Maghahating-gabi na sila dumating. Ang tipikal na mahigit dalawang oras na byahe lamang ay inabot ng siyam-siyam dahil sa dami ng nakasabay nilang naghahabol makalabas ng kamaynilaan. Matyaga silang inantay ng caretaker at ng misis nito. Mabuti at napalinisan ang bahay, lahat ng mga kurtina at kobre ay bagong laba at palit kaya’t maayos silang nakapagpahinga.
Mga huni ng ibon ang gumising sa kanila. Iba talaga ang simoy ng hangin sa probinsya, sariwa at presko. Bukod sa walang polusyon, hitik sa puno at halaman ang paligid. Hindi mo na kailangan magbukas pa ng aircon dahil sapat na ang hanging pumapasok sa malalaking capiz na bintana na pinapaikot ng mga ceiling fan upang magsilbing bentilasyon ng kabahayan.
Makailang beses na din silang nakapagbakasyon sa ancestral house nila Dennis ngunit ito na marahil ang magiging pinakamatagal. Dati ay mahaba na ang isang linggo kung makauwi sila tuwing Mahal na Araw o Undas. Dahil sa pumapasok si Diane, kadalasan ay ilang araw lang sila namamalagi doon. Bahay iyon ng lolo sa tuhod ni Dennis na dating mayor ng kanilang bayan, doon sya lumaki kasama ang dalawa nyang ate na may kanya-kanya na ring pamilya at bahay ngayon. Wala na ang kanilang mga magulang kaya’t nagsilbi na lamang iyong bakasyunan nila at ng mga umuuwing kamag-anak mula sa Maynila, o kaya ay venue ng mga reunion ng kanilang angkan.
Gawa sa bato ang ground floor kung saan naroon ang bodega, labahan, dirty kitchen at quarters ng kanilang katiwala kasama ang pamilya nito. May malapad na hagdanan patungo sa ikalawang palapag, ang main house. Yari iyon sa kahoy, may malalapad na wood panels sa sahig, mataas ang ceiling, at napapalibutan ng naglalakihang bintana paikot. Malalaki ang cut ng apat na kwarto at pawang antigo ang mga kagamitan at muwebles maging sa sala at komidor. Mula sa sala ay may malalaking pinto na nabubuksan upang kumonekta sa balkonahe.
“Tulungan ko na po kayo manang.” presinta ni Diane sa maybahay ng katiwala habang naghahalo ito ng sinangag.
“Ay hinde, ako na to! Minsan lang kayo mauwi kaya dapat nagrerelax kayo lalo’t busy kayo sa trabaho nyo sa Maynila eh.”
“Nako sanay naman ho kami sa gawain, kami-kami lang din naman kumikilos sa bahay.” sagot ni Diane habang naglalatag ng mga plato sa lamesa nang mapabaling sya sa may hagdanan.
“Nay eto na oh. Ay, good morning ate.” bati ng matangkad na binatang may dalang basket ng mga hinog na mangga habang paakyat ng hagdan.
“Ah Diane, tanda mo ba si Bong, bunso namin? Bihira nyo makita yan dati at dun sa kapatid ko nauuwi yan madalas eh.”
Inilapag ni Bong ang mga mangga sa lamesa saka binunot sa bulsa ang cellphone nito.
“Pag may ipapagawa kayo, utusan nyo lang yan. Kaso panay asa basketbolan yan! Kung andyan man, nakadukdok sa cellphone. Puro ML at FB kasi eh.” litanya ng ale.
“Nanay talaga oh.” napapahiyang sagot nito habang kakamot-kamot ng ulo.
“Hello Bong, binata ka na ah! Nako ganyan ata talaga mga kabataan ngayon manang, panay Youtube at Tiktok din.”
“Ang galing mo ate, alam na alam mo ah. Te, pwede ba tayong magselfie? Fe-flex ko lang sa group chat namin hehe”
“Ahh, o-oh sige.” Agad itong tumabi kay Diane na game namang ngumiti sa camera.
