“Miss… bili ka na ma’am. Face shield at cloth mask, bente lang po isa.”
Napalingon si Pam sa nagsalitang lalaki at automatic na napahalukipkip sa pagdampi ng kahon ng face shield na ipinangkalabit nito sa kanyang braso. Noong una ay hindi nya gaanong naintindihan ang sinabi nito dahil sa nakatabon na mask sa mukha ng lalaki ngunit agad din nyang nakita ang bitbit nitong sabitan ng mga panindang inilalako.
“Ahh… sorry kuya, hindi po.” tangi nyang naisagot habang umiiling at nagmumwestra ang kamay ng pagtanggi sa inaalok. At muli nyang nilingon ang entrance ngunit nakapasok na sa loob ng building ang lalaking tinatanaw nya kanina.
“Sige na miss, bili ka naman para makauwi na ko. Itong face shield oh, dalawa-trenta na lang.”
Hindi na ito nagawang sagutin pang muli ni Pam. Agad na syang tumayo at nagmadaling lumakad papunta sa entrance ng gusali upang habulin sana ang kanyang papa.
Di nya maiwasang mainis dahil sa delay na idinudulot ng temperature check at sanitizing sa pila ng tao na dumaraan sa gwardiya ngunit sadyang ganon na talaga ang normal na proseso ngayon kahit saan.
Nang sa wakas ay makapasok na sa loob, inilibot ni Pam ang mata sa malawak na lobby ngunit hindi na nya naabutan ang lalaki. Sinuyod ng mata nya ang mga tao sa lounging area, sa reception desk, maging ang mga nakapila sa elevator, ngunit hindi na nya ito natanaw kahit saan.
Dismayado at kunot-noong lumabas na ulit ng gusali ang dalaga. Napapaisip pa rin ito kung namalik-mata lang ba siya o ang ama nga talaga ang kanyang nakita. Tatawagan nya sana si Greg upang tanungin kung nasa Manila ba ito ngunit nagbago ang kanyang isip at itinuloy na lang ang kanyang paglalakad.
Matapos nyang mabili sa convenience store ang mga pakay ay lumakad na din sya pauwi. Malayo pa lang sya ay tanaw na nya ang kanyang ninang na panay ang silip sa kalye at naka-abang mula sa nakabukas na gate ng garahe kaya’t lalo nyang binilisan ang paglalakad.
“Pam! Nako buti nakauwi ka na, kanina pa kita inaabangan eh.” bungad ni Diane habang papasok pa lang si Pam sa entrada ng bakuran. Balisa ito at mukhang kanina pa hinihintay ang inaanak ng kanyang mister.
“Ay sorry ninang, may binili lang ako sa labasan. May idedeliver ka?”
Hindi na sya nasagot ni Diane na nagmadaling sumakay na sa kotse. Kapansin-pansin na wala naman itong bitbit na kahit ano bukod sa maliit na sling bag na nakasukbit sa katawan nito.
“Pakitingnan na lang muna si JR, Pam ha. Saka pakisara na lang din yung gate.” aligagang nitong habilin.
“Ah sige po ninang… Ingat po.” tanging naisagot ni Pam nang may pagtataka habang umaatras ang kotse ni Diane palabas ng garahe.
Maagang umuwi si Dennis nang araw na iyon. Balak nya sanang sorpresahin ang misis kaya’t dumaan siya ng grocery upang mamili ng mga sangkap. Plano nyang siya ang magluto ng hapunan nila upang makabawas na sa iintindihin pa ni Diane.
Nakapila siya sa mga pakaliwang sasakyan na naghihintay ng pagberde ng stoplight nang matanaw nya sa kabilang direksyon ng kalsada ang paparating na kotse ni Diane. Lumiko ito at pumasok sa basement parking ng commercial/residential building kung saan nya ito sinundo noong minsang umuulan.
Napangiti si Dennis. Sumagi sa alaala niya ang mainit na tagpo nilang mag-asawa doon mismo sa kanyang sasakyan matapos nyang sunduin ito sa building. Kasabay ng malakas na buhos ng ulan at montik pa silang mahuli ng gwardiya, isa iyon sa pinaka di nya malilimutang sex nila ng kanyang misis.
Nang makaliko na sya sa intersection, sa halip na dumeretso na sa gate ng kanilang village ay naisipan ni Dennis na sundan si Diane at surpresahin ito sa lobby ng building. Ipinihit nya ang manibela at nag-U-turn pabalik sa main road.
