Ang inakala nyang bangungot lamang ay totoo pala. May namamagitan sa kanyang asawa at kumpare.
Saan nangyari? Doon kaya mismo sa kanilang kama? Muling nanumbalik ang sakit na pansamantalang natabunan ng alak at ng nangyari sa kanila ni Pam kagabi. Ni hindi nya ngayon magawang yumakap at humalik kay Diane gaya ng tipikal nyang ginagawa pagkagising.
Bumangon na si Dennis at humalik sa anak na natutulog sa kuna, dumeretso sa banyo upang iligo ang hangover na nanunuot pa din sa kanyang ulo. Nakayuko at nakatukod sa tiles ang mga kamay, ninamnam nya ang lagaslas ng tubig na dumadaloy mula sa kanyang ulo. Ngunit maibsan man ng tubig ang hilong epekto ng alak, di niyon mababawasan ang kirot nang mapagtaksilan ng dalawang taong pinakamalapit sa kanya.
Batid nyang sa kanya nag-ugat ang lahat, kaya’t totoo nga talagang nasa huli ang pagsisisi. Kung hindi nya sana binuyo nuon si Diane, wala sana sila ngayon sa sitwasyong iyon. Kaya’t naisip nyang walang dapat magbago. Walang tanungan at sumbatang magaganap sa kanilang mag-asawa. Sisikapin nyang kumilos pa rin ng normal sa kabila ng kanyang nalaman. Ngunit patuloy syang magmamatyag. Aasang kung ano man ang nangyari, sana ay wag na iyong masundan pa. Sana.
Nagkakape na si Dennis sa dining nang maisipang kalikutin ang kanyang telepono, muling binalikan ang messages ni Pam kahapon ng umaga. Ang pagbating kalakip ang mapang-akit na larawan, kanyang binalewala at isinantabi na ikinatampo naman ng inaanak maghapon.
Good morning pam. Musta ka?
Seen. Agad nabasa at mabilis din ang naging pagsagot ng inaanak.
Good morning
Ok lang ako. Miss na nga kita agad eh hihi
Eh ikaw, kamusta naman ang birthday mo kahapon?
Napangiti si Dennis sa sunod-sunod na messages ng dalaga, kahit sa chat, halata ang kadaldalan nito.
Unforgettable. Maikli nyang reply.
Muling humigop ng kape si Dennis habang inaantay ang sagot ni Pam nang may maisipang kapilyuhan.
Yiiieee! Dapat lang na unforgettable noh, special kaya gift ko sayo ninong
Pam…
Po?
Patingin nga ulit nung bumungad sakin kahapon paggising ko. Nakakaganda ng umaga eh
Napangisi si Dennis habang tinatype ang huli nyang mensahe at mabilis na nilingon ang pinto ng kanilang kwarto. Pagkasend nya ng message, maya-maya lang ay tumatawag na si Pam. Sa taranta ni Dennis sa pagtunog ng phone ay agad nya iyong sinagot.
Sa video, bumungad sa kanya ang kuha ng leeg at balikat ni Pam na hagip lamang ang panga at baba, nakakasinop pataas at nakapusod marahil sa ibabaw ng ulo ang buhok nito. Bahagya nitong ipinaling ang tingin pakaliwa upang ipakita ang marka sa gilid ng kanyang leeg malapit sa anit. Kita ni Dennis ang pagyugyog ng katawan ni Pam habang humahagikgik ang dalaga na waring kinikilig sa markang iyon, tila kinder na natatakan ng star sa kamay.
Mula sa leeg, dahan-dahang bumaba ang tutok ng camera papunta sa magagandang suso ni Pam na napalilibutan din ng namumulang mga marka sa ibabaw at sa gilid. Medyo violet pa nga ang iba sa tindi ng pagkakahigop nya.
Ineenjoy pa ni Dennis pagmasdan ang dibdib ni Pam nang madinig na nya ang boses ni Diane habang kausap si JR sa loob ng kwarto. Nagmamadali na nyang pinutol ang tawag at nagtype na lang ng message.
Pam ingat baka may makapansin nyan ha lalo na papa mo
Hindi ninong, don’t worry ako bahala. Mag-turtle neck ako kahit summer haha
Lumangitngit ang pagbukas ng pinto habang papalabas na ang mag-ina, akay-akay ni Diane si JR papunta sa kusina.
