…para sa amin ito?” tanong ng misis. Di sumagot ang naka poncho.

“Sa…salamat… salamat sayo…Diyos ko…isa kang hulog ng langit….maraming salamat huhuhu…” mangiyak ngiyak ang ama habang pinulot isa isa ang mga pagkain na nilagay nya sa bag.

Kumuha ng papel at ballpen ang naka poncho at tila may sinulat. Saka ibinigay sa ama ito. Isang naka drawing na mapa mula sa store papunta sa Camp Aguinaldo at may nakalagay na salitang Safe Here sa kampo.

“Talaga? May mga tao sa camp aguinaldo at di sila masasama!?” paglilinaw ng lalake. Tumango lang ang naka poncho. Nagtinginan ang mag asawa at nagyakapan. Pag tingin nila sa harapan ay wala na ang naka poncho na parang bulang natunaw.

—-

Sa loob ng gate at halos inaantok na ang mga duty ng lumapit si 2Lt Patroclus Trinidad na dating kasama nina Danny sa QC Gen at isa na sa mga sentry officer duty ng Aguinaldo. Tayo kaagad ang dalawang duty.

“Good afternoon sir!!” bati ng dalawa sabay saludo.

“Anong updates dito?”

“Ah okay lang ho sir. Tahimik naman. May nakita kaming ilang zombies pero di naman pumasok sa barikada.”

“Ah mabuti kung ganun.” Sumisilip si Pat sa paligid ng may nahagip itong papalapit.

“Guards! Maghanda kayo may mga tao!” sigaw ni Pat at mabilis na kumilos ang mga sundalo. May lumabas pang apat at magkasabay na tinutukan ng baril ang papalapit.

“Sandali! Wag kayong magpapaputok!” sigaw ng isang ama at kasama ang mag ina nya.

“Sino kayo at ano kailangan nyo dito!?” hamon ni Pat sa pamilya.

“Ah…mga surivors lang kami sir. Wala po kaming masamang intensyon. Humihinge lang kami ng tulong.”

“Paano nyo nalaman ang lugar na ito!? Walang taong buhay ang may alam na may mga tao pa rito sa loob ng kampo.”

Nagkatitigan sandali ang mag asawa.
“ah isang taong naka poncho po. Mukhang militar din tulad nyo. Binigyan nya kami kanina ng pagkain at tinuro ang lugar na ito. Ang sabi nya ligtas daw dito.”

“Naka poncho? Sinong naka poncho? Wala kaming tauhan na nasa labas mag isa at naka poncho.”

“Ha? Eh sir…di po kami nagsisinungaling. Yun po talaga ang tumulong sa amin. Ito po ang ginawa nyang mapa sa papel at sulat kamay nya!” itinaas nito ang isang papel.

“Coveran nyo ako baka may kasama ang mga yan. Lalabas ako. Alerto lang kayo.” Utos ni Pat sa mga tauhan nya at bum…