Lutang ang isip ni Diane habang nakamasid sa LED lights ng floor indicator sa loob ng elevator. Naka-abang siya ngunit kahit nag-flash na ang numerong 4 at bumukas na ang pinto ay nanatili syang nakapako sa kinatatayuan at nakatingala lang sa LED.
“4th floor… Ah Ma’am, 4th po kayo tama ba?” magalang na tanong ng babaeng operator na nakatingin sa visitor’s pass na nakaclip sa strap ng bag ni Diane.
“Ahh oo miss… 4th na pala sorry…” Dali-dali na siyang lumabas ng elevator at alumpihit na lumiko pakaliwa ng mahabang pasilyo.
Halos kaladkarin ni Diane ang mga paa upang humakbang papunta sa unit ni Greg. Kundi lang sa takot niya sa kung ano ang pwedeng gawin nito o sabihin kay Dennis ay ayaw na sana niyang pumunta pa doon. Ngunit minarapat na din niyang makipagkita sa kumpare upang tuluyan nang wakasan ang lahat.
Pagkatayo niya sa tapat ng unit ni Greg, pipindot pa lang siya sa doorbell ay agad nang bumukas ang pinto. Sabik siyang kinabig ng kumpare palapit at mahigpit na niyapos.
“Sabi na di mo ko matitiis eh…”
Paakyat pa lang si Greg kanina pabalik sa unit niya mula sa pamimili sa kalapit na grocery ay minessage na niya si Diane upang ipaalam na lumuwas siya. Gaya nung katext niya ito kagabi ay kung ano-ano ang pagdadahilan na naman nito, may tono pa ng pagkainis nang malamang itinuloy pa din niya ang pagluwas sa kabila ng pagtutol ng kumare.
Ngunit may hawak na alas si Greg kaya naman kayang-kaya niyang pasunurin si Diane sa kanyang gusto.
“Namiss kita ng husto baby…” Hinaltak ni Greg paalis ang mask ng kumare at agad na siniil ng malalim na halik ang mga labi nito.
Sinubukan man ni Diane na ilihis ang kanyang mukha ay naglapat din ang kanilang mga labi dahil sa mariing pagkakakapit ng kumpare sa kanyang batok.
“Uhmpp… Pare tama na!…” awat niya habang nakatukod ang magkabilang kamay sa dibdib ni Greg ngunit patuloy pa rin ito sa pagsakmal sa kanyang bibig.
Kapwa habol ang kanilang hininga nang sa wakas ay kumalas na sa mga labi niya ang kumpare. Hinaplos nito ang kanyang mukha at niyakap siya ng mahigpit habang inilalapat nito pasara ang pinto.
“Namiss kita Diane… Kung alam mo lang kung paano ako pag wala ka… para kong mababaliw!” bulalas nito habang hinahalik-halikan ang gilid ng kanyang mukha at mahigpit na nakayakap sa kanyang katawan.
“Pare please… Hindi ako magtatagal. Pumunta lang ako para makipag-usap.”
Nakita ni Dennis ang parking slot na pinaradahan ng misis sa Basement 2 na para sa tenants at guests ng gusali. Napailing siya at nagtaka nang mapansing lihis na lihis ang pagkakaparada ni Diane ng kotse nito.
Kilala niya kasi ang asawa na may pagka-OC (obsessive compulsive) pagdating sa pagparada at hindi titigilan ang pag-adjust ng kotse hangga’t hindi pantay na pantay ang distansya noon sa mga guhit sa magkabilang gilid ng parking slot.
Naisip niyang marahil ay nag-aapura na ang customer na pagdedeliveran kaya’t hindi na nagawa ni Diane na ayusin ang pagpark. Sabagay ay may sapat pa rin naman itong distansya sa mga katabi nitong sasakyan.
Dumeretso na si Dennis sa elevator na paakyat sa lobby. Mabuti na lang at di nito napansin ang pick-up ng kumpare na nakaparada sa di kalayuan mula sa elevator. Nang makaakyat sa lobby ay naupo na muna siya sa lounging area upang doon na hintayin ang pagbaba ni Diane.
Biglang lumuwag ang pagkakagapos ng mga bisig ni Greg sa kumare. Ramdam niya ang panlalamig nito na tila ba hindi man lang ito nangulila sa kanya sa dalawang buwan na hindi sila nagkita. Bukod sa hindi nito pagganti sa kanyang halik, lalo pa syiang nabahala sa tono ng pagsasalita nito.