Sige na andito na ninang mo
Delete ng buong thread ng conversation, bukas ng browser, punta sa news site. Higop ng kape habang dumadaan si Diane sa kanyang likod. Lusot.
“Good morning Hon. Musta, ano balita? Nauna ka pa magising samin ah.” bati ni Diane sabay halik sa pisngi ni Dennis habang nakasulyap sa phone na hawak nito, walang kamalay-malay na kanina lang ay suso ni Pam ang nakabalandra sa screen.
“Eto, nagbabanta na kaliwa’t kanang rally sa US, atat an atat na sila mag-reopen kahit libo-bilo na nga namamatay sa kanila don.”
“Reopen agad? Eh tayo nga malamang ma-eextend pa tiyak tong ECQ natin. Next week daw iaannounce kung extended yung April 30 eh. Kamusta pala hangover mo Hon?” tanong ni Diane habang nagbubuhos ng gatas sa cereal bowl at karga-karga ang anak na nakasaklang sa gilid ng kanyang balakang.
“Ayos lang, medyo masakit lang ulo ko. Eh mamimili pa kasi ko nung mga di ko napamili kahapon di ba kaya bumangon na ko.”
“Kahit mamayang hapon naman yun Hon, itulog mo muna ulit yan.”
“Di na, kaya naman eh. Mas matao pag hapon. Pag-uwi na lang ako matutulog ulit.”
Habang nag-uusap sila ay pansin ni Diane ang tila pagsipat ni Dennis sa gilid ng kanyang leeg na agad nyang ikinaasiwa. Ipinasa nya si JR sa asawa upang makapagbanyo, na kinandong naman ng asawa habang pinapakain. Pagbalik, pansin ni Dennis na nakalugay na ang buhok nito, nakahawi sa isang gilid at nakatabon sa kanyang leeg.
“Blooming ka ah.” kantyaw nya sa asawa na may tono ng panunuya.
“Hmp! Nambola ka pa Hon, ano kasalanan mo aber?!” sagot ni Diane, nakapamewang at nakataas ang kilay, may pabirong tono ng pagdududa sa mister.
“Ako? Wala naman. Baka ikaw meron haha”
Kitang-kita ni Dennis ang pagbabago ng timpla ng mukha ni Diane na tila natigilan sa nadinig at di na nakakibo.
“Di nga, blooming ka lalo. Mukhang nag-eenjoy ka dito sa Batangas ah.”
“Ahh, O-oo naman. Iba syempre sa probinsya Hon, sariwa ang hangin at tanawin kaya nakakarelax.”
“Di ka ba naiinip dito? Kahit pag umaalis ako, gaya kahapon?”
“Ha? H-Hindi naman Hon, andyan naman si JR. A-Ano pala gusto mong breakfast, ipagluluto kita.” pilit na paglilihis ni Diane sa usapan dahil sa pagkailang.
“Di na. Maglo-lomi na lang ako mamaya sa daan.”
Kahit na sinabihan nya ang sarili na wala dapat magbago, di nya maiwasan ang mga pahaging at ang bahagyang panlalamig ng pakikitungo sa asawa. Ni hindi nya nga ito matawag ng ‘Hon’, mabuti at mukhang di naman nito napapansin. Marahil ay sariwa pa kasi ang sakit, ngunit umaasa syang makakapag-adjust din sya at agad maibabalik ang lambing sa asawa.
Sya namang dating ni Greg, nadinig nila ang salubong ng galit na tahol ng aso na sinundan ng ugong ng mutor nitong pumasok sa kanilang bakuran. Agad kinuha ni Diane sa cabinet ang alam nyang pakay ng pagpunta ng kumpare.
Di maiwasan ni Dennis na mapatiim-bagang habang hinahalo ng kutsarita ang laman ng kanyang tasa, nadidinig mula sa kanyang likod ang paglapit ng yabag ni Greg habang paakyat ng kanilang hagdanan.
Palapit pa lang si Greg ay nakahalukipkip na si Diane upang tabunan ng braso ang kanyang dibdib dahil wala syang suot na bra, at agad na iniabot ang naiwang cellphone ng kumpare kagabi. Si Greg naman ay may makahulugang ngisi na hindi na lang pinansin ni Diane.
