AGUINALDO (44) | Pasko – The FINALE

Sa ating buhay, may mga bagay na tayo ang nagpapasya. Kung ano pa man ang kahihinatnan ng mga desisyong iyon ay kailangan nating harapin at tanggapin.

At may mga pangyayari din na minsan ay tila hindi tayo ang may hawak. Kundi sadyang iyon ang nakatakda at nakatadhana.

“Greg! Halika na… kain na tayo…”

Napatingin si Diane sa orasan. Malapit nang mag-alas dose. Abala siyang naghahain sa lamesa ng mga putaheng inihanda. Sinindihan din ang mga kandilang napapalibutan ng mga palamuting pampasko.

Sa kanyang pagiging abala ay natigilan siya sa paglilikot ng sanggol sa kanyang sinapupunan. Napangiti si Diane at hinimas ang kanyang tiyan.

“Merry Christmas din sa’yo, anak.”

————————-

2020

Kakaiba ang selebrasyon ng Pasko dahil sa pandemya. Hindi makapamasko ang mga bata sa kanilang mga ninong at ninang. Sa telebisyon o internet lang nakapag-Misa de Gallo ang karamihan.

Iniwasan muna ang mga pagtitipon. Sa online virtual reunions muna nakuntento ang magkakamag-anak at magkakaibigan. Kailangan ng ganoong mga pagbabago sa nakasanayan upang masiguro ang kaligtasan ng lahat.

Maging sa Pamilya Aguinaldo ay ibang-iba ang Paskong iyon. Hindi bunsod ng pandemya, kundi dahil sa paghihiwalay ng mag-asawang Diane at Dennis.

Lolo at lola ang kasama sa Noche Buena ng mag-inang Diane at JR sa halip na ang kanilang padre de pamilya. Dahil nag-iisa ay itinulog na lamang ni Dennis ang gabing iyon na para bang isang pangkaraniwang araw lamang.

Kinaumagahan, maagang pumunta si Dennis kila Diane upang dalawin si JR. Gusto nga sana niyang hiramin ang anak upang makasama niya maghapon sa araw ng Pasko ngunit babyahe pa siya pauwi ng Batangas.

Pinakiharapan naman siya ni Diane ng maayos. Kahit sa loob nito’y hindi maiwasang mabalisa na isiping muling magkikita sila Dennis at Pam doon.

Inanyayahan naman sila ni Dennis upang makita din si JR ng mga tiyahin at pinsan nito ngunit nagpasya si Diane na hindi na lang sila sumamang mag-ina.

“Tuloy na po ako… Merry Christmas po ulit…” paalam ni Dennis sa mga magulang ni Diane.

“Hey bud… Alis na si daddy ha… Dalan na lang kita ng pasalubong pagbalik ko…” at humalik na siya sa kanyang junior na abala sa bago nitong laruan.

“Ingat ka, Dennis… Uhmm… Pagbalik mo, mag-usap tayo ulit ha?”

Tumango lamang si Dennis kay Diane bilang tugon at tuluyan na itong umalis.

————————-

2021

Magkakasamang sinalubong ng mag-anak ang pagpasok ng bagong taon. Ilang araw na din mula nang sunduin ni Dennis ang mag-ina. Alang-alang kay JR ay nagkasundo ang mag-asawa na susubukan nila ulit.

Ibinabalik ni Dennis kay Diane ang kanyang wedding ring ngunit tumanggi ito. Hindi naman sa pagsusuot ng singsing nakikita ang pagiging mag-asawa, aniya. Saka na lamang daw kapag sigurado na silang makakabuti nga para sa kanilang pamilya ang kanilang pasya na magkasundo.

I was wrong when I hurt you
But did you have to hurt me too?
Did you think revenge would make it better?
I don’t care about the past
I just want our love to last
There’s a way to bring us back together

I must forgive you (I must forgive you)
You must forgive me too (We’ve got to try)
If we wanna try to put things back the way they used to be
(Honey let’s start again)
‘Cause there’s no sense in going over and over
The same things as before
So let’s not bring the past back anymore
(No looking back, we can’t look back)
(Honey let’s start again)

Gaya ng sa awiting ‘The Past’ nila Ray Parker at Natalie Cole, sinikap nila Dennis at Diane na kalimutan na ang mga nangyari, magkapatawaran, at magsimulang muli. Madaling bigkasin ang liriko ng kanta, ngunit sa totoong buhay, sadyang mahirap gawin at mapanindigan.