Naging seryoso ang mukha ni Greg at tinitigan lamang ang mga mata ni Diane na tila binabasa ang nasa isip ng kumare. Saka ito tumalikod at dumukwang sa may refrigerator.
“Beer? Juice?” tanong ni Greg habang nakalingon sa kumare.
Umiling lamang si Diane sa alok at tahimik na naupo sa silya sa may dining table. Pagkakuha ni Greg ng lata ng beer ay binitbit nito ang isa pang silya at inilipat iyon mula sa harapan ni Diane papunta sa gilid nito.
“Hmm… So ano’ng pag-uusapan natin?” seryosong tanong ni Greg habang nakadantay ang isang siko sa sandalan at pinupunasan ang bula sa kanyang nguso mula sa tinunggang lata.
Napalunok si Diane sa tanong ng kumpare. Kabado at alumpihit nitong pinipisil ang kanyang mga daliri sa ilalim ng lamesa. Hindi malaman kung paano sasabihin kay Greg ang kanyang pakay dahil pirming naiisip ang screenshot na hawak nito.
Ngunit desidido na siya. Alam nyang marapat lang na tapusin na nila ang namamagitan sa kanila alang-alang sa pagsasama nila ng mister at sa pagkakaibigan ng kanilang mga pamilya.
“Pare ayoko na. Tama na.” maigsing sagot ni Diane. Kahit kumakabog ang dibdib ay inipon nya ang lahat ng lakas ng loob upang mabigkas sa kumpare na gusto na nyang makipagkalas dito.
Napangisi lamang si Greg sa nadinig at muling tumungga sa lata. Waring isang malaking kalokohan lang ang kanyang nadinig mula kay Diane na di naman dapat seryosohin.
“Oh bakit, ano ba nangyari?” nanunuya nitong usisa.
Naniniwala siyang may nangyari lang na nag-udyok kay Diane para maisipang wakasan na ang namamagitan sa kanila. Hindi siya naniniwalang ganon-ganon lang ay magagawa siya nitong hiwalayan. Alam nyang napapaligaya nya si Diane. Alam nyang kailangan din siya nito.
Doon na nagkwento si Diane tungkol sa paghaharap ni Dennis at ng delivery boy sa kanilang bahay nang nagdaang gabi. Mabuti na lamang at hindi natuloy ang paglabas niya ng bahay dahil montik na siyang makita nito. Hindi maisip ni Diane kung ano ang naging sitwasyon kung sakaling nakita at nakilala siya ng lalaki.
Binalikan din ni Diane ang galit ni Dennis noong kaarawan nito. Kung saan maging si Greg ay nakaramdam na tila nakakatunog na ito sa namamagitan sa kanilang dalawa at nagbitiw pa ng pagbabanta.
“Mali to Greg eh. Ikaw binata ka na ulit… pwede ka nang humanap ng makakasama mo. Pero ako, may asawa ako. May pamilya ako.”
“Pero ikaw ang gusto ko Diane eh! Kailangan kita… Mahal kita…”
Napasapo ang dalawang palad ni Diane sa kanyang mukha, bumuntong hininga ng malalim kasunod ang mabigat na hagod ng mga kamay sa kanyang buhok na tila nagtitimpi. Dismayado sa itinatakbo ng kanilang pag-uusap ni Greg.
“Greg, sorry.” tangi na lang naisagot ni Diane habang naiiling. Sa tono ng boses ay waring hindi na mababago ang kanyang pasya ano pa man ang sabihin ng kumpare.
Blangkong nakatingin lang sa kanya si Greg na ngayon lang napagtanto na seryoso nga si Diane. Tahimik nitong inabot ang kanyang cellphone, dumutdot at nag-swipe saka inilapag iyon sa harapan ng kumare.
Nakahalukipkip ang mga braso ni Diane sa kanyang pagkakasandal at minasdan ang screen ng telepono ni Greg. Muling tumambad sa kanya ang malaswang imahe ng sarili na tiyak niyang kapag nakita ni Dennis ay di nya maitatanggi na siya nga iyon. Nahagip pa nga ang likod ng mister sa litrato.
Napakunot ang noo niya at agad na dinampot ang telepono at binura ang malaswang larawan. Maging sa Deleted Items ay sinigurado niyang mabura din iyon.
“Hindi mo naman seryosong iniisip na nag-iisa lang ang kopya ko nyan di ba?” panunuya ni Greg.
