Dumaan din sila sa bahay ng mga magulang ni Diane upang ihabilin ang kanilang aso at makapagpaalam bago sila bumiyahe.
“Oh DJ mag-iingat kayo ha. Dennis magmessage kayo kapag nakarating na kayo.” bilin ng papa ni Diane sa kanilang mag-asawa.
“Anak, kung ano man yan… I hope you and Dennis could patch things up habang andon kayo ha…” pabulong na habilin naman ng kanyang mama nang bumeso siya rito.
“Yes Ma.” tipid nitong sagot. “Sige po tuloy na kami para wag kami gabihin sa daan.”
Pagdating sa toll plaza ay bumungad sa kanila ang mahabang pila ng mga sasakyang nagpapakabit ng RFID sticker. Balita kasi na sa Nobyembre ay ipapatupad na ang cashless collection ng toll fees sa lahat ng mga expressway. Mabuti na lamang at matagal na silang nakapagpalagay kaya’t hindi na sila naabala.
Kapansin-pansin na hindi ganoon karami ang bumabiyaheng sasakyan kumpara noong mga nakaraang taon. Marahil dahil sa ilang araw din kasing sarado ang mga sementeryo upang maiwasan ang dagsa ng mga tao ngayong Undas.
Sadyang nakakapanibago ang Todos los Santos sa taong ito. Dahil sa pandemya ay wala na ang nakasanayang reunion ng magkakamag-anak sa pagdalaw sa kanilang mga namayapa sa sementeryo. Kung saan ang mga kabataa’y nagpapalipad ng saranggola o nagbibilog ng tunaw na kandila.
Sa new normal ay maiiba na ang pamamaraan ng pag-alala ng tao sa mga pumanaw.
Dati ay abala ang matatanda sa paggawa ng sinukmani at iba pang mga kakanin. Ipinamimigay ang mga iyon sa mga kabataang umaawit sa bahay-bahay sa Pangangaluluwa.
Nang lumaon ay unti-unting napalitan ng pagsusuot ng samu’t saring nakakatakot na costumes para sa Trick or Treat tuwing Halloween. Ngayon ay wala muna ang lahat ng iyon.
Dahil sa pandemya ay mas mahirap na bumiyahe at hindi basta makakauwi ang mga tao sa kani-kanilang probinsiya. May mga LGU kasi na nagrerequire ng mga tests at kung ano-anong dokumento bago ka makapasok.
Kaya naman sa taong ito, tiyak na marami sa mga Pilipino ang mananatili na lang muna sa kani-kanilang tahanan sa Undas at magtitirik ng kandila para sa mga yumaong mahal sa buhay.
Manghang-mangha si JR sa mga nakikitang nakahilig na poste ng kuryente. Itinuturo din ng paslit sa kanyang kinakapatid ang mga nabuwal na puno at mga nasirang istruktura na kanilang nadadaanan.
Bakas pa din sa paligid ang hagupit ng nagdaang bagyong Quinta sa kanilang bayan. Mabuti na lamang at naibalik na ang serbisyo ng kuryente bago pa sila umuwi. Maaliwalas na ang panahon ngunit nagbabadya pa din ang ulan sa gabi lalo’t paparating na naman ang isa pang mas malakas na bagyo.
“Sure kayo ninong… di na kayo bababa?”
Halata ni Pam ang tensiyon sa pagitan ng mag-asawa. Buong biyahe ay wala halos imikan ang mga ito. Sabagay, kahit sa bahay ay ilang linggo na niyang napapansing hindi halos nag-uusap ang dalawa.
Di niya tuloy maiwasang kabahan na baka may nalaman si Diane tungkol sa nakaraan nila ng kanyang ninong. Ngunit wala namang nababanggit sa kanya si Dennis kaya’t pinilit na lang niya na isantabi iyon.
“Hindi na Pam. Sige na at gabi na rin, gusto na naming magpahinga. Pasok ka na.”