Nagbalik man ang mag-ina sa kanilang bahay, ngunit may mga bagay talaga na sadyang mahirap nang ibalik sa dati. At may mga bagay na mahirap kalimutan ng mga pusong hindi pa lubusang naghihilom.

Sa tuwing sasagi sa isip ang mga alaala ay muling nauungkat ang masasakit na pangyayari. Iniiwasan nilang mag-away ngunit ramdam ang panlalamig. Palaging tila may tensyon sa kanilang tahanan.

May mga pagkakataon na sa kalagitnaan ng kanilang pagtatalik ay may masasabi ang isa na dadamdamin ng kabila. Maiiyak si Diane. Iinit ang ulo ni Dennis. Ang senswal na mga tagpo ay tuwina na lang nauuwi sa pagtatalo.

Dumaan ang kanilang wedding anniversary na ni hindi man lang nila ipinagdiwang. Mas pinili nilang ituring na lamang iyon na pangkaraniwang araw kaysa muli na namang pag-ugatan ng pagtatalo at sumbatan ang mga masasamang alaalang nakadikit sa espesyal na okasyong iyon.

Kahit sinisikap ng mag-asawa na mag-work muli ang kanilang pagsasama ay sadyang mahirap kapag iyon ay nagkalamat na.

“Sigurado kayo Hon, ayaw niyo sumama?”

“Hindi na. Masasaktan lang ako sa makikita ko. Saka baka makaistorbo pa kami sa inyo ni Pam do’n. Ikaw na lang.” maktol ni Diane habang pinagmamasdan si Dennis na nag-aapurang gumayak.

“Diane naman! Hindi naman si Pam ang rason kaya uuwi ako!… Si Greg!” angil nito sa asawa.

“Halika sumama ka! Hindi ba inaaya kita, ikaw ‘tong may ayaw? Para ka namang bata eh!”

Sa halip na tumugon ay umikot lamang ang mata ni Diane sa pag-irap na lalong ikinainis ni Dennis. Pinipilit niyang lawakan ang pang-unawa kay Diane ngunit may mga pagkakataon na nauubusan na din siya ng pasensiya sa asawa.

“Ang aga-aga pinapainit mo ulo ko! Arghh! Makaalis na nga!”

Padabog nitong hinablot ang kanyang telepono at binaldog ang pinto ng silid sa kanyang paglabas. Napaiyak na lang si Diane. Pinipilit niyang ibalik ng buo ang kanyang tiwala kay Dennis ngunit hindi niya talaga magawa.

Pagbalik ni Dennis ng Manila kinagabihan ay hindi na niya nadatnan sa bahay ang mag-ina. Wala pati ang mga gamit ng mga ito.

Doon na nagwala si Dennis at nagbasag pa ng mga kagamitan dahil sa pagkadismaya. Wala na. Suko na siya. Ayaw na din niyang sundan pa si Diane upang suyuin.

Marahil nga ay tama ang sinasabi nito na hindi na talaga babalik ang lahat sa dati. Naroon pa ang pagmamahal ngunit sadyang nanlamig na. At kung ipipilit pa nilang magkabalikan, baka lalo lamang silang maging miserable. Lalong kawawa lamang ang kanilang anak.

Sa kanilang pag-uusap sa sumunod na mga araw ay tuluyan na nilang tinuldukan ang kanilang relasyon. At noong taong iyon ay napagkasunduan nilang mag-file ng Petition for Annulment.

Makahanap man si Dennis ng bagong makakasama sa buhay ay wala naman na siyang balak magpakasal pang muli ngunit gusto niyang ibigay kay Diane ang lubos na kalayaan nito. Kung hindi na ito magiging masaya sa piling niya, ayaw niyang ipagkait dito ang pag-asang makahanap ng bagong pag-ibig.

Isang napakahirap na desisyon na ipawalang-bisa ang kanilang kasal. Ngunit napagtanto nilang iyon ang praktikal na gawin. Nagkasundo silang sisikapin na lamang maging magkaibigan pa din at mabuting mga magulang kay JR.

Mas mabuti nang magkahiwalay sila nang magkaibigan. Kaysa ipagpatuloy pa ang kanilang pagsasama ngunit parang kaaway naman kung ituring ang isa’t isa.

