Hindi sya makapaniwala sa gustong mangyari ng asawa, kung bakit bigla na lang nito naisipan ang ganong bagay. Kahit nung di pa sila ikinakasal ay inuungot na iyon ni Dennis sa kanya ngunit mariin nyang tinutulan. Gayon pa man ay napapayag nga din sya nito nung nakaraan ngunit ngayon ay meron na naman itong hinihiling, at sa tono pa ay para bang wala syang choice kundi sumunod na lang sa gusto nito.
“Puro na lang yung gusto mo Hon? Lagi na lang ba kita pagbibigyan?!” nanlulumo at maluha-luhang sambit ni Diane, napaupo at napakapit sa poste ng kama.
“Hon pag-isipan mo muna please. Oh di ba nung nakaraan pumayag ka, nagustuhan mo naman di ba? Masaya ka naman kamo?” patuloy pa ding pangungumbinsi ni Dennis sa asawa.
Totoo naman ang sinabi ni Dennis, labag man sa loob nya nung una ay aminado si Diane na nagustuhan na rin nya at hanggang ngayon nga ay nag-eenjoy pa din sya. Ngunit ibang usapan na ang panibagong request nito, masyado nang mabigat ang hinihiling ng mister at mukhang hindi na nya kayang pagbigyan.
“Sorry Hon but NO. Kung ipipilit mo yang gusto mo, sige kahit magkahiwalay na lang tayo! Dito ka sa Batangas, kami ni JR sa Manila.”
Bitbit ang laundry basket, dinampot ni Diane ang mga pinagbihisan ni Dennis at isinilid duon, puro lupa at may bahid pa ng dugo ang mga damit. Umuwing medyo maga ang mga kamao, nagdahilan ang mister na nagkapikunan daw sila kanina sa tong-its ng mga kalaro, nagkainitan at nauwi sa kaunting rumble na agad din naman naayos. Kung nalalaman lang ni Diane ang talagang nangyari.
“Aba napilitan na nga ako mag AWOL sa trabaho dahil gusto mo dito sa Batangas tayo mag-stay habang ECQ. Kung extend lang, sige walang problema. Pero mag fo-for-good na tayo dito?! No!!”
“Pero Hon—“
“Ah basta! Hindi pwede Hon, AYOKO! Tapos ang usapan!” at padabog itong lumabas na ng silid bitbit ang lupero.
Napasapo si Dennis sa kanyang noo at hinilot iyon, umiral na naman ang pagkabratinela ng asawa. Hindi na rin sya nagulat, inasahan din nya na hindi papayag si Diane na sa Batangas na lang sila pumirming mag-anak. Dahil mukhang nasanay na at nag-eenjoy din naman ito sa mahigit dalawang buwan na nilang pananatili doon, kaya umasa si Dennis na baka sakaling mapapayag nya ito sa kanyang plano.
Naisipan nyang ibenta ang kanyang negosyo sa Manila at magtayo na lang ng ibang kabuhayan nila sa probinsya. Ngunit dahil nandon ang pamilya at lahat ng kaibigan ni Diane, alam nyang nasa Maynila talaga ang buhay nito at malabo nyang mapapayag sa kanyang gusto.
Batid nyang temporary lang naman ang banta ng COVID, may matutuklasan din namang gamot at bakuna para sa sakit at babalik din ang lahat sa normal. Gayon pa man, gusto nya sanang sa Batangas na lang sila manirahan mag-anak upang maprotektahan din nya si Pam mula kay Kaloy, lalo’t pinag-iisipan ni Greg na duon na lang ito magpatuloy ng pag-aaral.
Di nya maiwasang mag-alala para kay Pam kapag lumuwas na silang mag-anak pa-Maynila, hindi kasi naging maganda ang kanilang pag-uusap kanina ni Kaloy.
————————-
“Ulitin mo nga sinabi mo?!” sambit ni Dennis habang nakakunot ang noo at nagngangalit ang panga. Naningkit ang mga mata nito sa nadinig at agad napakuyumos ang kamao sa galit.