Sumunod na lang si Pam at binitbit na ang kanyang mga gamit. Sinalubong siya ni Kyle at pumasok na silang mag-ate sa loob. Nagtataka pa din si Pam dahil ngayon lang ata sila umuwi na hindi man lang nagpakita muna ang ninong niya sa kanyang papa na dati rati’y sabik laging makita ang isa’t isa.
Sa pagdating ng mag-anak sa ancestral house nila Dennis ay sakto namang nagsimulang paisa-isang pumatak ang ulan. Mabuti at nakapanik na sila sa taas at naiakyat na din ang kanilang mga gamit bago pa iyon tuluyang bumuhos.
“Nako ginabi na kayong mag-anak. Ala eh, maghain na nang makapaghapunan na sila.” utos ni Paeng sa pamangkin nitong binabae.
Mukhang maayos naman mag-alaga sa bahay ng bago nilang katiwala. Malinis ang kabahayan at naihanda nila iyong mabuti para sa pagdating nila Dennis.
Makintab na makintab ang kahoy na sahig. Di mapigilan ni Diane na mapangisi sa mga muscle sa hita at binti ng bakla sa suot nitong maigsing shorts. Naiisip niyang ito marahil ang matiyagang nagbunot ng sahig upang pakintabin iyon.
“Halina ho’t sabayan na ninyo kami.” paanyaya ni Diane sa magtiyuhin.
“Sige lang Te Diane, di pa kami Tom Jones ni tyong eh. Lafang na kayo dyan.” at kumekendeng nitong hinila ang mga maleta papasok sa silid ng mag-anak.
Ipinagpabukas na ni Diane ang pag-aayos ng kanilang mga gamit. Matapos silang makapaghapunan ay kumuha na lang siya sa maleta ng kanilang damit na pampalit.
Iba talaga ang klima sa probinsiya. Ramdam ang malamig at sariwang simoy ng hangin na pumapasok sa silid lalo pa’t bumubuhos ang ulan sa labas.
“Ang ginaw Hon…” bulong ni Diane sa mister sabay yakap dito.
Unti-unting dumausdos ang kanyang kamay mula sa dibdib pababa sa tiyan ng asawa hanggang sa ibabaw ng garter ng boxer shorts nito. Ngunit bago pa niya makapa ang pakay ay maagap na nahawakan ni Dennis ang kanyang kamay at hinawi iyon.
“Tulog na tayo, pagod ako sa biyahe…” at tumalikod na si Dennis at pumaling sa kabilang direksyon.
Naiwan na lang si Diane na nakatingala sa kisame at pinagmamasdan ang sumasayaw na anino ng mga sanga ng puno sa kadiliman ng silid.
————————-
Matapos makapag-agahan kinabukasan ay abala si Dennis sa pag-iinspeksiyon ng paligid ng bahay. Makikita ang bakas ng nagdaang bagyo sa mga puno na nagkaputol-putol ang mga sanga.
Nasa bubong naman si Paeng at patuloy na kinukumpuni ang pinsalang dulot ng pagbagsak doon ng naputol na sanga ng puno. Madami din kasing gawain sa plantasyon kaya’t ngayon lang nila iyon naasikaso.
“Ano na nga ulit ang pangalan mo teh?” tanong ni Diane sa kasama habang nagmimismis siya ng mesa. Siya na sana ang maghuhugas ng mga pinagkainan nilang mag-anak ngunit maagap ang bading at pumwesto agad sa may lababo.
“Romy na lang Te Diane. Ay sige lapag mo na lang yan dyan, ako na yan…” at inginuso nito kung saan ipapatong ni Diane ang mga pinagmismisan.
“Ahh… Romy… Eh sa gabi ano?” humahagikgik na tanong ng ginang, aliw na aliw sa maharot na pagsasalita ng kausap.
