“Aww I’m glad napasaya kita Hon, nag-enjoy din naman ako kay pareng Greg. Definitely one for the books.”
“Hmm, parang alam ko na nga kung ano’ng hihilingin ko sayo pag nagbirthday ako eh…”
“At ano na naman yan aber?!”
“Hmm… sandwich? Haha”
“HOY DENNIS AGUINALDO, SUMOSOBRA KA NA HA!!!”
Habang nakayakap kay Dennis ay napangiti si Diane sa alaalang iyon nung magpapasko, nang sa wakas ay mapagbigyan nya ang nuon pa inilalambing ng mister, ang magpatikim sya sa kumpare nito. Ang karanasang iyon na lalong nagpainit sa sex life nilang mag-asawa. Ang karanasan ding iyon na inakala nyang minsan lamang mangyayari, ngunit sadyang hinanap na ng kanyang katawan at nagtulak sa kanyang makagawa pa ng mga bagay na lingid na sa kaalaman ni Dennis.
Tila lalong pinukaw ng experience na iyon ang kanyang libog, tila mayroon na sya laging hinahanap na kakaiba. Spice. Excitement. Thrill. Na kahit minsan ay nasusuong na sya sa kasalanan o sa alanganin ay pinipili pa rin nyang sumugal.
Gaya na lang ng nangyari kanina sa likod ng bahay nila Greg, kung saan halos panawan sya ng ulirat sa tindi ng sarap nang labasan matapos montik mahuli ng asawa na kinakain sya ng kanilang kumpare, tapos ay kinantot naman sya ni Dennis ng walang humpay habang di nito alam na pinanonood sila ni Greg.
Wala syang itulak-kabigin sa dalawa pagdating sa pagpapaligaya sa kanya, kaya naman minsa’y naglalaro sa kanyang isip ang birong iyon ni Dennis nuong pasko, ang kantyaw nito na magpa-sandwich sya sa kanilang dalawang magkumpare.
Kahit medyo nacucurious sya sa ideya, alam ni Diane na napakalabo na nitong mangyari ngayon lalo’t mula nang may naganap sa kanila ni Greg nung December ay mas naging seloso at possessive na si Dennis. Nakuntento na ito sa panonood ng nirecord nitong video nila ng kumpare at sa mga roleplays na ginagawa nilang mag-asawa.
Matapos ang mainit na tagpo sa likod ng bahay nila Greg ay napawi na din ang kanilang tampuhan. Balik na ulit sa dating tamis mula sa dalawang araw na malamig nilang pakikitungo sa isa’t isa. Isang malambing na halik sa pisngi ang iginawad ni Diane saka muling yumapos sa kabiyak na mahimbing nang natutulog habang nakapulupot ang braso sa kanya. At unti-unti na din syang nahimbing habang dinadama ang lamig ng simoy ng sumisipol na hangin sabay sa huni ng mga kuliglig sa kalaliman ng gabi.
————————-
Linggo. Maagang humanda ang mag-anak upang magsimba, nakasanayan na kasi nila na unahing dumalo ng misa kapag Linggo at walang shift si Diane bago sila kumain sa labas o mamasyal. Habang abalang gumagayak ay nadinig nila ang galit na tahol ng kanilang aso at maya-maya’y nadinig nilang pumasok sa bakuran nila ang mutor ni Greg.
“Sabi na nga ba si Greg eh, malayo pa lang ata amoy na sya ng aso.” biro ni Dennis.
Agad syang bumaba ng hagdan upang buksan ang pinto sa paanan nito na nakatrangka pa, sinalubong nya ang kumpare na may bitbit na supot ng mainit na pandesal.
“Oh, nakabihis ka pre ah. San lakad?” tanong ni Greg habang umaakyat sila ng hagdan.
“Simba lang pre. Eh kayo? Hapon pa kayo?”
“Wala nang misa, bawal na mga pagtitipon. Nagdeclare na din pala si Gob ng quarantine sa buong Batangas kahapon, meron na nga din kasing nag-positive.”
“Hala, pati dito?” gulat na sagot ni Diane.
“Oh ayan oh, suspended na daw ang klase, mass gatherings, public transportation, trabaho…” banggit ni Greg habang nagbabrowse sa kanyang phone.
