AGUINALDO (35) | Parusa

“Binabalaan ko kayo ha… WAG NYO KO TATARANTADUHIN! WAG KAYONG PAPAHULI SAKIN AT MAGKAKASUBUKAN TAYO!!”

Madalas sumagi sa isip ni Diane ang mga linyang iyon na binitiwan noon ni Dennis. Kahit na nabigkas iyon dati ng asawa sa tauhan na kausap sa telepono, ramdam niyang may iba pang laman ang mga salitang iyon na patungkol sa natutunugan nitong namamagitan sa kanila ni Greg doon pa lang sa Batangas.

Sising-sisi si Diane. Mali talaga na ipinagpatuloy pa rin nila ng kumpare ang kanilang ugnayan sa kabila ng pagdududa na ng kanyang mister. Dapat ay pinutol na niya ang lahat nung makaluwas na silang mag-anak pabalik ng Maynila.

Ngunit kahit magkalayo ay tuloy pa din ang kanilang laro ni Greg kahit sa pamamagitan lang ng mga messages at tawag. Hanggang sa makakuha pa ito ng condo unit sa malapit kung saan sila nagtatagpo kapag lumuluwas si Greg nang walang kaalam-alam si Dennis.

Masarap at masaya makipaglaro. Hanggang sa dumating ang puntong ayawan na. Lalo na kung ayaw pumayag ng kalaro mo.

Hindi niya akalaing magagawa ni Greg na magkaroon ng ebidensiyang makakasukol sa kanya. Kaya naman kahit desidido na siyang hiwalayan ang kumpare ay mas lalo pang naging kumplikado ang sitwasyon dahil sa mga pananakot nito.

At ngayon nga ay hindi niya maiwasang maparanoid sa mga ikinikilos ni Dennis nitong mga nagdaang araw. Kapansin-pansin ang pagiging tahimik nito na parang laging may malalim na iniisip. Nadadalas din ang pag-inom nito na kapag tinatanong niya naman kung may problema ay wala lang itong imik.

Posible kayang may ipinadala nang kopya ang kumpare ng kinatatakutan niyang ebidensya ng kanilang kataksilan?

Malabo, sa hinuha ni Diane. Kahit sinong asawa ay hindi kakayaning manahimik lang kapag napanood ang video na iyon ng mga pinaggagawa nila ni Greg.

Ngunit kung hindi iyon ang sanhi, bakit bigla itong nagbago? Bakit ganoon na lang ang panlalamig sa kanya ni Dennis? Bakit ito umiiwas maging sa kanyang mga paglalambing na para ba siyang pinaparusahan.

Ipinalagay na lang ni Diane na masama pa rin ang loob nito sa kanya dahil sa aksidenteng sinapit ni JR na montik na nitong ikapahamak. Maging siya man kasi ay di pa din lubusang mapatawad ang sarili dahil sa nangyari.

Baka yun nga. Sana nga ay yun lang.

Abala si Diane sa tuktok ng hagdan habang ipinupulupot ang mga kawad ng LED lights sa mga sanga ng kanilang Christmas tree. Dahil sa inip at tutal ay Ber months naman na ay naisipan niyang agahan ang pagdedecorate ng kanilang bahay.

“Hon, pakiabot naman yung box ng poinsettias please.” pakisuyo nito sa mister.

Ngunit ni hindi natinag si Dennis. Napalingon si Diane sa asawa na tila hindi nadinig ang kanyang sinabi. Naka-de cuatro ito sa sofa at nakakunot ang noo habang nanonood ng telebisyon.

“Hon…” ulit nito, ngunit nanatiling nasa TV ang atensyon ng asawa.

“Ay wait lang ninang…” sagot naman ni Pam na abala sa pagpoporma ng garlands sa may balustre ng hagdanan.

“No ako na Pam…. tuloy mo na lang yan.”

Ipinagkibit-balikat na lang niya ang di pagpansin ni Dennis at bumaba na siya sa tinutuntungang hagdan. Hinaplos ang ulo ni JR na nakasalampak sa carpet at wiling-wiling nilalaro ang mga Christmas balls at isinasabit ang mga iyon sa bandang ibaba ng puno.

“Where’s the red ball nga JR?” tanong ng ina upang review-hin ang mga itinuro nila ni Pam sa anak.