Kung di lang kasi sa suot nitong tank top at maigsing shorts at kung hindi ito magsasalita ay di mo siguro aakalaing isa pala itong binabae. Halatang batak kasi sa trabaho sa niyugan ni Greg ang katawan nito.
“Ay gusto mo ng pang beaucon na introduction teh?” tanong ni Romy habang nag-aanlaw muna ng mga kamay.
“Sige, sige… Pang Miss Universe ha!” tugon ni Diane na naupo sa silya at excited na nag-abang.
Game namang nag-pose si Romy ng nakapamewang pa at bahagyang nakayukod sa imaginary mic stand sa harap nito.
“Good evening ladies and gentlemen… Standing before you is this 26 year old stunner that hails from the beautiful province of the Lowest Volcano to the Deeper Dives… Batangas!” at inilahad pa nito ang dalawang braso sa pagbigkas ng probinsiyang pinagmulan.
“My name is Barbie Magaspac… at naniniwala po ako sa kasabihang… Multong bakla man sa inyong paningin, ako’y pusong pa-gurl pa din… Aaay Thenkyooow!”
Sa pagtatapos ng pagbigkas nito ay kumaway-kaway pa si Romy na animo’y kandidata nga sa beauty contest. Tuwang-tuwa naman si Diane na napapalakpak pa sa kakulitan ng kanilang katiwala.
“Ay ang taray! Hahaha… So Barbie pala… Ano’ng sinabi sayo ni Rabiya teh! May nanalo na!”
Aliw na aliw si Diane kay Romy at magaan agad ang loob niya sa dalaginding. Pakiramdam niya’y makakasundo niya ito ng husto. Ngayon na lang ulit siya nakatawa ng ganoon. Kahit papano ay natatabunan ng pansamantalang halakhak ang lungkot na dulot ng malamig na pakikitungo sa kanya ni Dennis.
“Kamusta naman kayo ng tito mo dito?” tanong ni Diane kay Romy na ipinagpatuloy na ang paghuhugas ng mga plato.
“Keri naman teh, mas nakakagalaw-galaw kesa sa barracks sa niyugan… Kaso minsan may mga nadidinig akong kalabog dito sa taas kaloka… Pero keber lang basta wag magpapakita.”
“Uy wag ka ngang ganyan Romy! Matatakutin ako sa multo!” bulalas ni Diane.
Noon pa ay may sabi-sabi na mayroon nga daw nakatira at nagpaparamdam na mga kaluluwa sa bahay na iyon. Palibhasa’y luma na at madalang pang mauwian kaya’t sinasabing pamamahayan ng mga elemento. Ngunit mabuti na lamang at wala namang nararamdaman si Diane na kakaiba kapag naroon sila.
“Hindi yan teh, basta naman nakasara third eye mo. Si tyong wala din naman nasesense… Ako lang ata talaga ang malakas ang feels sa mga espiritu. Kakabugin ko na nga si Ed Caluag hehe”
“Eh baka naman guni-guni mo lang yun Romy, hindi kaya?”
“Nako wish ko lang teh! Sabagay baka mga engkanto lang na nagnanasa sa puri ko. Char!”
Kasalukuyan nang inilalagay ni Romy ang mga hinugasan sa patuluan ng mga pinggan. Nang matapos ay naupo ito sa mesa upang ituloy ang pakikipagkwentuhan sa kanyang amo.
“Pero alam mo Te Diane… Dun sa bahay nila Boss Greg, dun talaga meron! Nakikita ko eh… babaeng nakaputi. Naiisip ko nga baka yun si–”
“Nako tama na nga yan Romy! Ayoko na ng mga ganyang katatakutan, tumataas balahibo ko sa mga pinagsasasabi mo!”
Hindi na nito nagawang ituloy ang sasabihin dahil sa pagsabat ni Diane. Ni ayaw na kasi niyang isipin na baka si Elsa ang nakikita ni Romy na nagpaparamdam sa bahay nila Greg.