“Ayos, thank you ate! Sige andyan lang ako sa baba ha. Tawagin nyo lang ako pag may kailangan kayo.” at bumaba na ito habang nakayuko at abalang nagdudutdot sa cellphone.
Iyon na pala si Bong, ang binatilyong nakikita-kita nya doon nung magnobyo pa lang sila ni Dennis. Di nya agad nakilala, dati kasi ay payatot pa ito at halos kasing tangkad lang sya ni Pam. Ngunit ngayon ay tumangkad at mas lumaman na ang katawan, marahil dahil sa kalalaro ng basketball at pagtulong-tulong din sa farm ni Greg. Magkaklase sila ni Pam nung highschool though mas matanda ito ng isang taon kay Pam, nahinto kasi ito dati sa pag-aaral dahil sa kakapusan. Ngayon ay kumukuha daw ito ng short courses sa TESDA at nagbabalak na makapag-abroad.
Maya-maya ay dumating na si Dennis na pawisan mula sa pagja-jogging. Pagka-akyat ng hagdan ay nagkatinginan sila ni Diane bago sya pumasok ng kwarto ngunit di sya kumibo.
“Kain na.” tipid na anyaya ni Diane, agad na ibinalik ang tingin sa ginagawa at tuloy lang sa paghihiwa ng pisngi ng mangga. Halatang masama pa din ang loob sa mistulang pangingidnap ni Dennis sa kanya.
“Ligo lang ako.” matipid ding sagot ni Dennis.
Matapos makapaghain ay bumaba na si manang upang asikasuhin ang iba pa nyang gawain. Kahit anong paanyaya ng mag-asawa ay sanay na silang tinatanggihan saluhan ng mag-anak, masaya na ang mga itong pagsilbihan sila at asikasuhin tuwing nagbabakasyon doon.
Kahit dadalawa silang nag-almusal ay halos wala pa ding imikan sila Dennis at Diane. Kung may magtanong man na isa sa kanila ay maigsing sagot lang ang itutugon ng kabila, kay JR na lang itinuon ni Diane ang atensyon habang sinusubuan ito.
Nadinig nila ang malakas na tahol ng kanilang aso, galit na galit at tila gustong manlapa. Napalingon sila sa hagdan, maya-maya’y nasilayan nilang pumapanhik si Greg kasama ang mga anak nito. Nakabuntot sa kanila si Tata Kaloy, ang caretaker nila Dennis na nagtatrabaho din sa niyugan ni Greg, may bitbit na isang buwig ng bagong pitas na buko.
“Sabi ko na nga ba eh, basta tumahol ng ganon aso ko, ikaw nakita eh. Upo na kayo pre, saluhan nyo kami oh, madaming niluto si manang.”
“Sige lang pre, katatapos lang din namin. Nako-umayos-ayos yang aso mo pre, nasa teritoryo ko sya. Baka maging azucena yan, pulutan bagsak nyan dito hahaha!” kantyaw ni Greg habang nauupo sa kabilang side ni Dennis sa mesa at sa harapan ni Diane.
Napasulyap sya sa kumare, gayon din si Diane sa kanya. Kahit nangungusap ang palitan ng tingin ay pinipilit nilang kumilos ng normal sa harapan ni Dennis.
“Kape?” tanong ni Diane.
“Nagkape na ko mare eh, pero sige.”
Tumayo si Diane upang ipinagtimpla ang kumpare, dumukwang at ilapag sa harapan ni Greg ang puswelo habang hinahalo iyon ng kutsarita, saka muling naupo sa harapan nito. Di maiwasan ni Greg na tigasan agad kahit sa suot na V-neck shirt at maigsing shorts ni Diane dahil sadyang may hang-over pa din sya sa namagitan sa kanila nung nakaraang gabi.