“Nako ganon din pala pre, umuwi pa kami, lockdown na din pala dito.”
Naupo ang magkumpare sa mga stool sa may breakfast counter. Kinarga ni Greg si JR, kinalong at inabutan ng tinapay. As always, nabighani na naman sya sa kumare sa suot nitong light blue na bestidang pangsimba.
Ngunit habang nagtitimpla si Diane ng kape ay napansin ni Greg ang munting sugat sa labi nito, dala marahil sa tindi ng laplapan ng mag-asawa kagabi. Nakalugay ang buhok ng kumare paharap sa dibdib, panay ang suklay ng kamay doon at halatang may tinatakpan kaya’t di rin nakaligtas sa paningin nya ang tsikinini sa gilid ng leeg nito. At muling nagbalik sa kanya ang selos at inggit sa tagpong nasaksihan nya kagabi.
“Salamat.” tipid na usal ni Greg nang iabot ni Diane sa kanilang harapan ni Dennis ang mga tasa ng kape. Naglabas si Diane ng mga garapon ng palaman, isinalin sa plato ang pandesal at inihain iyon sa gitna ng magkumpare.
Naninibago si Diane kay Greg, tila malamig ang pakikitungo nito sa kanya. Kung dati ay panay patawa ang mga banat nito at hinahagod sya ng tingin, ngayon ay halos hindi sya nito lingunin at pirming kay Dennis nakabaling ang atensyon.
“Sige na pre at idinaan ko lang talaga yang pandesal eh.” maya-mayang paalam na ni Greg at ipinasa na nito si JR sa daddy nito, ni hindi nakalahati ang kanyang kape.
“Ay pare, dito na kayo maglunch ng mga bata ha, magluluto ako.” pahabol na anyaya ni Diane.
“Ah hindi na mare, may aasikasuhin pa ko eh. Sige pre, tuloy na ko.” Tumapik ito sa balikat ni Dennis at tuluyan nang pumanaog ng hagdan.
“Napano yun?” tanong ni Dennis kay Diane habang nagpapalaman ng cheese spread sa pandesal.
“H-Ha? Aba malay ko.” patay-malisyang sagot ni Diane. Ngunit di maitanggi sa sarili na malamang ay may kinalaman sa nasaksihan nito kagabi ang inaasta ngayon ng kumpare.
Kinahapunan ay nasundan agad ang inuman session ng magkukumpare, ngayon naman ay sa bakuran nila Dennis iyon ginanap. Nagset-up ng lamesa si Tata Kaloy sa ilalim ng puno ng mangga sa harap ng bahay at pinalibutan iyon ng mahahabang bangko na gawa sa malapad na tabla. Ngunit nang lumaon ay lumipat sila ng pwesto sa likod ng bahay sa takot na masita ng pulis o taga-baranggay ang kanilang umpukan.
“Malamang tigil na mga inuman natin nito pre, bawal na daw mga umpukan eh.”
“Nako, eh wala pa namang COVID dine sa atin di ba?”
“Kahit na ah, social distancing daw eka.”
“Ala eh, edi mag one meter apart tayo habang natagay!”
Habang nagkakasiyahan ang magkukumpare sa labas ay nasa sala naman at naglilibang sa baraha sila Diane, Pam at Bong. Nakatabi si JR at nanonood sa kanyang Kuya Kyle na abala sa pagse-cellphone.
Dismayado si Pam dahil gaya nang inaasahan ay ilag na naman ang kanyang ninong sa kanya. Kagabi lamang, pakiramdam nya ay tagumpay sya sa pang-aakit dito. Bukod sa nagawa sya nitong halikan sa labi, alam din nyang tinablan ito nang ipasalat nya ang kanyang bagong ahit na hiyas bago nya ito pilyang nilayasan. Mali. Dapat pala ay hindi na sya nagpakipot pa at sinamantala na ang pagkakataon. Ngayong mukhang ok na sila ng asawa nito ay mahihirapan na naman syang muling akitin ang kanyang ninong.
“Uy Pamela, ano na? Inagiw na kami ni Ate Diane ah!”
“Teka naman inaayos ko pa, nakalimutan ko na nga pano mag tong-its eh, wait lang!”