Dumampot ang paslit ng pulang pansabit at ibinato iyon sa kanyang mommy saka bumungisngis ng tawa. Mabuti na lamang at nasalo iyon ni Diane.

“Ay no throwing JR! Bad yon!” sita nya sa walang muwang na paslit na nanatili lang nakatawa sa kanyang ina na waring nakikipaglaro.

Dahil sa pagpunta ng mag-anak sa ospital noong magkaroon ng emergency kay JR ay minabuti nilang mag-quarantine ng dalawang linggo sa bahay. Binantayan nila kung mayroon sa kanilang magpapakita ng sintomas at kakailanganing magpatest.

Tumigil muna si Diane sa pagtanggap ng orders. Mahirap din kasi at baka makahawa pa siya sa kanyang mga padadalhang customers kung sakaling infected pala siya ng sakit.

Bukod sa minsang pag-alis ni Dennis isang hapon ay wala nang lumabas ng kanilang tahanan. Sa panahon naman ngayon ay ma-oorder mo na online ang lahat ng iyong mga pangangailangan.

Paalam ni Dennis noon ay sasaglit lang siya sa shop upang maghabilin sa mga tauhan. Ngunit ang totoo ay sa may labasan lang ito nagpunta. Kinailangan nang hanapan ng sagot ang bumabagabag sa kanyang isip.

Magkasunod na lumabas sila Diane at Greg mula sa unit…

Lumabas siya ng elevator… napaatras si Diane sa hallway…

Hinatak ito ni Greg na nagkubli sa palubog na dingding…

Sinilip pa siya ni Greg nang magdoorbell siya sa unit…

Lumabas ang dalawa sa fire exit… nagpatuloy ang lakad niya sa hallway…

Akma niyang itutulak pabukas ang pinto ng fire exit…

Napalingon siya at bumalik para humabol sa elevator…

Confirmed. Magkasama nga ang dalawa. Makakapagsinungaling sa kanya si Diane pero hindi ang kuha ng CCTV.

Yun pa lang ay sapat na para mapagtanto niyang hindi pa rin pala nagwakas ang namamagitan sa misis niya at sa tusong kumpare. Nagsabing uuwi na ng Batangas nang umagang iyon ngunit bantay-salakay itong nag-abang ng pagkakataon para muling masolo ang kanyang asawa.

Di pa doon natapos ang nasaksihan niya sa kuha ng CCTV. Nahagip pa ng camera ang pagtataas ni Greg ng zipper nang mag-isa itong pumasok na ng pinto pabalik sa pasilyo.

‘Tang ina ka Greg. Alalang-alala ako kung nasaan at napano na asawa ko. Yun pala kinakana mong hayup ka.’

Mabuti na rin at wala daw CCTV sa hagdanan sa may fire exit ayon sa nakakuntiyabang gwardiya. Baka di rin niya kayanin kung sakali ang kanyang makikita.

Oo at noon pa niya pantasya na ipatikim si Diane kay Greg. Walang kapantay na libog ang naramdaman niya nang matupad iyon noong Disyembre at mamalas pa niya mismo sa kanyang harapan.

Pero iba pala ang pakiramdam kapag nangyari iyon nang hindi mo alam. Nang inilihim. Nang may pantatraydor at pagtataksil.

Kahit masamang-masama ang loob niya sa kanyang misis ay hindi niya magawang lubusang magalit dito. Ni hindi niya ito magawang kwestyunin o sumbatan.

Paano niya iyon magagawa sa asawa gayong alam niyang siya ang puno’t dulo ng lahat. Na kung hindi niya iginiit noon na magpatikim ito sa kanyang kumpare ay hindi ito madadarang sa tukso.

Bukod pa sa maging siya ay may nagawa ring pagkakasala dito. Na ilang buwan ding may namagitan sa kanila ng kanyang inaanak. Sa mismong bahay pa nila. Sa mismong kama pa nila.

Pero ibang usapan si Greg. Nagngangalit ang kanyang panga maisip lamang ang mga panlalansing ginawa sa kanya ng kumpare na itinuring na din niyang parang kapatid. Ibinigay mo na nga ang kamay mo, pati braso ay gusto pang kunin.

Hindi pa ba sapat na natikman nito ang misis niya? Paano kung hindi na lang pala sex ang habol nito dahil tila hindi na lang iyon ang nag-uugnay sa dalawa. Malinaw na may relasyon ang kanyang asawa at kumpare. Paano kung ang pakay na pala ni Greg ay agawin ang kanyang asawa?