“Bless po ninong… ninang…” bati ni Kyle nang lumapit kay Dennis at Diane upang magmano.
“Weh nakikininong, di ka naman inaanak.” pang-aasar ni Pam sa kapatid.
“Paki mo ba. Arte mo.”
“Panget.”
“Mas panget ka.”
“Oh tama na yan, mamaya pikunan na naman.” saway ni Greg sa dalawa.
“Haha eh pano Pa, pikon naman talaga yang si Kyle eh. Di gaya nitong si JR ang bait-bait, pogi pa. Di ba JR noh?” bati ni Pam sa kinakapatid, at kinuha nito ang mangkok mula kay Diane upang sya na ang magsubo dito.
Pagkatapos nilang mag-almusal tuloy lang ang kwentuhan nilang magkumpare sa dining habang nagmimismis si Diane, nasa may sala naman ang magkapatid habang nilalaro nila si JR. Kahit mabilisan lang ay nahuhuli ni Dennis ang mata ng kumpare sa sumusulyap ng tingin sa pwetan ni Diane habang nag-uurong ito sa lababo. Gaya nung nakaraang gabi, napapangisi at nakakaramdam ng libog na makitang pinagnanasaan pa rin ng kumpare ang kanyang misis.
“Pre sinusundan ata kayo ng corona ah, may cases na din daw dito.”
“Kaya nga pre, buti sa Batangas City pa lang, malayo-layo pa dito satin. Baka pag tumagal, pati dito mag lockdown na din eh.”
“Aba edi mas maganda, mas matagal kayong lalagi dito.”
Matapos makapagligpit ni Diane sa kusina ay nagpatulong si Dennis kay Greg magpanik ng kanilang mga gamit mula sa sasakyan. Nalimutan nyang iutos iyon kanina kay Kaloy, na nakaalis na upang pumasok sa trabaho sa plantasyon ni Greg.
Maging si Bong ay nagkusa ding tumulong. Matapos nyang maipanik ang isang kahon ng groceries sa kusina ay tumabi ito kay Pam sa sala.
“Uy Pamelawan, nakabakasyon ka din pala. Gumaganda ka ah, iba talaga pag sa Maynila nag-aaral eh noh, nagmumukhang tao hahaha”
Marahil ay namula ang kanyang mukha dahil dama ni Pam ang pag-init ng kanyang pisngi sa pambobola ng dating kaklase. Maging si Bong naman ay napansin nyang mas gumugwapo habang nagbibinata.
“Napaka mo noh? Kahapon pa ko nakauwi, nauna kami ni Papa. Hoy, ano yung pinost mo sa GC aber?”
“Alin? Ahh, yung picture namin ni Ate Diane? Baket, selos ka? Yiieee!” kantyaw ni Bong sabay sundot sa tagliran ni Pam.
“Haha ano ba! Duh, bat ako magseselos? Tsura mo. Papicture ka pang nalalaman kay ninang, masyado kang feeling close.” sagot ni Pam sabay pabirong irap sa kaklase.
“Sige na nga. Payag na ko, selfie din tayo. Yun lang pala gusto, nagmamaktol pa eh.”
“Haha Hoooy! Kapal mooo!”
Tuloy ang asaran at harutan ng dalawa sa sala habang sige ng pose, minsan ay phone ni Bong ang gagamitin, misan naman ay sa phone ni Pam sila magseselfie. May pagkakataong aksidenteng nasasagi ni Bong ang gilid ng suso ng kaklase ngunit tila wala naman iyon kay Pam kahit nagkakakiskisan din ang kanilang mga hita sa paghaharutan. Tahimik lamang na nakamatyag sa kanila si Dennis.
“Bong, may mga ipapanik pa.” pasimpleng sita ni Dennis sa binata habang pababa sya ng hagdan.
“Opo kuya!”
“Oh dyan ka nga muna Ms. Selosa.” at iniwan na nito ang kaklase at dali-daling pumanaog.