“Sabi ko… patikim mo din sakin si—“
Hindi na natapos ni Kaloy ang sasabihin at isang malakas na sapak ang tumama sa kanyang kaliwang panga, na sinundan ng tadyak sa dibdib kaya’t napahiga sa lupa ang matanda.
“PUTANG INA MO!! PATI ASAWA KO!!!”
Inulan ng mga sipa at tadyak ang katawan ni Kaloy habang nakahandusay sa lupa, panay ang ubo at daing nito, iniinda ang malalakas na sipa ni Dennis sa kanyang tadyang. Di na nakaumang ng depensa si Kaloy at namaluktot na lamang patagilid upang protektahan ang kanyang katawan.
Nang magsawa ay pumangko si Dennis at tinukuran ng tuhod sa tyan si Kaloy saka inundayan ng suntok ang tuso nyang katiwala. Sunod-sunod na bira, wala nang pakialam kung san tatama ang mga iyon. Nakakubli man ang ulo ni Kaloy sa kanyang mga braso ay lumulusot ang mga kamao ni Dennis sa lakas ng mga suntok na pinapawalan.
“AARGHH!!! PAPATAYIN KITANG HAYUP KAAA!!!”
Halos mabulag si Kaloy sa tindi ng sinag ng araw na nakatutok sa kanyang mukha, na paminsan-minsang natatabingan ng ulo ni Dennis. Nanlilisik ang mga mata nitong nakatitig sa kanya habang inuundayan sya ng mga suntok. Lasa ni Kaloy ang dugo sa kanyang bibig, maging ang kirot na dulot ng bawat bira ni Dennis sa kanyang mukha at katawan. Damang-dama nya ang poot na akala mo ito sinaniban ng demonyo.
Malakas na tunog ng preno ang nadinig nang gumilid sa kanila ang isang truck na byahero ng mga baka. Apurang nagsibaba ang dalawang pahinante upang awatin si Dennis, kinapitan ang kanyang mga braso habang ang isa ay umakap mula sa likod at pilit syang hinatak patayo.
“Boss! Boss!! Awat na, mapapatay nyo na yung matanda!!”
Pilit na nagpupumiglas si Dennis mula sa pagkakakapit ng dalawang lalake habang si Kaloy ay duguan na ang mukha, panay ang ubo ng may bahid ng dugo, namamaluktot at nakayapos sa nangingirot nyang katawan.
“PUTA BITIWAN NYO KO!!!”
Tila toro si Dennis na gigil na gigil pa rin at gustong muli sumugod. Sukdulang galit ang nadarama nito sa ginawa ng matanda kay Pam at sa nais pa nitong gawin kay Diane. Nang makahulagpos ay hinawi nya ang mga kamay na nakakapit sa kanyang mga braso saka malakas na itinulak ang isang lalaki sa dibdib.
“WAG KAYO MAKIALAM!! DEMONYO YANG MATANDANG YAN!!!”
“Boss ano ba problema, pag-usapan nyo na lang dalawa yung atraso, baka kayo pa mapasama nyan pag napuruhan nyo.” sambit ng isa sabay tapik sa kanyang balikat na muling hinawi ni Dennis.
Nagpupuyos ang dibdib nya sa pagtitimpi, kung hindi lang dumating ang mga umawat, malamang ay mapatay nya nga talaga ito. Lumakad na sya pabalik sa kanyang mutor at sumakay.
“TANG INA MO PASALAMAT KA— WAG NA WAG KANG MAGPAPAKITA SAKIN KUNDI MAPAPATAY KITANG HAYUP KA!!!” duro nya kay Kaloy saka mabilis na humarurot pabalik kay Pam.
Pagdating kila Greg, agad na dumeretso sa loob ng bahay si Dennis. Nadatnan nya si Kyle na nakadapa sa sofa, nakakunot ang noo at abalang-abala sa nilalaro nito sa cellphone.