Dahil sa labis na sama ng loob ay makailang beses na niyang kamontik tawagan ang kumpare lalo’t kapag siya’y nakainom. Ngunit nagtimpi si Dennis.

May tamang panahon upang kumprontahin niya si Greg para matigil na ang kahibangan nito. Yung harapan. Yung usapang lalake sa lalake.

“Pam, pakikuha mo nga ako nak ng tubig.”

Abala noong nagtetext si Dennis. Bakas sa mukha nito ang tensyon habang nagtatype. Kanina pa ito kariringgan ng mga inis na satsat dahil sa kapalpakan ng mga tauhan kapag wala ang amo at hindi nababantayan ang trabaho ng mga ito.

Nagkatinginan sila Diane at Pam na kapwa nasa may kusina at naghahanda ng kanilang pananghalian. Para bang nagtatanong ang inaanak kung siya ang maghahatid ng inumin sa kanyang ninong o ang asawa na nito.

Tumango lamang si Diane at kumuha na nga si Pam ng baso ng tubig at dinala iyon kay Dennis sa may salas.

“Ninong oh…” anas ni Pam sabay abot ng baso.

Paglingon ni Dennis sa inaanak ay unang tumama ang kanyang paningin sa mga suso nito na bakat sa suot na t-shirt at halatang hindi natatabunan ng bra. Nakasanayan na talaga nilang magninang na hindi mag-bra kapag nasa loob lang ng bahay.

“Lapag mo na lang diyan.”

Sa pagyuko ni Pam upang ibaba ang hawak na baso sa lamesita ay sumungaw sa leeg ng t-shirt nito ang puno ng mapuputi at tayung-tayong mga suso na ilang buwan din niyang pinagpasasaan.

May demonyong nagbubuyo sa kanya upang gamitin muli si Pam upang makaganti sa kagaguhan ng kanyang kumpare. Kahit nagkasundo silang magninong na tapusin na ang lahat sa pagitan nila, alam naman niyang kayang-kaya niyang pabigayin ulit ang inaanak.

Ngunit pilit din niyang iwinaksi iyon sa kanyang isip. Kung ano man ang gusot sa pagitan nilang tatlo ngayon nila Diane at Greg ay labas na doon si Pam. Masyado na itong maraming pinagdaanan at hindi na dapat madamay pa sa mga sala ng ama nito.

“Thank you Pam…” pahabol ni Dennis sa inaanak na may kasamang ngiti.

Hindi naman iyon nakatakas sa mga mata ni Diane. Kitang-kita niya ang pagtama ng paningin ng kanyang asawa sa dibdib ng inaanak na hindi inilihis kahit sa pagyuko nito. Parang nakita pa niya ang pag-alon ng lalamunan ni Dennis na waring napalunok.

Kilala niya ang kanyang mister. Alam niyang wala iyong malisya sa asawa at nagkataon lamang. Ngunit bilang babae ay hindi niya mapigilang kahit papaano ay makadama ng selos.

Maging ang pagngiti nito na bihirang-bihira na niyang makita. Mas madalas din nitong kausapin si Pam at makipagkwentuhan dito kaya naman may bahagi niyang hindi maiwasang makaramdam ng panibugho.

Lunes ng umaga matapos ang dalawang linggo nilang quarantine. Abala si Diane sa kusina sa pagluluto ng almusal at nakasalang na din ang unang batch ng kanyang ibinebake para sa muling pagtanggap niya ng orders. Gumagayak na din si Dennis para pumasok at asikasuhin ang negosyo nito.

Gayon na lang ang pasasalamat ni Diane na wala ni isa man sa mag-anak ang nagpakita ng sintomas kaya’t balik na ang lahat sa dati. Maliban na lang sa pakikitungo sa kanya ni Dennis.

“Sige sabihin ko na lang. Love you too Pa… Ingat din kayo dyan… Miss you…” pabulong na paalam ni Diane sa kausap saka pinindot na ang end call button sa kanyang telepono.

Habang nasa tawag ay hindi niya naramdaman ang pagbaba ni Dennis ng hagdan. Agad nitong napansin ang pabulong na pakikipag-usap ni Diane sa cellphone kaya’t maingat siyang lumakad papalapit dito habang matamang nakikinig.