“Pare oh, naiwan mo sa mesa kagabi.”
“Yun! Buti na lang naitabi nyo mare. Akala ko kung sino na nagbulsa sa mga yun kagabi eh.”
Pilit pinapatag ni Dennis ang pagkakakunot ng kanyang noo habang pinagmamasdan ang pag-abot ni Diane ng cellphone kay Greg sa breakfast counter. Tinapik ng kumpare ang kanyang balikat at saka naupo sa kanyang tabi.
“Kape pre.” tipid na alok ni Dennis.
“Sige lang pre, tapos na. Musta hangover natin, grabe lasing ko kagabi! Langya di ko na alam kung paano ko nakauwi samin eh.”
“Ganon ba pre? Akala ko kayo ni Diane nag-akyat sakin?” at muling pinukol ni Dennis ng makahulugang tingin ang asawa.
“Hindi ah! Kami ni Bong ang nag-akay sayo paakyat kagabi Hon!” defensive na sagot ni Diane na balisang napalingon kay Greg.
“Nako buti pala may baterya pa tong phone ko, may lakad kasi ko pre. Sasama ko sa delivery at may kailangan akong kausaping tao. Ikaw pre, nakabihis ka ah, san lakad?” singit ni Greg dahil bakas nya kay Diane ang pagkagitla sa tanong ni Dennis.
“Kabilang bayan lang pre, mamimili ulit. Yung mga pambahay na hindi nabili kahapon.”
“Oh, wag mo kalimutan dalhin quarantine pass mo ha. Wala ako, di kita maaarbor pre.”
Sa sinabi ni Greg, muli na naman nagbalik ang mga kaganapan kahapon. Nung mga panahong hirap na hirap sya nang maipit sa checkpoint habang may ginagawa namang milagro ang dalawa.
“Oo nga, tang inang quarantine pass yan. Grabe pa naman init at alikabok dun sa checkpoint, nakabilad ako. Humahapdi na din sikmura ko dahil anong oras na yun. Kaso tinatawagan ko kayo parehas, di naman kayo macontact.”
Mabilis na nagpaliwanag si Diane, inulit ang alibi na sinabi nya kahapon.
“Ahh, ano Hon, yun nga, nung tumatawag ka kase, natataranta ko sa bine-bake ko nun, umuusok na kasi eh.”
“Bat nga ba, di ba timer lang naman problema nyang oven? Kaw mismo nagsabi sakin, ok pa yan basta babantayan lang yung timer. Nakapagbake ka pa ng cookies nung nakaraan, ok naman ah. Baka busy ka lang kahapon kaya di mo nabantayan.”
“Ano Hon eh, di ko nabantayun yung timer kase… kase pinaliguan ko si JR eh.”
Patong-patong na ang pagdadahilan ni Diane sa asawa, pilit binibigyan ng rason ang mga bagay-bagay na napapansin ni Dennis. Matindi ang kaba na baka naghihinala na ito sa kanila ni Greg.
“Ahhh.” tanging tugon ni Dennis sa asawa.
“Sensya na pre, tumatakbo ksi ko nun kaya di ko nasagot. Nung gumilid ako saka ko lang nakitang ikaw pala yung tumatawag.”
Naantala ang pag-uusap nilang tatlo nang mag-ring ang telepono ni Dennis. Kaysa pakinggan ang pagdadahilan ng dalawa, tumayo sya at bahagyang lumayo upang sagutin ang tawag.
Nilingon ni Greg si Diane, bakas sa mukha nito ang labis na pag-aalala sa mga tanong ni
Dennis. Bahagyang umiling at kumunot ang noo ni Greg, senyas na sinasabihan ang kumare na wag mag-alala dahil wala namang alam ang asawa nito.
“Na-inventory nyo ba yung pinapacheck ko? — Paanong magkukulang?! — Tayong dalawa lang ang may susi dyan ah. — Eh bat mo pinahiram ang susi?! Ano daw ang kukunin?”
Bakas ang ngitngit sa boses ni Dennis habang palakad-lakad ito at kausap sa linya ang katiwala nya sa shop. Habang abala nitong iniimbistigahan ang nangyaring gusot sa negosyo ay pasimple namang nagtext si Diane kay Greg habang nakatalikod si Dennis. Tapos ay isinilent agad ang phone upang hindi tumunog kapag nag-reply ang kumpare.