Bukod sa takot siya sa mga multo at kwentong kababalaghan, marahil ay dala na din ng pagkakunsensiya sa kanyang pakikiapid sa mister nito. Upang mailihis ang usapan ay ibang bagay na lang ang kanyang inusisa.
“So Romy… may jowa ka ba?”
“Nako witchels nga Te Diane eh.”
“Weh? Maniwala?” panunuya nito sa kausap.
“Trulaloo nga! Puro chakaness ang boys here kaya wala akong matypepan.”
“Eh baka ang taas naman kasi ng standards mo?”
“Ay oo naman teh. Mga tipong Kuya Dennis. Char!” biro ni Romy at pabiro din siyang inirapan ni Diane.
“Ganon? As in wala kang inspirasyon? Kahit crush?”
“Wititit! Ay pero meron akong crush nung highschool. Yun ang havs na havs talaga, as in palong-palo!… Si Papa Billy… My ghad naaalala ko mamatay-matay ako non kapag may laro sya ng basketball, may I cheer talaga aketch!” ganadong kwento ng madaldal na bakla na tinatawanan na lang ni Diane.
“Kaso bigla na lang siyang nawala nung gumraduate na sila… sad… di na namin nabalitaan kung saan sya napunta eh…” pagpapatuloy nito kahit blangkong nakangiti lang sa kanya si Diane dahil di naman nito kilala ang kanyang ikinukwento.
“Tapos ayun last year… malaman-laman ba naman namin… na kaya pala nawala yung si Billy kasi–“
“BORROMEO!! Tapos ka na ba dyan?! Puro ka daldal… halika nga’t tumulong ka di-ne!” galit na hiyaw ng tiyuhin sa pamangkin.
“Andyan na ho Tyo Pa– ay… Uncle Paeng na nga lang… Andyan na po kel!” Pilyong ngumisi ito kay Diane at dali-dali nang pumanaog ng hagdan.
Maya-maya’y nadinig ni Diane na gising na si JR kaya’t pinuntahan na niya ito sa kwarto. Sa kanyang pamimintana habang karga ang anak ay tanaw niya ang mister na nakatingala sa bubong at abalang nagmamando sa magtiyuhin.
Hanggang sa mapadako ang kanyang paningin sa may gate at nagitla siya sa kanyang nakita.
May matandang lalaking nakatayo roon at nakamasid kay Dennis sa bakuran. Nakasuot ng kamisa tsinong maluwag ang lapat sa payat nitong pangangatawan at kita niya ang kulubot na balat nito sa payat na mga braso.
Nakasuot ito ng balanggot at natatakpan ng telang mask ang mukha ngunit mababakas ang hupak nitong mga pisngi.
Gayon na lang ang pagkagitla niya nang tumingala ito sa kanyang direksyon. Kitang-kita niya ang galit sa malalim nitong mga mata na nakatitig sa kanya at napahigpit na lang ang yakap niya sa anak dahil sa takot.
“Ha- Hon!” utal na pagtawag niya kay Dennis.
“Oh bakit?” sagot naman nito, nagtataka sa basag na boses ng misis.
Sa halip na sumagot ay napaturo na lang si Diane sa may gate dahil tila hindi makalabas ang mga salita mula sa kanyang lalamunan. Dahil sa takot ay di na siya makatingin sa gate habang nakaturo lang ang kanyang kamay sa direksyon niyon na nilingon naman ni Dennis.
“Ha? Bakit? Ano meron?” irita nitong tanong.
Saka lang nilingon muli ni Diane ang gate ngunit wala na doon ang matanda. Tinanaw pa niyang mabuti ang buong kahabaan ng harap ng lote ngunit hindi na niya ito makita.
“Ahh wala… akala ko may tao…”
Hindi mawari ni Diane kung ang kanya bang nakita ay tao, multo o guni-guni. Ngunit kahit wala na ang matanda ay parang umukit sa kanyang isip ang galit na titig nito sa kanilang mag-asawa na tila tumatagos.