Sakto namang nagpapaalam na ang misis sa kausap nang makalapit siya. At halos mapatili ito sa gulat nang sa pagpihit ay makita nitong naroon siya sa likod nito at nakamasid.

“Shit Hon! Ginulat mo naman ako!! Kanina ka pa dyan?!” bulalas ni Diane habang sapo ang kanyang dibdib sa pagkabigla sa tila pagsulpot na lang ng mister sa kanyang likuran.

“Sino kausap mo? Si Greg?” malamig pa sa yelo nitong tanong.

Natigilan si Diane sa tono ni Dennis. Parang hindi kasi ito nagtatanong sa sinabi nito, bagkus ay nagpaparatang.

“Ha? Hinde. Si Papa… may pinapa–“

“Bat ka bumubulong dyan sa sulok?” sabat nito.

Muling natigilan si Diane. Hindi na maganda ang pakiramdam niya sa mga nangyayari. Sa tono at ekspresyon ng mukha ng mister ay di niya maalis sa isipan na parang may nalalaman na ito tungkol sa kanila ni Greg.

“Maaga pa kasi, baka magising si Pam eh. Puyat yon. Bumangon ako kagabi, late na may mga inaasikaso pa daw siyang lessons.” paliwanag ni Diane.

Blangko lang siyang tinignan ni Dennis at naupo na ito sa may lamesa. Napabuntong-hininga na lang si Diane, di mabasa kung ano ba talaga ang tumatakbo sa isip ng kanyang mister. Nagtimpla siya ng kape at dinala iyon sa may dining.

“Tawagan mo daw si Papa. Gustong ipalakad yung rehistro ng sasakyan niya sa kakilala mo sa LTO… baka daw pwedeng no-show na lang.” kwento ni Diane habang inilalapag ang tasa sa harapan ni Dennis.

“Sige mamaya.” matipid nitong sagot nang ni hindi man lang siya nilingon at tuloy lang sa pagbrowse sa cellphone nito.

“Hon sabihin mo nga sakin… May problema ba tayo? May nagawa ba ko?” tanong ni Diane habang nakatayo sa gilid ni Dennis at nakatukod ang isang kamay sa lamesa.

Di na nakapagtimpi si Diane sa kung paano siya tratuhin ng kanyang asawa kaya’t napabulalas na ito. Bahala na kung ano ang sabihin ng mister, basta kailangan na niyang malaman.

Sa nadinig ay saka lang siya nilingon ni Dennis nang may nanunuyang ngiti sa labi.

“Hmm meron nga ba?” balik-tanong nito.

Hindi nakaimik si Diane. Hindi makahagilap ng isasagot. Inaasahan malalaman na niya ang rason sa inaasal ng kanyang kabiyak ngunit hindi pa rin iyon nabigyan ng linaw.

“Sige na, ituloy mo na yung binebake mo. Tiyak namimiss ka na nung suki mo dun sa building sa may labasan… 2 weeks ba namang di natikman yang cake mo…” at bumaba ang makahulugang tingin nito sa pagitan ng kanyang mga hita.

————————-

Pumasok ang Oktubre, ang birth month ni Diane.

Patuloy pa din ang matabang na pakikitungo ni Dennis sa kanyang asawa. Pilitin man kasi niya ay sadyang hindi niya maibalik iyon sa normal dahil sa tuwina’y naaalala niya ang kataksilan nito na montik pang ikinapahamak ng kanilang anak.

Ngunit hindi rin niya kayang lubusang tikisin si Diane lalo na sa nalalapit na kaarawan nito. Alam niyang dismayado ang asawa. Dahil kasi sa pandemya ay hindi na matutuloy ang noon pa nito balak sana na spa party para sa pagdiriwang ng kanyang ika-tatlumpung kaarawan.

“Hon… advanced happy birthday.”

“Oh? Ano to?” Nagtatakang inabot ni Diane ang puting sobre na hawak ni Dennis.

Kahit may sama ng loob ay hindi naman makapaghintay ang mister na makita ang reaksyon ng kanyang asawa sa kanyang simpleng sorpresa. Noon pa man ay tuwang-tuwa ito sa tuwing ginugulat niya si Diane sa mga munti niyang pakulo.

Nagliwanag ang mukha ni Diane nang mabasa ang dokumentong laman ng sobreng iyon. Print out pala ng reservation para sa dalawang kwarto sa isang 5-star hotel sa darating na Sabado.