Sa pagkakaroon na ng bakuna sa COVID ay nagpasya si Diane na magbalik na sa kanyang propesyon bilang nurse. Si Dennis naman ay inilaan na lang ang oras sa pagtutok sa kanyang lumalagong negosyo.

May kasunduan ang dalawa na kahit nasa korte pa ang kanilang petisyon ay pinapayagan na nila ang isa’t isa na magkaroon ng ugnayan sa iba. Baka sa ganoong paraan ay mas madali silang hihilom mula sa kanilang failed marriage.

Sa paglipas ng mga buwan, ilang babae na din ang nagdaan kay Dennis. Ngunit wala na atang makakapukaw ng kanyang pansin at magpapatibok sa kanyang puso na katulad ni Diane. Kahit nga natatanggap na niya ang kanilang paghihiwalay ay pirming suot pa din niya ang kanyang wedding ring.

Ika-24 ng Disyembre, alas-siete ng gabi. Dumalaw si Dennis sa bahay nila Diane upang makita ang anak at magdala ng mga regalo. Ganoon na lang ang pagkabigla niya nang may madatnan doong bisita ni Diane.

“Ahhh… Doc Eric… si… si Dennis nga pala… daddy ni JR. Uhmm… Dennis… si Doc Eric… kasamahan ko sa work.” naiilang na pagpapakilala ni Diane sa dalawang lalaki.

“Ikaw talaga Diane… Eric na lang sabi eh.” sambit nito kay Diane saka pumaling kay Dennis.

“Eric, pare.”

Iniabot ng doktor ang kamay nito sa kanya at tinanggap naman iyon ni Dennis. Tumango siya at nakipagkamay dito.

Dumeretso si Dennis sa dining kung saan naroon si JR kasama ang lolo nito habang abalang nagluluto naman ang kanyang lola at kanilang kasambahay. Humalik siya sa anak at tinabihan ang papa ni Diane.

Napakunot ang kanyang noo habang pinagmamasdan si JR na abalang naglalaro ng doctor playset. Ngayon lamang nya iyon nakita na nilalaro ng anak kaya’t malamang ay galing iyon sa bisita ng mommy nito.

“Boyfriend ho niya?” pasimpleng bulong ni Dennis sa papa ni Diane.

“Nako hinde. Manliligaw pa lang. Sa’yo pa din kami boto.” at napangiti si Dennis sa nadinig.

Nakatalikod ang dalawa sa sala sa pagkakaupo nila sa hapag-kainan at natatakpan sila ng divider. Humiwa si Dennis sa cake na nasa lamesa at mineryenda iyon habang pabulong na nakikipagkwentuhan.

Nalaman niyang matanda ng limang taon kay Diane ang doktor, walang asawa ngunit may isang anak sa pagkabinata. Nursing ang pre-med na kurso nito kaya’t magkasundo sila ni Diane.

Ipinagtapat daw agad ni Diane dito ang kanyang estado nang magpahayag na nais nitong manligaw at tanggap naman daw nito maging si JR. Pangalawang beses pa lang daw itong nakakadalaw sa kanila pero lumalabas-labas ang kanilang anak kasama ang doktor.

Kahit malinaw ang kanilang usapan na malaya na silang makipagrelasyon sa iba ay may kurot pa din sa puso ni Dennis ang mga nalaman. Mukhang tuluyan nang nakapag-move on si Diane.

“Ma, Pa, alis na daw po si Doc— uhmm… si Eric.” tawag ni Diane mula sa sala.

“Aalis ka na agad, hijo? Oh dalhin mo ‘to. Salamat ulit sa cake ha.” at iniabot ng mama ni Diane ang isang paper bag ng ipinagbalot na handa.

Nasamid si Dennis nang malamang dala pala ng manliligaw ni Diane ang cake na kanyang kinakain. Bumubungisngis ang papa ni Diane nang abutan siya nito ng baso ng tubig habang tinatapik ang kanyang likod.

“Ang dami po nito ah, salamat Tita… Tito, tuloy na po ako at du-duty pa ‘ko…”

“Tito? Pamangkin niyo?” sarkastikong bulong ni Dennis kahit nauubo pa sa pagkakasamid.

Pigil na pigil ang tawa ng papa ni Diane na kumaway na lamang sa bisita.

“Bye JR… enjoy your new toy ha… Dennis, nice meeting you pre…”

Nag-angat na lang din ng kamay si Dennis sa pamamaalam ng doktor.