————————-
“Wag na kayo sumama ha at baka matao don. Uuwi din ako ng maaga, dito ko maghahapunan.”
Kasalukuyang gumagayak si Dennis nang hapong iyon upang pumunta sa burol sa bahay ng isa nilang kaanak. Pumanaw kasi sa atake sa puso ang asawa ng kanyang tiyahin.
“Ok sige Hon, ingat ka. Basta wag ka masyado pagabi ha.” bilin ni Diane at umalis na nga si Dennis gamit ang lumang scrambler bike ng ama nito.
Habang wala si Dennis ay nilibang na lang ni Diane ang sarili sa pagwawalis-walis sa bakuran habang tuwang-tuwa naman si JR sa paghahagis ng patuka sa mga alagang manok ng mag-tiyo na palibot-libot sa kanilang bakuran. Nang makapanik ay nagluto na siya ng hapunan para maghahain na lang siya mamaya pagbalik ng mister.
Sa pagdilim ng paligid sa pagsapit ng gabi ay sumabay naman ang pagbuhos ng ulan. Nakagugulat ang malalakas na kulog na sumunod sa sandaling pagliwanag ng paligid dahil sa matatalim na kidlat na gumagapang sa kalangitan.
Ngunit alas siete na ay hindi pa rin umuuwi si Dennis at wala pa ding paramdam. Marahil ay nawili na sa inom at pusoy ang asawa, sa isip-isip ni Diane.
Inuna na niyang pakainin si JR at iginayak ang anak para matulog. Matapos ang kanyang mga gawain ay naligo na siyang muli at inabangan ang pag-uwi ng mister.
Sinipat niya ang sarili sa salamin. Pumaling-paling pa ito suot ang simpleng bestida na medyo hapit ang lapat sa baywang. Malambot ang tela niyon na tila dumudulas sa kanyang balat.
“Nakainom… baka magpapa-aswang naman…” at pilya siyang napangiti sa kanyang naiisip.
Balak niyang akitin ang asawa. Gaya ng sabi ng kanyang ina, mainam na magkaayos na sila habang nakabakasyon para sa kanilang pag-uwi sa Manila ay maayos na ang lahat.
Bukod noon birthday niya ay hindi na niya maalala kung kailan pa huling may nangyari sa kanilang mag-asawa. Kahit anong suyo at pang-aakit niya ay di tumatalab. Umaasa siyang ngayong iba ang ambiance sa probinsiya ay magagawa na niya itong tuksuhin para sa isang mainit na make up sex.
Minasdan niya sa salamin ang mababang neckline ng kanyang bestida at pilyang niyugyog pa ang katawan upang paalugin ang kanyang mga suso. Naglagay siya ng light na lipstick at nag-spray ng pabango sa kanyang leeg at pulsuhan.
Panay na ang lingon ni Diane sa grandfather clock sa may salas. Mag-a-alas otso na ngunit wala pa ding paramdam si Dennis. Kanina pa din niya tinatanaw ang kalsada sa tuwing may mapapadaang motor ngunit hindi pa din iyon ang mister.
Ilang messages na ang ipinadala niya ngunit di nito nababasa. Makailang ulit niya sinubukang tumawag ngunit hindi ito macontact. Mahina siguro ang signal sa bandang iyon lalo na at masama ang panahon.
Maya-maya’y humina na ang buhos ng ulan at bahagyang tumila. At doon na napagpasyahan ni Diane na puntahan na ang mister.
“Romy?… Romy…” tawag ni Diane habang marahang kumakatok sa pinto ng kwarto ng magtiyuhin sa ibaba.
“Oh teh bakit?” pupungas-ungas na tanong ng katiwala sa pagbukas nito ng pinto at halatang mukhang nagising. Sadya talagang mas maaga matulog ang mga nasa probinsiya.