“Staycation! Thank you Hon!!” at para itong bata na napapulupot ang mga braso sa leeg ng kanyang asawa sa tuwa.

Alam ni Dennis na matagal na din silang nabuburyong sa bahay. Kahit kasi medyo nagluwag na ang turismo ay hindi rin sila basta makakapagtravel dahil sa paslit nilang anak. Hindi rin naman nila pwedeng isugal ang kanilang kalusugan kaya’t hotel staycation na lang ang possible nilang pagtyagaan sa ngayon.

“Dun na lang natin salubungin birthday mo… Oh sige na, sige na, at galing ako sa labas. Maliligo na muna ko at baka kung anong virus na nakakapit sakin.” at tila naaalibadbarang kinalas nito ang mga brasong nakayakap sa kanya.

Bago siya pumasok ng banyo ay pinaalalahanan niya si Diane na pasabihan na agad ang mga magulang sa kanilang plano. Tumango lamang ito habang nakangiti pa din at binabasa ang mga nakasulat sa papel.

Kahit may iniindang kirot sa kanyang dibdib, pasumandali ay tila hinaplos ng kaligayahan ang kanyang puso na makita ang kanyang asawa na masaya. Di maitatanggi na sa kabila ng pagtataksil ay sadyang mahal niya talaga ang kanyang kabiyak.

“Sure ka ba Pam, ayaw mo talaga sumama? Pwede namang i-upgrade yung isang kwarto.” pahabol na aya ni Diane bago bumaba ng sasakyan ang inaanak.

On the way sa hotel ay idinaan nila si Pam sa bahay ng kaibigan nito kung saan ito magpapalipas ng gabi.

Nagkusa na si Pam na hindi sumama para magkaroon ng pagkakataon ang mag-anak na magbonding nang wala siya. Isa pa ay alam niyang naroon ang mama ni Diane na noon pa niya nararamdamang tila hindi siya gusto kaya naman ilag siya dito.

“Nako hindi na ninang! Saka noon pa din ako kinukulit nitong friend ko na mag-sleep over eh, matagal na din kaming hindi nagkita.”

Maya-maya’y lumabas na ang kaklase ni Pam upang siya ay salubungin. Bago umalis ay nagpahabol pa ng habilin si Dennis.

“Oh pano Pam, dito ka din namin susunduin bukas ha. Message ka na lang namin pag papunta na kami para makagayak ka na.”

“Ok ninong. JR behave ka dun ah! Advanced happy birthday ninang… enjoy kayo don…”

Nang makapasok na ang dalawang dalaga sa loob ng bahay ay tumuloy na sa byahe ang mag-anak.

“Thank you for this quick get away Hon…” sambit ni Diane na bumasag sa katahimikan sa pagitan nilang mag-asawa sabay haplos sa kamay ng kanyang mister.

Isang tipid na ngiti lamang ang itinugon ni Dennis na nanatiling diretso lamang ang tingin sa daan habang nagmamaneho. Hati pa rin ang damdamin para sa kanyang asawa.

Sa hotel na sila nagkasundong magkita ng mga magulang ni Diane. Matapos nilang magcheck-in at mailagay sa kwarto nila ang kanilang mga gamit ay dumeretso na silang tatlo sa kwarto ng lolo at lola ni JR na nasa parehas ding palapag.

“Ang apo ko!! Ang laki-laki mo na!” bulalas ng papa ni Diane na giliw na kinarga ang apong matagal din nilang hindi nakasama at laging sa video call lang nakikita.

“Nako Pa, eh paano… siya ang taga-taste test ng mommy niya kaya ayan, siksik na siksik!” sagot naman ni Dennis sa biyenan nito.

Kahit halos isang buwan na ang malamig na pakikitungo sa isa’t isa ng mag-asawa ay nanatiling malapit si Dennis sa mga magulang ng kanyang misis.

“DJ… happy birthday nak…” at bumeso naman kay Diane ang kanyang mama.

Doon na sila nagpalipas ng hapon at nagrelax nang magkakasama. Nagluto pala ang kanyang mama ng specialty nitong seafood palabok at nagdala din si Diane ng ilan sa best seller niyang baked goods na alam niyang miss na ng kanyang mga magulang.