“Merry Christmas po… Merry Christmas sa’yo… Diane.” paalam nito at akmang hahalik sa pisngi ng nililigawan.

“Ahh… halika na… hatid na kita sa labas…” iwas naman ni Diane at inihatid na niya ang manliligaw palabas ng kanilang gate.

Pagkaalis ng bisita ay lumipat ang dating mag-biyenan sa sala upang doon ipagpatuloy ang kanilang kwentuhan. Dumeretso naman si Diane sa kusina upang tumulong sa pagluluto.

“JR oh… open mo na ‘tong gift ni daddy… wag na ‘yang nilalaro mo, pangit naman ‘yan.”

Pabirong ang hirit ni Dennis ngunit halatang may laman. Iniabot niya ang malaking kahon sa anak at inilagay na lang sa ilalim ng Christmas tree ang iba pang mga regalo. Sabik na pinunit ni JR ang palarang nakabalot sa kahon.

“Cool!! Daddy, open!”

Nang makita ang lamang remote control car ay agad na tumayo ang paslit at iniwan na ang laruang bigay ng doktor. Tuwang-tuwang napatakbo sa kanyang daddy upang magpatulong kung paano iyon paganahin.

Parang naantig naman si Diane habang minamasdan ang mag-ama. Batid niyang magkaroon man siya ng ibang makakasama at makakatuwang sa buhay ay walang kahit sinong makakapantay kay Dennis bilang father figure sa kanyang anak.

Wala pang isang oras ang nakalipas ay tumayo na din si Dennis at nagpaalam.

“Pa, tuloy na din ako. Idinaan ko lang talaga yung mga regalo.”

“Ang aga pa, uuwi ka na?” pagtataka ng mama ni Diane

“Didiretso kasi ‘ko ng Batangas, Ma. Kaya naman sigurong umabot ako do’n ng alas dose.”

“Ah gano’on ba. Oh teka lang, ipagbabalot kita. Padalhan ko din mga ate mo…”

Maya-maya’y lumapit sa salas si Diane mula sa kusina habang nagpupunas ng mga basang kamay sa kitchen towel.

“Hmm… Ba’t hindi ka na lang dito mag-Noche Buena… Tapos bukas ka na lang umuwi ng Batangas… Kung gusto mo lang ha.” nakangiting paanyaya ni Diane sa ex-husband nito.

Nagkatinginan ang mama at papa ni Diane na masayang-masaya sa pag-anyaya ng kanilang anak kay Dennis. Noon pa kasi nila gustong imbitahin ito sa tuwing may okasyon ngunit lagi silang pinipigilan ng anak.

Kailangan na daw nilang masanay na wala si Dennis sa kanilang buhay. Kaya naman ganoon na lang ang kanilang galak na si Diane na mismo ang umaya kay Dennis na manatili.

Malugod naman itong nagpaunlak. Hindi katulad noong nakaraang taon na nag-iisa lamang siya, napakasaya niya na kahit nagkahiwalay na nga sila ni Diane ay muli niyang nakasama ang kanyang mag-ina sa Noche Buena.

————————-

2022

Nagpasya sila Dennis at Diane na ibenta na lang ang kanilang bahay at ilaan iyon sa pag-aaral ni JR. Mag-aapat na taong gulang na ito at papasok na sa Nursery na baitang sa taong iyon.

Gusto na din ni Dennis na tuluyan nang malimutan ang masasamang alaalang nakakabit sa bahay na iyon. Kasama ang kanilang aso ay umupa na lamang siya ng studio type apartment na malapit lang sa kanyang shop.

Patuloy na bumubuti ang pagkakaibigan nila Dennis at Diane. Umuusad pa din sa korte ang kanilang annulment. Ngunit kahit ang kanilang anak na lang ang nag-uugnay sa kanilang dalawa ay nanatiling maganda ang kanilang pakikitungo sa isa’t isa at maayos ang kanilang co-parenting kay JR.

Unconventional ang kanilang set-up ngunit sinisikap nilang maging tapat sa bata. Kahit mahirap talagang ipaliwanag kay JR ang mga bagay-bagay sa mura nitong edad.

“Mommy… hindi mo love si Daddy?” tanong ni JR mula sa likod ng kotse.

Napasulyap si Diane sa rear view mirror upang silipin ang anak. Linggo noon at on the way si Diane upang ihatid si JR sa apartment ni Dennis bago siya pumasok sa ospital.