Abala naman si Diane na nagsasabit ng mga hinanger na damit sa cabinet ng magulat sya sa boses ni Greg na nakapasok na pala sa loob ng kanilang kwarto hatak ang isa pang maleta.
“San lalagay to mare?” tanong ni Greg at ipinulupot nito ang isang braso sa bewang ni Diane at inilapat ang katawan sa likuran nito, pilit isinisiksik ang matigas na uten sa hiwa ng matambok na pwet ng kumare na nakabakat ang panty line sa suot na maigsing puting shorts.
“Ay pare ano ka ba, madatnan tayo ni Dennis!” bulong nito sabay hulagpos sa pagkakayapos ni Greg habang kabadong nakalingon sa pinto.
Napadukwang si Diane sa bintana upang silipin ang mister na nakita nyang abala pala sa mga binababang gamit sa sasakyan kasama si Bong, saka lang sya nakahinga ng maluwag.
“Kaw lang eh, masyado kang nerbyosa. Di ka pa pala-kape nyang lagay na yan?”
Numakaw ng halik sa pisngi ni Diane si Greg sabay tapik sa pwet ng kumare at lumabas na ito ng kwarto, nakangisi dahil ang kinaiinggitan nyang ginagawa ni Dennis kay Diane sa kanyang harapan ay nagagawa na din nya sa kumare.
Matapos maibaba ang lahat ng gamit ay nagpaalam na din ang mag-aama. Nag-aya si Greg sa kanilang bahay kinahapunan para sa konting salo-salo, nagpakatay daw sya ng baboy at kambing bilang pahabol na celebration ng kanyang birthday at pa-welcome home na din sa mag-anak ng kumpare.
Bago magtanghali ay nagdatingan naman ang mga ate ni Dennis kasama ang kani-kaniyang pamilya para sa isang pot luck lunch. Tuwang-tuwa ang mga pamangkin ni Dennis na makita ang kanilang bunsong pinsan na madalang nila makasama.
Hindi pa rin gaano nagkikibuan ang mag-asawa, mabuti na lamang at di iyon halata dahil kapwa din sila abala sa pakikipagkwentuhan sa mga bisita. May tampuhan man ay di nila iyon pinapahalata, ngunit di maiwasan ni Diane na mag-iba ang aura sa tuwing mababanggit ng mga hipag ang tungkol sa kanyang trabaho. Mabigat pa din ang loob sa pwersahang pagtalikod nya sa sinumpaang tungkulin.
————————-
“Aba’y sino ereng parating? Ala eh, kaganda nung kasama ah mestisa.” banggit ng isa sa mga kumpare ni Greg habang ina-adjust ang suot na salamin at inaaninag kung sino ang mga parating.
Napalingon ang magkakainuman sa direksyong tinatanaw ng kasama. Wala pa silang sampu na nababad mag-inom, ang iba ay mga kumpare din ni Greg, may mga kaklase nung highschool, at ilang trabahador sa plantasyon. May ilang bisita gaya ng mga pinsan nya na dumarating at napapatagay nila ngunit di rin tumatagal at umaalis din. Kung sinong makita sa daan ay tinatawag nila upang sumaglit at tumagay.
Makapananghali pa lang ay nag-set-up na sila sa open cottage sa harap ng bahay nila Greg. Dinig sa malayo ang boses ng lasing na kumakanta sa videoke, kandabulol na sa pagbirit habang naghihiyawan sa tawanan at kantyawan ang mga kasama. Ang iba naman ay abalang nag-iihaw ng pulutan at naglilitson ng ulo ng baboy.
“Ayan na pala yung mag-anak.” banggit ni Tata Kaloy.
“Ah si Dennis pala eh, umuwi pala sila?” sagot ng isa pa nilang kainuman.
“Oo kagabi lang. Lockdown na mamayang hating gabi ang Metro Manila di ba?” sagot ni Greg habang pumapapak ng barbecue at saka kumaway kila Dennis.