“Pwede ko isend yan kay pare ngayon mismo.” sabay bunot nito ng isa pa nyang telepono.
Nanlumo si Diane. Tila malabo ang inaasahan nyang maayos na pag-uusap at paghihiwalay nila ng kumpare. Mukhang imposible ang hiling niya na bumalik na lang ang lahat sa dati bago ang gabing iyon nung Disyembre.
“Greg gagawin mo yon? Sisirain mo ang pagkakaibigan nyo ni Dennis? Para mo na siyang kapatid!” dismayadong wika ni Diane.
“OO! Kung kinakailangan, bakit hindi! Lahat gagawin ko mapa-sakin ka lang Diane. Kapag hiniwalayan ka niya… alam kong mapapa-sakin ka na ng buo!”
“Oh my God, Greg! Paano mo nasasabi mga yan! Hindi na kita kilala!”
Napahagulgol na lang si Diane sa mga narinig mula sa kumpare. Hindi makapaniwalang magagawa pala nitong sirain ang pamilya ng matalik na kaibigan para sa pansariling interes. Tila nag-aabang lang ito ng pagkakataon upang pumagitna sa kanila ni Dennis.
Para siya ngayong nakagapos sa sitwasyong pinasok nya. Ni minsan ay di nya inakalang ang masarap na pakikipaglaro ng apoy ay hahantong sa ganito. Na ang pagkadarang sa tukso ng laman ang posibleng maging sanhi ng pagkakaron ng lamat ng pagsasama nila ng kabiyak.
Humarap si Greg kay Diane at hinawakan ang magkabila niyang kamay.
“Look, hindi naman kita minamadali Diane eh. Sa ngayon ayos lang sa akin na makiparte ako kay Dennis. Pero alam ko dadating din ang araw… mari-realize mo na tayo talaga ang dapat sa isa’t isa…. Alam kong pipiliin mo din ako.”
Biglang binawi ni Diane ang mga kamay mula kay Greg at pinukol ito ng tingin na puno ng pagkasuklam. Hindi siya makapaniwala sa mga sinasabi nito na tila iba na ang itinatakbo ng pag-iisip.
Ang alam nya ay sex lang ang namamagitan sa kanila, kaya nga maging siya ay noon pa pilit sinusupil ang ano mang damdaming namumuo para sa kumpare. Libog lang. Ganon lang dapat. Ngunit sadyang nakakabahala na ang ikinikilos nito ngayon.
“Tama na to Greg. Hindi ko na kayang lokohin si Dennis. Ayoko na tong laro mo!”
“Pero ikaw ang nang-akit sakin Diane! IKAW ang nagpakita ng motibo non! Sabi mo pa kapag kailangan kita andyan ka… Ngayon bigla ka na lang aayaw? HINDI PWEDE!!” biglang pagtaas ng tono ni Greg sabay hampas ng kamay nito sa ibabaw ng mesa.
Napatayo si Diane sa pagkagulat, ngunit pilit kinakalma ang sarili sa kabila ng takot sa reaksyon ng kumpare. Alam niyang hindi siya maaaring magpasindak dito. Tinitigan nya ng matalas si Greg at akma na sanang aalis nang magsalita ito ulit.
“Maupo ka! Kung hindi, isese–“
“Sige, isend mo! Go… ituloy mo!” maluha-luhang hamon ni Diane na tila napika na sa pananakot at pambablackmail ni Greg.
“Kaya ko ipaliwanag yan kay Dennis! Pakikinggan nya ko… Maiintindihan nya ko!”
Abot-abot man ang kaba na baka tuluyan ngang ipadala ng kumpare sa mister ang larawan, umaasa na lang si Diane na madadaan nya sa reverse psychology ang kalaguyo.
“At para sa kaalaman mo, ha Greg… wala akong balak na akitin ka non. Wala akong interes sayo! Dahil yung nangyari non, alam yon ni Dennis. May basbas yon ng asawa ko!”
Dala marahil ng pagka-insulto sa tinuran ng kumpare na sa kanya nagsimula ang pagiging magkalaguyo nila, napangibabawan na ng emosyon si Diane at di na napigil na ipaalam kay Greg ang totoong set-up ng nangyari noon bago mag-Pasko.
Natigilan na lang si Greg habang pinakikinggan ang paglilitanya ni Diane na nanginginig ang katawan sa galit at halos maiyak habang naglalahad. Kung paano siya binuyo ng mister na minsang magpatikim sa kumpare upang matupad ang pantasya nito.