Sa totoo lang ay ayos lang kay Bong na matagal tumira ang mga kalaro. Habang abala kasi ang dalawa sa pag-aayos ng kani-kanilang baraha ay abala din ang mga mata nya sa pasimpleng pagsilip sa cleavage ng mga ito habang nakadukwang sila sa center table. Mabuti na lamang at may nakatabon na unan sa kanyang hita upang ikubli ang pagbakat ng kanyang naninigas na uten.
Mas napapadako ang tingin ni Bong sa asawa ng may-ari ng kanilang bahay, nagkakandahaba ang kanyang leeg sa pagsilip sa mayamang dibdib nito, na bagaman may anak na ay panlaban pa din ang katawan. Sa anggulo ng upo nya ay pansin nya ang namumulang bakas ng pagkakahigop sa gilid ng leeg nito, sa bandang ilalim ng tenga. Lalo tuloy nakakalibog na maimagine na mukhang nakantot ito kagabi ng asawa.
Laking gulat nya nang umahon na ang tingin ni Diane at nagkatinginan pa sila nito, patay-malisya na lang na ibinalik ni Bong ang tingin sa kanyang cards.
“Oh ayan, otso.” sambit ni Pam sabay tapon ng isang baraha.
“Tangek, isapaw mo dun oh. Ano ba yan, gusto mo talaga malunod kakainom ng tubig? Tignan mo muna kase baka may masasapawan, tsk kaya ka natatalo eh!”
“Hoy Bong eh kaya ka naman nananalo dinadaya mo kami ni ninang! Nag-iipit ka ng baraha eh!”
Natatawa na lang si Diane sa asaran ng dalawa. Kung titignan ay bagay sila Bong at Pam ngunit ayaw nyang manguna ng panunukso sa mga ito lalo’t alam nyang mahirap din kapag nabubuyo ang mga kabataan.
“Ay JR, NOOO!!!”
Hindi na nila naagapan ang paslit ng lumapit ito sa lamesa at guluhin ang pagkakagrupo ng mga nakababang baraha, gigil nitong winasiwas ang kamay sa lamesita habang tumatawa.
“Ayan, tigilan na daw natin kasi si Ate Pam nya din naman daw ang matatalo haha!” pang-aasar muli ni Bong.
“Tse! Ulitan na lang, balasahin mo dali!”
“Oh, bat ako?! Eh ikaw talo kanina. Ikaw magbalasa!”
Tumunog ang cellphone ni Diane, nagmessage si Dennis at nagpapababa pa ng dagdag na pulutan. Dahil ayaw na ayaw nyang nakikiharap sa mga nag-iinuman ay nagturo na lamang sya ng ibang mauutusan.
Si manang na lang Hon, baka makita nila tong asa leeg ko eh
Di yan. Ikaw na Hon, dali na paubos na kami dito
Si manang na nga lang, teka sabihan ko ha
IKAW NA.
The alpha has spoken. Hindi na sya nagreply, para wala na lang diskusyon pa ay tumayo na sya at kumuha ng sisig sa kusina. Kababati lang nilang mag-asawa at ayaw nyang magka-asaran na naman sila ulit.
“Pam, baba lang ako ha. Si JR pakitignan nyo muna, baka mahulog sa hagdan ha.”
“Sige ninang.” at pinagtabi-tabi nila ni Bong ang mga muwebles upang makulong si JR sa sala habang patuloy sila sa paglalaro. Sige pa rin ang binata sa pagsulyap sa neckline ng kanyang kaklase.
Palabas pa lang si Diane sa backdoor ng bahay ay bali na ang mga leeg ng mga magkakainuman, pawang mga nakalingon at humahagod ang tingin ng mga ito sa palapit na misis ng kanilang kumpare. Sa suot kasi nitong tank top at shorts ay agad mababanaag ang hubog ng katawan nito.
Sharing is caring. Batid ni Dennis na bibihira lang makasilay ng maganda, bata at sexy ang mga kainuman na kundi nila kaedaran ni Greg ay pawang mas nakatatanda pa sa kanila, kaya naman proud din syang iflaunt ang asawa sa mga ito. Tyansa na nga naman nyang makapagyabang at makapang-inggit ng kaunti. Iba rin syempre ang boost sa ego nya na kung ang iba ay hanggang tingin at kambyo lang sa kanyang misis, sya ay matitikman nya ito kahit kailan nya gusto.