“Eh di isang buwan pala sila dito satin, ayos. Madami-daming inuman yan!”
Mga sampung minutong lakad lang ang layo ng bahay nila Dennis kila Greg, hindi na sila nagdala ng sasakyan tutal ay malapit lang at para makapagtingin-tingin na din sa paligid. Pahapon na nang makapunta ang mag-anak, tipid na tipid pa rin ang imikan ng mag-asawa.
Malayo pa lang ay matatanaw na agad ang bahay nila Greg, lutang na lutang kasi ang puting kulay niyon sa luntiang paligid. Modern meets country ang disenyo ng bahay. Mula sa materyales at disenyo ay kahawig din iyon ng mga modernong bahay na makikita sa mga gated subdivision ngunit may kadikit itong kamalig na imbakan ng mga iba nilang ani. Mas malawak ang bakuran nila Greg, marami ding puno sa paligid at tanim na gulay, may mga kulungan din ng alagang hayop sa likod.
“Mukhang nakakarami na kayo ah!” bati ni Dennis sa mga nagkakasiyahang nag-iinuman pagpasok nila ng bakuran nila Greg, at inilapag nito sa mesa ang bitbit na bote ng alak.
“Yun! Masasayaran din lalamunan namin ng imported.” “Pre, musta!” “Andito na Manilenyo!” “Tagay na pre!” bati naman nila.
Kahit sya ang kinakausap ng mga ito ay pansin ni Dennis na lahat ng mata ay nakay Diane. Syempre ay nakaramdam sya ng pagmamalaki sa mga tingin ng paghanga na ipinupukol ng mga ito sa misis lalo’t alam nya kung paano mag-isip ang mga ito. May ibang epekto talaga sa kanya kapag nakikitang pinagnanasaan ng ibang kalalakihan ang kanyang asawa.
“Pare, belated.” bati ni Diane sabay abot ng kahon ng cake kay Greg ng may matamis na ngiti.
Humulagpos si JR sa pagkakahawak ni Diane sa kamay nito nang may makitang mga manok sa bakuran at tuwang-tuwang hinabol ang mga iyon. Agad naman syang sinalubong ng kanyang Ate Pam upang bantayan.
“Nako nag-abala pa kayo mare, pinag-bday nyo na nga ako sa bahay nyo. Salamat ha.” sagot ni Greg, at bahagya pang dumampi ang kamay nito sa kamay ni Diane sa pagtanggap nya ng cake.
“Buti nga at may nabilhan pa si Bong sa bayan.” sabat ni Dennis.
“Asan na nga pala yung anak kong yun? Sabi ko kanina’y sumabay sa inyo pumunta at nang merong tagatadtad ng yelo di-ne. Nagbasketball na naman siguro ang hinayupak.”kunsumidong banat naman ni Tata Kaloy.
“Ay pre pakipasok na lang pala to sa loob. Sige kain na muna kayo don, andyan din sila ate mo.” at muling iniabot ni Greg kay Dennis ang kahon ng cake.
“Kayo? Tara kain tayo?” aya ni Dennis sa mga nag-iinom.
“Sige lang solb na kami dito. Bumalik ka kagad Dencio nang maitaob ka namin haha” kantyaw ng isa nilang kababata.
Kandahaba ang leeg ng mga manginginom sa asawa ni Dennis nang lumagpas na ang mag-asawa upang tumuloy sa loob ng bahay habang nakapulupot ang braso ni Dennis sa bewang nito. Lutang ang ganda nito sa off-shoulder na dilaw na bulaklaking bestida na may garterized ruffles sa manggas at bewang. Likas sa kanilang macurious kapag may nagagawing taga-Maynila sa kanilang lugar ngunit iba ang dating sa kanila ng asawa ni Dennis.
“High school pa lang tayo, malupet talaga yang si Dencio noh pareng Greg?”
