Pumasok na ang Disyembre. Mahigit tatlong linggo na mula nang umalis si Diane sa kanilang bahay kasama si JR. Mag-iisang buwan nang hindi nakakasama ni Dennis ang kanyang mag-ina sa bahay na iyon.
Noong gabing umuwi siya at nadatnang wala ang mga ito ay agad niyang tinawagan ang asawa. Ngunit gaya ng kanyang inaasahan, hindi iyon sinagot ni Diane. Makailang beses siyang tumawag at nag-message ngunit talagang walang tugon ang kabiyak.
Sa pag-aalala ay agad siyang napasugod sa bahay ng kanyang mga biyenan. Nakahinga ng maluwag nang makita ang kotse ni Diane na nakaparada sa tapat ng kanilang bahay.
Mula nang ikasal sila at magsama ay ngayon lang nangyari na biglaang umalis si Diane at umuwi sa mga magulang nito. Kaya naman ganoon na lang din ang hiya at pangamba ni Dennis sa sasabihin ng kanyang mga biyenan.
Nag-aalangan niyang pinindot ang door bell. Natanaw pa niya si Diane na sumilip mula sa bintana. Nagtama ang kanilang mga mata ngunit mabilis din itong umiwas at isinara ang kurtina.
Maya-maya ay lumabas ng gate ang ama ni Diane at siyang humarap sa kanya.
“Dennis… Pasensiya na ha at hindi kita maayang tumuloy…” bungad ng biyenan habang nakatuon ang isang kamay sa balikat ng manugang.
“Ayaw naming manghimasok ano… pero hayaan na muna natin si DJ. Alam mo naman ang mga babae… magpapahupa lang yon…”
Bilang respeto kila Diane at Dennis ay hindi nag-usisa ang mag-asawa. May pagtataka man sila kung ano ang pinagdadaanan ng anak at ng mister nito ay minabuti nilang pigilan ang mga sarili na magtanong. Ngunit nakahandang magbigay ng gabay at payo sakaling magkwento ang mga ito.
Napabuntong-hininga si Dennis, bagsak ang mga balikat habang tumatango sa sinasabi ng ama ni Diane.
“Sige Pa.” maigsing tugon nito. Hindi rin tiyak kung ano ang dapat isagot o sabihin sa kanyang biyenan.
“Lahat ng mag-asawa dumadaan talaga sa pagsubok, anak. Kung ano man ‘yang hindi ninyo pagkakaunawaan, alam naming maaayos niyo din ‘yan para kay JR.”
“Haaay… sana nga po, Pa. Ayoko ding tumagal ‘tong problema namin ni Diane.”
Dismayadong umalis si Dennis nang gabing iyon. Umasa siyang maisasama din niya pauwi ang kanyang mag-ina ngunit ni hindi man lang niya nagawang malapitan o makausap ang mga ito. Tanging ang aso lang nila ang kanyang nasundo pauwi.
Sa unang pagkakataon ay mag-isa lang siyang natulog sa bahay na iyon. Tahimik na tahimik. Hindi niya nadidinig ang bungisngis ng kanyang anak. Hindi nauulinigan ang malamyos na tinig ng kanyang asawa.
May mga pagkakataong pinagtitiyagaan na lamang niyang kausapin ang kanilang aso. Gaya nang dumaan ang Bagyong Ulysses. Habang bumabayo ang malakas na hangin at ulan at nagpapagpagan ang mga yero sa labas at nawalan pa ng kuryente, tanging aso ang kasama niya sa loob ng madilim na bahay.
Sa mga sumunod na araw ay makailang ulit na sinubukan ni Dennis na tawagan at puntahan si Diane ngunit tila hindi pa rin ito handa na makipag-usap. Sadyang mahirap isantabi ng pusong nasaktan ang galit sa minamahal maging ang galit sa sarili para sa mga salang nagawa.
Ang mga araw ay naging mga linggo. Kaysa tuluyang balutin ng depresyon ay itinuon na lang ni Dennis ang pansin sa kanyang negosyo. Isinubsob niya ang sarili sa trabaho at kadalasan ay gabi na siya umuuwi para na lamang matulog.
Pilit niyang inilihis ang atensyon sa kanyang mga nararamdaman. Galit, panghihinayang, sakit, pagsisisi, at higit sa lahat, pangungulila.
Gustuhin man niyang magpaliwanag sa text ay pinigilan niya ang sarili dahil mas gusto niyang magkausap sila ng personal. Kadalasan ay puro pangangamusta at pag-aayang umuwi para mag-usap ang mga ipinapadala niyang mensahe.
Hon nakita ko post ni mama, bagay sayo gupit mo ah. Tara na uwi na kayo. Miss na miss ko na kayo ni JR
Nababasa naman ni Diane ang kanyang messages. Minsan ay nabubuksan kaagad, minsan ay inaabot ng maghapon o kinabukasan bago mabasa. Ngunit wala siyang natanggap ni isang sagot.