Paglapit ni Diane dala ang pulutan ay napansin nya agad ang paglihis ng tingin ni Greg, kung nagkataon lamang iyon o sadya ay di nya tiyak. Bumati sya sa grupo at inilapag sa gitna ng lamesa ang dalang bandehado. Matic namang kanya-kanyang pasimple ng sulyap ang mga nag-iinom sa kanyang dibdib upang kahit saglit man lang ay makasilay sana sa puno ng kanyang mga suso. Panay ang suklay ng kamay ni Diane sa buhok upang tabunan ang kanang side ng kanyang leeg, nako-conscious na baka mapuna ng mga kalalakihan ang markang iniwan ng panggigigil ni Dennis kagabi.
“Alalay lang po sa inom ha, magtira ng pang-uwi.” paalala ni Diane habang nakatayo at nakakapit sa balikat ni Dennis na nakadantay naman ang braso sa kanyang balakang.
“Nako matitibay kami dito mam sa inuman, mga misis lang namin nakakapagpatumba samin. Di ba mga pre hehehe”
Nagpaalam na din agad si Diane sa kanila, nababagabag pa din sa pagiging mailap ni Greg, kung may pagkakataon nga lang ay gusto nya sana itong makausap. Bago sya pumihit pabalik sa bahay ay nagkatinginan na sila sa wakas ng kumpare na tumango lamang sa kanya.
————————-
Lunes. Maaga pa lang ay usap-usapan na ang pagdedeklara ng pangulo ng enhanced community quarantine na pinalawig na sa kabuuan ng Luzon. Magsisimula na iyon kinabukasan, March 17. Inaasahan ang paghihigpit pa lalo sa kilos ng mga tao kung kaya’t inuna na nilang mag-asawa makapamili ng mga kailangan i-stock na pagkain at supplies.
Kapansin-pansin ang tensyon sa mga tao. Gaya ng inaasahan, dagsa ang mga mamimili sa palengke at grocery maging sa botika. Karamihan sa mga mamamayan ay nakamask, dama sa kilos ng mga tao ang pangamba na maipit sa gitna ng isa na namang nag-aambang krisis habang bumabangon pa lamang ang ibang karatig bayan sa pagsabog ng Taal nung Enero.
Buong umaga ang naubos nila Diane at Dennis sa pamimili sa dami ng tao at haba ng mga pila sa ATM at mga pamilihan. Nang makapananghali ay sinamantala na nilang makasaglit sa mga bahay ng mga ate ni Dennis at makapasyal na din sa coconut farm ni Greg.
Doon ay nakita nila ang hekta-hektarya ng mga nakapilang puno ng buko, may mga tall at mayroon ding dwarf varieties. Namangha sila Diane sa ekspertong pag-akyat ng mga tauhan ni Greg sa nagtataasang puno upang mangarit ng mga buwig ng buko na maingat na ibinababa ng lubid sa lupa. Sa isang banda naman ay isinasalansan upang mabilad ang mga pinatutuyong copra.
“Di naman maaapektuhan mga byahe nyo ano pre?” tanong ni Dennis habang pinanonood na ikarga ang mga sariwang buko sa truck.
“Ah hindi naman, basta basic commodity palulusutin naman daw sa mga checkpoint. Kumuha na nga ako ng mga permit kanina.”
Sa di kalayuan, karga ni Diane si JR at akma sana nilang lalapitan ang isang bakang nakatali sa puno ng niyog upang himasin.
“Ay mare wag! Mailap, baka sipain kayo!” at agad na iniharang ni Greg ang sarili sa kumare, bakas sa mukha nito ang pag-aalala.
“Pasensya ka na pre, yan hirap sa mga laking Maynila eh, hindi nakakakita ng hayop. Kaya lahat gusto himasin.”
Inirapan lamang ni Diane ang asawa, ngunit bahagya ding nangingiti. Kung ang otso pulgadang alaga naman kasi ni Greg, talaga namang gustong-gusto nyang himasin iyon.
“Ito na lang JR, mababait to, sanay sa tao.” at tuwang-tuwa ngang nilapitan ni JR ang mga kambing upang himasin. Nginitian ni Diane si Greg bilang pasasalamat sa paalala at pagprotekta nito sa kanilang mag-ina.