“Ate mo Kyle?”
Hindi sumagot ang bata, marahil ay di nito nadinig ang sinabi ng kanyang ninong dahil sa suot na headset. Ni hindi nga sya nilingon nito at patuloy lang sa pag-ge-games, sanay naman kasi silang dumadaan doon ang kanilang ninong kaya’t dumeretso na si Dennis sa itaas. Ipinihit ni Dennis ang door knob ngunit naka-lock iyon.
“Pam? Pakibukas, ako to.” tawag ni Dennis kasabay ng banayad na katok sa pintuan.
Inulit nya ang pagkatok at ilang saglit pa ay nadinig nya ang tunog ng magpihit ng door knob at bahagyang inawang ni Pam ang pinto.
Dahan-dahang itinulak ni Dennis pabukas ang pinto habang pumapasok sya ng silid. Sa unahan nya ay naglakad si Pam pabalik sa kanyang kama, bagong paligo ito at nakalong sleeve na ternong pajama, umupo sa kanyang kama at sumandal sa headboard. Nakatingin ito sa kanya, malamlam at namumugto ang mga mata.
Isinara ni Dennis ang pinto, sumunod kay Pam at naupo sa gilid ng kama. Isang mahigpit na yakap ang bumalot kay Pam at napahagulgol na lamang ang inaanak.
“I’m so sorry Pam! Patawad na wala ako don kanina, hindi kita naipagtanggol…” at tumulo na din ang mga luha ni Dennis sa labis na awa kay Pam at galit sa mga nangyari.
Ilang sandali na walang pag-uusap, tanging mga hikbi at pagsinghot lamang ni Pam ang madidinig sa loob ng silid. Habang nararamdaman ni Dennis ang panginginig ng katawan ng inaanak at nadidinig ang pagtangis nito, parang sasabog ang kanyang dibdib. Kailangan nyang may gawin.
“Pam ikaw ang tatanungin ko, ano ang gusto mo gawin ngayon nak? Susuportahan kita. Kasuhan natin si Kaloy? Halika na, sasamahan kita sa presinto. Sinisigurado ko sayo, gagawin ko ang lahat, mabubulok ang hayup na yun sa kulungan!!” tanong nito habang nakatitig kay Pam at pinapahid ng kamay ang mga luha nito.
“Hindi ninong! Ayoko malaman ng mga tao ang nangyari sakin. Nakakahiya.” nanlulumo nitong sagot.
Nauunawaan ni Dennis ang agam-agam ni Pam. Tiyak na pagpipyestahan ng tsismis sa lugar nila ang ganon kaselang kaso. At bukod pa doon, kapag hinabla ni Pam si Kaloy ay tiyak ding ikakanta nito ang nalalaman tungkol sa kanilang dalawa. Lalo silang maeeskandalo. Magsasanga-sanga ang problema at mahihirapan nang bumalik sa normal ang kanilang mga buhay.
“Sigurado ka na ba sa desisyon mo Pam?” paglilinaw ni Dennis habang mahigpit na nakahawak sa mga kamay nito.
“Opo ninong, ayoko magdemanda. Ang gusto ko lang, masigurong hindi nya isusumbong kay papa at ninang ang alam nya tungkol satin, at saka tigilan na nya ko!”
Natigilan si Dennis at napaisip. Alam nyang hangga’t andyan lang si Kaloy at aali-aligid ay walang kasiguraduhan. Ano mang oras ay maaari nitong isiwalat ang nalalaman, at mas masaklap pa, maaari nitong balikan si Pam.
“Ano po pala nangyari? Nagkausap ba kayo?” Umaasa ang dalaga na matapos makuha ni Kaloy ang gusto nito sa kanya, at sa pakikipag-usap na rin ni Dennis, ay tuluyan na itong mananahimik.
“Putang inang yon!! Montik ko na mapatay kanina eh kundi lang may umawat. Wag ka mag-alala, sa inabot non kanina di agad makakapag-isip magsumbong yun. Takot lang nya.”