“I did it for Dennis… not for you! Pero minsan lang dapat yon! Hindi na dapat nasundan pa at yun ang pinagsisisihan ko!” at muli na naman itong napahagulgol.
Tumayo si Greg at akma sanang yayakapin si Diane ngunit pilit siya nitong itinulak palayo. Tila wala na siyang magawa upang pahupain ang tensyon na namumuo sa pagitan nila.
“Mahal ko si Dennis… Mahal ko ang pamilya ko…. Ayoko na Greg.” deretsahang saad nito nang nakatitig sa kumpare ang namumugtong mga mata.
Muling nagpanting ang tainga ni Greg sa nadinig. Sinunggaban nito ang magkabilang braso ng kumare na nakatukod sa kanyang dibdib at madiin iyong inilapat sa dingding sa ulunan ni Diane gamit ang isang kamay.
“Oh ayun naman pala eh… Gusto naman pala ni Dennis na iniiyot kita… Edi ibigay lang natin ang gusto niya!” sagot nito habang sinisimsim ang leeg ng kumare at marahas na pumipiga ang isang kamay sa kanyang suso.
“Tama na Greg, please! Ayoko na talaga! Tama na!” pagsusumamo nito.
Pilit nagkikislot si Diane ngunit tila bingi si Greg sa kanyang mga pakiusap. Patuloy lang ang hayok na paghimod nito sa kanyang leeg saka ito dumako sa kanyang bibig it nilaplap iyong muli.
“Greg! Uhmmp!”
Sa kabila ng kanyang pag-iwas ay naipasok ni Greg ang malikot nitong dila sa loob ng kanyang bibig upang patahimikin siya sa kanyang pagtutol. Tinudyo-tudyo nito at pilit hinuhuli ang umiilag nyang dila. Halos mabalutan na ng laway ni Greg ang palibot ng kanyang bibig at baba dahil sa pagkahayok.
Mula sa kanyang suso ay bumaba ang kanang kamay nito at dinakma ang kanyang puke. Sa manipis na tela ng kanyang itim na leggings ay kapang-kapa ni Greg ang hiwa ni Diane maging ang namamasa nitong panty.
“Bat walang tabon to? Sabi mo sakin meron ka ah… nagdadahilan ka lang pala! Tangina miss na miss ko na to baby…” gigil na sambit ni Greg at akmang ipapaloob na ang kamay sa loob ng leggings ni Diane.
Muling napasilip si Dennis sa kanyang relos. Nagsimula nang magtaka kung bakit hindi pa din nakakababa ang asawa mula sa delivery nito. Imposible namang hindi nya ito mapansin dahil mula sa main elevator ng building ay tiyak na lalakad ito at madadaanan ang lounge bago makapunta sa kabilang elevator na pababa sa basement parking.
Sa inip ay tumayo na siya at naglakad-lakad. Nang numipis ang mga tao sa Reception Desk ay lumapit sya doon at sinilip ang registration form ng mga building guests.
“Miss ask ko lang… Anong company ang nasa Unit 416?” tanong ni Dennis sa receptionist nang makita nya ang entry ni Diane sa logs ng mga visitors.
“Ah Sir that unit is at the Residential Wing po eh. Sorry, we don’t disclose residents’ info. But here’s the building’s Business Directory po.” sagot ng babae at itinuro nito kay Dennis ang listahang nakapaskil sa gilid ng counter ng mga opisina at negosyong umo-okupa sa gusali.
“Hmm nakita niyo po ba kung saang unit ang pupuntahan nyo Sir?
“Ah hindi Miss, may hinihintay lang ako. Sige salamat.”
Bumalik na sa lounging area si Dennis at muling nagmessage kay Diane kahit na hindi pa rin nito na-seen ang mga nauna nyang mensahe. Nagsisimula na siyang mag-alala para sa asawa.
Nang matanaw nyang abala na ang Reception sa pagdami ng mga guest ay pasimple siyang dumeretso sa elevator at nagpasyang sundan na si Diane sa taas.
“Sinabing tama na eh!!”
Pinilit hilahin ni Diane ang mga kamay mula sa mahigpit na pagkakagapos ng kamay ng kumpare. At nang sa wakas ay makahulagpos ay isang malakas na sampal ang lumapat sa mukha ni Greg.
Kapwa sila natigilan sa pagkagulat sa nangyari. Bakas ang pagkagitla sa mukha ni Greg sa malakas na pagkakasampal sa kanya ni Diane. Nagsalubong ang mga kilay at waring nanggigil lalo kay Diane dahil sa kapangahasan nito.