Sinamahan din sila ni Greg papasok sa production area kung saan pinuproseso ang iba pang coconut products ng kanilang farm. Sa isang section ay sinubukan ni Diane na makisali sa mga kababaihan na gumagawa ng bukayo at coco jam.
Madaming tao sa kanilang bayan ang nabigyan ng kabuhayan, salamat sa pagsusumikap ng mag-asawang Greg at Elsa, na gamit ang kanilang background sa Agriculture ay magkatuwang na napalago ang minanang plantasyon ni Greg.
Kahit papano ay bahagya nang bumabalik sa normal ang pakikitungo ni Greg sa kumare, nakikipagkwentuhan at biruan na ulit ito sa kanya habang inililibot sila nito sa paligid ng farm. Medyo gumaan na ang pakiramdam ni Diane at nakahinga na mula sa pangamba na baka nakasama ang ginawa nyang pagpapaselos sa kumpare.
————————-
Martes, unang araw ng implementation ng Luzon lockdown. Suspendido na ang mga klase, pampublikong transportasyon, at trabaho, maliban sa ilang essential na industriyang pinapayagan pa din mag-operate. Limitado na ang galaw ng mga tao at tanging isa lamang sa bawat tahanan ang maaaring lumabas upang bumili ng mga pangangailangan ng pamilya.
Nanatili nga ang mag-anak sa bahay upang magmonitor ng balita tungkol sa COVID na patuloy na tumataas ang bilang ng mga nagpa-positive. Hindi makapaniwala ang mag-asawa na ang tinatakasan nila sa Manila ay mararanasan din pala nila sa Batangas. Ngunit walang magagawa, trapped na din sila doon at di na makakaluwas, kaya’t para na din sa kanilang kaligtasan ay susunod na lang sila sa guidelines.
Regular nilang minomonotor ang mga magulang ni Diane sa Manila maging ang ate nito sa Singapore, na lahat naman ay naka home quarantine din at nasa maayos na kalagayan. Kinamusta din ni Dennis ang lagay ng kanyang mga tauhan, mabuti na lamang at nagkusa na syang ibigay ng buo ang sahod ng mga ito hanggang sa katapusan ng Marso upang may panustos silang magagamit para sa kani-kanilang mga pamilya.
Tuloy naman ang trabaho sa farm ni Greg, kumpleto sa mask ang mga tauhan at nag-oobserve ng social distancing maging sa loob ng produksyon. Tuloy din ang kanilang deliveries kahit nakakaranas ng delay kapag naiipit sa mga nakalatag na checkpoint. Malaking abala, ngunit ang mahalaga ay patuloy ang kabuhayan ng kanyang mga tauhan.
Habang nanonood ang mag-anak ng TV sa sala ay nakadinig sila ng malakas na tunog ng pagpreno at pagsemplang sa kalye. Agad silang napasilip sa bintana at nakitang may natumbang mutor sa harap ng kanilang bahay, gumagalaw naman ngunit duguan ang lalaking rider nito.
“Hon, first aid kit ko, dali!” bulalas ni Diane sa asawa, ngunit hindi ito natinag sa pagkakadungaw sa bintana.
“Tsk.”
Napapalatak na lang sa inis si Diane at siya na ang humangos sa kwarto upang kunin ang kailangan at dali-daling nanaog ng hagdan. Agad namang napatakbo si Dennis pababa at hinarangan si Diane sa may pinto.
“Hon, tumawag na lang tayo ng rescue. Baka infected eh, mahirap na.”
“Hon! Nurse ako! Bigla mo kong pinagretiro sa trabaho ko, hayaan mo naman na kahit sa ganitong paraan makatulong ako sa iba. Please!”
“Eh pano nga kung—”
Padabog na binuksan ni Diane ang first aid kit nya at kumuha ng surgical mask at mabilis iyong isinuot.
“Ayan, ok na ba? Tabi na!”
Hindi na nakaalma si Dennis at tumabi na lang upang paraanin ang asawa, agad namang humangos si Diane palabas sa kalye. Sadya sigurong hindi na maaalis ni Dennis ang kagustuhan ng misis na makapagbigay ng serbisyo sa kapwa.