Saka lang napansin ni Pam ang namamagang mga kamay ng kanyang ninong, maging ang mga tila talsik ng dugo sa t-shirt nito.
“Di bale Pam, ako bahala. Magkano lang yon, makakahanap ako ng didispatsa sa kanya. Patatahimikin ko na sya ng tuluyan, hindi ka na nya guguluhin.” Nakakunot ang noo nito at seryosong-seryoso ang mukha.
Nahintakutan si Pam sa nadinig. Hindi ganong klaseng tao ang ninong nya. Ni sa hinagap ay di nya inakalang makakapag-isip ng ganong mga bagay si Dennis, kilala nya ito bilang napakabuting tao at ni hindi nananakit. Ayaw nyang nang dahil sa kanya ay mababahiran ng dugo ang mga kamay nito.
“Wag ninong! Wag mo gagawin yan please! Baka may iba pang paraan. Ako na po nakikiusap, wag mo itutuloy yan please!! Huhuhu…” napakapit ito sa mga braso ni Dennis sa pagsusumamo at muling napahagulgol.
Muling niyakap ni Dennis si Pam at hinagod ang likod nito habang malalim na nag-iisip. Kahit sya man ay di nya naisipan ang sarili na kikitil ng buhay ng kapwa, ngunit sa sitwasyon nila ngayon, kahit naman siguro sino ay makakapag-isip nang gumawa ng drastic na hakbang. Ngunit dahil mariing tinututulan ito ni Pam, kailangan nyang umiisip ng ibang paraan.
“Tahan na Pam, sige hindi na. Alang-alang sayo, hindi ko sya uutasin. May naisip akong ibang paraan, pero kailangan ko tulong mo.”
————————-
Mag-a-ala sais na ng hapon, maliwanag pa at kahit pagabi na ay dama pa din ang alinsangan ng paligid. Nasa may balkonahe ang mag-anak, tanaw nila si Bong na nagdidilig ng mga tanim na halaman sa bakuran. Ganon na ang naging gawi nito tuwing hapon pagka-uwi mula sa niyugan, kapag sa araw kasi nagdilig ay parang balewala dahil napakabilis matuyo ng lupa.
Nagkasundo na ang mag-asawa, ngayong ilalagay na sa Modified ECQ ang NCR at papayagan na ang ibang mga negosyo na mag-operate ay babalik na sila ng Maynila. Balak kumuha ni Dennis ng travel permit kinabukasan para sa pagluwas nila sa Linggo. Nakasalalay din kasi sa negosyo nya ang kanyang mga tauhan kung kaya’t marapat lang na magbukas na din sila.
Malayo pa lang ay dinig na ang pamilyar na ugong ng mutor ni Greg, tila gigil ang pagbirit ng silinyador nito habang humaharurot sa daan papunta kila Dennis. Pagpasok ng bakuran ay agad syang binati ni Bong.
“Oh Boss Greg, mukhang mainit ulo natin ah!” biro nito, ngunit hinawi lamang ito ni Greg sa kanyang daraanan kaya’t nabitawan tuloy ang bitbit na hose.
“Asan tatay mo?!!”
Dumeretso si Greg sa entrada ng bahay, sa nakitang reaksyon ng kumpare ay agad na napatayo ang mag-asawa at nagmamadaling pumanaog. Halata kasi sa itsura at kilos ni Greg ang pagkabalisa kaya’t agad sila nangamba.
“KALOY!!!! LUMABAS KA DITO HAYUP KA!!!” hiyaw nito sa labas ng pintuan habang nagpupuyos sa galit.
Sa pagkagulat sa pagsigaw ng kanyang ninong ay napaiyak tuloy si JR na agad namang inalo ng kanyang mommy at kinarga.
“Oh pre, bakit ano ba problema?” usal ni Dennis.