“Why did you ask?” balik-tanong ni Diane.

“Iba house niya eh. Dapat same house tayo.” malungkot nitong tugon.

“Sweetheart… minsan… there are mommies and daddies na hindi sila together, they don’t live in one house, but they are good friends… like kami ni Daddy.”

Blankong nakatingin lang sa kanyang mommy sa salamin ang walang-muwang na paslit at napabuntong-hininga na lang si Diane sa kamusmusan pa ng anak.

“JR… maliit ka pa ‘nak eh, kaya hindi mo pa naiintindihan. One day, when you get older, ieexplain namin ni daddy sa’yo ha.”

Pinihit ni Diane ang manibela paliko sa kalye ng tinutuluyan ni Dennis. Natanaw na niya ito na nag-aabang sa gate ng apartment complex.

Pagkaparada niya sa tapat ay nilingon ni Diane ang anak at hinaplos ang pisngi nito.

“Basta tatandaan mo… Daddy and I… We both love you very much. Ok?”

Tumango si JR at dumukwang upang humalik sa pisngi ng kanyang mommy sakto sa pagbukas ni Dennis sa pinto ng sasakyan.

“Hey buddy!” bati ni Dennis sa kanyang junior.

“Daddy!”

Sabik na bumaba na ng kotse si JR na kinarga naman ng kanyang ama.

“Thanks Diane ha. Di ko na nasundo, tinanghali ako ng gising eh.”

“Ok lang ano ka ba, du-duty rin naman ako. Sige alis na ko ha… Bye JR!”

“Buhbye Mommy!” at sabay na kumaway ang mag-ama sa paglayo ng sasakyan ni Diane.

Hindi lingid kay Diane na mayroon nang girlfriend si Dennis. Minsan niya kasi itong nakita sa mall na may kasamang babae, sweet na sweet at magkahawak ng kamay.

Aminado siyang may kirot na makitang may bago nang minamahal ang dating mister. Ngunit kailangan niyang tanggapin iyon. Malinaw naman ang kanilang napagkasunduan na malaya na silang makipag-ugnayan sa iba.

Walang nababanggit si Dennis sa kanya tungkol sa pagkakaroon nito ng bagong girlfriend. Sabagay, wala naman itong obligasyon na ipaalam pa iyon sa kanya. May karapatan ito na maging masaya at alam niyang balang-araw siguro ay makakatagpo din siya ng bagong pag-ibig.

Abril, Sabado ng hapon, kaarawan ni Dennis. Naisipan nila Diane at JR na mag-bake ng cake at idinaan nila iyon sa apartment nito. Dahil wala naman siyang inaasahang bisita ay nagpadeliver na lang si Dennis ng pagkain at inanyayahan ang mag-ina na doon na lang maghapunan.

Kung noong nakaraang taon ay tanging si JR ang kanyang kasama sa bahay upang ipagdiwang ang kanyang kaarawan, masayang-masaya si Dennis na kahit magkaibigan na lamang sila ay nakasama din niya si Diane.

Lumalalim na ang gabi. Panay ang tawanan at kwentuhan ng dalawa habang nakasalampak sa carpet at umiinom. Di na napapansin ang paglipas ng oras dahil sa pag-eenjoy sa company ng isa’t isa.

“Nako Dennis gumagabi na… Sige na, uwi na kami…” sambit ni Diane matapos icheck ang oras sa kanyang telepono.

Nakakadalawang bote na sila ni Dennis. Inubos na ni Diane ang laman ng kanyang baso at inilapag na sa lamesita ang tangan na wine glass. Saka ito bumwelo upang tumayo na mula sa pagkakaupo sa sahig.

“Uuwi pa kayo eh nakainom ka… Mamaya makabangga ka pa, Letty Toretto. Mahimbing na tulog ni JR sa sofa oh… bukas na kayo umuwi.” pigil naman ni Dennis dito.

Patayo na si Diane upang gisingin si JR nang hablutin ni Dennis ang kanyang kamay at hatakin siya pabalik. Natigilan naman si Diane sa pag-ahon at napatumba sa ibabaw ni Dennis.

Nagkatapat ang kanilang mga mukha. Namumula ang mga pisngi ni Diane dahil sa nainom. Ngayon na lang sila muling nagkalapit ng ganoon. Ngayon na lang ulit namasdan ni Dennis ang kagandahan ni Diane ng malapitan.