Maraming tumawag kay Diane na mga kaibigan at kamag-anak upang magparating ng pagbati kabilang na roon ang kanyang ate na nasa Singapore. Napuno ng kwentuhan at kamustahan ang hapon na hindi na nila napansin ang mabilis na paglipas ng mga oras.

“Nako apo, wag mo ihagis yan at baka tamaan ang TV. Magbabayad ng mahal ang daddy mo!” natatawang saway ng lolo kay JR na akmang ipupukol ang hawak nitong kotse-kotsehan sa kanyang lolo na dadaan sa harap ng TV.

“Ay JR no… put it down nak. Di ba sabi ko bad yung– JR!!!”

Hindi na natapos ni Diane ang sasabihin at napahiyaw na lang nang ihagis pa rin ng anak ang bitbit na laruan na waring gusto ipasalo sa lolo nito. Dahil hindi rin akalain ng papa niya na ihahagis nga iyon ng apo ay hindi ito nakaumang ng salo kaya’t tinamaan ito sa ulo.

“Di ba sabi ni mommy bad yung nagto-throw?!!” sermon ni Diane sa musmos na anak. Sa galit ay nahablot niya ang kamay nito at tinampal.

Sa pagkagulat at kirot marahil ng latay ng kamay ni Diane sa kanyang palad ay nagpalahaw ng iyak ang paslit na agad namang inalo ng lola nito.

“DJ naman, kaliit-liit pa ng apo ko para parusahan. Wala pa namang isip si JR eh, hindi pa niya alam ang tama at mali. Tahan na apo… oh kiss na ni lola ha…”

“Nako JR… manang-mana ka sa mommy mo! Mas sutil pa yan sayo nung kasing laki mo!” kantyaw ng papa ni Diane habang iniaabot ang laruan sa apo upang subukan itong patahanin.

Nangatwiran si Diane sa mga magulang na kailangan niyang maturuan ng leksiyon ang kanyang anak. Pero syempre, wala naman siyang laban sa mga lolo at lola pagdating sa nag-iisa nilang apo.

Nakamasid lang si Dennis sa buong pangyayari. Tahimik na napapaisip. Kung ang anak nga na wala pang muwang ay napaparusahan, mas lalo na siguro iyong alam na dapat kung ano ang tama sa mali.

Kinagabihan ay gumayak sila para sa dinner reservation ni Dennis sa isang restaurant doon din sa hotel. Matapos silang maghapunan ay nagpasya naman ang mag-ina na magpa-spa.

“Nako hindi na. Kayo na lang at manonood kami ni Dennis ng replay ng Game 5.” sagot ng papa ni Diane sa paanyaya ng misis nito.

“Ma, kung may mapag-iiwan nga lang kami kay JR, lalabas sana kami nang makapag-good time naman hahaha… Di ba noh Pa?” pilyong kantyaw naman ni Dennis.

“Yun! Makalaklak nga ng isang banig na naproxen hahaha!”

Umirap lang ang mag-ina at tinungo na ang pinto para bumaba sa spa. Parehas na parehas ang expression ng mukha ng mga ito na lalong nagpahagalpak sa magbyenan.

Nagpasya ang dalawa na magsauna bago magpamasahe. Habang nagpapapawis sila sa loob ay hindi na nakatiis ang ina na kamustahin ang kanyang anak.

“DJ, ok lang ba kayo ni Dennis? Parang may kakaiba kasi sa inyo… hindi kayo masyadong nagkikibuan. Hindi ka din halos kumain nung dinner ah… may problema ba?”

Napabuntong-hininga na lang si Diane. Kundi lang tagaktak ang pawis niya ay mahahalata tiyak ng kanyang mama ang pagluha ng kanyang mga mata.

Ngayon lang kasi may nangumusta sa kanya tungkol sa sitwasyon nila ni Dennis. Antagal na din niyang may kinikimkim na hinanakit ngunit wala naman siyang mapagsabihan.

“Not gonna lie Ma… hindi kami masyadong okay. But nothing serious. You know, the usual petty stuff. Lahat naman ng married couples ganon minsan di ba?” pagtatakip ni Diane.

“Hmm… Si Pam ba?” urirat nito.

“Ma! Nako ayan ka na naman! Hahaha… No, no, wala. It’s not like that. I told you, hindi ganon si Dennis.”