Kasabay ng mag-anak ay napalabas din si Manang, takang-taka sa pagwawala ni Greg.
“Oh Greg, ano ba yun? Wala si Kaloy, hindi pa nga nakakauwi. Bak—“
“Anong wala, ilabas nyo yang asawa nyo! Hayup ka Kaloy pano mo nagawa samin to!! Lumabas ka rito harapin mo ko!!”
Nilapitan ni Dennis si Greg at tinapik ito sa balikat, pilit na kinakalma ang kumpare.
“Oh puso mo pre. Bakit ba, ano ba kasi nangyari?” patay-malisya nitong tanong.
“Yang katiwala mo Dennis! Pinagnakawan ako ng walangya!! Nagpaalam kanina na uuwi ng maaga, may sakit daw, yun pala may ibang pinaplano ang hinayupak! Ilabas nyo, padadampot ko yan!” gigil na sagot ni Greg.
“Teka lang boss, eh bat nyo naman pinagbibintangan tatay ko? Pano nyo naman nasabing sya kumuha nung nawawala sa inyo?” usisa ni Bong, may tono ng duda at pagdaramdam sa paratang ng amo sa kanyang ama.
Sa inis ni Greg ay naihagis nya sa mukha ni Bong ang bitbit nyang buri na sumbrero ni Kaloy. Hindi iyon maipagkakamali sa ibang balanggot dahil sa kamao ni Duterte na naka-drawing ng pentel pen sa gilid nito.
Naiwan iyon ni Kaloy kanina sa kubo sa pagmamadali nyang makatakas mula kay Dennis. Wala syang ideya na yun pala ang isa sa mga itinanim na ebidensya ng magninong na syang magdidiin sa kanya.
“Eh yang tatanga-tanga mong ama, gagawa lang ng kagaguhan, nag-iwan pa ng ebidensya!” sagot naman ni Greg kay Bong.
Base sa kwento nya, pagkauwi nya ng bahay galing sa kanilang byahe ng buko ay nagtaka sya nang makita ang sumbrero ni Kaloy sa ibabaw ng kanyang mesa sa opisina. Laking gulat nya ng mapansing may gasgas ang isa nyang drawer, dinistrungka ang susian, at wala na ang bundle ng pera sa loob na nagkakahalaga ng isandaang libong piso.
“Sya ang kasama ko kaninang umaga nung nangoleksyon kami. Di na ko nakadaan sa bangko dahil may delivery pa nga. Sya lang ang nakakaalam na may pera kanina dun sa mesa ko. At ayan pa, naiwan nya yan. Sige nga, sino pa ba ibang paghihinalaan ko?!”
Ganon na lang ang pagkabalisa ni Greg, lahat kasi ng mga tauhan nya ay matatagal na sa kanya at tiwala sya sa mga ito. Kahit nga mag-iwan pa sya ng pera na nakabuyangyang lang sa mesa, ni minsan ay walang nangahas na mang-umit sa kanya. Kaya’t ganon na lang ang pagkadismaya nya kay Kaloy na itinuturing pa naman nyang kanang kamay sa pagpapatakbo ng plantasyon.
“Baka naman nagkakamali ka lang Greg. Kilala ko naman asawa ko, di naman magagawa ni Kaloy yan. Saka aanhin naman nya ang ganon kalaking pera?! Diyos ko! Eh kahit simple lang pamumuhay namin, nakakaraos naman kami.”
“Aba’y malay ko kung nagbibisyo pala yang asawa nyo manang?! Pre, ayos lang ba kung pasukin ko sana yung kwarto nila. Baka may mahanap pa kong ebidensya dyan eh.”
Agad na tumutol si manang, kahit na nababahiran na din ng pagdududa sa asawa ay gusto sana nyang antayin muna itong dumating at madinig muna nila ang paliwanag nito.
“Teka muna, eh bat pa kayo maghahalughog sa gamit namin eh samantalang hindi pa nga umuuwi si Kaloy?”