“Nako pasensiya na ha… Ok lang ba kung pakisamahan mo lang muna si JR sa taas? Tulog naman na siya, bukas na magigising yon. Sundan ko lang ang Kuya Dennis mo… kanina pa ko nag-aalala eh.”
Bukod sa nagtataka siya kung bakit hindi pa nakakauwi si Dennis ay gusto rin talaga niyang makapagpakita man lang sa mga kaanak ng kanyang mister upang maiparating din ang kanyang pakikiramay.
“Ay sige ate, no problem…” at dumampot si Romy ng unan bago pumanhik sa taas.
Napatingala si Diane sa langit. Kahit makapal ang maitim na ulap na tila nagbabadyang muling bumuhos ang ulan anumang oras ay maaaninag ang liwanag na nagmumula sa buwang bilog na bilog. Tila isang nakakahindik na pangitain dahil nataong full moon pa ang bisperas ng Undas.
Agad nang sumakay si Diane sa oto at inistart ang makina. Ngunit sa di niya malamang dahilan ay hindi niya iyon mapaandar. Tiyak naman niyang nakakondisyon iyon bago sila bumiyahe. Kahit anong start niya ay panay ugong lamang iyon at walang redondo. Ilang subok pa at sinukuan na niya iyon.
Sa inis ay bumaba na si Diane at dumampot ng payong at kumuha ng flashlight sa glove compartment sa harapan. Lalakarin na lamang niya ang bahay ng kamag-anak tutal ay malapit-lapit lang naman iyon at lagpas lang ng bahagya sa bahay nila Greg.
Dinig niya ang alulong ng mga asong palaboy-laboy sa kalsada sa gabi na sabi ng matatanda’y nagbabadya ng kamatayan. Napalunok na lang si Diane habang palabas siya ng kanilang gate.
————————-
“Greg isagad mo na, para isahang sakit na lang please.”
Nanatiling nakapikit ng mariin si Elsa habang nakayakap sa kanya. May alinlangan man ay sinunod na lang niya ang pakiusap ng kasintahan.
“Sige, eto na ha…”
Iginiling-giling niya ang balakang habang nakasuksok ang dulo. Kumapit siya sa balikat ni Elsa saka siya muling kumadyot ng malakas. Sa pagkakataong ito ay mas madiin at mas malalim, at deretsong itinarak ang burat sa masikip na puke ng kanyang GF.
At tuluyang tumulo ang mga luha ni Elsa at bumaon ang mga kuko sa kanyang likod. Ngunit ang mga luhang iyon ay di lamang dala ng kirot kundi ng labis na kaligayahan dahil sila ni Greg ay naging isa.
“Ang sakit Greg! Sabi ko sayo pabawasan mo muna titi mo eh!” bulalas ni Elsa habang pinapahid niya ang mga luha nito.
“Hahaha, eh paano nga!” at nagkatawanan na lang silang dalawa.
Naiiling na lang si Greg sa pagtungga ng alak sa baso habang minamasdan ang nakaframe na larawan ni Elsa na nakapatong sa may estante. Kahit dalawang dekada na ang lumipas ay sariwa pa din sa kanyang alaala ang unang beses na may namagitan sa kanila noong sila’y magkasintahan pa lamang.
Mag-isang nag-iinom si Greg sa may salas. Wala ang mga anak na nakatuwaang matulog sa bahay ng kanilang tiyahin upang makipagkwentuhan ng mga nakakatakot sa mga pinsan na matagal ding hindi nakita ni Pam.
Malakas ang ulan sa labas na sinasabayan pa ng kulog at kidlat. Dinig ang bugso ng hanging humahampas sa mga salamin ng bintana. Bahagyang kumukurap ang nag-iisang bukas na ilaw sa may kusina dahil sa fluctuating na kuryente sa sama ng panahon.
Maya-maya’y nadinig niya ang paglangitngit ng pinto ng master’s bedroom sa itaas.
“Ma… Wag kang gan…