Pare ayoko na. Parang nakakatunog na si dennis. Tigilan na natin to!
Hindi yan mare, ano ka ba! Basta kalma ka lang pag sasagot. Sige palamig na muna tayo
Maging si Greg ay nakakadama ng kakaiba sa kumpare ngunit pinipilit nyang ipalagay lang ang sarili. Ngunit mabuti pa ring mag-ingat, baka kung masyado silang magpakakampante ay yun pa ang ikapahamak nila parehas ni Diane.
“I-check nyo nga mabuti yan ha tapos balikan mo ko agad. Ahh binabalaan ko kayo ha… WAG NYO KO TATARANTADUHIN! WAG KAYONG PAPAHULI SAKIN AT MAGKAKASUBUKAN TAYO!!”
Kapwa nagitla sila Diane at Greg sa binitiwang salita ni Dennis sa kausap habang nakatingin sa direksyon nilang dalawa. Na para bang ang pagbabanta ay hindi para sa mga tauhan, kundi para sa kanila.
————————-
Samantala, ingat na ingat si Kaloy habang nakatuntong sa monoblock na silya. Nakatingkayad at nagkakandahaba ang leeg upang masilip ang naliligo sa loob ng banyo, duon mismo sa pwesto kung saan nya binosohan nuon si Elsa. Marahil ay gamit ni Kyle ang banyo sa itaas kaya’t sa baba na lamang naligo ang kanyang ate.
Naiba na ang layout ng banyo nang iparenovate ito ng mag-asawa. Kung dati ay nabosohan ni Kaloy si Elsa ng patagilid habang nakatapat sa shower, ngayon ay nalipat na ang pwesto ng shower kaya’t nakatalikod si Pam sa bintana.
“A feeew stolen moments… is aaall that we shaaare…
Youuu’ve got your family… and theeey need you theeere…
Though I’ve trieeed… to resist… being laaast… on your list…
But no other maaan’s gonna dooo…
So I’m saving all my love for youuu…”
“Hehe national anthem ng mga kabet.” bulong ni Kaloy sa sarili habang nakadungaw sa loob ng banyo.
Pakanta-kanta pa si Pam habang bitbit ang handle ng shower head na mistulang ginawang mic. Nasa loob sya ng shower enclosure kaya’t natatabingan ang katawan ng frosted glass at wala masyadong masipat si Kaloy. Tanging magandang hubog ng katawan ni Pam ang kanyang naaaninagan sa salaming dingding.
“Wala, wala kong mapapala dine.”
Bumaba na si Kaloy sa tinutuntungan at pumasok sa loob ng bahay upang duon mag-abang.
Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na ng banyo ni Pam, suot ang puting robe at nakabalot ang buhok sa twalya. Paliko na sya sa kusina nang magulat sa biglang pagsulpot ni Kaloy na kanya tuloy nakabungguan.
“Ayy!!”
“Oh ineng!”
Napatuon si Pam sa dibdib ng matanda na napayapos naman sa kanya. Kitang-kita ng dalaga ang pagdapo ng tingin ng tauhan ng papa nya sa kanyang dibdib na bahagyang sumungaw sa pagitan ng overlapping na tela ng balabal.
“Aba iha, tsikinini yan ah! Ninong mo may gawa nyan noh?”
Nagulat si Pam sa nadinig, agad napakapit sa edges ng robe upang isara iyong mabuti at takpan ang kanyang dibdib. Napaatras sya upang kumalas sa pagkakayapos ng tatay ni Bong, asiwang-asiwa sa humahagod na tingin nito sa kanya.
“Oh meron ka pa sa leeg, saan ka pa kaya sa katawan mo nilagyan ng ninong mo?”
Napakapit si Pam sa gilid ng kanyang leeg upang tabunan ng kamay ang markang natanaw din doon ni Kaloy, panay ang hagod ng mga mata nito sa katawan nya na hapit na nababalot ng tela ng puting balabal.
“E-Excuse me po, makikiraan po Tata Kaloy. Aakyat na po ako.”
Nagmamadaling lumihis si Pam ngunit iniharang ni Kaloy ang katawan upang hindi makadaan ang dalaga, at ipinagpatuloy pa ang panunuya dito.
“Hep, teka muna Pa…