“Ahh… Umuwi sya manang. Natanaw ko kanina si Tata Kaloy papasok ng bakuran nung wala kayo. Di ba nagpaalam kayong maglalaba kila Mr. Joson? O-Oo tama, dumating sya nun pero umalis din agad.”
Mahusay. Umaayon ang lahat sa plano. Kahit bahagya syang nataranta sa pangangatwiran ni manang, mabuti at naisipan nya agad ng lusot.
“Manang, hayaan na lang nating macheck ni Greg ang mga gamit nyo. Kung walang makita, edi mabuti. Ayoko din kasing ganito, dahil dito kayo sakin nakatira, masakit din sakin na napagbibintangan nya si Tata Kaloy.”
Kabaligtaran. Masaya-masaya sya sa nangyayari, at sisiguraduhin nyang madidiin ng husto ang tusong matanda.
“Hon, kayo na lang ni manang maghalughog sa kwarto, dito na lang kami ni Greg sa pinto.”
Ipinasa ni Diane si JR kay Bong at saka sinamahan si manang pumasok ng kanilang silid. Naiwan ang magkumpare sa may pinto at nagvivideo ng kanilang ginagawang paghahalungkat. Sa ilalim ng kutson, ng kama, sa mga drawer at cabinet. Ni hindi nga alam ni Diane kung ano ba ang hinahanap nila ni manang. Nagpatuloy lang sila sa paghahalungkat sa mga gamit habang nakamasid sila Greg at Dennis.
“Hon check nyo mabuti, lalo na sa mga damit ni Tata Kaloy.”
Sa inip ni Dennis ay di na nito napigilan na i-lead na si Diane sa paghahalungkat nito, na agad namang sumunod sa kanyang suwestyon. Inilabas ni Diane mula sa aparador ang mga nakatuping pantalon at isa-isa iyong siniyasat, hanggang sa may makapa sya sa loob ng bulsa.
“Ay… hala.”
Yun na lang ang tanging nasambit ni Diane habang hinuhugot mula sa bulsa ng pantalon ang bungkos ng pera. Hindi makapaniwala si manang dahil nuon lamang sya nakakita ng ganon kalaking halaga sa tanang buhay nya.
Naka-bundle ng puro tig-iisang libo, base sa papel na nakabalot ay Php100,000 iyon, ngunit halatang may bawas na dahil sa maluwag na ang pagkakabundle. Nakasulat sa papel na nakabilot ang Corpuz Farms maging ang pangalan ng kumpanyang nagbayad, at ang petsa ng araw na iyon.
“Kita nyo na!! Sabi ko na nga ba eh!!”
Halong tuwa at ngitngit ang naramdaman ni Greg dahil sa tama ang kanyang hinala, talagang pinagnakawan nga sya ni Kaloy. Ngunit mas lalong nagulat ang lahat sa nakapa pa ni Diane sa loob ng bulsa.
“H-Hon? Di ba sayo to? Bat nandito to?!” gulat na sambit ni Diane habang sinisipat ang relo, agad nya iyong nakilala dahil iniregalo nya yon dati sa mister.
Nagkatinginan sila ni Dennis, tapos ay pumaling ang tingin nilang tatlo ni Greg kay manang na halatang litong-lito at hiyang-hiya sa mga nangyayari kaya’t naiyak na lang ito. Inabot ni Dennis ang relo mula kay Diane at napabulalas.
“Tangna pre pati pala ikaw eh. Nag-aalaga ka ng ahas sa bahay mo!” gigil na usal ni Greg habang sinisipat kung magkano ang nabawas sa nabawi nyang halaga.
“Puta ni hindi ko napansin na nawawala pala to. Tiwala ako, labas-masok kayo kahit sa taas tapos ganito?! Paano nagawa ni Kaloy to?! Asan na yang asawa nyo manang!!”
Hanggat buhay si Kaloy ay naroon ang panganib na ikanta nito ang nalalaman tungkol sa kanilang magninong…