“Tangna, swabe. Sarap siguro nun.”
“Kainggit naman si pareng Dennis! Puta kung misis ko yan, araw-araw yang kantot very good sakin. Taon-taong buntis yan, wasak sakin yan tiyak!”
“Ano namang pangwawasak mo pre, eh kaliit ng titi mo?” at naghagalpakan ang magkakainuman sa hambog nilang kasama.
“Na nyu!”
Naiiling na lang at natatawa si Greg sa mga hirit ng kainuman. Palibhasa’y mga may tama na kaya puro kabastusan na lumalabas sa bibig. Di rin nya masisi ang mga ito, talaga naman kasing masarap nga ang kumare.
May mga naka set-up na lamesa sa labas ng bahay para sa ibang bisita na taga doon. Sa loob ng bahay ay inestima sila ng mga misis ng mga trabahador ni Greg na sya ding nagluto kanina. Nakasalo nila ang ate at bayaw ni Dennis na naaya ni Greg pumasok ng mapadaan ang motor ng mga ito sa tapat nila.
Maya-maya ay lumabas na din sila sa bakuran, nasabak na si Dennis at ang kanyang bayaw sa mga kalalakihang nag-iinom sa cottage, habang ang maghipag naman ay napasama sa mga kababaihan at kabataang masayang nagbi-Bingo sa kabilang ibayo ng bakuran.
Nung una ay kakwentuhan ni Diane ang kanyang hipag at ang isang pinsan ni Greg na babae ngunit nang lumaon ay nagpaalam na din ang mga itong mauuna nang umuwi bago magdilim. Maging ang mga nagsilbi sa handaan ay nagpaalam na din matapos makapagligpit. Si JR ay tinangay na ng mga anak ni Greg sa taas upang laruin kaya’t pumasok na lang si Diane sa sala upang manood ng weekend news at magmonitor ng updates tungkol sa COVID-19.
Patuloy ang pagdami ng mga nagpopositibo sa virus, gayon din ang mga nasasawi. Panic buying ang marami bago magsimula ang community quarantine, dagsa ang tao sa mga pamilihan upang makapagstock ng mga supplies para sa kanilang mga pamilya. Ngunit kabaha-bahala ang malaking kakulangan sa testing kits, masks, at iba pang protective equipment.
Napalamukos na lang sa palda si Diane habang nakatabon ang isang kamay sa bibig nang makita ang kalunos-lunos na sitwasyon sa mga ospital habang nagkukumahog ang mga kabaro nyang doktor at nurse sa pagsagip ng buhay ng mga kababayan. Muli na namang nagpupuyos ang kalooban ni Diane, naaalala ang kanyang tungkulin na napilitan nyang talikuran dahil sa kagustuhan ng mister. Inoff na nya ang TV at saka nagtext dito.
Mamaya ka pa ba? Mauna na kami ni JR
Hindi ito agad nagreply sa kanya, marahil ay masyadong abala sa mga kainuman sa labas, kaya’t muli syang nag-message dito.
Mauna na kami umuwi Hon, patutulugin ko na si JR. Sabay na lang kayo ni tatang mamaya
Akma na sanang aakyatin ni Diane si JR upang tawagin nang tumunog ang kanyang cellphone.
Wala kayong kasama. Mamaya na sabay-sabay na tayo.
Eh malapit lang naman, sumunod ka na lang
Tama na. maigsing reply ng mister.
Tinawag pa din ni Diane ang anak at bumaba si Pam na karga-karga ito kabuntot si Kyle. Nagpaalam na sila sa mga kinakapatid. Tinabig ni Diane ang screen door pabukas, palabas na sana silang mag-ina ng salubungin siya ng seryosong tingin ni Dennis. Ang tinging iyon kagaya kahapon nang magdiskusyon sila tungkol sa pag-uwi sa Batangas. Ang matalas na tinging nagsasabing wag na syang magpumilit pa.
Wala nang nag…