Gayon pa man ay hindi naman nagbago ang pakikitungo sa kanya ng kanyang mga biyenan. Kaya’t sa palagay ni Dennis ay hindi nagkwento si Diane sa mga magulang tungkol sa mga detalye ng kanilang pag-aaway.
Minsan ay tinatawagan pa siya ng mga ito upang kamustahin. Dahil din sa kanila ay nakakavideo call niya ang kanyang anak. May ilang pagkakataon pa na kapag umaalis si Diane ay tinitimbrehan siya ng mga ito upang kahit saglit ay madalaw at makasama niya si JR.
Naideliver na kanina ng courier ang Christmas portrait at greeting cards nilang mag-anak. Di napigilan ni Dennis na maluha habang isa-isang tinitignan ang mga kuhang nakaimprenta.
Larawan ng isang masayang pamilya. Sino ang mag-aakala na sa likod ng matatamis na ngiti nilang mag-asawa ay kapwa sila may itinatago palang lihim sa isa’t isa. Mga lihim na nabunyag na.
Napalinga si Dennis sa paligid. Kay gandang pagmasdan ng makukulay na palamuting pampasko na nakaderokasyon sa labas at loob ng kanilang tahanan. Tahanang wala namang laman.
Isinabit niya ang portrait sa dingding at nagpatay na ng mga ilaw sa ibaba. Pumanik na siya sa kwarto. Isang gabi na namang matutulog siyang nag-iisa.
Wala siyang nagustuhang panooring palabas kaya’t nagpatugtog na lang ulit si Dennis ng random na mga kanta sa kanyang laptop. Nitong mga nakaraang araw ay nakakahiligan niyang making sa malulungkot na awitin dahil sadyang nakaka-relate siya sa mensahe ng mga iyon.
Muli niyang kinuha ang engagement ring na nakita niya sa jewelry box ni Diane. Naupo sa gilid ng kama at napasapo ang isang kamay sa kanyang ulo habang tinitignan iyon.
“Hon… ano na’ng nangyari sa’tin?” malungkot niyang sambit habang minamasdan ang singsing.
Aminado siyang naroon pa rin ang matinding sakit ng pagtataksil ni Diane at ni Greg sa kanya. At alam niyang labis pa ding nasasaktan si Diane sa nalaman nito tungkol sa kanila ni Pam. Sinamahan pa ng matinding sumabatan nilang mag-asawa.
Matindi man ang kanyang pagsisisi at panghihinayang ay huli na para doon. Dahil nagkasakitan na silang dalawa. At sa puntong ito, hindi na talaga alam ni Dennis kung paano maaayos ang problema. O kung maaayos pa nga ba.
Dinampot niya ang kanyang telepono at nagbukas ng mga folder. Matagal na niyang nabura ang lahat ng mga litrato ni Pam doon maging ang mga luma nilang pag-uusap. Pinagsisisihan na niya ng lubos, hindi na nakaligtaan niyang burahin ang mga iyon, kundi na naging marupok siya at hinayaang may mamagitan sa kanila ng inaanak.
Hinanap ni Dennis ang video na pinagmulan ng lahat. Ang videong kuha sa kanilang sala noong nakaraang taon. Ang video ng dare na pinag-ugatan ng pagkadarang ng kanyang asawa na nagtulak dito para pagtaksilan siya.
Pinanood niya ang video. Muli niyang namasdan si Diane na nagkakandaliyad habang kinakain ni
Greg sa kanilang sofa. Kung paano maglikot ang katawan nito habang salitang nilalamas ng kumpare ang kanyang mga suso at nilalapirot ang mga utong. Kung paano umigtad at mapaangat ang balakang nito sa paghimod ng kanilang kumpare.
Ngunit di gaya dati na nabubuhay ng husto ang kanyang dugo sa tuwing mapapanood iyon, ngayon ay parang wala na siyang maramdaman. Para siyang estatwang nakamasid na lamang sa kanyang telepono. Hindi pa nagtatagal ang palabas ay itinigil na din niya iyon. At binura.
Empty the Trash? 1 item will be permanently deleted.
Saglit siyang natigilan sa huling warning sa kanyang telepono at sa dalawang pamimilian. Kung kanyang ika-cancel o kung tuluyan na ba talaga niyang buburahin ang alaala ng katuparan ng matagal na niyang pinantasya.
Buo ang loob niyang pinindot ang ‘Empty Trash’.
Wala na. Burado na ang alaalang iyon. Kung pwede nga lang sana niyang burahin din ang lahat ng mapapait na pangyayaring doon nag-ugat.
Napalingon siya sa laptop nang madinig ang pagtugtog ng Hard to Say I’m Sorry ng bandang Chicago. Humiga siya sa kama at napasabay sa kanta habang muling tinitignan ang singsing. Bawat katagang sinasambit ay tila nakalapat sa nararamdaman niya sa mga sandaling iyon.
Muli niyang inabot ang telepono, hinanap ang link sa lyric video at isinend iyon kay Diane. Saka siya muling nagmessage sa asawa.
Let’s talk. Please.
————————-
Malungkot na napalingon si Diane kay JR na katabi niya sa kama habang abalang naglalaro. Walang…