Aileen’s Garden Part 9

Aileen’s Garden Part 9

By Yes Man

Dahil hindi pa puwedeng magtrabaho ng mabibigat sina Jun at Naro dahil sa mga tinamo nilang sugat mula sa tama ng bala, tinuturuan muna ni Mang Pen ang dalawang lalake ng pagtatanim o pagpaparami ng kanilang mga binebentang halaman. Nakapagtapos talaga itong si Mang Pen ng Horticulture at Gardening Courses kaya alam niya talaga ang kanyang ginagawa. Hindi din kampante ang kalooban ni Mang Pen sa pamamalagi nina Jun at Naro sa nursery pero wala siyang magawa dahil ito ang kagustuhan ng kanilang boss na si Aileen. Meron bilin ang ama ni Aileen na kailangan ni Mang Pen na mag-report kung meron siyang makitang hindi magandang ginagawa itong sina Naro at Jun, pero makalipas ang ilang linggo ay wala naman siyang mai-report kay Mr. Santos.

Si Sonnette naman ay na kumbinse na din ni Aileen na magtrabaho na din sa ‘Aileen’s Garden’. Patuloy ang pagdami ng customers nila at talagang kailangan nila ang karagdagang tao sa opisina. Malaki ang maitutulong ni Sonnette sa kanilang sales, pati na rin sa administrative works.

Makalipas pa ang isang buwan ay nakakatulong na din sina Naro at Jun sa iba pang mabibigat na gawain sa nursery katulad ng pag-kakarga ng mga malalaking halaman sa kanilang delivery truck at paglilipat din ng mga halaman sa loob ng nursery. Pero hindi parin sila kasama sa mga delivery. Limitado nga ang paglabas ng dalawa sa compound ng nursery para narin sa kanilang kaligtasan. Kahit nasa ibang lugar na sila, mabuti pa rin iyong nag-iingat.

Nakasanayan na din nina Jun at Naro ang mga trabaho sa nursery at mukha namang palagay na ang loob nila dito. Pero pansin na hindi parin bumabalik ang natural na sigla nila sa katawan. Natural kasi na palabiro at makukulit ang mga ito pero sa ngayon ay halos hindi naririnigan na tumatawa ang dalawa, parang walang saya at sigla ang kanilang buhay.

Minsan nga ay ito ang naging paksa ng usapan ng magpipinsan ng minsan mag sleep-over sina Sonnette at Ivy sa bahay nina Aileen. Nag-iisip sila ng paraan para mabalik ang sigla sa katawan nina Naro at Jun. Nag-iisip din sila ng gagawin para hindi na muli magbalik sa pag-gamit ng droga ang dalawang lalake para maging tuloy-tuloy ang kanilang rehabilitasyon.

Nakikipag chat si Sonnette kay Gwen na nasa Singapore para makasali sa discussion at baka meron din maibigay na sushestiyon.

“hahaha loko talaga itong si Gwen” tawa ni Sonnette sa suggestion ni Gwen na pinadala sa kanyang message. “Gamitin daw natin ang ating mga katawan para malibang ang mga ito at hindi na maisipang mag-shabu, hahahaha.”

“hahahaha loko talaga yan si Gwen.” Tawa ni Ivy.

“mmmm, puede…… joke, joke, joke hahahaha” tawa naman ni Aileen. Tumatawa si Aileen sa labas pero ang totoo sa loob ay meron din siyang dinadamdam. Hangang ngayon kasi ay dama parin niya ang sakit ng pagkamatay ni Arnold. Siya man ay kailangan ng tulong para makapag move-on.

Kahit hindi naman magsabi si Aileen alam nina Sonnette at Ivy na nagdadalamhati parin ang kanilang pinsan, ayaw lang nito pahalata. Kaya nga palagi nila itong sinasamahan kapag weekend lumabas o kagay nito na sleep-over sa bahay nina Aileen para hindi ito mapag-isa.

“Ah alam ko na, aayain ko sila sa yoga class ko hihihi” idea ni Ivy.

“Huh, ano ka ba hindi magyo-yoga mga yun ano…” Sabi ni Sonnette.

“Bakit naman hindi, tanungin ko muna sila para malaman.” Pag depensa ni Ivy sa kanyang naisip na idea. “Saka maganda ang yoga, meron na physical exercise meron pang meditation.” Dagdag pa ng kolehiyala.

“Mmmm, mukha nga maganda idea yan.” Sabi naman ni Aileen. “Sige subukan mo sila ayain magyoga, kapag pumayag sila, sagot na ng kumpanya ang gastos. Lagay ko nalang ito sa expenses sa rehabilitation program nila o personnel medical welfare.

“Oh ano ka ngayon Sonnette hahaha” pang-aasar ni Ivy. “Eh ikaw ano ba ang idea mo?” Dagdag na tanong pa ni Ivy.

“Keep them busy lang para ma-ilayo ang isipan nila sa drug saka…… baka gamitin ko nalang din lang ang katawan ko hahahahaha” patawa ni Sonnette.

“hahahahaha” at masayang nagtawanan ang magpipinsan.

At ganun nga ang ginawa nagpipinsan. Kinausap nila sina Jun at Naro kung sa Yoga class at bukod pa dito Ini-enroll din sila sa gardening course magkaroon sila ng formal training sa paghahalaman. Mandatory ang attendance nila sa gardening course pero ang sa Yoga class naman ay kung gusto lang nila. Talagang sinasadya nina Aileen na kung maaari ay palagi busy and dalawang lalake para malayo ang attensiyon nila sa droga.

“Yoga, hindi ba pang babae yun?” Nag-aalala lang sabi pa ni Naro ng unang presinta sa kanila ang idea na ito.

“Hindi ah, meron din lalake nagyo-yoga” pagdepensa ni Ivy.

“Saka ayaw nyo yun makikita nyo kami naka yoga pants hihihi” biro ni Sonnette.

“Oo nga saka madami pang ibang chicks dun hihihi” dagdag pa ni Ivy.

“Ayun naman pala eh, sali na ako dyan hehehe” sagot naman ni Jun.

Madalas tahimik itong si Jun at Naro mula ng nangyaring pamamaril sa kanila pero sumasaya sila kapag kausap nila ang magpipinsan.

“Sige na nga sali nadin ako hehe” pagpayag na din ni Naro.

“E di ayos na, huwag kayo mag-alala sagot naman lahat ito ng kumpanya.” Sabi naman ni Aileen. “Si Sonette na ang mag-aayos ng schedule nyo sa gardening class, hindi kasi kayo puede sabay mawala para naman may katulong si Mang pen dito sa nursery. Si Ivy naman bahala sa yoga class nyo, Ok.”

At natuloy ng ang plano ng mag pipinsan para kina Juna at Naro. Salitan ng araw sa pag-attend ng gardening class sin Jun at Naro, samantala sumasama sila sa Yoga class kasama si Ivy. Paminsan minsan ay suma-sama din si Sonnette sa Yoga class.

Sa una ay nahihiya pa sina Jun at Naro sa kanilang yoga class. Kasi naman ay pinagtitinginan sila ng mga iba pang babaeng estudyante doon. Bukod sa sila lang ang mga lalake sa klase nila, parang ‘out of place’ pa talaga ang itsura nil…