Tinitigan ni Dennis ang namumungay na mga mata ng dating kabiyak, pababa sa ilong nito at dumapo ang kanyang tingin sa mapupula nitong labi. Hindi na niya napigilan ang sariling lumapit upang hagkan iyon.

Marahil bunga lamang ng kanilang nainom o dala din ng mga damdaming matagal nasabik sa isa’t isa, kusang nagpaubaya ang kanilang isip sa kanilang mga katawan. At agad namang gumanti ang mga labi ni Diane sa maalab na halik ni Dennis.

Mainit at puno ng pagkasabik. Tila pinupunan ang matagal na pangungulila sa isa’t isa.

Saglit silang nagkalas at habol-hiningang tinitigan ang mga mata ng bawat isa. Tingin na tila kapwa nagtatanong ngunit hindi na kailangan pa ng kasagutan.

Sa muling paghihinang ng kanilang mga labi ay tuluyan na silang nagpatangay sa agos. Kapwa natataranta habang nagtatanggal ng mga saplot. Magkahinang pa din ang mga labi habang humahakbang patungo sa kama ni Dennis.

Parang sinisilaban si Diane habang dinarama ang bawat haplos ni Dennis sa kanyang katawan. Ang bawat hagod ng mga kamay nito sa kanyang balat. Ang bawat galaw ng mga labi nitong muling naglalakbay sa kanyang kabuuan.

Bumaybay ang mga halik nito mula sa kanyang leeg. Pinagpala ang magkabila niyang suso at nilaro-laro ang kanyang tirik na mga utong. Ninamnam ni Dennis ng husto ang mga bundok na iyon na kay tagal din niyang inasam na matikmang muli.

Patuloy na gumapang ang mga halik ni Dennis pababa sa kanyang tiyan, patungo sa hiyas na naglalawa. Sabik na madiligan matapos ang napakatagal na pagkatigang.

Ramdam ni Dennis ang panginginig ng katawan ni Diane. Tila musika sa kanyang pandinig ang bawat ungol at halinghing nito. Kahit may kirot ay parang tropeyo ang bawat sabunot at kalmot nito sa kanya nang agad itong makaabot sa rurok ng sarap sa kanya pa lang pagromansa.

“Pasok mo, Dennis… God, miss na miss ko na makantot!”

Wala nang alinlangan si Diane sa mga salitang sinasambit habang hinahagod nito ng kamay ang tigas na tigas na burat ni Dennis. Mahigit isang taon na mula nang huli nilang pagniniig at walang ibang lalaking nagdaan sa kanyang buhay.

“Tangina namiss kita ng husto, Diane… miss na miss ko ‘tong puke mo!”

Kapwa nanginginig ang kanilang mga katawan sa libog at pagkasabik. Napasinghap si Diane nang itutok na ni Dennis ang kargada nito sa bungad ng kanyang pagkababae. Ramdam niya ang init at tigas ng tubong iyon na bumubundol sa kanyang laman. Panauhing kay tagal nang hindi dumalaw.

“Ahhh… Fuck me, Dennis! Pasok mo na…” pakiusap nito nang namumungay ang mga mata.

Sa biglang pag-ulos ni Dennis ay tumulo ang luha ni Diane sa di malirip na sarap. Kahit nahihilo mula sa nainom ay ramdam na ramdam niya ang hagod ng lamang iyon na kumakayod sa kanyang loob. Kinakamot ang kati ng pagkasabik at pinapawi ang kirot ng naipong libog.

Sa tagal na ay parang nanibago muli ang kanyang puke. Namumuwalan iyon at banat na banat sa paglabas-masok ng tarugo ni Dennis. Kahit basang-basa ang kanyang kweba ay may bahagyang kirot ng pagkabanat ng laman. Kirot na lalong nagpapatindi sa sarap na kanyang nararamdaman.

Ipinihit ni Dennis si Diane patuwad. Alam niyang paborito nito na iniiyot sa ganoong posisyon. Sa bawat hampas ng kanyang balakang na nagpapaalog sa matambok nitong puwet ay palakas ng palakas ang mga ungol nito. Maya-maya lang ay napapamura na ito sa sarap habang muling nilalabasan.

Mariing napalamukos si Diane sa kobre-kama at kumikintod-kintod ang balakang habang niraragasa ng orgasmo. Hapong-hapo itong napahandusay padapa sa kutson at muli siyang itinihaya ni Dennis saka pinatungan.