Dinatnan ni Diane ang mag-amang Kaloy at Bong na inaalalayan ang lalaki paupo mula sa pagkakahandusay sa kalye.
“Tara pasok po natin sya sa lilim.”
Pumasok na ang apat sa bakuran habang nakabuntot sa kanila si Dennis akay ang mutor ng lalaki.
Walang suot na helmet ang lalaki at nakasalakot lamang bilang panangga sa araw, may Pacquiao na face mask na nakatabon sa mukha nito. Sa initial na assessment ni Diane ay mukhang di naman tumama ang ulo. Nakakalakad naman ito bagaman medyo umiika dahil sa tinamong sugat sa tuhod at binti. Bukod sa mga lupa na kumapit sa damit nito, nakakapagtaka na tila balot din ito ng lugaw sa katawan.
Pinaupo nila ang lalaki sa bangko sa ilalim ng puno at agad nagpakuha si Diane kay Bong ng tubig upang makapag-anlaw ang lalaki. Hindi nya alam kung maaawa ba sya o matatawa dahil bukod sa balot ito ng lugaw ay pirming nakangiti sa kanya ang suot na face mask nito na parang nakakaloko.
Sa tantya ni Diane ay nasa pagitan ng 40 to 50 ang edad ng lalaki at base sa suot ay mukhang nagtatrabaho sa bukid.
“Kuya tumama ho ba ang ulo nyo? Sa katawan nyo, may masakit ho ba?”
“Ay hindi naman mam, di naman masama ang bagsak ko eh. Ito lang pong binti ko, ahh… aray! Nakirot lang ho ang sugat.” daing nito habang sinusubukang igalaw ang tuhod.
“San ho ba kayo nanggaling kuya? Ano ho’ng nangyari?” tanong ni Diane habang nagsusuot ng gloves at inihahanda ang mga gagamitin.
“Galing lang ho ako dyan la-ang, bumili lang ho ako ng goto, tanghalian namin ng mga anak ko. Nagulat ako may lumitaw na aso sa gate, halos abutin ho motor ko. Akala ko ho hindi nakatali eh baka makagat ako, ayun nawalan na ho ako ng balanse.”
Tinulungan ng mag-ama na makapaghugas ng tubig at sabon ang lalaki, tapos ay inassess sya ni Diane. Nang masigurong wala naman itong pilay, fracture, o ano mang injury bukod sa minor abrasions ay kumuha na ito ng bangkito at naupo sa harapan ng lalaki upang malinisan ng antiseptic solution ang mga sugat nito tapos ay tinakpan iyon ng gasa.
Nakamasid lang si Dennis, maya-maya ay bumalik na sya sa taas at baka magising na mula sa nap si JR.
Matapos matakpan ang mga sugat ay tumayo na ang lalaki at nagpasalamat bago umalis.
“Ay kuya sandali lang po.”
Napatakbo sa taas si Diane, pagbaba ay may dala na itong supot ng bigas at ilang delata. Iniabot nya ang supot sa lalaki kasama ang ekstrang gasa na pampalit, at nag-ipit din sa kamay nito ng kaunting halagang pantulong.
“Kaunti lang ho ito kuya, pagpasensyahan nyo na po. Saka pasensya na ho kayo sa aso namin, hayaan nyo at ililipat namin ng tatalian.”
“Nako salamat mam, napakabuti nyo po. Hindi ko ho tatanggihan ito at walang-wala din kami. Maraming salamat po dito.”
“Sigurado ho ba kayo na kaya nyo magmutor? Pwede naman ho namin kayo ihatid.”
“Nako hindi mam, kaya ko po. Sobra-sobra na itong naitulong nyo sa akin. Salamat, pagpalain nawa kayo.”
Napakasarap ng pakiramdam ni Diane habang tinatanaw ang mutor ng lalaki palayo. Wala man sya ngayon sa frontlines ng gera laban sa COVID, pinili man nyang unahing pangalagaan ang kanyang pamilya, masaya sya na kahit papano ay nakatulong sila sa kanilang kapwa.
Napalingon sya sa kanyang mag-ama na nakadungaw sa bintana at kumaway sa mga ito. Napangiti din sa kanya si Dennis, proud na proud sa kabutihan ng loob ng kanyang asawa.