Kung pwede nga lang sana niya aminin sa ina na hindi ang mister niya ang sanhi ng kanilang problema. Na hindi si Dennis ang nagloloko… kundi siya.

“DJ… Dennis is a good man. Alam namin ng papa mo na mahal na mahal ka niya. Nakikita namin. Kaya whatever that is, I know you guys can work it out. Andito lang kami ha…” paalala nito at pumisil sa kamay ng kanyang bunso.

“Thanks Ma… Yup, we will. Maaayos din namin to.”

Matapos mag-sauna ay nag-shower sila saka nagpamasahe. Kahit narerelax ang kanyang katawan ay panay naman ang takbo ng isip ni Diane. Lalong sinumbatan ng kunsensiya ang kanyang isip matapos marinig ang mga salitang binitiwan kanina ng kanyang mama.

Napakapalad nga naman niya kung tutuusin na magkaroon ng mabait at tapat na asawa. Ngunit bakit niya nagawang pagtaksilan si Dennis. Bakit siya pang babae ang nagdulot ng lamat sa kanilang pagsasama.

At ang masakit pa ay kung kailan gusto na sana niyang ituwid ang pagkakamali ay saka pa siya nito tila inuusig. Na hindi naman siya magawang kumprontahin at mas minarapat na parusahan siya sa pamamagitan ng malamig nitong pagtrato.

Makalipas ang ilang oras, pasado alas onse na nang makabalik ang mag-ina. Nadatnan nila ang mag-biyenan na nanonood pa din ng TV. Sa center table ay makikita ang mga basyong lata at maliliit na botelya ng alkohol mula sa minibar na napagdiskitahang inumin ng dalawa.

Natanaw ni Diane si JR sa loob ng kwarto. Naka-pajama na ito at mahimbing nang natutulog.

“Hon tara na, kargahin mo na si JR para makapagpahinga na sila.” aya ni Diane kay Dennis.

“Ano ba naman kayo DJ, natutulog na eh baka magising pa pag ginalaw. Saka ngayon na lang namin ulit makakatabi matulog tong apo ko eh…” apela ng papa ni Diane na pumwesto na sa tabi ni JR.

“Sige na DJ, pahiram niyo na muna samin. Magpahinga na din kayo ni Dennis. Less than an hour na lang pala… happy birthday nak ha…” at yumakap ito muli sa kanyang bunso.

Matapos magpaalam ay bumalik na ang mag-asawa sa kanilang kwarto. Wala pa rin halos imikan ang dalawa at tila nagpapakiramdaman.

Dumeretso si Dennis sa banyo para magshower habang nagpalit naman si Diane at isinuot ang bagong bili niyang pulang sedang pantulog. Sabi nila ay maswerteng kulay daw ang pula kaya naman ito ang isinusuot ng mga may kaarawan. Baka sakaling iyon ang magdala ng swerte sa kanilang mag-asawa sa gabing iyon.

Mula kasi nang mag-home quarantine sila hanggang sa kasalukuyan ay wala nang intimacy na namagitan sa kanila ng mister. Ni minsan ay hindi ito nag-aya, na di na rin nakapagtataka dahil nga sa mga ikinikilos nito. Kahit siya pa ang maglambing ay di rin tumutugon ang asawa at kadalasan ay tatalikod lamang at matutulog.

Habang hinihintay niya si Dennis na matapos maligo ay inilabas ni Diane sa kahon ang pump bottle ng massage oil na kanyang binili kanina sa spa. Gawa iyon sa jojoba oil na hinaluan ng lavender at chamomile essence para sa mahimbing na pagtulog.

Sino ba naman ang makakatanggi sa masahe, sa isip-isip ni Diane. Maging siya ay maginhawa ang pakiramdam at langhap pa din ang bango ng langis na iyon na nasa kanyang balat kaya naman gusto niyang marelax din si Dennis. Ginawa pa niyang dim ang ilaw sa loob ng silid para i-set ang mood.

Inip man ay matiyaga siyang naghintay. Alam niya sa sariling sabik na siya sa mister at umaasa siyang ganoon din ito sa kanya. Ngayon lang sila ulit magkakasarilinan kaya naman kung sakaling may mangyayari sa gabing iyon ay baka iyon na ang magpanumbalik ng init nila sa isa’t isa.

“Sino yan ha? Si Greg na naman?!” galit na hiyaw ni Dennis.

Nadatnan niya an…