“Nakakadalawa ka na ha… Ang sarap mo Diane… tangina namiss kita…” sambit ni Dennis habang hinahalikan ang leeg at tainga nito.

Muling itinuloy ni Dennis ang pagkasta. Titig na titig siya sa mukha ni Diane na nangingiwi habang sagad-sagaran niya itong binabayo. Maging si Diane ay napatingala sa kanya at muling naglapat ang kanilang mga labi.

Sa muling pagsusugpong ng kanilang laman ay tila may damdaming muling nabuhay. Para bang hindi lamang mga katawan nila ang magkalapat, ngunit maging ang kanilang mga puso.

Malakas ang tunog ng kanilang salpukan. Pakiramdam ni Dennis ay mas sumikip si Diane, lawang-lawa din ang lagusan nito. Pati singit ni Diane at maging ang kanyang bayag ay basang-basa sa katas. Hindi maitanggi ang pagkasabik nito sa kantot.

Kusang sumasalubong ang balakang nito habang nakapulupot ang mga hita sa kanyang balakang. Panay ang halik ni Diane sa kanyang leeg at nilalapirot ang magkabila niyang utong habang pinipiga-piga ng laman nito ang kanyang burat sa loob.

“Puta malapit na’ko! Saan ko ipuputok?!”

“Sa loob! Safe ako ngayon, sa loob mo putok! Sige pa Den, malapit na din ako!”

Itinodo na ni Dennis ang pagbayo. Kayog na kayog at namumula na ang puke ni Diane sa sunod-sunod na madidiing ulos. Hanggang sa naramdaman niya ang lalong pagsikip ng lagusan nitong nakakapit sa kanyang laman at ang pagbalot doon ng mainit nitong katas.

Habang nangingisay si Diane sa kanyang ilalim at naninigas ang mga binti ay tuluyan na ding sumirit ang kanyang tamod. Ilang bugso iyong pumulandit sa kaibuturan ng sinapupunan nito. Kahit nakakatikim siya ng ibang babae ay wala pa ring kasing sarap ang pagniniig nilang dalawa ni Diane.

Hingal na hingal na bumagsak ang katawan ni Dennis at muling naglapat ang kanilang mga labing sabik sa isa’t isa. Kapwa mabilis ang tibok ng mga pusong matagal na nangulila.

“No Dennis, mali. Hindi ‘yon dapat nangyari.” sambit ni Diane habang nagbibihis ito.

Maagang nagising si Diane kinabukasan. Di na nila namalayang nakatulog na silang magkatabi at walang saplot matapos ang nangyari kagabi.

Gayon na lang ang kanyang pagsisisi. Kahit aminado siyang nasarapan siya sa nangyari at namiss din niya si Dennis, batid niyang mali iyon. Dahil mayroon itong nobya.

Hindi na lang kumibo si Dennis. Matagal na panahon ang lumipas bago bumuti ang pakikitungo nila ni Diane sa isa’t isa at ayaw niyang muli na naman iyong masira dahil sa nangyari.

Marahil nga ay nakapagmove-on na ito. Marahil nga ay pisikal lang kay Diane ang nangyari. Kahit na sa parte niya ay tila may damdaming muling nabuhay, hindi niya maaaring asahan na ganoon din ang nararamdaman ng dating asawa.

Nagbihis na din si Dennis. Ginising na ni Diane si JR upang magaalam sa daddy nito.

“Dennis kalimutan mo na lang yung nangyari ha… Mas ok na tayo ngayon na ganito.”

Tumango na lang si Dennis.

Ipinagtaka ni Diane nang hindi siya datnan ng buwanang dalaw. Inisip niyang baka delayed lamang iyon kaya’t naghintay pa siya ng ilan pang linggo ngunit wala pa din. Bukod pa roon ay may iba pa siyang mga pagbabagong nararamdaman sa kanyang katawan kaya naman nagpacheck-up na siya.

Doon niya nakumporma ang kanyang hinala. Positive. Nagdadalang-tao nga siya.

Agad niya iyong ipinaalam sa kanyang mga magulang. Ngunit taliwas sa payo ng mga ito ay hindi niya iyon sinabi kay Dennis.

Tuloy pa rin ang panunuyo ni Eric. Ngunit dumating sa punto na kinausap na ito ni Diane at ipinagtapat ang kany…