Wala nang sinayang na sandali si Diane at agad siyang napatakbo sa pinto ng unit at ipinihit ang handle.
Nagmadali siyang kumaliwa ng hallway pabalik sa elevator. Sakto namang nadinig nya ang pagtunog niyon na kahihinto lang sa palapag at kasalukuyang bumubukas ang pinto.
Ngunit agad din siyang natigilan at napaatras nang matanaw ang taong papalabas doon. Si Dennis. Nakayuko ito at abalang nagtatype sa kanyang cellphone.
“Shit!!” mahinang bulalas ni Diane na napamulagat sa nakita.
Nagtataka man kung ano ang ginagawa doon ni Dennis, napangunahan na sya ng taranta at matinding takot na baka makita siya nitong kasama si Greg. Wala siyang nagawa kundi mag-apurang lumakad pabalik ng pasilyo upang di makita ng mister.
Pagkahakbang palabas ng elevator ay natigilan sa pagkakatayo si Dennis habang nagtatype ulit ng message sa kanyang cellphone. Saglit nitong nilingon sa kanyang likuran ang nakapaskil na numero sa dingding upang i-check kung tamang floor nga ba ang kanyang binabaan saka siya marahang lumakad habang patuloy na tumitipa.
Halos patakbo na ang mga hakbang ni Diane, nagmamadali ngunit nag-iingat na lumikha ng tunog. Panay ang lingon nito sa kanyang likuran upang tanawin kung nasa may hallway na si Dennis.
Diretso lang siya sa pasilyo at nilampasan ang pinto ng unit ni Greg. Paglingon niyang muli ay natanaw na nya ang paghakbang ng paa ni Dennis. Kumakabog ang kanyang dibdib sa nerbyos dahil isang hakbang pa ay sesentro na ito sa pasilyo at tiyak na makikita na sya nito.
Nang bigla na lang ay may humatak sa kanya pagilid sa nakalubog na bahagi ng pasilyo kung saan naroon ang fire exit. Montik mapatili si Diane sa pagkabigla kundi lang naagapan ni Greg na takpan ng kamay ang bibig nito.
“Shhh! Wag kang maingay!” bulong ni Greg.
Nang medyo kumalma na ang kumare ay saka niya ito binitiwan at naglapat ng daliri sa kanyang bibig upang sensyasan si Diane na tumahimik lang ito. Napasandal na lang ito sa dingding habang humihingal sa nerbyos.
Pasimpleng sumilip si Greg sa hallway habang nananatiling nakakubli sa palikong bahagi ng dingding. Tanaw niya ang kumpare na nakatayo na ngayon sa sentro ng hallway sa may tapat ng elevator.
Luminga ni Dennis sa kanan at kaliwang bahagi ng pasilyo matapos niyang maisend ang message. Inobserbahan nya ang mga numero sa mga pinto saka ito kumaliwa papunta sa Residential Wing.
“Mahuhuli tayo ni Dennis!” tarantang anas ni Diane at napasapo ang kamay sa kanyang bibig sa kaba.
“Shhh! Hindi yan!” paangil na bulong naman ni Greg.
Muli itong sumilip at nakita nya si Dennis na naglalakad sa hallway papalapit sa kanila. Panay ang tingin nito sa mga pinto sa magkabilang gilid ng pasilyo na tila may hinahanap, saka huminto sa tapat ng kanyang unit at pumindot sa door bell.
“Tang ina alam nya unit ko.” iling ni Greg at dali nitong sinunggaban ang braso ni Diane at itinulak pabukas ang crash bar ng pinto sa may fire exit.
Makailang-ulit na pumindot si Dennis sa door bell ngunit walang tumugon. Minasdan nya ang peep hole kung may aninong sisilip. Halos ilapat niya ang tainga sa pinto ngunit wala syang madinig na TV, boses, o kahit anong tunog mula sa loob at tila walang tao.
Napakunot ang noo ni Dennis at ipinagpatuloy ang paglakad sa pasilyo kahit hindi tiyak kung saan siya pupunta. Halong pagtataka at pangamba ang naramdaman habang patuloy na hinahanap si Diane. Sinilip muli ang kanyang telepono at ang naipong mga mensaheng hindi pa rin nababasa ng misis.
Lingid sa kaalaman niya’y naroon lamang ang hinahanap na ka…