————————-
Unang araw ng Abril, ikatlong linggo ng quarantine. Kung kailan busyng-busy na sana ang mga tao na nagsuswimming sa mga resort at beach, nasa kaliwa’t kanang bakasyon upang sulitin ang summer, eto sila at nabuburyong lahat sa bahay. Walang magawa kundi imonitor ang statistics na patuloy na tumataas sa paglipas ng mga araw.
Alinsunod sa guidelines, isang tao lamang kada household ang binigyan ng quarantine pass upang makalabas at makapamili ng supplies para sa kanilang pamilya, kaya’t sila Dennis at Tata Kaloy lamang ang nakakalabas. Minsan ay pumupunta si Dennis kila Greg, minsan naman ay si Greg ang dumadalaw sa kanila.
Upang hindi mainip ay ginugugol na lang ni Diane ang oras sa pagluluto, pagbebake, o kaya ay paggagardening. Si Dennis naman ay kung ano-ano na ang nakumpuni sa bahay at ginawan na din ng kahoy na safety gate ang kanilang hagdan upang hindi basta makakababa si JR.
Sa inip ni Dennis ay napagdiskitahan nya ang lumang Scrambler bike ng papa nya na matagal nang naimbak sa garahe. Abala itong nagkakalas ng mga pyesa nang dumating si Greg.
“Pre, agang butingtingan nyan ah. Oh andyan pa pala yan, kala ko nabenta na yan eh.” bati ni Greg at tumalungko din ito sa tabi ni Dennis na puro grasa na ang kamay sa pagkukumpuni.
“Oo pre, buryong kalaban sa quarantine na to eh! Kaya eto, aliw-aliw para di mabaliw, libang-libang para di mahibang haha”
Tumulong na si Greg sa pagkukumpuni. Sila na ni Dennis ang nag-change oil at tune-up ng mutor.
“Kamusta naman mga bata pre?” tanong ni Dennis.
“Ayun, mga inip na din at ilang linggo nang di makalabas, buti na lang nga at uso na wifi eh. Si Kyle, solb na sa ML. Si Pam naman, minsan nahuhuli kong nangingiti habang may kachat, nauulinigan ko pa sa kwarto nya may ka-inglisan sa tawag eh. May boyfriend na ba yun sa Maynila pre?! Baka naman di mo binabantayan ha, ikaw mananagot sakin!”
“H-Ha? Hindi ko alam, parang wala naman pre.”
Napalunok ng laway si Dennis, patay-malisya na lang syang sumagot sa kumpare na walang kaalam-alam na sya pang ninong ang nakadonselya sa dalaga nito.
Nakamasid si Diane sa magkumpare mula sa balcony, nakakaaliw pagmasdan ang kulitan at kantyawan ng dalawa habang tinatrabaho ang mutor ni Dennis. Magkaibigan mula pagkabata at halos magkapatid na ang turingan. Pinatibay na ng panahon ang samahan at magkasangga sa lahat ng bagay. Ngunit ngayon, lingid kay Dennis, nakikisalo si Greg maging sa kanyang asawa.
Sa distansya nila mula sa bahay ay di na maulinigan ni Diane ang mga pinagkukwentuhan ng dalawa, tanging mga tawanan nila ang kanyang nadidinig. Kaya ganon na lang ang pagtataka nya ng sabay na lumingon ang mga ito sa kanya na tila sya ang pinag-uusapan, saka muling humarap sa mutor habang nagbubulungan.
Nang lumaon ay tinesting na ni Dennis ang mutor. Hirap na hirap sya sa kakapadyak, nalinis na ang makina ngunit sa katagalan na di nagamit ay ayaw pa din nito umandar.
“Pare malaki na kanang hita mo kakapadyak!” ani ni Greg.
“Oo nga eh, tulak mo nga pre baka makuha.”
Ganon nga ang ginawa ni Greg, sinundutan nya ng tulak at sa wakas ay napa-start na din ni Dennis ang mutor. Ilang sandali nila hinayaang nakababad na tumatakbo ang makina.
“Hon hanap lang kami ng mapapakargahan ng baterya ha, baka mapakiusapan yung kakilala ni pareng Greg kahit sarado.”
Sinabayan naman ni JR ng palahaw at gusto umangkas sa kanyang daddy. Sige ito ng iyak habang itinuturo kay Diane ang mutor…